Tambuling Batangas Publication September 05-11, 2018 Issue | Page 3
BALITA
September 5-11, 2018
Pagdiriwang ng ika-
118th Anibersaryo ng
Serbisyo Sibil, Opisyal na
Sinimulan sa Kapitolyo
Lingkod Bayani: Maka-Diyos, Makatao, Makabayan. Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-118 Taong Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng
Pilipinas, binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang selebrasyon noong ika-3 ng Setyembre taong kasalukuyan ang Buwan
ng Serbisyo Sibil. Makikita sa larawan ang ilan sa mga kawani na binigyang pagkilala bilang mga Loyalty Awardees, sa pangunguna
ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/
Photo by Jhay Jhay B. Pascua – Batangas Capitol PIO
Batangueña...
Naisakatuparan
din
ang nasabing proyekto sa
pakikipagtulungan ni Atty.
Sylvia Marasigan, ang puno ng
Tanggapan ng Panlalawigang
Turismo, Kultura at Sining.
Ang Bantayog-Wika
ay isang panukalang gawain na
pinangungunahan ni Senadora
Loren Legarda at ng KWF na
naglalayong
isamonumento
ang mga katutubong wika
ng Pilipinas sa pamamagitan
ng pisikal na istrakturang
sasagisag sa halaga ng wikang
mula sa pahina 1
katutubo bilang baul ng yaman
ng katutubong kaalaman, halaga,
gawi, tradisyon at kasaysayan ng
mga Pilipino.
Ang Tagalog ay isa
sa mga pangunahing wika ng
Pilipinas na kung saan ang
pambansang wika ay nakabatay.
Ito ay ginagamit ng mga residente
ng Aurora, Bataan, Batangas,
Bulacan,
Camarines
Norte,
Cavite, Laguna, Marinduque,
Mindoro,
National
Capital
Region, Nueva Ecija, Palawan ,
Quezon, Rizal at Zambales.
Ang pitong naunang
mga
Bantayog-Wika
na
binuksan sa publiko sa taong
ito ay matatagpuan sa Antique,
Ifugao,
Davao
Oriental,
Kalinga, Occidental Mindoro,
Bukidnon at Bataan – na lahat
ay dinisenyo at nilikha ni Yee.
Ayon sa tanggapan ni Sen.
Legarda at KWF, magtatayo
din nga marker sa 175 pang
mga katutubong komunidad sa
buong bansa. Mayen Maneja –
Batangas Capitol PIO
Provincial Development
Council: Full Council Meeting,
Idinaos sa Kapitolyo
UPANG pagtalakayan ang mga
usaping pang-ekonomiya at
pagpapaunlad sa Lalawigan ng
Batangas, isang pagpupulong
ang isinagawa ng Provincial
Development Council (PDC)
noong ika-30 ng Agosto 2018 sa
Bulwagang Batangan, Capitol
Compound, Batangas City.
Kabilang
sa
mga
binalangkas sa pagpupulong
ang mga napipintong paglaki
ng Internal Revenue Allotment
(IRA) kaugnay sa proseso ng
pagsasaayos ng budget para
sa lalawigan, mga munisipyo,
siyudad at barangay; Provincial
Development
Projects;
Batangas Capability Program;
Public-Private
Partnership
(PPP) Project for Batangas
Hospitals; Updates sa Batangas
Province Economic Enterprise
Board (BPEEB) Projects, tulad
ng Amity Tower, Hospitals,
at Batangas Port Livelihood
Center (BPLC); Supplemental
Annual Investment Program
(AIP); at Utilization of 2018
20% Development Fund.
Pinangunahan
ang
nasabing pagpupulong ni Gov.
Dodo Mandanas, na siyang
tumatayong PDC Chairperson,
kasama
sina
Provincial
Planning and Development
Coordinator Benjie Bausas,
na PDC Secretary; Provicial
Administrator
Librado
Dimaunahan; PNP Batangas
Provincial Director PSupt.
Edwin Quilates; 6th District
Senior Board Member Rowena
Africa; at Atty Genaro Cabral
ng Provincial Public Order and
Safety Department. ✐ Shelly
Umali – Batangas Capitol PIO
Photo: Karl Ambida
PORMAL na sinimulan ng Pama-
halaang Panlalawigan ng Batan-
gas, sa pangunguna ng Provincial
Human Resource Management
Office (PHRMO), ang pagdiri-
wang ng ika-118th Anibersaryo
ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas
noong ika-3 ng Setyembre 2018.
