Tambuling Batangas Publication October 24-30, 2018 Issue | Page 2

BALITA Gandang Buntis 2018 si Gng. Rosemarie Escote ng Barangay Gulod Itaas Team EBD naghain na ng certificates of candidacy Nag filed na ng Certificates of Candidacy (COC) kaninang umaga, October 15, sina Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa Batangas City at Provincial COMELEC Offices para sa kanilang reelection bilang mayor at representative ng 5th district ng Batangas kasama ang iba pang local candidates ng Team EBD. Bago ito, dumalo ang mga kandidato sa Banal na Misa sa Basilica Immaculada Conception bandang 6:15 ng umaga at pagkatapos ay tumuloy sa flag ceremony ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod sa Plaza Mabini. Dito ay ipinakilala ang kumpletong line-up ng candidates sa ilalim ng Nacionalista Party- One Batangas, “team EBD.” Kabilang dito ang mga incumbent city councilors na sina Karlos Buted, Atty. Alyssa Cruz, Nelson Chavez, Boy Dimacuha, Gerry dela Roca. Oliver Macatangay, Aileen Montalbo, at Julian Villena. Ang mga bagong kasama sa partido na tatakbo sa pagka konsehal ay sina Aleth Lazarte, ang may bahay ni Coun. Mando Lazarte na matatapos na ang termino, Ched Atienza, may bahay ng dating Bokal Serging Atienza at ina ng last termer din na si Coun. Serge Atienza , dating pangulong ng brgy. Kumintang Ibaba na si Junjun Gamboa na syang pumalit sa nabakanteng lugar sa partido ng namayapang konsehal, Dr. Glenn Aldover at ang dati na ring kumandidato sa pagka konsehal na si Nitoy Pastor. Kandidato pa rin ng partido sa pagka bokal ng ika-5 distrito (Batangas City) sina bokal Claudette Ambida at Bart Blanco. Guest candidate naman ng partido si Vice Mayor Jun Berberabe na kandidato pa rin sa pagka vice- mayor ng lungsod. Nakasama ng grupo sa pagpapakilala kaniinang umaga ang AGAP Party List Representative Rico Geron. Magsisimula ang campaign period sa March 30, 2019, at ang national at local elections ay sa May 13, 2019. (PIO Batangas City) Ikalawang mobile passporting isinagawa sa Sa 1,488 na na encode ng application form. Batangas City (DFA). DFA ang application, 1,052 ang Isa sa nakinabang sa BATANGAS CITY-Sa ikalawang beses ngayong taon, nakinabang ang mga taga Batangas City sa Mobile Passport Service na ginanap kahapon, October 3, bilang handog nila Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa kanilang constituents sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan. May 996 na aplikante ang naaprubahan ang passport sa proyektong ito na ginanap sa Sports Coliseum sa pangangasiwa ng City Civil Registrar’s Office CCRO) at pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs naproseso, 56 ang na reject at 436 applicants ang hindi nakarating. Ayon kay Josie Maranan, hepe ng CRO, malaking tulong ang proyektong ito dahil maraming Batangueño ang nagnanais mangibang bansa para magtrabaho, mag-aral o kaya’y mamasyal. “Nasa 1,600 ang quota ng aplikante sa mobile passporting na ibinigay ng DFA para sa taga lungsod. Ayon naman sa DFA, may mga aplikante na hindi nakatanggap ng email buhat sa kanilang ahensya dahilan sa hindi active ang kanilang email o may mali sa pag fill up ng kanilang proyektong ito ay si Jocelyn Nanit ng Velasquez Road Sta Rita. Aniya, inabangan niya ang proyektong ito dahil mas madaling kumuha ng pasaporte dito. “Mahirap makakuha ng online appointment bukod dito hindi na ako luluwas pa ng DFA Manila.” Ang mga naprosesong pasaporte ay ipadadala sa kani- kanilang tahanan sa pamamagitan ng LBC bago mag Oktubre 15. Dalawang passport van on wheels ng DFA ang dumating at naging mabilis at maayos naman ang naging proseso ng passporting. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City October 24-30, 2018 Search for Gandang Buntis 2018 inilunsad sa Buntis Congress BATANGAS CITY- Mahigit 150 mga buntis ang dumalo sa Buntis Congress na isinagawa ng City Health Office, October 12, hindi lamang upang mabigyan sila ng kaalaman kung papaano pangangalagaan ang kanilang sarili sa panahon ng kanilang pagdadalangtao kundi ipakita na pwede silang manatiling maganda sa ganitong kondisyon sa pamamgitan ng Search for Gandang Buntis 2018. Ayon kay Dr. Irene Villaflor, obstetrician gynecologist at medical officer IV ng Batangas Medical Center, nais ng World Health Organization na maibaba ang bilang ng mga inang namamatay dahil sa panganganak at pagkatapos manganak kaya’t isa sa mga pangunahing paksang tinalakay dito ay ang Maternal Neonatal Health Program at Post Partum Care. Binigyang diin niya ang kalagahan ng tamang pagkain, sapat na