Tambuling Batangas Publication October 10-16, 2018 Issue | Page 4

OPINYON October 10-16, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] October pest It’s the “ber” months so we can say it’s Bertiz’s month not only because of his name but also because of the partylist congressman’s headline grabbing acts lately. ACTS OFW partylist Rep. Aniceto “John” Bertiz III’s 30 September “menstrual” mood swing at the Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 suddenly pulled the plug on the Trillanes amnesty telenovela to become the flavor of the month of critics and bashers of no do-gooders in government. Bertiz is crossing over to the next ber month of October with the controversy he had gotten himself into just starting to heat up and spawning more gaffe with adverse repercussions. After his display of arrogance to an airport security screener last week earned the ire of netizens, he tried to defuse the bashing with an apology. Unfortunately, his sorry had sexist undertone by likening his rudeness to the screener to a woman having her monthly period. The tactless remark backfired. “He is perpetuating the harmful stereotype that a woman that is menstruating can be dismissed as unreasonable, moody, and over-emotional, and would react in a similar fashion as he would have,” lawyer Jacqueline de Guia, Commission on Human Rights spokesman, reacted in a tweet. “Science has shown that this lie about women’s irrationality is just a fantasy made up by men like Bertiz to cover up that they cannot compete with most men and women,” the women’s rights group Every Woman said. Even Bertiz’s colleague, Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus, criticized him. “The issue here is his arrogance. Women should not be stereotyped as arrogant and entitled during their menstrual period,” De Jesus said. Those were just the initial reactions coming on the first day following the lawmaker’s misconduct at the airport. More headaches were coming Bertiz’s way to aptly make him the star or punching bag of this supposedly month of beer and beer-drinking, the October pest in other words. Like any other pest that had to be exterminated, there is now a public clamor for him to get out of Congress for other reasons. On 1 October, airport authorities announced that they found Bertiz liable for violating security protocols after he also did not remove his shoes for inspection at the security checkpoint of NAIA Terminal 2 last 30 September. Migrants group Migrante International, together with former OFW Shiela Mabunga and Emmanuel Villanueva, has also filed complaints against Bertiz before the House Committee on Ethics. They are seeking actions against Bertiz for abusing and not representing OFW. Mabunga accused Bertiz of human trafficking after her employment papers with the recruitment agency of his wife, Keys Placement, was transferred to his own agency, Global Asia Alliance Consultants Inc. (GAACI), in 2013 when she arrived in Saudi Arabia to work. She also filed a case against GAACI with the POEA in 2015 for its failure to fulfill obligations to her after she was forced to return home. Villanueva, an OFW from Hong Kong, wants Bertiz expelled from the House of Representatives because of their confrontation in Hong Kong in January 2017. Villanueva and other OFW were supposed to have a dialogue with Bertiz about the abolition of the overseas employment certificate but the legislator lectured on the need for the OEC and OFW ID. When he was asked to end his talk, he berated Villanueva and accused him of being undocumented. “It was proven in his recent acts, behavior and our documentation of cases of his violation of OFWs’ rights that he is part of the system that abuses the migrants,” Migrante International spokesman Arman Hernando said Friday. Migrante also accused Bertiz of being a “big-time recruiter” and not being a “legitimate representative of OFW.” Bertiz has since retreated to a hospital, citing chest pains, and declined to issue statements on the allegations and ethics complaint. He may also be contemplating his next moves or carefully thinking what he will say next. But taking a low profile may not help Bertiz escape from his problems. Making the problem go away may take his resignation or expulsion from Congress as he is the problem. Ni Teo S. Marasigan Kapag Pambansa rin ang Personal (1) Sa palasyo ng kardinal naganap ang kumpisal. Kaharap ang batikang pulitikong katunggali niya sa pagiging opisyal