Tambuling Batangas Publication October 24-30, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
October 24-30, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Ni Teo S. Marasigan
Pathetic antics
THE camp of putschist-turned lawmaker Sen. Antonio Trillanes IV is back
in its old dissembling ways, in a vain attempt to portray itself as persecuted
martyr for democracy when in truth it is just plain opportunist.
This time, it was through pathetic antics obviously meant to
influence the decision of the Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148
handling the motion of the Department of Justice (DoJ) to reopen coup d’ etat
charges against the senator and order his arrest.
On Monday, Trillanes’ supporters sent bouquets of flowers and
letters, left in the hallways on the 14th floor of the Makati City Hall of Justice
in front of the office of RTC Branch 148 Judge Andres Soriano. The flowers
came with tags bearing the words “rule of law,” “truth,” “fairness,” “hope”
and “legacy.”
For the flower stunt, Trillanes’ supporters could be cited for
contempt by the court, according to Justice Secretary Menardo Guevarra.
“That’s exactly the kind of pressure that has been exerted upon
Judge Soriano. Some people have made it appear that any ruling against
Senator Trillanes will be a deathblow to democracy and the rule of law,”
Guevarra said.
He noted that even a first-year law student knows that such acts
tending to influence the decision of the judge are a clear and punishable case
of contempt of court.
What made it crystal clear to be a deliberate ploy to sway the court’s
decision was the statement Magdalo partylist Rep. Gary Alejano issued just a
day before.
“We have information that the pressure on him is really intense,”
Alejano said at a news forum at the University of the Philippines Hotel in
Quezon City.
But Alejano cannot support with specific details his outrageous and
patently malicious accusation.
“We know that the current atmosphere is instilling fear among the
people so that is where they are coming from — do not oppose us, do not step
on us because we can always get back at you,” was all Alejano could say.
Guevarra said Alejano’s unfounded remarks proved the camp of
Trillanes “is the one clearly trying to influence the decision-making of the
judge.” In contrast, he noted that the DoJ has not engaged it in sub judice
argumentation in the media.
He maintained the DoJ does not interact with the judge, except
through pleadings filed and arguments raised in open court.
To digress, Alejano — like Trillanes, obviously feels no
compunction over the failed military adventurism of the Magdalo putschist
group.
“No regrets, it was worth it, because before we decided to do it,
we exactly knew the consequences of our actions,” Alejano said in a TV
interview last July.
That is precisely one of the reasons President Duterte issued
Proclamation 572 on 31 August this year, revoking the grant of amnesty
to Trillanes. The proclamation noted that Trillanes did not actually file the
required application for the grant of amnesty and did not admit guilt in his
role on the 2003 Oakwood mutiny and the 2007 Manila Peninsula siege.
Alejano, who is running for senator in the 2019 elections, exhibits
the same tendency of Trillanes to hurl baseless accusations at the Duterte
administration to get media attention in the hope of boosting their political
ambitions regardless of the negative consequences to the country’s national
interest.
For instance, last June Alejano alleged that President Duterte
ordered a stop to patrols in the West Philippine Sea and that China has taken
control of the disputed Sandy Cay, prompting Foreign Affairs Secretary Alan
Peter Cayetano to call him a “liar.”
Cayetano slammed Alejano for using the country’s territorial row
with China to undermine the Duterte administration.
Going back to the latest caper of Trillanes’ camp, it only betrays
its panic over an impending verdict in favor of the government as it failed
to provide any definitive evidence to prove the senator indeed filed an
application for amnesty.
Its stunts evoke memories of the story about the advice law
professors supposedly offer to new lawyers on their first case trial: “If you’re
strong on the facts, pound on the facts. If you’re strong on the law, pound on
the law. If you’re not strong on the facts or the law, just pound on the table.”
And that’s what Trillanes’ camp is doing — just making desperate
noises.
