Tambuling Batangas Publication September 05-11, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
September 5-11, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Ni Teo S. Marasigan
Free bail for a better jail
ON Tuesday, the governor of California in US signed a law abolishing
the requirement for persons arrested for any crime to post a cash bond for
temporary liberty while waiting for trial. The new law is even better than its
precedent in the state of New Jersey that took effect in January 2017 as the
latter’s version doesn’t cover all crimes.
The California law or SB10 which will take effect October next
year lets judges decide to whom shall it apply based on how risky an offender
is. SB10 aims to promote equal treatment for rich and poor offenders as
majority of the state’s prison population are not yet convicted and are just
incarcerated because they cannot afford the bail. Since the majority of those
inmates are also black, the resulting release of such detainees and perhaps a
stop to the alleged propensity of police to arrest blacks for minor offenses can
somehow ease racial tension in the state.
A Philippine version of SB10 may be the solution to the inhumane
conditions in overcrowded local prisons and to the perceived targetting
of poor law breakers, particularly those arrested for using, possessing or
pushing of illegal drugs and for loitering or being a tambay.
As of 31 May 2018, the total number of detainees and convicted
inmates in all prisons in the Philippines is 144,871 based on data from the
Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Nearly 22,000 of them
are violent crime offenders with another 9,000 charged with robbery and
theft. Most of the detainees and prisoners are from 18 years old to 60 years
old with 99 below 18 (mostly in Region XII) and 613 with an unknown age.
Bulk of the prison population or nearly 35,000 is cramped in 43
prison facilities in the National Capital Region (NCR). The humane prison
congestion rate is 4.7 square meters per inmate but with such number
occupying space that should only be for 5,236 prisoners, the prisons are
congested by 568 percent. In Region IVA, the prison congestion rate is a
staggering 930 percent (Quezon City Jail Male Dorm). The congestion rate
is getting higher with law enforcers working harder these days.
In overcrowded BJMP and Bureau of Corrections prisons in the
NCR, inmates are dying at the rate of 40 per month. The unreported death
toll in Philippine National Police-run jails is said to be higher. Some of the
recorded deaths were due to pneumonia and there were even inmates getting
comatosed.
For the living detainees, they suffer from difficulty in breathing,
skin ailments, upper respiratory tract infection (URTI), hypertension, allergic
rhinitis, influenza, boils (pigsa), irritant contact dermatitis, scabies, acute
gastroenteritis, asthma or bronchial asthma and heat rash. A Commission on
Audit report cited 257,587 cases of ailments in jails in 2017, 34.47 higher
than the 191,550 ailments recorded in 2016. The figure is broken down to
57,269 cases URTI, 45,665 cases of hypertension, 26,507 tension headaches,
23,580 abscesses and 22,397 flus.
Authorities are addressing the overcongestion. There is the
construction of new jail buildings and more courts, granting of early parole
for inmate with good behavior and hiring of more prosecutors and paralegals
to help in the speedy disposition of cases. Other solutions are keeping
offenders who commit non-violent or less violent crimes out of prison and
giving alternate sentencing like probation, community service, restitution,
diversion programs and house arrest. Meanwhile, criminal drug addicts are
being referred to rehabilitation centers.
However, all the said efforts fall short of decongesting jails and
prisons. The 2018 Bail Bond Guide issued by the Department of Justice in
March increasing bail amount for violation of 15 special laws, including RA
9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) as amended by RA
10640 may even make decongestion efforts an exercise in futility. Although
indigent offenders are exempted from legal fees, the new bail amount for
drug offenders computed by multiplying the maximum penalty imposable by
P10,000 will likely keep them in jail for a very long time.
Lawmakers may consider adopting the California law to ease the
sufferings of many low-risk and minor offenders, even those who have been
wrongly accused but are languishing in jail. If their bails are waived and no
more similar offenders are added to the prison population, the remaining
inmates may also be relieved and the meager BJMP budget may have extra
fund for better food and medical services to prisoners.