na kandidato ng oposisyon, at saksi ang kardinal, sinabi ng balo ang pasya niya: Tatakbo siyang presidente. Kailangan, aniya, na ang iharap ng oposisyon sa publiko para lumaban sa diktador ay biktima nito. At hindi ganito ang pulitiko, na nakilala pa ngang dikit sa presidente noong una. Sa galit ng mga tao sa diktador, marami ang nagsasabing kahit aso ang tumakbo laban sa kanya ay mananalo – sa botohan, hindi sigurado sa bilangan. Tiyak namang higit-higit sa aso ang pulitiko – bagamat itatanong ng balo ilang taon pagkatapos, matapos ang isang kudeta, kung “Babanggitin ko pa ba iyang Doy na iyan? O pipitikin na lang nating parang langaw?” Ayon sa mga tala, may luhang dumaloy sa pisngi ng pulitiko matapos magsalita ang balo. Siguro, naramdaman niyang humuhulagpos at lumalayo sa sandaling iyon ang tsansa niyang maging pangulo ng Pilipinas – ambisyong matagal niyang inaruga at pinayabong. Pero kinailangan niyang yumukod sa desisyon. Hindi pa siguro dahil nakumbinsi siya sa batayan, kundi dahil nakita niya ang dami at damdamin ng mga taong hinahatak at pinapakilos ng nasabing batayan. Hindi siya ang gusto nila, naisip niya siguro – sinabi lang ng balo ang posibleng dahilan. Sa kasaysayan, madalas na nabiktima nang personal ng mga naghahari at nang-aapi ang mga nangunguna sa paglaban. Masasabi rin bang pagiging biktima nila ang nakakahatak ng sampalataya at suporta ng maraming iba, ng maraming kapwa? (2) Marami ang nagagalit ngayon kaisa ni Gng. Vivian Hultman, ina ng binaril at napatay na si Maureen, dahil sa pagpapalaya ni Pres. Gloria Arroyo sa maysalang si Claudio Teehankee, Jr. May mga nagsasabing walang batayan sa batas ang pagpapakawalang ito, dahil hindi pa umaabot ng 30 taon sa kulungan ang kriminal, at hindi rin siya lampas sa 70 anyos. Ibig sabihin, ilegal ito, posibleng resulta lang ng pagiging malapit kay Gloria ng mga kapatid ni Teehankee. Ilang beses pang ininsulto ang pamilya Hultman – sinabihang kesyo kumita sila sa nangyari kay Maureen at kay Hesukristo na lang sila mag- apela. Ilang beses nang at tinapakan ni Gloria ang batas at ang mga ahensya nito sa bansa. Hindi sila sapat para mapanagot siya. Sa ganitong konteksto, iba sa ideyal na kalagayan ang halaga ng batas: ang ilinaw sa mga mamamayan kung saan siya nagkamali – at ang udyukan sila, kung posible man, na kumilos para igawad ang katarungan ng mga hukuman. Sana, may makapagpayo kay Gng. Hultman na umuwi sa Pilipinas, sumama sa mga ina’t asawa ng mga pinatay at nawala sa ilalim ng rehimen ni Gloria sa paglaban para sa katarungan, sa paglalantad at pagpapanagot sa pangulong walang puknat sa pagpapatakas sa mga maysala, lalo na kung bigatin sila. Ilan na bang nagkasala pabor sa kanya ang pinatakas at itinatago pa niya sa ibang lupalop? Sana makiisa at sumama si Gng. Hultman kina Nanay Concepcion, Erlinda, Editha… Siguro, hindi pagmamahal sa anak ang hinihingi sa pagkakataong ito. O hindi na lang iyon. Sa usaping ito, at sa maraming iba pa, hindi maiwasang maging daan ang personal na pighati patungong pambansang pagnanasa. Sana, humantong si Gng. Hultman sa pagkilos batay sa pagmamahal sa bansa. (3) Nitong huli, sinabi sa telebisyon ng balo ang hinala ng pamilya niyang ginawa ng diktador sa kaso ng asawa niyang pinaslang: Ipiniit ang ilang sundalo at opisyal-militar, kapalit ang kung anong kabayaran para sa kanilang pamilya. Binayaran niya ang iba para magbayad sa pagkakasala niya. Mapapaisip ka tuloy. Kinailangan ng diktador na magpakitang-tao, palabasing may imbestigasyon, may nilitis at ikinulong sa bantog na kaso ng isang tao. Hindi pa umaabot sa ganyan ang diktador na naghahari ngayon. Kahit pagpapakitang- tao, hindi man lang. Ang isa niyang heneral, na pinuri niya sa harap ng bansa, pinapaniwalaan ng maraming responsable sa pagpatay at pagdukot ng di- na-mabilang na aktibista. Pero malaya pa rin. Sa sama ng diktador na naghahari ngayon, lumalabas pang may konsensya ang nauna sa kanya. Pero hindi rin. Ilang tao ba ang nagmartsa para ipaglaban ang katarungan para sa senador na pinaslang? Hindi siya nag- isa, kaya napwersa ang nauna. Ipinapakita ng kaibahan ng dalawang diktador ang kabulukan ng kasalukuyang naghahari. Pero makikita rin ang mga dapat pang gawin. Iniimbestigahan ngayon ang mga butong natuklasan sa isang dating himpilan diumano ng militar. Kapag natuklasang sa mga katawan ito ng mga nawawala, lalabas na kaya’t magmamartsa sa lansangan ang mga kumokondena sa heneral at sa amo niyang diktador? 20 Oktubre 2008