Tambuling Batangas Publication October 24-30, 2018 Issue | Page 3
BALITA
October 24-30, 2018
Konsehal Aldover
binigyang pugay sa
kanyang necrological rites
necrological rites at public viewing ng yumaong si Konsehal Glen “Okidok” Aldover sa Sangguniang Panlungsod Session Hall
Nahirang...
gulay tulad ng talong, kalabasa,
sitaw at ampalaya o yaong
mga gulay aniya na sangkap sa
pinakbet. Nasa 150 kilos ng gulay
ang kanilang dinadala at inilalako
sa bagong palengke kung saan
kumikita sila ng P 30,000-
P50,000 kada buwan. Mula dito
ay nakapagpundar na siya ng
bahay, nakabili ng sasakyan at
may sapat na pangtustos sa pag-
aaral ng kanilang mga anak at
sa kanilang pang araw araw na
pamumuhay.
Dahil sa pagtatanim
at pagsasaka ang kinagisnan
ng kanilang mga anak, naging
katulong nila ang mga ito sa
pagpapalago ng kanilang taniman.
Ayon
sa
regional
director ng Department of
Agriculture CALABARZON na
si Engr. Arnel de Mesa, layunin
ng Gawad Saka na kilalanin ang
malaking kontribusyon ng mga
magsasaka sa pagiging katuwang
ng Kagawaran ng Sakahan sa
adhikain nitong mapaunlad ang
agrikultura hindi lamang sa
rehiyon gayundin sa buong bansa.
mula sa pahina 1
Binati niya lahat ng mga
nagsipagwagi at hinikayat na
patuloy na magsilbing inspirasyon
sa kapwa nila magsasaka upang
mas maitaas ang antas ng
agrikultura.
Binigyang diin naman
ni Agricultural Training Institute
IV-A Center Director Marites
Cosico ang kahalagahan ng
papel na ginagampanan ng
mga magsasaka. Wala aniyang
pagkain sa bawat mesa kung wala
ang mga ito.
Ayon sa mensahe ni
PHILCOA IV-A OIC-Regional
Manager
Andrew
Edrada
“nagbunga ang paghihirap ng mga
magsasaka kung kayat nararapat
itaguyod ang kanilang kapakanan
at bigyan ng pagsaludo ang mga
ito sa kanilang pagpupunyagi.”
Lubos ang kasiyahan ng
pamilya Manalo sa karangalang
nakamit na hindi nila inaasahan
at hindi matutumbasan ng
anumang halaga. Taos puso ang
pasasalamat nila sa ayudang
patuloy na ipinagkakaloob ng
pamahalaang lungsod upang mas
mapalago at mapaganda ang
kanilang ani.
Nakiisa
din
sa
nasabing okasyon ang chairman
ng Regional Agriculture and
Fisheries Council (RAFC)
CALABARZON na si Pedrito
Kalaw.
Ginawaran
naman
ng Certificate of Recognition
si Mayor Beverley Rose
Dimacuha dahil sa kanyang
puspusang pagyakap sa mga
adhikain ng Kagawaran ng
Pagsasaka gayundin si Office
of the City Veterinary and
Agricultural Services(OCVAS)
chief Dr Macario Hornilla.
Tumanggap din ng
sertipiko ng pagkilala sina
Batangas Provincial Committee
Chairperson/Coordinator
Flora Andal at Agricultural
Extension
Worker
Albert
Serquina ng OCVAS dahil sa
kanilang suporta at paggabay
na nagresulta ng pagkilala sa
natatanging farm family ng
CALABARZON na mula sa
lungsod ng Batangas.(PIO
Batangas City) )
Batangas City magbubuo ng food security plan
DUMALO si Mayor Beverley
Rose Dimacuha at hepe ng Office
of the City Veterinary Agricultural
Services na si Dr. Macario Hornilla
sa kauna-unahang Food Security
Summit noong October 4, sa
Philippine International Convention
Center kung saan dumalo ang mga
mayors ng mga local government
unts (LGUs) sa Regions 4 at 5 upang
magbalangkas ng kanikanilang five
– year food security plan para sa
taong 2019-2023.
