Tambuling Batangas Publication October 10-16, 2018 Issue | Page 5

OPINYON October 10-16 , 2018 Kandama Revives the Power of Weaving Mae Hyacinth Ludivico WITH its mission to preserve the tradition of handloom weaving, Kandama, in collaboration with Philippine Stagers Foundation raised a benefit show at Tanghalang Pasigueño, on Thursday, September 27. Kandama is a social enterprise inspiring creative synergy among master weavers, modern designers, and indigenous artisans to create a lighthouse of living traditions that empower women. Today, Kandama has established two temporary weaving centers in Julongan, supporting the livelihood of 28 Ifugao women. The benefit show, “Save The Weave”, aims to raise funds and awareness towards Kandama’s mission, which also aims to provide economic opportunities to the indigenous women of Julongan, and protect the watershed that sustains the rice terraces, which is a UNESCO Heritage site. The night was filled with a 3-part show featuring different cultural performances, a fashion show, and a groundbreaking theater performance from Philippine Stagers Foundation. Team Vibe graced the stage first with their traditional and modern moves. Their clothes also have a touch of modern and woven fabrics. Next is, the main part, which is the fashion show showcasing a striking collection of modern and woven fabrics. The Filipino designers combined the tradition with style. They truly proved that weaving goes beyond cultural practice. The last part is a stage play, “Supremo Redux”–a modern musical play about the life of Andres Bonifacio. Even their costumes were also inspired with woven fabrics. The play is about heroism, patriotism, love, and bravery. The play will make you laugh and cry at the same time. Although the line of the story is historical, it also has a millennial vibe. What a show it was where fashion, culture and heritage came together. This is something that every Filipino could be proud of. Mr. Vincent Tanada as Andres Bonifacio for ”Supremo Redux”/Photo by Mae Hyacinth Ludivico Team Vibe showcasing the different cultural dance./ Photo by Mae Hyacinth Ludivico Seaweeds farmers sa Looc, makikinabang sa solar-powered seaweeds dryer ng DOST By Dinnes M. Manzo Malaki ang magiging pakinabang ng seaweeds farmers sa bayan ng Looc, Romblon sa Floating Solar- powered Seaweed Dryer Technology na kaloob ng Department of Science and Technology (DOST)- Mimaropa. Isa sa problema ng Tangguya Fisherfolks Association sa Bgy. Manhac, Looc ay ang pagpapatuyo ng kanilang inaaning seaweeds kapag panahon ng tag-ulan dahil umaasa lang sila sa sikat ng araw kung saan manu- mano nilang inilalatag ito sa buhanginan para matuyo. Kaya bilang tugon at solusyon ng DOST sa suliranin ng mga seaweeds farmers, gumawa ito ng disenyo upang madaling patuyuin ang seaweeds kahit na umuulan. Sinabi ni DOST Provincial Director Marcelina F. Servañez na ang dinisenyong Floating Seaweeds Dryer ay makatutulong para mapanatili ang magandang kalidad ng dried seaweeds at maiwasan rin ang kontaminasyon sa produkto. Ang nasabing pasilidad ay simple, matibay at madali lamang gawin. Masisigurong sariwa at hindi kontaminado ang produkto dahil pagka- harvest ng seaweeds ay direkta na itong ilalagay sa drying area. Mabilis rin itong mahihila kung nais ilipat sa ibang lugar dahil nakalutang ito sa dagat. Ang pasilidad ay mayroon ding built-in exhaust fans na napapaandar sa pamamagitan ng solar panels na nakalagay sa bubungan ng floating seaweeds dryer upang pantay-pantay ang pagkakapatuyo ng sariwang seaweeds. Kaya rin nitong magpatuyo ng hanggang dalawang tonelada ng seaweeds sa loob lamang ng tatlong araw. Ang naturang proyekto ay naisakatuparan sa pakikipatulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na layuning mapabilis ang pagpapatuyo ng inaning seaweeds ng mga seaweeds farmers dito. Ang pagtatanim o pagpapalago ng seaweeds ay isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente sa Timogang bahagi ng Tablas island kung saan kabilang dito ang bayan ng Looc. Ayon kay Luisito Manes, OIC ng BFAR- Romblon, ang mga fisherfolks sa mga bayan ng Looc at Santa Fe ay kanilang hinimok na magtanim ng seaweeds noong masalanta ng bagyong Frank. Matatandaan aniya na pagkatapos ng nasabing kalamidad ay nawasak ang mga bangka, lambat at iba pang kagamitan sa pangingisda sa naturang lugar. Upang mabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga tao dito ay namahagi ang BFAR ng libreng punla ng seaweeds upang may panimulang pananim ang mga maapektuhan ng bagyo. Ayon pa kay Manes, pagkaraan lang ng ilang buwan ay nakapag-harvest na ang mga seaweeds farmers at nakita nilang malaki ang potensiyal sa ganitong uri ng hanapbuhay. “Naging stable ang kita ng mga seaweeds farmers kung saan unt-unti silang nakapundar ng gamit sa pangingisda at nakabili na rin ng mga appliances sa kani-kanilang tahanan na nagpapatunay na umaangat na ang antas ng kanilang pamumuhay,” pahayag ni Manes. Mataas ang demand ng dried seaweeds sa lalawigan ng Cebu at iba pang processing centers sa Pilipinas dahil maraming produkto ang maaaring malikha mula dito. Ang Floating Seaweeds Dryer Technology ay dinisenyo ni Dr. Ronel S. Pangan ng UP Los Baños- College of Engineering and Technology na pinondohan ng DOST Mimaropa kung saan pormal ng inilunsad ito noong ika-21 ng Setyembre 2018 sa bayan ng Looc. (DMM/PIA-MIMAROPA/ Romblon) Masayang nagpakuha ng larawan ang mga miyembro ng Tangguya Fisherfolks Association ng Bgy. Manhac, Looc sa floating seaweeds dryer na kaloob sa kanila ng DOST Mimaropa.(Larawan ni Marcelina F. Servañez/DOST-Romblon)