Tambuling Batangas Publication September 05-11, 2018 Issue | Page 2

BALITA September 5-11, 2018 Proposed Taal Tourism Belt, Isinusulong ISA sa mga pinagtutuunan ng pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang turismo, kung kaya naman naghihikayat ito ng iba’t ibang mamumuhunan na makatutulong sa paglikha ng mga trabaho at negosyo para sa pagpapalago ng ekonomiya kaugnay ng magagandang tanawin at tourist attractions ng lalawigan. Sa idinaos na Provincial Development Council: Full Council Meeting sa Kapitolyo, Batangas City noong ika-30 ng Agosto 2018, ipinakita ang Proposed Taal Tourism Belt plan, sa pangunguna ng RRPayumo + Partners Architects at Green Square Properties Corporation, na naglalayong makapagtayo ng tourism areas sa palibot ng Lawa ng Taal. Ang Proposed Project ay inaasahang makakatulong sa iba’t ibang bayan at lungsod na nakapalibot sa Taal Lake, kabilang ang Alitagtag, Cuenca, Mataas na Kahoy, Balete, Talisay, Laurel, Agoncillo, San Nicolas, Lipa City, Sta. Teresita at Tanauan City. Isa sa mga layunin ng proyektong ito ang pagpapagawa ng isang circumferential road sa palibot ng lawa, na mas magpapadali sa pagbaybay sa mga tourist areas sa mga nabanggit na bayan; Ferry Ports na magkokonekta sa iba’t ibang bayan sa pamamagitan ng lawa; at ang Tagaytay-Lakeside cable car connection na makapagbibigay ng mas mabilis at may magandang tanawin na daan patungo sa Taal Lake mula Tagaytay City. Kaugnay nito, inaasahang magkakaroon ng iba’t ibang themed museums, restaurants at pasyalan sa mga bayang sakop ng circumferential road, bukod pa ang pagtatayo ng mga commercial spaces at hotels na mas magpapasigla sa kabuhayan sa mga nasabing lugar. ✎ Louise Mangilin | Batangas Capitol PIO Pagsasanay Tungkol sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, Patuloy na Isinasagawa Easier Travel around Taal Lake. Based on the proposed Taal Tourism Belt plan, the lakeshore cities and municipalities will be connected by land and water through a road that will be constructed around Taal Lake; a ferry port that will connect the municipalities by water; and, from Tagaytay, through a cable car connection. FREE UPCAT REVIEW, Handog ni Gov. Dodo, SK Chair Banaag HALOS dalawang daang mag- aaral ang nabiyayaan ng libreng review para sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT Review) noong Sabado, ika-1 ng Setyembre 2018 sa Cooperative Livelihood Conference Center, Capitol Compound, Batangas City. Dinaluhan ito ng mga senior high school students na nagnanais makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Inihatid ang programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pakikipagtulungan sa Upsilon Sigma Phi ng nasabing pamantasan at ni Ginoong Clark Banaag, ang Batangas City Sangguniang Kabataan Chairperson. Sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, naisagawa nang maayos ang nasabing programa sa pakikipag- ugnayan ni Gng. Merlita Pasatiempo, ang In-Charge para sa Education Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Naging mainit naman ang pagtanggap ng mga mag-aaral na nanggaling pa sa iba’t ibang munisipalidad sa pagdating ni SK Chairperson Clark Banaag, na nagpaalala na gawing isang hiyas ang edukasyon at ito ay magiging yaman ng bawat isang mamamayang Batangueño. Samantala, inaasahang mas madami pa ang dadating na mag-aaral na nagnanais makapagreview ng libre para sa UPCAT sa darating na September 8. – JJBP/Batangas PIO SA patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor Dodo Mandanas, na mas mapataas pa ang antas ng kakayahan at pag-unlad ng kabuhayan ng sektor ng kababaihan, muling nagsagawa ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang Samahang Batangueña at local government units, ng isang pagsasanay para sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa na ginanap noong ika-4 ng Setyembre 2018 sa San Nicolas, Batangas. Ang nasabing pagsasanay ay naisakatuparan Buwan... sa pakikipagtulungan ni 3rd District Board Member Divina G. Balba at dinaluhan ng 30 miyembro ng Samahang Batangueña ng San Nicolas, Batangas. Ang training ay napiling isagawa sapagkat, bukod sa in-demand ito, ang ganitong uri ng kabuhayan ay maaaring trabahuhin sa kanilang mga libreng oras. Nabigyan din ng starter kit ang mga dumalo. Ang proyektong ito ay pinangunahan ni Ms. Marites De Chavez ng PSWDO, na tumayong pangunahing tagapagsanay. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1 Villena, Ms. Talent si Hannady Katpadi at Mr. Talent si Kairo Jim Marquez. Ang mga nanalo naman sa pag-awit ng solo ay si Levie Claus, sa dueto ay sina Louie Lyn Perez at Cristy Capundag, sa pagbigkas ng tula si Jiselle Dhe Vino at Faustino Leandro Ferrer para sa dagliang pagtalakay. Ginunita rin ng CRICD ang Araw ng Pambansang Bayani at ang anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang ang CRICD ang isa sa mga accredited schools ng TESDA. (PIO Batangas City) Motion... mula sa pahina 1 ipatupad. Matapos ang huling araw (Agosto 10, 2018) na nakatakda upang mag-sumite ng Motion for Reconsideration ang pamahalaang nasyunal, wala nang natanggap na karagdagang mosyon mula sa mga respondents na kumukwestyon sa pagsasama ng NIRT mula sa BoC sa tax base. Ayon sa Batangas governor, tinatayang madaragdagan ng P250 bilyon sa taong 2019 ang IRA ng LGUs. Binigyang-diin din niyang isa itong makabuluhang hakbang patungo sa isang tunay na local autonomy kung saan ang mga serbisyong ipinasa na sa mga LGUs ay mapaglalaanan na ng pondo. Sa kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipinaala ni Gov. Mandanas na kagaya ng napagtalakayan nila na ang mga basic services ay ibinigay sa mga LGUs para sa implementasyon subalit ang malaking bahagi ng pondo ay naiwan sa pamahalaang nasyunal. Ang SC decision na ito ay ambag upang maisaayos ang kakulangan sa pagpapatupad ng awtonomiya na nakapaloob sa Local Government Code. Batangas Capitol PIO