Ang food security plan
ng isang LGU ay maglalaman ng
impormasyon hinggil sa kanilang
populasyon,
food
production
potentials,
interventions
na
kailangan upang mapataas ang food
production at priority areas kung
saan higit na kailangan ang farm to
market roads, small-scale irrigation,
fish ports at post-harvest facilities
Dumalo rito si Secretary
Manny F. Piñol kung saan sinabi
niya na “it is the job of every local
leader to provide sufficient food for
his constituents. Thus, the tagline
for the summit Mamamayan ko
Pakakainin ko!
From self-reliant municipality, we
can build a self-reliant country.
Ayon kay Dr. Hornilla,
nagsumite ang kanyang tanggapan
ng plano kung saan nakasaad dito
kung aling mga produkto ang sapat,
sobra o kulang sa lungsod.
Bagamat nasa coastal
area ang Batangas City, ito aniya
ay navigation area o dinadaanan
ng mga barkong naglalayag kung
kayat hindi ganon karami ang mga
isdang nahuhuli dito. Marami din
aniyang lugar dito na naideklarang
sanctuaries kung kayat balak nila na
magtayo ng mga artificial reef.
Kulang ang suplay ng
itlog dito kung kayat hihilingin
niya na mabigyan ng buget para
makapag
disperse ng egg-laying chickens at
ng sa gayon ay makapagbigay din
ng hanapbuhay sa mga barangay.
Pagdating sa mga gulay
tulad ng talong, sapat at nakakapag
supply pa nito ang lungsod sa ibang
lugar. Wala aniya ditong produksyon
ng bawang at sibuyas kung kayat
nais niya itong matutukan.
Hinihikayat niya ang mga
mamamayan ng lungsod na gamitin
ang mga idle lots ng mga ito upang
pagtaniman ng mga high- value
crops at sikaping mapalawak ang
organic farming.
Nagpapatupad ang OCVAS ng
programang Binhi Ngayon Pagkain
Bukas na nagbibigay ng libreng
binhi ng mga gulay at prutas
upang mapalago ang agricultural
production.
BUMUHOS ang emosyon sa nec-
rological rites at public viewing ng
yumaong si Konsehal Glen “Okidok”
Aldover sa Sangguniang Panlungsod
Session Hall ngayong Martes, October
16, kung saan siya ay inilarawan ng
mga nagbigay pugay sa kanya bilang
isang mabuting tao, matulungin,
mapagbiro at masayahin.
Mula sa kanyang pamilya,
kaibigan, kasamahan at oridinaryong
tao, lahat sila ay nagbigay ng kanilang
mga naging karanasan sa konsehal na
namatay sa heart attack noong October
10 sa edad na 61.
Ayon kay Konsehal Gerry
Dela Roca, “Mami-miss namin sa
kaniya, yung pagiging peace maker
nya. Kasi alam nyo naman po sa sang-
guniang panglungsod, sa kagustuhan
namin na mapaganda ang mga in-
iaakda naming batas, hindi maiiwasan
na magkaroon ng konting tension
lalo na sa mga deliberasyon. Pero si
Okidok, siya lagi ang pumapagitna sa
amin, nag-ca-crack siya ng mga jokes
na nagpapahupa ng tension sa bawat
isa.”
Kwento ni Secretary to
the Sangguniang Panlungsod Olive
Telegatos na napakahabang panahon
ng kanilang pinagsamahan ni Aldover.
Bilang secretary ng sanggunian, siya
aniya ang madalas kulitin nito lalo na
kung may ordinansa itong binubuo.
“Ang relationship namin e
maituturing na love and hate relation-
ship. Kasi dadating yan sa opisina
ko, mambobola sa akin pero asahan
mo may kasunod na yung pakiusap.
Mula sa grammar at mga probisyon
ng ordinansa at resolusyon nya, ako
ang kaniyang kinukulit,” sabi niya.