By all indications, Trillanes is headed for jail. Alejano, who ranked
31-35 in the recent Social Weather Stations senatorial survey, is likely to end
up in the dustbin of our political history.
A lot of Filipinos would surely welcome such development and
say: Good riddance!
Para kay Senador Antonio Trillanes IV
KUMUSTA? Sana, nasa mabuting lagay
ka na ngayon. Noong Nobyembre 29, isa
ako sa maraming parang dinaluyan ng
kuryente nang mabasa ang text messagena
nagsabing nag-walkout ka sa pagdinig
ng kaso mo sa Makati at nanawagang
“Ito na ang panahon.” Isa rin ako sa mga
sumubaybay sa telebisyon sa pagmartsa
ninyo – nina dating Brigadier General
Danilo Lim, dating Bise-Presidente
Teofisto Guingona, Jr. at dating Presidente
Francisco Nemenzo, Jr. ng Unibersidad ng
Pilipinas – papuntang Manila Peninsula
Hotel. Tinutukan ko ang mga nangyari,
hanggang sumuko kayo noong gabi.
Noong unang nag-alsa ang grupo mong
Magdalo, Hulyo 2003, nagkaroon ako agad
ng simpatya sa inyo. Bagamat may duda
ako kung saan galing ang bugso ng galit
at giting ninyo, at hindi ko gaanong unawa
ang porma ng protesta ninyo, alam at
sinasang-ayunan ko ang mga ipinaglalaban
ninyo. Nitong halalang 2007, alam kong
tumakbo ka. Pero noong malapit na lang
ang araw ng pagboto ko pinag-isipan kung
iboboto kita. At ang sagot ko: “Oo, iboboto
ko si Trillanes. Oo, iboboto ko si Trillanes!
Oo!” Noon ko nahulaang mananalo ka:
Kahit akong aktibista, nakaramdam na
“astig” ang iboto ka.
Bakit? Dahil kahit ikinulong ka na’t lahat,
matatag kang kontra-kahirapan, kontra-
korupsiyon at kontra sa abusong paggamit
sa militar – kontra-Arroyo samakatuwid.
At hindi ka lang karaniwang kontra-
Arroyo. Makabuluhan sigurong ihambing
ka sa puntong ito sa isa ring kritiko ng
pangulo, si Sen. Francis “Chiz” Escudero.
Maligoy siyang magsalita; direkta ka
sa punto. Malambot at mahinahon ang
imahen niya; palaban at nag-aapura ang
dating mo. Kumbaga, cool siya; hotka.
Kung may hindi magandang alingasngas
na bata siya ni Danding Cojuangco, tiyak
ang maraming hindi ka trapo.
Nariyan, sa tingin ko, ang mga dahilan
kung bakit ka nanalo kahit wala kang
malaking pondo, at sinisiraan pa. Ngayong
senador ka na, sinusulit mo ang tiwala
sa iyo ng mga tao. Hindi ka lumamya o
tumigil. Nagtuluy-tuloy ang matitinding
banat mo sa rehimen. Kung tama ang alala
ko, tumindig ka kontra sa Malakanyang
simula sa pagpili ng presidente ng Senado,
na isyung humati sa Oposisyon, hanggang
sa pag-akusa sa rehimen na utak ng
pagbomba sa Glorietta. Nakakulong ka
na’t posibleng bulukin sa kulungan, ano pa
nga ba ang ikakatakot mo? Sa isang banda,
walang mawawala sa iyo.
At ngayon, ito. Muli, gaya ng sinabi mo,
ipinakita ng rehimeng Arroyo kung gaano
ito ka-brutal. Sa dami ng ipinakat na mga
puwersang militar sa Manila Peninsula,
at sa eksaheradong mga taktika ng
mga ito laban sa kakaunting armadong
puwersa ninyo – nagsalaksak pa ng tangke
sa entrada! – masasabing may isang
mensaheng gustong ihatid ang rehimen sa
mga gustong lumaban dito: “Dudurugin
namin kayo!” Iyon ang minimum na
layunin. Sa maksimum, hindi malayong
ang tinanaw o tinarget ay patayin at
patahimikin na, sa wakas, kayong matagal
nang mga sanhi ng sakit ng ulo ng rehimen.
