Tambuling Batangas Publication September 19-25, 2018 Issue | Page 2
BALITA
Batangas City Development Council (CDC) sa Full Council Meeting
Batangueña na Kinoronahan bilang
Miss Tourism World Philippines
2018, Binigyang Pagkilala
BILANG
pagkilala
sa
karangalang inihatid sa Lalawigan
ng Batangas, ginawaran ng
Certificate of Recognition si
Kathleen Tagle Gomez mula
sa bayan ng Balete matapos
makuha nito ang titulong Miss
Tourism World Philippines 2018
sa ginanap na koronasyon ng
Miss Tourism Philippines 2018
sa Chateau Royale, Nasugbu,
Batangas noong ika-25 ng Agosto
2018.
Kasabay ng pagsisimula
sa pagdiriwang ng Tourism
Month ng lalawigan na idinaos sa
Batangas Provincial Auditorium
noong ika-10 ng Setyembre,
personal na iginawad ni Gov.
Dodo Mandanas, kasama ang
mga miyembro ng Sangguniang
Panlalawigan, ang parangal sa
Batangueña Beauty Queen para
sa kanyang ipinamalas na galing
sa larangan ng beauty pageant.
Kaugnay nito, hindi
lamang ang pagkapanalo sa titulo
ang kanyang nakamit, humakot si
Gomez ng ilang special awards
kagaya ng Miss Jergens, Miss
MUD, Miss Chateau Royale, Miss
Lady Grace at Miss Photogenic.
Ang Miss Tourism
Philippines Pageant ay may
apat na korona at titulo kung
saan ang mananalo ay magiging
representate ng
bansa
sa
international pageants, ang Miss
Tourism Grand Queen, Miss
Tourism Universe, Miss Tourism
Ambassador at ang Miss Tourism
World.
Si Gomez, dalawampu’t
apat na taong gulang, ay nagtapos
sa kursong Bachelor of Science
in Tourism sa First Asia Institute
of Technology and Humanities
(FAITH) sa Lungsod ng Tanauan.
Matatandaan din na
noong isang taon ay sumabak na
ito bilang isa sa mga kalahok sa
Miss World Philippines 2017.
Ang
sertipiko
ng
pagkilala na iginawad kay Gomez
ay base sa inihaing Resolusyon
ni 3rd District Board Member
Alfredo C. Corona kung saan
nasasaad na makakatanggap
ito ng cash incentive mula sa
Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas alinsunod sa Provincial
No. 005 Year 2016 na may
titulong Incentive to Batangueño
Achievers.
Labis
naman
ang
ipinakitang saya at suporta ni Gov.
Mandanas kasama ang mga bokal
lalo pa at magiging kinatawan
si Kathleen Tagle Gomez sa
internasyonal na kumpetisyon
para maiuwi ang titulong Miss
Tourism World.
Samantala, kinilala rin
si Jan Rose de Castro mula sa
Rosario, Batangas na nakuha ang
titulo bilang 1st Runner-Up.
Hangarin
ng
Miss
Tourism Philippines Pageant
na maitaguyod ang turismo sa
pamamagitan ng kagandahan,
sining at kultura. Sinisikap
din ng nasabing pageant ang
makipagtulungan sa mga Local
Government Units upang mas
maipakita pa ang halaga ng
pagkaka-isa sa paglikha ng
magagandang oportunidad para
sa mga lokal na komunidad. ✎
Mark Jonathan M. Macaraig –
Batangas Capitol PIO
Angat ang galing at ganda ng Batangueña! Muling napatunayan ang husay at kahanga-hangang determinasyon ng Batangueña sa
larangan ng beauty pageant sa katauhan ng 24-taong gulang na si Kathleen Tagle Gomez matapos masungkit ang korona at titulong
Miss Tourism World Philippines 2018 sa nakaraang Miss Tourism Philippines Pageant noong August 25, 2018 na ginanap sa Chateau
Royale, Nasugbu, Batangas. Kasama sa larawan sina Gov. Dodo Mandanas at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. ✐Mark
Jonathan M. Macaraig/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
September 19-25 2018
Halos 2,000 katao lumahok
sa Alay lakad 2018
BATANGAS
CITY-Bagamat
Typhoon Signal no. 1 sa Batangas
City bunga ng malakas na bagyong
si Ompong, natuloy ang Alay Lakad
ngayong araw na ito, September 14,
kung saan halos 2,000 katao ang
lumahok at nakalikom ng halagang
P814,770.
Mula sa Laurel Park na
siyang assembly point, ganap na 6:30
ng umaga ng maglakad ang mga city
government employees, barangay
officials, mga kinatawan ng Batangas
City Police, Phil. Coast Guard,
Department of Education, business
establishments,
non-government
organizations, mga estudyante at iba
pang sektor.
Tumuloy siia sa Sports
Coliseum kung saan isang programa
ang ginanap.
Naging panauhin si Gov.
Hermilando Mandanas kung saan
binati niya ang Batangas City dahilan
sa nangunguna ito sa pagpapaaral ng
mga kabataang karapatdapat subalit
walang kakayahang gastusan ang
kanilang pag-aaral.. “Binabati ko ang
city government dahil sa binibigyang
diin nito ang kinabukasan ng mga
kabataan sa lungsod,” sabi niya.
Sinabi
naman
ni
Congressman Marvey Mariño na
ang Alay Lakad ay pagpapatunay
ng pagkakaisa ng mga mamamayan
sa pagsuporta sa gawaing ito upang
makatulong sa mga out-of-school
youth at iba pang kabataang higit na
nangangailangan.