“Pero si Dr. Glenn ang isa sa
konsehal na araw-araw pumupunta sa
kaniyang opisina. Araw-araw po iyon.
Napakasipag pong tao ni Glenn Al-
dover. Tumutulong at nagche-check up
siya sa mga pasyente na nasa kaniyang
tanggapan. At ramdam na ramdam na-
min ang kaniyang pagkawala,” dagdag
pa ni Telegatos.
Hindi rin naitago ng mag-
asawang konsehal na sina Mr. Serge
Atienza at Atty. Alyssa Cruz-Atienza
ang kanilang kalungkutan. Si Aldover
ang isa sa kinuhang nino ng ng dalawa
sa kanilang kasal.
“Napakabait ni ninong. Wala
siyang bukang-bibig kundi ‘mahalin
nyo ang inyong mga anak, ang inyong
pamilya. Dahil oras na lumaki na ang
inyong mga anak, madalang nyo na
silang mahahalikan at mayayakap.’
Iyon po ang tumatak na payo niya sa
aming mag-asawa. At dito nakita na-
min kung sino siya as a family man,”
sabi ni Atienza.
Nag-alay naman ng awit-
ing “My Way” ni Frank Sinatra si
ABC President Angelito DonDon
Dimacuha. Ito aniya ang kantang
‘lumalarawan sa naging buhay ni Dr.
Aldover bilang ama, asawa, kaibigan
at lingkod-bayan.’
Pagkatapos ng public view-
ing, agad na idiniretso ang labi ni
Aldover sa Sta. Rita De Cascia para
sa funeral mass.
Si Aldover ay nagsilbing
city councilor mula 2001 hanggang
2007 at naging medical officer V
ng City Health Office noong 2008.
Tumakbo at nanalo uli siya bilang
konsehal noong 2013 at naglingkod
hanggang sa kasalukuyan.
Bukod sa kaniyang ma-
halagang kontribusyon bilang isang
public servant, isa sa iniakda niyang
ordinansa na naktakdang aprubahan
ay ang Health and Sanitation Code of
Batangas City. (PIO Batangas City)
Palace condemns killing
of 9 farmers in Negros
By: Mae Hyacinth Ludivico
NINE sugarcane farmers were shot
dead by armed men on Saturday
night, 0ctober 20, in Sagay, Negros
Occidental.
Malacañang on Sunday
evening condemned “in the strongest
possible terms” the killing of farmers
as the Philippine National Police
(PNP) investigates the said incident.
“We condemn in the
strongest possible terms the reported
deaths of sugar workers in Sagay
City, Negros Occidental,” said
Presidential Spokesperson Salvador
in a statement.
Panelo also noted that the
Office of the President adhered “to
the principle that the right to life shall
remain unthreatened by proprietary
interests, and this extends to agrarian
settings.”
Among the victims were
women and some minors, who were
resting in their makeshift tent when
5 to 6 gunmen reportedly shot them
inside Hacienda Nene.
The victims were members
of the Negros Federation of Sugar
Workers.
According to Sagay police
chief, Chief Insp. Roberto Mansueto,
a firearm and empty shells of various
firearms were recovered in the area.
Meanwhile,
Negros
Occidental
Governor
Alfredo
Marañon Jr, announced a P500,000
reward for the information on the
people involved for the killings.
Kadamay members call for
‘zero eviction’
By: Mae Hyacinth Ludivico
MEMBERS of the urban poor
group ‘Kadamay’ and other informal
settlers held a protest rally outside
National Housing Authority (NHA)
office in Quezon City, on Monday,
October 22.
According to the report
on GMA News Online, the militant
group asked NHA officials to get out
of their office and discuss the issues
with them.
The group urged NHA to
stop the supposed oppression against
illegal settlers of Sitio San Roque,
as deadline to demolish their own
houses.
They were also given
orders to self-demolish their houses
within the 30 days after they were
informed.
According to the militant
group, the agency is being deaf
toward their requests.
The NHA has no statement
regarding the protest rally of
Kadamay./gmanews