Of course, such scheme should not cover violent offenders that
pose danger to society. They still have to serve time to pay for their crimes.
Kasamang Gloria
Sa “GMA at age 15”, kolum ni Domini
M. Torrevillas sa Philippine Star nitong
Oktubre 27, inilathala niya ang “Teener
Talks on Palace Life” – artikulo niyang
lumabas noong Mayo 1962 sa Manila
Bulletin. Batay ang artikulo sa panayam
niya sa isang Bb. Gloria Macapagal,
na noo’y 15 taong gulang pa lamang
at bagong residente ng Malakanyang.
Tungkol ito sa paninirahang noo’y maikli
pa lamang ni Bb. Macapagal sa Palasyo.
Ano kaya ang implikasyon ng muling
paglilimbag ng artikulo sa pag-alis sa
piitan sa Tanay at pagbabalik sa Greenhills
ni dating Pangulong Joseph Estrada? Sa
harap ng grabeng pagkapit-tuko ni Gloria
Macapagal-Arroyo, presidente diumano
ngayon, sa Palasyo?
Kung anuman, makabuluhan ang artikulo
sa pagkilala kay Gng. Arroyo, sa edad na
ito kahit paano. Lalabas na bilib na bilib
ang batang Gloria sa kanyang amang si
Diosdado: “Napakarunong ng ama ko,”
sabi niya. “Hindi ko ipinagmamalaking
sabihing anak na babae ako ng Presidente.
Sapat na sa aking maging anak niya.”
Tungkol sa pananatili sa Malakanyang,
aniya, “Gustung-gusto ko rito. Puwede
akong manatili sa palasyo nang buong
buhay ko at gugustuhin ko ang bawat
sandali nito.” Tungkol naman sa pulitika:
“Madalas sabihin ng mga tao na marumi
ang pulitika, pero hindi ako sang-ayon
dito. Maraming bayani ang nasa pulitika.
Ang totoo, esensiyal ang pulitika sa
demokrasya.”
Sa isyu naman ng Philippine Daily
Inquirer noong Setyembre 23, lumabas
ang
artikulong
“GMA supported
communist movement, but hated Joma”
na isinulat ni Philip Tubeza. Tungkol
ito sa pagkakasangkot o “aktibong
pagsuporta” ni Gng. Arroyo sa kilusang
komunista sa bansa “noong mga taon ng
batas militar hanggang sa maagang bahagi
ng dekada 80.” Batay ito sa salaysay ng
mag-asawang Edna at Alex Aquino, mga
kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas
o PKP noong panahong iyon at ngayo’y
taguyod ng karapatan ng mga migranteng
Pilipino. Tungkol sa pag-iibigan at
pagsasama ng dalawa ang artikulong
nagluwal sa maikling artikulo tungkol sa
pakikisangkot ni Gng. Arroyo.
Lilitaw na hanggang sa panahong iyon,
sinasamba ni Gng. Arroyo ang ama niya.
Ayon kay Edna, naging kontra-Marcos
na personalidad siya dahil sa tatay niya:
“Labis-labis ang pagmamahal (devotion)
niya sa ama.” Matatandaang tinalo ni
Ferdinand Marcos si Diosdado Macapagal
sa halalang 1965. Ayon sa mag-asawa,
mulat na tumulong si Gng. Arroyo sa
Kaliwa. Nagsulat siya ng mga position
paperhinggil sa lagay ng ekonomiya
noon at sa dapat sunding modelong
pang-ekonomiya kapag napatalsik si
Marcos. Sabi ni Edna, “Isa siya sa
mga taong sumuong sa mga panganib.
Nagkaroon kami ng mga talakayang
bukas at malalim.” Sa proseso, naging
magkaibigan sina Gng. Arroyo at Edna.
Dahil sa tuluy-tuloy niyang pagtulong,
inimbitahan si Gng. Arroyo na sumapi
sa National Democratic Front o NDF.