Sa gabay ng temang
“Lingkod Bayani: Maka-Diyos,
Makatao, Makabayan”, naglunsad
ang PHRMO, bilang pakikiisa sa
Civil Service Commission (CSC),
ng iba’t-ibang gawain na may la-
yuning kilalanin ang katapatan at
bigyang-parangal ang bawat isang
kawani ng ahensya sa kanilang
matapat at hindi matatawarang
paglilingkod at paghahatid ng
serbisyo publiko sa bawat mama-
mayan.
Bilang panimula, ang
nasabing tanggapan ay nagkaroon
ng isang pag-uulat patungkol
sa kanilang patuloy na pagsu-
sumikap na mas maitaas pa ang
antas sa apat nilang dibisyon na
kinabibilangan ng (1) Recruit-
ment, Selection & Placement,
(2) Career Development, (3) Per-
sonnel Relations at (4) Records
Management, na may adhikaing
mapalawig pa ang pagtugon sa
mga pangangailangan ng bawat
kawani ng Pamahalaang Panla-
lawigan na lahat ay alinsunod sa
mga alituntunin, regulasyon at
batas na nasasaklaw ng CSC.
Sinundan naman ito ng
pagkilala sa mga natatanging
empleyado o Loyalty awardees
kung saan naabot ng mga ito ang
milestone o ang paglilingkod at
pagbibigay serbisyo publiko sa
loob ng lima, sampu at dalawam-
pung taon.
Hatid pa rin ng PHRMO,
bilang bahagi ng mga nakalaang
aktibidad, ay ang pagbibigay ng
Pre-Retirement Seminar at Zumba
para sa pagpapatuloy ng kanilang
employee wellness program.
Sa aspeto ng pangkalu-
sugan, sa pakikipagtulungan ng
Provincial Health Office, naglaan
ang tanggapan ng isang linggong
serbisyong medikal, kabilang ang
pagsasagawa ng Annual Physical
Examination at free dental ser-
vices. Nagkaroon din ng Volun-
tary Blood Donation para sa mga
kawani na boluntaryong nagbigay
ng dugo katuwang ang Provincial
Blood Council. ✎ Mark Jonathan
M. Macaraig – Batangas Capitol
PIO
Batangas Province,
Nakilahok sa Philippine
Travel Mart 2018
SA layuning lalo pang pagyamanin
ang industriya ng turismo sa lalawigan,
nakilahok ang Lalawigan ng Batangas,
sa pangunguna ng Provincial Tourism
and Cultural Affairs Office (PTCAO), sa
idinaos na 29th Philippine Travel Mart
na ginanap noong ika-31 ng Agosto
hanggang ika-2 ng Setyembre sa SMX
Convention Center, Pasay City.
Ang Philippine Travel Mart
(PTM) ang longest-running travel
exhibition sa bansa na itinatag ng
Philippine Tour Operators Association
(PHILTOA) sa pakikipagtulungan sa
Department of Tourism (DOT).
Mahigpit na nakatuon ang
PTM sa pagsulong ng turismo sa loob
at bansa. Ang taunang kaganapan ay
nagpapakita ng mga destinasyon ng
Pilipinas at na-update na mga handog ng
produkto sa paglilibot para sa mga bisita
sa loob at labas ng bansa.
Kaugnay
ng
temang
“New Paradise Found… And the
fun continues,” ipinakita ng booth ng
Batangas ang buhangin mula sa mga
beach o bay clusters na matatagpuan sa
iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa
lalawigan.
Itinampok din sa booth ang
sikat na Kapeng Barako ng Batangas
pati na rin ang iba’t ibang prutas na
ipinagmamalaki at matatagpuan sa
lalawigan.
Mula sa 215 na exhibitors
noong nakaraang taon, naitalang 250
ang exhibitors na nakilahok nitong
29th PTM na sumakop sa 3,400 square
meters na exhibition space sa SMX
Convention Center.
Ang 29th Philippine Travel
Mart ay nagtataguyod ng tuloy-tuloy
at walang hangganan na paglalakbay
sa loob ng ASEAN, kaya ang mga
destinasyon ng ASEAN at Philippine
tour packages ang isa sa mga naging
highlights sa event. ✐ Marinela Jade
Maneja – Batangas Capitol PIO