Tambuling Batangas Publication September 19-25, 2018 Issue | Página 3
BALITA
September 19-25, 2018
Bagong Sico jail warden
ipagpapatuloy ang laban
sa droga sa kulungan
City Health Office (CHO) at ng Rural Health Unit 6 (RHO) sa covered court ng Pallocan West
Batangas...
drivers ay handa na rin.
Ang CEO ay may backhoe,
loader,powersaw, operators at iba
pang manpower.
Ayon kay City Social
Welfare
and
Development
Officer Mila Española, naka
preposition na ang mga pagkain
kagaya ng bigas, canned goods,
sabon, banig at iba pang mga
pangangailangan.
Ang City Health Office
(CHO) ay handa na sa mga gamot,
ambulance at may dalawang
teams na naka standby habang
ang Red Cross ay may dalawang
ambulances, trucks na pwedeng
gamitin para sa evacuees at isang
rescue boat.
Ang Bureau of Fire
Protection ay handa 24/7 habang
ang Philippine Coast Guard
ay may pwedeng i deploy na
response group kagaya ng divers,
mula sa pahina 1
medical team; may ambulance,
rubber at aluminium boats, at
K9 para sa security. Ang PNP
Maritime Group ay may rubber
boats, trained boat handlers at
nagsasagawa ng close monitoring
ng mga gustong magbiyaheng
banca.
Ang
Defense
and
Security Services ay handa upang
i secure ang mga city government
facilities at ang evacuation center.
Ayon naman sa Office
of the City Veterinary and
Agricultural Services , nabigyan
na nila ng babala sa bagyo ang
mga magsasaka at mangingisda
upang
makapaghanda
at
magbibigay ng tulong sa mga
maaapektuhan ng bagyo.
Sinabi naman ng Dep
Ed na pabubuksan nila ang mga
paaralang gagamitin bilang
evacuation
centers
habang
ang TDRO ay nakahanda sa
pangangasiwa ng trapiko.
Sinabi naman ng Meralco
na may naka assigned silang
personnel sa kanilang business
center na handang tumugon
sa anumang tawag hinggil sa
problema sa kuryente. Dahil
sa dami ng mga callers nila,
pwede silang ma contact sa
kanilang Meralco online para
sa mga kailangang tulong,
reklamo at iba pa.
Ayon kay de la Roca,
mayroong halos 4,000 evacuees
ang ililikas kung lalakas pa ang
bagyo sa lungsod.
Kung kinakailangan,
agad bubuuin ang Incident
Command
System
na
pamumunuan ng hep eng
Batangas
City
Police.
Magsisilbing operation center
ang CDRRMO sa Bolbok.
(PIO Batangas City)
BM Blanco: Pagkasira ng Ilog
Calumpang dapat nang Aksyunan
MARIING tinuligsa ni 5th
District Board Member Arthur
Blanco ang diumano’y patuloy
na pagkasira ng kalikasan,
partikular ang Ilog Calumpang
sa Lungsod ng Batangas na
ginagawa na nang daluyan ng
dumi ng baboy.
Sa kanyang malayang
oras ng pamamahayag sa
Sangguniang
Panlalawigan
noong September 10,2018,
binanggit ng bokal ang mga
nakakarating
sa
kanyang
reklamo kaugnay ng patuloy na
pagpapadaloy ng dumi ng mga
piggeries hindi lamang mula sa
Brgy. Gulod at Brgy.Tingga ng
Lungsod ng Batangas, kundi
pati na rin ng mga barangay ng
mga karatig-bayan ng San Jose,
Ibaan at Rosario. Sinasabi pa
raw na may mga nakakaabot
pang dumi sa Calumpang na
nagmula pa sa Lalawigan ng
Quezon.
Lubos na umanong
nakakabahala ang pagkasira
ng Ilog Calumpang, na tatlong
dekada lang ang nakalilipas
ay isa sa ipinagmamalaki ng
Batangas City sa taglay nitong
kalinisan at kagandahan.
Binigyang-diin
pa
ni BM Blanco na may mga
nakarating na sumbong sa
kanya na hindi ito maaksyunan
ng mga barangay captain sa
mga nasabing mga lugar dahil
sa takot na mawalan ng boto sa
eleksyon.
Hiniling niya ang
tulong ng mga kasamahang
board members sa usaping ito
na nangangailangan umano ng
agarang aksyon dahil matagal
na rin itong suliranin ng
Batangas City at mga karatig
bayan. Kailangan din umanong
magkaroon ng pagpupulong
kasama
ang
Philippine
National Police, Department
of Environment and Natural
Resources, CENRO at Tanggol
Kalikasan upang matuldukan
ang naturang problema.
Sa mungkahi na rin
ni BM Blanco, ang usapin
sa Calumpang River ay
napapunta sa Committee on
Enviromental Protection na
hinahawakan ni 2nd District
Board Member Wilson Rivera.
– Jhun Magnaye – Batangas
Capitol PIO
BATANGAS CITY- Sinabi ng
bagong warden ng San Jose Sico
Jail sa katauhan ni Jail Chief
Inspector Neil Felipe Ramo na
nagsimulang umupo noong Sep-
tember 14, na ipagpapatuloy niya
ang mga magandang nagawa ng
kanyang pinalitang jail warden
kasame na dito ang pananatiling
drug-free ng nasabing kulungan.