Pero matagal na nating alam na malupit ang
rehimeng ito. Hindi iyon ang pangunahing
dahilan kung bakit nadurog ang inyong pag-
aalsa at hindi napatalsik si Arroyo alinsunod
sa plano. Ang kawalan ng pagkilos ng
masa, siyempre pa, ang pangunahing
sanhi. Para sa mga mamamayang walang
organisasyong kontra-Arroyo – na dapat
ay hahatakin at papatapangin ng gayong
mga organisasyong inasahan ninyong
darating – nakakatakot ang ginawa ninyo.
Sa hindi pagbuhos ng masa sa inyong
ginawa, lumutang ito bilang isang putsch,
at hindi ang pag-aalsang “people power” na
pinapangarap nating lahat.
Maisasagot mo, gayunman, na hindi
natakot ang mga tao noong Edsa 1 na
rumesponde sa panawagang depensahan
sina dating Sek. Juan Ponce Enrile ng
Tanggulan at Hen. Fidel Ramos. Tama ka.
At wastong humalaw ng aral sa karanasan.
Kailangan nating malaman kung paano
nagbabago ang kasaysayan para malaman
natin kung paano mulat na babaguhin ito.
Pinanday ang ganoong kahandaan ng mga
mamamayan na lumaban at magtaya ng
buhay ng papalawak na mga kilos-protesta
mula pa noong 1983 – na, sa iba’t ibang
dahilan, ay wala pa ngayon. Bumubuwelo
pa marahil para sa unos.
Sa ganitong punto kailangang iwasto ang
dalawang tampok na maling paniniwala
hinggil sa Edsa 1 at Edsa 2. Ang isa,
nagpapatampok sa papel ng militar; ang
isa, sa papel ng tinatawag na “panggitnang
uri”. Parehong minamaliit ng ganitong
pagtingin ang papel ng masang anakpawis
sa dalawang pag-aalsa. Materyal na batayan
ng una ang mga taong militar, lalo na
iyung sangkot sa dalawang people power.
Materyal na batayan naman ng ikalawa
ang ilang akademiko at intelektuwal na
nagdidiin sa paglawak ng panggitnang uri
sa Pilipinas para ibangga sa pagsusuring
agrikultural pa rin sa kalakhan ang bansa.
Masasabing nagsanib ang ilang tampok
na taguyod ng dalawang paniniwalang
ito sa ginawa ninyo sa Manila Peninsula.
Partikular akong naadwa sa mga sibilyang
kasama ninyo: Nangako ba silang
magpapakilos ng libu-libo? Bagamat
kontra-Arroyo, petiburgis sila. Nasaan ang
mga Crispin Beltran ng mga manggagawa?
Mga Paeng Mariano at Daning Ramos ng
mga magsasaka? Mga Mameng Deunida
ng mga maralita? Hindi rin sila kilalang
namumuno sa malalaki at matatatag
na pagkilos ng mga mamamayan sa
lansangan, tulad nina Carol Araullo, Satur
Ocampo, Liza Maza at Mong Palatino.
Lumilitaw na hindi sila nakasama sa
pagpaplano ng nangyari. Sila pa man din
ang pinakamadiin sa pagsasabing kilusan
ng libu-libong masa ang susi para patalsikin
ang rehimeng Arroyo. May pulso sila sa
lakas at kakayahan – gayundin sa kahinaan
at limitasyon pa – ngayon ng kilusang masa.