pahinga at tulog at regular check up sa duktor habang nagbubuntis. Pagkapanganak, mahalaga ring ingatan ang sarili at huwag agad gumawa ng mabigat upang maiwasan ang anumang makasasama o pwedeng maging dahilan ng kamatayan. Tinalakay din ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso ng ina sa kanyang sanggol sa loob ng anim na buwan mula sa pagsilang nito, gayundin ang complementary feeding at mga palatandaan ng unang pagkakasakit ng sanggol upang mabigyan ng agarang lunas. Aniya, ang sobra o kulang sa pag-iyak ng bata ay isang palatandaan na dapat agarang bigyan ng atensyon ang bata. May 12 buntis naman ang Araw... ng nakakarami,” dagdag pa niya. Ipinahayag naman ni dating Mayor Vilma Dimacuha, presidente ng City Council for the Elderly, ang kagalakan sapagkat ipinagdiriwang ang araw ng mga pangunahing mamayan na kung saan binibigyang halaga ang mga nakatatanda na naging gabay sa lipunan. Ayon naman kay Mila Espanola, hepe ng City Social Welfare and Development Office, ang mga benepisyong ipinagkakaloob sa mga senior citizens ay libreng check up, food commodities, libreng gamot, pagbibigay ng physical devises at libreng sine. Ang limang centenarians ay sina Petra Aclan ng Isla Verde, Emiliana Abriza Tabangao Ambulong, Eusebio Asi ng Conde Itaas, Petra Perez ng Catandala at Luisa Perez ng Poblacion 14. Sila ay pinagkalooban ng halagang P20, 000. May 10 naman ang mga centenaries na sina Remegia Culla, ( 103 years old) ng Banaba East, Narciso Macatangay Villamor, (102) Enomoto... slogan-making contest ang mga kalahok kung saan ang mananalo ay ang magiging official slogan ng kumpanya at makakatanggap ng 15 000 cash. Mayroon ring dance competition ang nasabing programa na nilahukan ng bawat departamento ng Enomoto. Ayon kay Jing Sison, 39, Finance leader, ang 1st place ng 1-k run, “Ang pinakamaitutulong lumahok sa kauna-unahang Search for Gandang Buntis 2018. Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion , katulad din ito ng tipikal na mga beauty search, subalit ito ay naka sentro sa pagpili ng isang ulirang buntis na apat na buwan at pataas ng nagdadalang tao. Sinabi niya na mahalagang malaman ng mga nanay na importanteng mabigyan ng atensyon ang kanilang kalusugan, kalinisan at pisikal na anyo sa panahon ng kanilang pagbubuntis. “Bibigyang diin natin dito sa ating patimpalak na hindi lamang ang good grooming kundi pati na rin ang dapat na pag uugali ng isang ina habang sya ay nag bubuntis. Kasali rin dito ang pagkain nya ng masustansyang pagkain, ang regular na pre natal at pati na rin post health care check up.” Rumampa ang mga buntis sa kanilang long gowns, pagkatapos ay ipinakita ang kanilang kaalaman sa maternal care sa question and answer. Nagpagalingan din sila sa talent competition. Tinanghal na Gandang Buntis 2018 si Gng. Rosemarie Escote ng Barangay Gulod Itaas, 1st runner-up at Best in Talent si Gng. Glaiza Catral ng Barangay Sirang Lupa at 2nd runner-up si Gng. Genevieve Florida ng Barangay Bolbok. Best in long gown si Gng, Julie Ann Gawat ng Calicanto, Best in VTR Presentation si Gng. Reina Manalo ng Pinamucan Silangan at Peoples’s Choice Award winner si Gng. Ma. Theresa De Los Reyes ng Tingga Labac. Ang tema ng Buntis Congress ay “ Dakila Ina, Ikaw na”. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City mula sa pahina 1 ng Banaba East, Conchita Perez Del Mundo (102) ng Barangay 4, Margarita Ramirez Cantos (102) ng Talumpok West, Cayetana Pajutrao (102) ng Sta Rita Karsada, Anaceta Aclan (101) ng Tabangao Dao, Gaudencio Perez (101) ng Mahacot Silangan, Rosela Cortez(101) ng Sta Rita Aplaya, Leon Aninao (101) ng Sta Rita Karsada at Lorenza De Guz (101) ng Barangay Cuta. Sila ay pinagkalooban ng P5, 000. Nahirang naman na Mutya ng Pangunahing Mamayan 2018 si Gng. Aurora Realon ng Barangay Bolbok, 1st runner up si Gng. Lucy Abanico ng San Agustin Silangan, 2nd runner up si Gng. Josie Dangal ng Brgy. 8, 3rd runner up si Gng. Demetria Delen ng Conde Itaas, 4th runner up si Gng. Flor Arellano ng Tulo at 5th runner up si Gng. Luz Cunanan ng Calicanto. Tema ng pagdiriwang ang “Kilalanin at Parangalan: Tagasulong ng Karapatan ng Nakatatanda Tungo sa Lipunang Mapagkalinga”.(PIO Batangas City) mula sa pahina 8 nitong fun run sa aming mga workers po ay yung health awareness po. Bale naiintroduce po sa amin yung sports then lalo kaming mga nagkakaedad na kagaya ko kumbaga napapanatili naming yung magandang pangangatawan.” Samantala, 1019 naman ang bilang ng kalahok sa nasabing aktibidad at tumagal ang programa hanggang alas 12 ng tanghali.