Tambuling Batangas Publication September 05-11, 2018 Issue
National recognition for Kalinga tattoo master... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Proposed Taal Tourism Belt,
Isinusulong p. 2
Imus
Bandera
and
Bacoor Strikers: Cavite’s
pride p. 5
Pagdiriwang ng ika-118th
Anibersaryo ng Serbisyo
Sibil, Opisyal na Sinimulan sa
Kapitolyo p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 37
September 5-11, 2018
P6.00
Motion for Finality of Judgement, inihain
ni Gov. Mandanas para sa IRA petition
NAGHAIN ng mosyon si
Batangas Gov. Hermilando I.
Mandanas para magkaroon na ng
Entry of Finality of Judgement
ang desisyon ng Supreme
Court na sumasang-ayon sa
consolidated petition na iginiit
na ang “just share” o Internal
Revenue
Allotment
(IRA)
na natatanggap ng mga local
government units (LGU), ayon
sa 1987 Constitution, ay dapat
nanggagaling sa lahat ng national
taxes at hindi lamang mula sa
National Internal Revenue taxes
na kinokolekta ng Bureau of
Internal Revenue (BIR).
Ang
mosyon
ay
isinumite ng mga petitioner
matapos maghain ng Motion for
Reconsideration ang national
government, sa pamamagitan ng
Office of the Solicitor General,
para lamang sa desisyon sa
petisyong nakapaloob sa G.R.
No. 208488 na ipinalabas ng SC
noong Hulyo 26 .
Nakasaad sa motion
ng mga petitioners na inihain sa
Supreme Court En Banc noong
ika-28 ng Agosto 2018, na dahil
dito, ang desisyon ng Korte
Suprema, partikular ang nakasaad
sa paragraph 2 ng Dispositive
portion nito na sumasang-ayon
sa Petisyon sa G.R. No. 199802
patungkol sa pagsasama sa
National Internal Revenue Taxes
na nakokolekta ng Bureau of
Customs sa bahagi ng mga buwis
kung saan dapat kinukuha ang
“just share” o IRA ay nagkaroon
na ng Finality o dapat nang
Sundan sa pahina 2..
Buwan ng Wika
ipinagdiwang
BATANGAS
CITY-
Ipinagdiwang
ng
Cristo
Rey Institute for Career
Development (CRICD) ang
Buwan ng Wika noong Agosto
sa pamamagitan ng iba’t ibang
kompetisyon.
Ayon kay Ed Borbon, president
at school director ng CRICD,
layunin
ng
pagdiriwang
ng Buwan ng Wika na mas
mapaigting pa ang paggamit ng
wikang Filipino upang lubos
na maipaunawa sa nakararami
na wala nang mas hihigit
pa sa sariling wika kung ito
ay gagamitin sa matuwid at
mabisang
pagpapahayag
o
komunikasyon.
Nagdaos ng Lakan at Lakambini
2018 kung saan ang mga
lumahok ay minarkahan sa mga
sumusunod na pamantayan:
Pilipinong Anyo, Kaakmaan
ng Kilos at Gawi, Tindig at
Tikas, Pagdadala ng Kasuotan
at Pagdadala ng Sarili. Tampok
din ang paligsahan ng pag
awit ng solo at dueto, pag
bigkas ng tula at dagliang pag
talakay. Hinirang na Lakan at
Lakambini ng Wika 2018 sina
John Robert Ebora at Geraline
Sundan sa pahina 2..
Finality of Judgement sa IRA Increase. Personal na inihain ni Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas ang Motion for Entry of Finality
of Judgement noong ika-28 ng Agosto 2018 sa Supreme Court Building sa Padre Faura, Ermita, Manila para sa IRA petition na nauna
nang kinatigan ng Supreme Court. Batangas Capitol PIO
Business establishments tutupad sa
mahigpit na pagpapatupad ng RA 9003
NAGPAHAYAG ng kooperasyon
at pakikiisa ang mga business
establishments sa Batangas City
sa istriktong pagpapatupad ng
R . A. 9003 o Ecological Solid
Waste Management Act of 2000
na sisimulan sa October 1 sa
pagpupulong sa kanila ng Batangas
City Solid Waste Management
Board noong September 4 sa
Batangas City Convention Center.