Hindi siya sumapi, gayunman, dahil
binansagan ni Prop. Jose Ma. Sison,
tagapangulo sa pagkakatatag ng PKP, na
tuta ng imperyalismong US si Diosdado
Macapagal. Laman ang “bansag” na ito
ngLipunan at Rebolusyong Pilipino,
batayang dokumento ng Kaliwa na
isinulat ni Sison sa pangalang Amado
Guerrero at nalimbag noong 1971. “Galit
na galit si Gloria sa ganoong pagbansag
sa tatay niya pero galit na galit din siya
kay Joma.” Dahil, ayon sa artikulo, “hindi
rerebisahin ng partido ang impluwensiyal
noong sulatin” ni Prop. Sison, hindi
naging kasapi ng NDF si Gng. Arroyo.
“Ano siya, sinusuwerte?” ang sagot
marahil ng mga rebolusyunaryo noon – at
kahit ngayon. Sa isang banda, napakalaki
ng kanyang hinihingi: Parang paggigiit
ng isang marerekluta sa isang sektang
Kristiyano na burahin sa Bibliya ang lahat
ng pagbanggit sa muling pagkabuhay ni
Hesukristo. Usapin ito ng prinsipyo, na
hindi isinusuko para makapagpalawak.
Sa kabilang banda, napakaliit ng kanyang
hinihingi: Kung unawa niyang papet ang
lahat ng naging pangulo ng Pilipinas, bakit
niya ipaghihimutok at hihilinging burahin
ang gayong pagbansag sa kanyang ama?
Lilitaw na hindi buo sa kanyang loob ang
pagsapi – at gusto lang niyang maglusot
ng personal na pakinabang.
Ngayon, bagamat kritikal si Edna sa
rehimen ng kanyang naging kaibigan – sa
rekord nito sa karapatang pantao, partikular
sa ekstrahudisyal na pamamaslang at
pagdukot sa mga aktibista, sa usapang
“Hello Garci” at pakikipagkasundo sa mga
Marcos – iginigiit niyang dapat kilalanin
ang naging rekord ni Gng. Arroyo sa
paglaban sa diktadura. Kinukuwestiyon
o binabalewala diumano ito partikular ng
mga dikit kay dating Pangulong Corazon
Aquino. “Bakit pagkakaitan siya ng
gayong pagkilala sa ambag niya bilang
indibidwal?” Dagdag pa niya, nakaugat
ang ganitong aktitud kay Gng. Arroyo ng
mayayamang naging aktibistang kontra-
Marcos noon sa pagiging kadikit niya ng
Kaliwa.
Tama nga naman. Nangyari na
ang nangyari. Datos nang hindi
mapapasubalian ang mga ginawa ni
Gng. Arroyo noon. Mas mauunawaan,
gayunman, ang kontra-Marcos na
rekord niya kung ilulugar ito sa tinakbo
ng buong buhay niya. Magagawa
sana ito nang masinop kung nakalatag
ang mas kumpletong datos sa buhay
niya. Pero kung bubuo na ngayon ng
makatuwirang hinala o palagay, tatampok
ang mga ginawa ni Gng. Arroyo bilang
pangulo na kabaligtaran ng, at taliwas
sa, pangkalahatang diwa ng paglaban
noon sa diktadura. Bakit? Dalawa ang
puwedeng pagsimulan. Posibleng may
nangyari sa kanyang radikal sa pagitan ng
1983 at 2001: Narekluta siya Satanismo,
halimbawa.