Marahil, hihikayatin ka nilang ibinbin
muna ang gayong aksiyon, magpokus sa
paglalantad pang lalo sa rehimeng Arroyo,
at ibayong mag-ambag sa pagpapalawak sa
hanay ng mga mamamayang kumikilos sa
lansangan – siguro hanggang sa panahong
kagyat na hudyat na lamang ang kulang.
Marami pang aspekto ng ginawa ninyo ang
kapuna-puna: ang kakaunting sibilyang
sumama paglabas ninyo ng korte, ang
magulo at kulang-sa-militansiyang martsa
ninyo patungong Manila Peninsula, ang
akademikong Ingles na ginamit sa pahayag
ni Hen. Lim, ang miyembro ng Magdalo
na naka-peluka – parang awa mo na, paki-
paliwanag lang sa akin kung bakit siya
nakasuot ng ganoon – at ang kakapusan
ninyo ng mga pahayag. Pero sekundaryo
ang lahat ng ito. Lilikhain ng malakas na
kilusang masa ang mga porma ng rurok na
pag-aalsa, at nililikha pa lamang natin ang
mga ito ngayon.
Bigo ang pag-aalsa ninyo sa layuning
patalsikin ang papet, pasista at pahirap na
pekeng pangulo. Pero hindi ito sayang.
Hindi man ito ang rurok na pag-aalsa,
bahagi ito ng buong proseso ng paglalantad
at papatinding paglaban sa rehimeng
Arroyo. Hindi pa man ito 1986, maaaring
panibagong 1983 ito – hudyat ng simula
ng mas malakas na bugso ng mga pagkilos
na magtatagumpay sa dulo. Binubuhay
nito ang diwang palaban ng mga tao
para lumahok at sumuporta sa mga kilos-
protesta. Malawak at matapang ang hanay
ng mga nagprotesta nitong Nobyembre 30
na tumulak patungong Mendiola.
Ngayon, siyempre, sinasamantala ng
rehimen ang pagkadurog ng pag-aalsa
ninyo para siraan ka: Duwag ka raw. Pero
alam ng maraming hindi halang ang bituka
mo para isuong ang mga kasamahan mo
o mga sibilyan sa kamatayan. Lahat ng
kinalabasan ng aksiyon mo, hinaharap mo
– hindi binabaluktot o pinagtatakpan. Dahil
ikaw ang pinaka-pangahas sa kilusang
kontra-Arroyo, walang iba kundi pagmaliit
sa kakayahan nito ang pagsasabing duwag
ka. Noong sinabi mong ikaw ang papalit
kay Gloria, alam ng maraming hindi
iyon kayabangan, kundi desperasyon –
napasubo – sa kalagayan.
Isa sa huling mga eksena sa telebisyon
noong Nobyembre 29 ang panayam sa iyo
noong naihatid na kayo sa Kampo Bagong
Diwa. Ayaw mong sumagot sa mga tanong.
Parang malungkot ka. O baka hindi mo pa
napag-isipan ang mga sagot. Hindi maiaalis
sa iyong malungkot. Pero sa dulo, tama
lang na hindi ka napatay, nagpakamatay
o nagsubo ng iba sa kamatayan. Hindi
natin kailangang magbuwis ng buhay para
patalsikin ang rehimeng ito. Para sa mga
progresibo, nakalaan ang buhay sa pagkilos
para baguhin ang sistema ng lipunan natin.
Sana, makasama ka sa pagkilos na ito.
Sana, mapanatag ka. Malamang, hindi
masarap ang tulog nina Gng. Arroyo at
ng mga kalaban nating kinamumuhian
ng sambayanan. Ngayong gabi, at sa
susunod pang mga gabi, matulog ka nang
mahimbing. Magpakatatag ka. Marami pa
tayong labang haharapin. Ano man ang
sabihin nila, ano pa man ang ikaso nila
sa iyo, mapanatag ka sa pag-iisip na dahil
sa ginawa mo, lalo kang minamahal ng
sambayanang Pilipino.
02 Disyembre 2007