Ang pagpupulong ay ipinatawag
ng
Enforcement
Committee
ng SWMB na pinamumunuan
ni PSupt Sancho Celedio na
kinatawan dito ni PCI Apolinario
Palomino. Sinabi niya na kasama
ang Monitoring Committee ay
iikot randomly sa mga barangay
at commercial establishments ang
enforcement committee simula
sa October 1, kung kaya’t dapat
lamang ay may sapat na kaalaman
ang mga establisimyento ukol
sa batas na ito. “Hindi po namin
gusto na kayo ay mahuli para mag
multa o makasuhan, ang gusto po
namin tayo ay magkaintindihan
at magkaisa sa pangangalaga ng
kapaligiran,” sabi ni PCI Palomino.
Mahigpit
na
ipinagbabawal ng RA 9003 ang
paggamit ng plastic, partikular
ay plastic, labo, linaw at sando
bag, pagtatapon ng mga basura
sa kanal, ilog, dagat at iba
pang lugar na hindi itinakdang
tapunan, pagpapatupad ng waste
segregation, recycling at paggamit
ng reusable products.
Sumang-ayon ang mga
establishments sa paggamit ng
re-sealable plastics (zip lock) na
maaring ilang ulit na gamitin,
reusable containers para sa mga
take-out na pagkain, paper cups
sa halip na plastic cups para sa
mga liquid products, kagaya ng
kape, frappe’, juice, palamig at
iba, eco-bags o malalaking supot
para sa mga laundry shops na
maaring sariling dala ng customers
o bibilhin nila sa shops.
Napagkasunduan rin na
maari gamitin ang plastik para
sa display at taguan lamang ng
mga panindang damit, sa halip ay
ilalagay ito sa supot o store bag
kung bibilhin ng customer. Walang
plastic na dapat ilalabas ang mga
boutique. Ang plastic ay iipunin ng
boutique at ibabalik sa supplier ng
produkto. (PIO Batangas City)
Ika-8 Bantayog Wika sa
Pilipinas, Pinasinayaan sa
Lalawigan ng Batangas
Bantayog Wika sa Batangas. Binasbasan ni Fr. Daks Ramos ang Bantayog-Wika, ang monumentong gawa sa stainless steel at hugis
ng kawayan na 10 feet ang taas at nilikha ng iskultor na si Luis “Junyee” Yee Jr. Makikita rin sa larawan sa okasyon ng pagpapasinaya
sa monumento sina Batangas Gov. Dodo Mandanas, Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) Commissioner Purificacion Delima at
Provincial Tourism Officer, Atty. Sylvia Marasigan, sa Laurel Park, Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Agosto 2018.
Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
MATAPOS ang ilang buwang
preparasyon, pinasinayaan ang
Bantayog-Wika sa Liwasang
Laurel,
Provincial
Capitol
Compound, Batangas City noong
ika-23 ng Agosto 2018.
Ang nasabing Bantayog-
Wika ay gawa sa stainless steel
sa hugis ng kawayan na 10 feet
ang taas at nilikha ng iskultor
na si Luis “Junyee” Yee Jr. Mga
talata mula sa panulat ni Andres
Bonifacio na “Pag-ibig sa
Tinubuang Bayan” ang nakaukit
sa katawan ng language marker.
Ang
pang-walong
Bantayog-Wika
sa
buong
Pilipinas
ay
pormal
na
pinasinayaan ng mga opisyal
ng Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas, sa pangunguna
ni
Gobernador
Hermilando
Mandanas, kasama ang Komisyon
ng Wikang Filipino (KWF)
Commissioner
Purificacion
Delima, na kumakatawan sa
National Artist for Literature at
National Commission for Culture
and Arts at KWF chairperson na
si Virgilio Almario.
Sundan sa pahina 3..