Si Ramo, 43, ay tubong
Bohol at isang registered nurse,
subalit dinala ng kaparalaran sa
pagiging jail warden. Siya ay na-
nilbihan bilang warden ng isang
buwan sa Calamba City at tatlong
taon naman sa San Pedro, Laguna.
Ayon sa kanya, ang San
Jose Sico Jail ang isa sa maayos
at maluwag na kulungan na na-
kita niya sa buong region. Pinuri
niya ang kalinisan at pagiging
organisado ng sistema sa Batangas
City. Aniya, wala siyang masasabi
sa administrasyon ng kanyang
pinalitan na si J/Supt. Lorenzo
Reyes, bagkos ay ipagpapatuloy
niya ang mga magagangandang
programa ng dating jail warden.
Kabilang dito ang pan-
anatiling drug-free ng kulungan
sa pamamagitan ng pagiging
mahigpit sa mga bibisita upang
maiwasang makapasok sa loob ng
selda ang ipinagbabawal na droga
at mga kontrabando. Bibigyan
din niya ng pansin ang kalusugan
ng mga preso sa pamamagitan
ng regularl check up, random
drug testing at TB mass screen-
ing. Importante din sa kanya ang
pagpapalawig ng livelihood pro-
gram upang may pagkakitaan ang
mga preso hanggang sa kanilang
paglabas sa kulungan. Isa pang
ipagpapatuloy ang edukasyon ng
mga nais mag-aral sa ilalim ng Al-
ternative Learning System (ALS).
Ilan sa mga problemang
sisikaping matugunan ni Ramo
ang kakulangan sa personnel,
kawalan ng generator set at emer-
gency lights na mahalaga kung
may brown out at ang mahinang
supply ng tubig.
Nag courtesy call si
Ramo kay Mayor Beverley Rose
Dimacuha kahapon, September
17. (PIO Batangas City)
Revised na HIMNO
NG BATANGAN,
Ipinarinig sa Kapitolyo
ISA ang pag-awit ng Himno ng
Batangan sa sumasagisag ng
pagkakakilanlan ng Lalawigan
ng Batangas. Kasabay sa
pagpupugay sa bandila ng
Pilipinas, na pinangunahan ng
Provincial Tourism and Cultural
Affairs Office, noong ika-10 ng
Setyembre 2018, ipinamalas
sa harapan ng mga kawani ng
Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas ang revised version ng
nasabing Himno.
Ang binagong bersyon
ng Batangan Hymn ay binuo ni
G. Oscar Manalo, Sr. Pumanaw
na si G. Manalo, subalit nagawa
naman ng PTCAO na humingi ng
pahintulot mula sa kanya upang
magamit ang lirikong likha nito.
Hangad na gawing
mas kanais-nais at updated
ang Himno ng Batangan. Kung
kaya ang PTCAO ay humiling
sa Music and Literature Sectors
ng Batangas Culture and Arts
Council (BCAC) na makalikha ng
lyrics na nabuo sa pagtutulungan
at pagsisikap nina Ms. Cecile
Tusing, Mr. Reynaldo De Mesa,
Mr. Alfred Solis III at Ms. Cherry
Ann Datinguinoo.
Inanyayahan
naman
ng Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas ang University of
Batangas Chorale, sa ilalim ng
kanilang Choir Master na si Mr.
Eric Kalaw, upang kantahin ng
may pagmamalaki at kagalakan
ang revised version ng Batangan
Hymn, na unang narinig sa
flag ceremony noong ika-10 ng
Setyembre. ✎ Louise Mangilin,
Batangas Capitol PIO
Livelihood Assistance
Ipinamahagi ng Batangas Capitol
IPINAMAHAGI
ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng Batangas ang mga tulong
puhunan sa mga kuwalipikadong
indibidwal at kooperatiba mula sa
iba’t-ibang distrito ng Batangas
na inaasahang makakatulong sa
kanilang kabuhayan sa Bulwagang
Batangan, Capitol Compound,
Batangas City noong ika-7 ng
Setyembre 2018.
Sa
pangunguna
ng
Provincial
Cooperative,
Livelihood
and
Enterprise
Development Office (PCLEDO),
na pinangungunahan ni Gng. Celia
L. Atienza, katuwang si 5th District
Board Member Arthur Blanco,
ipinagkaloob ang P500,000 sa
Bucal Multi-Purpose Cooperative
ng Lungsod ng Batangas at 14 na
mga Batangueno mula sa iba’t
ibang bayan ng lalawigan kaugnay
ng kanilang individual livelihood
program.
Ang PCLEDO ay isang
tanggapan
ng
pamahalaang
panlalawigan na may layuning
maisulong ang kooperatiba upang
manguna sa pagpapakilos ng
komunidad tungo sa sama-samang
pagkilos, pagbabagong panlipunan
at pagpapalakas ng ekonomiya.
Samantala, sa patuloy
na pagdami ng mga interesadong
indibidwal na kapos sa puhunan,
inaasahang magiging tuloy-tuloy
ang pagtulong ng pamahalaan
sa
mga
Batangueñong
mamumuhunan, sang-ayon na rin
sa mandato ni Batangas Gov. Dodo
Mandanas. ✎ Louise Mangilin,
Batangas Capitol PIO