O – at ito ang mas posible – sa ilalim ng
magkakasalungat niyang mga aksiyon,
may nanatili at nagpatuloy na pananaw
sa daigdig o personal na interes o
praktikal na disposisyon na pinagmulan
at nag-organisa sa magkakasalungat na
mga aksiyong ito. Nilabanan niya ang
diktadurang Marcos pero pagpapanggap
lamang ang ipinagkaiba ng rehimen niya
sa pagyukod sa dayuhang mga interes sa
ekonomiya, pulitika at militar; marahas
na pagsupil sa mga kritikal at lumalaban;
maruming pulitika; pagdambong sa
kabang-bayan at grabeng panloloko sa
madla. Nagyakap at nagbeso na sila sa
publiko ni Imelda Marcos. Binabatikos
ang rehimen niya sa pakikipagkasundo sa
pamilya nito.
Sang-ayon sa lohika ni Edel E. Garcellano,
progresibong intelektuwal, sa kanyang “A
Conjectural Letter to the Children of the
Third Generation”, kung walang Gloria
Macapagal-Arroyo, ang ekonomiyang
agrikultural at dinodomina ng dayuhan,
ang estadong neo-kolonyal, ang bulok
at kontra-mamamayang pulitika, ang
militarismong takot sa paglakas ng
Kaliwa at ang giyera “kontra-terorismo”
ng US, ang pagkatuto at pagkatuso ng
isang paksiyon ng naghaharing mga uri
– gagawa ng paraan ang lahat ng ito para
mag-imbento ng isang Gloria Macapagal-
Arroyo. May mga personal na salik kay
Gloria, gayunman, na sumalubong sa
ganitong pangangailangan ng sistema ng
lipunan.
Mula noon hanggang ngayon, nagpatuloy
ang sumusunod na personal na katangian
ni Gng. Arroyo: (1) Gaya ng malinaw
sa itaas, grabe ang kanyang bilib at
katapatan sa kanyang ama. Sa kanyang
pagkapangulo, naglabas siya ng unang
modelo ng P200 kung saan ama niya
ang nakalagay. Sa kanyang ama rin
niya ipinangalan ang pinakamahal
na lansangan sa buong mundo. Tila
napapatindi ang pagpapahalaga niya sa
sarili ng pagpapahalaga niya sa kanyang
ama. (2) Nakadireksiyon ang buhay
niya sa gobyerno, na siyang humubog sa
buhay niya. Noong hindi siya bahagi ng
gobyerno, noong panahon ng diktadura,
tinuligsa niya ito. Hindi niya ito iniwan o
tinantanan.
(3) Handa siyang makipag-ugnayan
at pumabor kahit kanino, basta’t
makakatuwang o magagamit niya, sa
kagyat o sa hinaharap, sa pagsusulong
ng kanyang interes. Sa artikulo sa
itaas, tampok ang pakikipag-ugnayan
niya sa mga komunista. Nabanggit
din ang pakikipagkaibigan niya noon
sa mga opisyal ng gobyerno ng Tsina.
Pero malalim rin ang tiwala niya sa
nangungunang mga anti-komunistang sina
Norberto Gonzales at Romeo Intengan.
Lumaro siya sa mga aktibistang NGO at sa
mga teknokrata. Naging kaibigan niya ang
diumano’y mgajueteng lord sa Pampanga,
ang diumano’y ekspertong mandaraya
sa eleksiyon mula sa Bukidnon, ang
butangero mula sa Iloilo, at iba pa…
Sa ganitong pagsusuri, hindi ikinakaila
ang rekord ng paglaban sa diktadurang
Marcos ni Gng. Arroyo. Kinilala rito
ang mga datos na inilahad pangunahin
ni Edna Aquino – pero inilulugar ang
mga ito sa konteksto ng buhay ni Gng.
Arroyo. Sa ganitong kabuuan nagiging
mas malinaw ang yugto ng paglaban
niya sa diktadura. Bagamat palaging
may mga sorpresa para sa Kaliwa sa mga
taong mula sa naghaharing mga uri, hindi
palaging kabutihang loob ang nasa likod
ng pakikipag-ugnayan nila sa Kaliwa.
Ganyan ka-ordinaryo ang katotohanang
nasa likod nitong tila nakakagulat na
pagsisiwalat o balita.
28 Oktubre 2007