Tambuling Batangas Publication October 24-30, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
A v e g a n re s t a u r a n t o u t s i d e t h e m e t ro ... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Search for Gandang Buntis
2018 inilunsad sa Buntis
Congress p. 2
Dasmarinas City,
nagsagawa ng Alay
Lakad 2018 p. 5
Konsehal Aldover binigyang
pugay sa kanyang necrological
rites p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 44
October 24-30, 2018
P6.00
Araw ng mga pangunahing mamamayan
ipinagdiwang
BATANGAS CITY-May limang
centenarians o yuong edad 100 taon
at 10 centenaries na mahigit 100
and edad ang maituturing na yaman
ng Batangas City kung kayat sila
ay patuloy na pinapahalagahan at
binibigyan ng tulong ng pamahalaang
lungsod lalo na ngayong araw na ito,
October 9, na ipinagdiriwang ang
Araw ng Pangunahing Mamamayan
ng Lungsod.
Mahigit
2,000
senior
citizens ang dumalo sa pagdiriwang
na ito na ginanap sa Sports Coliseum
sa pangangasiwa ng ng Office of
Senior Citizens Affairs (OSCA).
Naging panauhin si Mayor
Beverley Rose Dimacuha na sinabing
nasa puso niya ang pagmamahal
sa mga nakatatanda dahil katulad
ng
kanyang
mga
magulang,
tanging kapakanan, pagmamahal
at pangangalaga ang kanyang
nais ihandog sa mga pangunahing
mamayan ng lungsod.
“Pero bagamat napakihirap
sundan ang mga yapak ng aking mga
magulang, hindi ko po nalilimutan
yung laging paalaala nila sa akin.
Sa aking ama na si Mayor Eddie ko
natutunan na ang isa daw namumuno
ay dapat lagi mababa ang loob,
hindi siya ang pinagsisilbihan kundi
siya ang nagsisilbi. Sa aking ina ko
naman natutunan na ang isang leader
ay dapat marunong makinig at kung
ano man ang aking mga desisyon
ay ihingi ko daw po ng gabay sa
Panginoon. Dapat din na ang mga
desisyon ay nakabubuti sa kapakanan
Sundan sa pahina 2..
LTFRB Approves P2.00-
Increase in Jeepney Fare
By: Mae Hyacinth Ludivico
THE
Land
Transportation
Franchising and Regulatory Board
(LTFRB) has approved the petition
seeking an increase in minimum
jeepney fare in Metro Manila,
CALABARZON and Central Luzon.
Starting
November,
commuters will have to pay a
minimum fare of P10.00
In a decision, the LTFRB
granted the PUJ drivers and
operators’ petition asking the LTFRB
to increase the minimum fare to 10,
citing higher fuel prices.
“The Board does not only
look with favor on the side of the
commuting public but also considers
the welfare of the transport operators
or drivers as equally important
in order to ensure their continued
service ,” the LTFRB decision read.
The LTFRB has also
approved the provisional P1-increase
in Metro Manila bus minimum fare
for the first 5 kilometers. For ordinary
buses, the minimum fare is P11.00
and P13.00 for air conditioned buses.
However, buses from
provinces will have no price increase
for the minimum fare but it will
increase P0.15 for every succeeding
kilometer
2,000 senior citizens ang dumalo sa pagdiriwang na ito na ginanap sa Sports Coliseum sa pangangasiwa ng ng Office of Senior Citizens
Affairs (OSCA).
Mrs Universe Philippines Finest Woman
ASIA
ANG Mrs Universe pageant ay
itinatag noong 2007 upang kilalanin
ang magagandang kababaihang
may asawa na at makatulong sa
pagtataguyod ng mga gawaing
makakabuti sa komunidad at
lipunan. Sinimulan ito ni Mrs.
Universe Philippines 2017 Marilou
Tolico-Villanueva na syang founder
ng Philippine Honorable Queens.
Ang
beauty
pageant
ay ginanap noong September 8
sa Resorts World Manila kung
saan tinanghal na Mrs/ Universe
Philippines ang actress na si
Patricia Javier.
Ayon
kay
Calalo
“dream come true” ang kanyang
pagkapanalo. “I’m very thankful
na ako ay nanalo at natupad ang
pangarap ko na maging isang
beauty queen kahit ginang na ako.
Its really not too late to reach for
your dreams kaya sa mga misis na
katulad ko, just continue dreaming
and reaching for the stars,” payo
niya.
Isang
Mass
Communication
major
in
Broadcasting graduate ng Centro
Escolar University , naging finalist
si Calalo sa Bb Pilipinas pageant
noong 1998. Bagamat hindi nakuha
ang crown, ito ang nagbigay ng
oportunidad sa kanya na makapasok
sa mundo ng show business at
maging commercial model.
Napanood siya sa sikat na
programa ni Kuya Germs na That’s
Entertainment at isa sa mga talents
ngayon ng Viva Artists Agency.
Lumabas na din siya sa ilang
teleserye ng ABS CBN at GMA 7.
Ayon kay Charo, ang
kampanya laban sa violence against
women and children ang kanyang
adbokasiya. Isusulong din niya na
maipaglaban ang karapatan ng mga
kababaihan at mga kabataan sa
pamamagitan ng information and
education campaign.
Dahilan
sa
kanyang
naging tagumpay na ito sa nasabing
beauty pageant, binigyan siya ng
pagkilala ng pamahalaang lungsod
nitong Lunes, October 1.
Si Calalo ay nakatakdang
lumaban bilang kinatawan ng bansa
sa Pebrero ng susunod na taon sa
para sa Mrs Universe - ASIA. (PIO
Batangas City)
Nahirang na outstanding
farm family sa rehiyon
mula Batangas City
Monte at Gregoria Manalo at ng kanilang mga anak na sina Wilson, Jameson at Kathleen ng barangay Pinamucan Ibaba, Batangas City
PINATUNAYAN ng isang
pamilya ng magsasaka na sa
pamamagitan ng sipag, tiyaga at
pagtutulungan upang maisulong
ang kabuhayan, magiging isang
kwento ito ng tagumpay hindi
lamang sa pamilya kundi sa
pagpapaunland ng agrikultura.
Ito ang inani ng
pamilya
ng
mag-asawang
Monte at Gregoria Manalo at
ng kanilang mga anak na sina
Wilson, Jameson at Kathleen
ng barangay Pinamucan Ibaba,
Batangas City ng tinanghal sila
bilang Outstanding Farm Family
sa 2018 Regional Gawad Saka
awarding ceremonies noong ika-
13 ng Oktubre sa Great Eastern
Hotel sa Quezon City.
Sila ay tumanggap ng
plake at cash prize na P 75,000
bilang pagkilala sa kontribusyon
ng kanilang pamilya sa larangan
ng agrikultura sa pamayanang
kanilang ginagalawan.
Ayon kay Monte, may 20
taon na siyang vegetable grower.
Mula sa pangongontrata ng
electrical works, pinasok niya ang
pagtatanim ng ibat-ibang klase ng
Sundan sa pahina 2..