Para kay Mayor Beverley
Rose Dimacuha, malaking tulong ang Alay Lakad sa pag-aaral ng mga
matatalino subalit kapospalad na mga
kabataan.
Ayon kay Mila Espanola,
hepe ng City Social Welfare and
Development
Office
(CSWD),
kasama rin sa mga scholars ng
Alay Lakad ang mga batang may
kapansanan at tumutulong sa iba
pang youth development projects ng
lungsod.
Game na game namang
nagsayaw ng modern dance sila
Congressman
Mariño.
Mayor
Dimacuha, at mga miyembro ng Alay
Lakad Executive Committee.
Nahirang na Ms. Alay
Lakad 2018 si Lea Mhae Tan na
kinatawan ng Dep Ed, 1st runner up
si Shiela Mae Frago ng University of
Batangas at 2nd runner up si May-
Ann Magbato na child development
worker ng Barangay Dumuclay.
Pinasalamatan ni Alan
De La Torre, chairman ng Alay
Lakad 2018 ang mga sumuporta sa
programa ng Alay Lakad lalo na
yuong mga naging top contributors
noong 2017, na malaki ang naitulong
lalo na sa edukasyon.
Dumalo rin dito ang
Batangas Tanduay Athletic team
bilang pagsuporta sa Alay Lakad at
nagimbita sa mga taga lungsod na
laging subaybayan ang kanilang mga
laro.
Inaasahang lalaki pa ang
halagang malilikom sa mga donors
na magbibigay sa fund-raising
project na ito. LIZA PEREZ DE (PIO
Batangas City)
City... mula sa pahina 1
Seguridad ng Urban, Bisikleta
Laban sa Kriminalidad at Mabilis na
Serbisyo o Project SUBLIAN upang
mapalakas ang police visibility sa
pamamagitan ng pagpapatrol sa
mga kritikal na lugar at mabilis na
pagtugon sa insidente ng krimen lalo
na sa oras ng heavy traffic.
Ito ay proyekto ni dating
Batangas City PNP Chief PSPSupt.
Nicolas De Torre, na tinawag bilang
Project Pedal at ipinagpatuloy ni
PSupt. Manuel Castillo bilang best
practice ng Batangas City Police
Station.
Nagkaroon ng symbolic
turn-over ng 10 mountain bikes ng
Batangas City Police, na ipinagawa
at pinaganda ni Pangulong Angelito
“Dondon” Dimacuha ng Association
of Barangay Captains at apat na
bagong mountain bikes mula kay
Mayor Dimacuha. Ang mga ito ay
gagamitin ng mga kapulisan na nag
volunteer ng extra duty hours para sa
proyektong ito.
Ayon kay ABC President,
hindi siya nagdalawang isip sa
pagsuporta sa bike patrol sapagkat
bukod sa magandang solusyon ito sa
traffic, promosyon din aniya ito sa
pagiging bike- friendly ng lungsod.
Itatalaga ang mga police
bikers malapit sa campus areas
sapagkat ang mga estudyante
ang madalas na nabibiktima ng
masasamang loob base sa kanilang
na-mo-monitor sa social media. Sa
dry run ng Bike Patrol noong August
6, may 120 traffic violators ang na
apprehend ng pulis at nakaresponde
sa ilang insidente sa Batangas
National High School at barangay
Kumintang Ibaba.
Inilunsad din dito ang
Project Blue Box na isang crime-
reporting system na inadapt ng
Batangas City PNP mula sa Region
kung saan maaaring magbigay ng
puna, papuri, reklamo, reaksyon,
sumbong,
mungkahi
at
mga
impormasyon na magtuturo sa mga
kriminal partikular sa ilegal na droga.
Ito ay ilalagay sa mga strategic
places tulad ng malls, simbahan,
city hall, palengke at terminal kung
saan pwedeng ihulog sa mga boxes
ang mga feedback notes ng mga
mamamayan.
Nagbigay
din
ng
certificates of appreciation ang
Batangas City PNP kina Mayor
Dimacuha sa pagkakaloob nito ng
Hyundai Back- to- Back Mobile at
kay District Collector Atty. Edward
Ibera ng Bureau of Customs sa
Batangas sa ibinigay nitong Toyota
Hi lux pick up.
Binasbasan
ang
mga
bigay na sasakyan at mga equipment
kagaya ng mga bullet proof vests at
breath analyzers.
Nagkaroon din ng feeding
program at free blood pressure check.
Nagbigay
kasiyahan
naman ang presentation ng Batangas
Police Provincial Office Band at
ang pagkanta ni Mayor Dimacuha
ng Huwag ka ng Umiyak na siyang
theme song ng sikat ng teleseryeng
Probinsiyano. Sumayaw din ang
police mascot.
Lubos ang pasasalamat ng
city police chief na si Pol. Supt. Sancho
Celedio sa tagumpay ng naturang
okasyon at sa “overwhelming
support” hindi lamang ng lokal na
pamahalaan gayundin ng ibat-ibang
sektor, samahan, institusyon at non-
government organizations.
Dumalo at nakiisa din sa
pagdiriwang sina PCSupt Marcellano
Villafranca ng Office of the
Presidential Adviser for Sounthern
Tagalog, Coun. Armando Lazarte,
SK Federation President Marjorie
Manalo at ilang mga barangay
officials.(PIO Batangas City)