Tambuling Batangas Publication September 19-25, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
The story of a home for cancer-stricken kids... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Halos 2,000 katao lumahok sa
Alay lakad 2018 p. 2
Go lauds PH athletes in
Asian Games p. 5
Bagong Sico jail warden
ipagpapatuloy ang laban sa
droga sa kulungan p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 39
September 19-25, 2018
P6.00
City Police naglunsad ng proyekto sa
unang Police Service Day celebration
IPINAGDIWANG ng Batangas
City PNP ang kauna-unahang Police
Service Day nito kaalinsabay ng
117th Police Service Anniversary
noong September 13, sa Amphitheater
ng Plaza Mabini sa pamamagitan
ng paglulunsad ng mga proyektong
naglalayong mapalakas ang peace
and order campaign at mapaigting
ang magandang relasyon nito sa
komunidad.
Tema ng pagdiriwang ang
“Pagbabago sa Hanay ng Pulisya,
Hatid ay Ligtas na Pamayanan,
Laban sa Korupsyon, Krimen at
Ilegal na Droga para sa Mamamayan
ng Batangan sa Pakikipagtulungan ng
Barangay at Kabataan”.
Sinabi ni Mayor Beverley
Rose Dimacuha na “ mapalad ang
Batangas City sa pagkakaroon nito ng
mga mahuhusay at matitinong mga
pulis kung kayat napapanatili ang
katahimikan at kaayusan sa lungsod
na isa sa mga pangunahing criteria
sa pagkamit ng lungsod ng Seal of
Good Local Governance (SGLG).”
Ipinaabot niya ang kanyang pagbati
sa Batangas City PNP at umaasa
aniya siya na magpapatuloy ang
pagtutuwang nito at ng lokal na
pamahalaan. Ibinalita rin niya ang
paglalaan ng karagdagang budget
ng pamahalaang lungsod para sa 10
mobile patrol cars na gagamitin ng
kapulisan.
Binigyang diin naman ni
Congressman Marvey Marino na ang
pagkakaroon ng peace and order sa
lungsod ay nangangahulugan ng mas
maraming investments na magdudulot
ng magandang ekonomiya dito.
Nangako siya ng suporta sa iba pang
mga pangangailangan ng kapulisan.
Bilang
bahagi
ng
pagdiriwang, muling inilunsad ang
Bike Patrol na tinaguriang Project
Sundan sa pahina 2..
309 Estudyante,
Nabigyan Ng Educational
Assistance
BILANG
patuloy
na
pagtugon ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas sa
pangangailangan ng kabataang
Batangueño sa larangan ng
edukasyon,
namahagi
si
Governor Dodo Mandanas,
katuwang sina vice Governor
Nas Ona at Board Member
JP Gozos, ng Educational
Assistance sa mga bagong
iskolars para sa kasalukuyang
semestre mula sa iba’t ibang
paaralan sa Lalawigan ng
Batangas na ginanap sa
Bulwagang Batangan, Capitol
Site, Batangas City.
309 na estudyante
ang nabigyan ng tulong
pinansyal, na pinaalalahanan
ni Provincial School Board
Scholarship Division head
Merlita
Pasatiempo
na
mas pagbutihin pa ng mga
estudyante
ang
pag-aaral
dahil “ang edukasyon ay para
sa hinaharap, kaya huwag
ipagpapalit
sa
sandaling
sarap.” ✎ Louise Mangilin,
Batangas Capitol PIO
50 bahay sa Maapaz noong Septmeber 3 kasama ang ibang pulis, barangay officials, mga pastor ng simbahan at Barangay Anti-Drug Abuse Council
Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, Aag-
ulat ng Accomplishments at Upcoming Activities
NAG-ULAT ang Provincial Tourism
and Cultural Affairs Office (PTCAO),
sa pangunguna ni Depatment Head
Atty. Sylvia Marasigan, ng kanilang
mga aktibidad at hakbangin na
naglalayong lalo pang pagyamanin
ang industriya ng turismo, kultura
at sining sa Lalawigan ng Batangas.
Sa lingguhang pagbibigay
pugay sa bandila ng Pilipinas na
ginanap noong ika-10 ng Setyembre
taong kasalukuyan sa Provincial
Auditorium,
Batangas
City,
ipinahayag ang ilang aktibidad
ng tanggapan na nakatuon sa
paglinang ng turismo gaya ng
paglulunsad ng Capitol Tour Launch
with Girl Scouts, Barako Hour,
Bukid to Bahay Project, Vlogger’s
Workshop, Refresher Course on
Tour Guiding for Inland FarmTour,
Batangas Inland Familiarization
Tour, 29th Philippine Travel Mart,
Tour of Pasig City Cooperative
Development Council at Seasonal
Guest Farm Workers Program
(Batch 2) to South Korea.
Dahilan
na
rin
sa
pagsusumikap
ng
Mandanas
administration na mas yumabong pa
ang turismo sa lalawigan, lumabas
sa datos ng Department of Tourism
(DOT) na nanguna ang Batangas sa
Tourist Arrrivals sa CALABARZON
Region noong nakaraang taon. May
kabuuang 8,344,866 ang naitalang
bumisita sa lalawigan noong
nakaraang taon kung saan 6,836,183
ang kabilang sa same day arrivals
habang 1,508, 683 ang kabuuang
bilang ng overnight visitors.
Binanggit din ang mga
naging proyekto ng tanggapan na
nasa linya ng kultura at sining sa
Batangas gaya ng 120th Philippine
Independence Day Celebration,
Roselang Bubog Musical Play,
Lakbay Sining, Symposium hinggil
sa “Filipino: Wikang Saliksik”,
Pagpapasinaya ng Bantayog Wika at
Mga K’wento kay Maria Y. Orosa.
Samantala,
ipinagbigay
alam ni Atty. Marasigan ang
kanilang
upcoming
activities
gaya ng pagbubukas ng Batangas
Provincial Museum, Southern Luzon
Museum Summit, 437th Foundation
Anniversary of the Province of
Batangas, Batangas Music and Arts
Festival at Batangas Retail Shops
na ilulunsad sa mga darating na
buwan. ✎ Marinela Jade M. Maneja,
Batangas Capitol PIO
Batangas City naghanda
sa bagyong “Ompong”
blood donation ng Batangas City Health Office (CHO)
NAGPULONG ang Batangas
City Response Committee ng
City Disaster Risk Reduction
and
Management
Council
(CDRRMC) tungkol sa Pre-
Disaster Risk Assessment noong
September 12 bilang paghahanda
sa pagdating ng malakas ng
bagyong “Ompong”.
Ayon sa hepe ng City
Disaster Risk Reduction and
Management Office (C DRRMO)
na si Rod de la Roca, katulong
nila ang City Engineer’s Office
at ang Department of Public
Works and Highways (DPWH
) sa clearing ng mga drainage
at canal upang maibsan ang
pagbaha.
Nagsasagawa rin ng
road inspection ang DPWH at
mayroon ding mga dumptrucks,
payloader na pwedeng gamitin;
naka standby din ang kanilang
mga personnel.
Inihahanda
na
ng
CDRMMCO ang mga equipment
habang sineguro naman ng
General Services Department
(GSD) na handa ang mga
sasakyang pwedeng gamitin.
Mayroon
ding
payloader,
backhoe, dump trucks, man lifter
at iba pang logistics. Maging mga
Sundan sa pahina 2..