Tambuling Batangas Publication October 10-16, 2018 Issue | Page 3

BALITA October 10-16, 2018 Ilang lot owners sa dadaanan ng ginagawang diversion road nabayaran na City Health Officer Rosanna Barrion sa Batangas City Convention Center Future... renowned urban planner na si Arch. Felino Palafox, Jr. Ang mga long term plan, program and ordinance na ito ay matatapos na ngayong 2018 kung kayat ang mga ito ay kailangang i update para sa susunod na anim hanggang 10 taon upang ito ay tumugon sa pangangailangan at hamon ng darating na panahon. Ang bagong CLUP at Integrated Zoning Ordinance ay para sa taong 2019-2028 (10 taon) ang CDP ay para sa 2019-2027 (9) at ang LDIP ay para sa 2019-2024 (6). Dumalo sa public consultation sina Mayor Beverley Rose Dimacuha na sa kanyang mensahe ay binanggit ang mga naging kontribusyon ng mga nagdaang administrasyon sa kaunlaran ng lungsod at si Congressman Marvey Mariño na binigyang diin ang kanyang hangarin na magkaroonj ng balanced, sustainable at secure development ang lungsod. Dumalo rin sina Vice Mayor June Berberabe, city councilors, barangay officials, Sangguniang Kabataan officials, at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor. Tinalakay dito ng environment planner na si Geniveve Grace Ranchez ng Palafox Associates ang Project Contex kung saan ipinaliwanag niya ang mga stages sa review/update ng mga nasabing dokumento sa loob ng 15 buwan. Ang mga ito ay ang planning workshop ng Palafox sa Technical Working Group ng pamahalaang lungsod simula ng Enero ng taong ito, consultation sa mga students sa lahat ng levels at iba pang stakeholders, capacity building sa GIS o mapping, transportation, at disaster risk reduction management, data collection, coordination meeting , at site visits. Nagkaroon din ng updating ng City Socio Ecological and Physical Profile bilang baseline data. Ipinaliwanag naman ni Encarnacion Rarario ang rate of accomplishment ng lungsod sa mga sectors na nakapaloob sa mga existing CLUP, zoning ordinance, CDP at LDIP kung saan ang nagrate dito ay ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod. Sa scale of 4/7, ang passing rate ay 57%. mula sa pahina 1 Ang mga rates of accomplishment ay ang mga sumusunod: economic sector- 73%, environment-50%, social sector-66%, transport-67%, at instutional-62%. Ang overall rating ay 61% of accomplishment. Ipinakita ni Arch. Palafox ang mga Global Best Practices sapagkat dapat tingnan ng Batangas City ang papel nito sa probinsiya, rehiyon, sa Asia at sa buong mundo. Ipinakita niya na ang trend sa mga itinuturinng na smart cities ay ang vertical urbanism, vertical gardens kung saan pwedeng magtanim ng mga gulay kagaya ng talong, kamatis, monggo, ampalaya at pipino. Pina practice din dito ang walking at biking. “Let’s get inspired by cities that became first world in less than 15 years,” sabi niya. Binigyang diin ni Palafox na kailangang tingnan ng Batangas City ang mga competitors nito sa Batangas at Calabarzon at magsikap na maengganyo ang mga investors at mga tao na pumunta at gastusin ang kanilang pera rito upang maging countermagnet sa Manila. Iprinisenta ni Dr. Gabriel Ma Lopez, EnP, ang proposed Working Vision ng Batangas City para sa 2018-2028-“Internationallly recognized progressive, secure, smart and resilient, sustainable RRurban (Regional Rural Uban) Port City engaged in stable agro industrial development and other profitable businesses, strengthened by state-of-the- art infrastructures,amenities, technologies and globally competent and responsible citizens while conserving its bio-diversity, environment and rich cultural heritage, governed by responsive, ethical servant leaders.” Sa Presentation of Development Framework Strategy , ipinaliwanag ni Mari Beatrice Camemo, EnP, na kailangang i decentralize ang poblacion na siyang primary growth center upang ma spread out and development sa pamamagitan ng pagkakaroon ng secondary growth center sa northwestern part. Sa mga adjacent areas ng poblacion, kailangan din lagyan ng secondary growth center bilang suporta sa university town at mixuse development for residential, commercial and industrial use. Sa bandang sourthern part ilalagay ang isa pang secondary growth center at community-based tourism kung saan dapat narito na ang mga facilities at social inftrastructures upang hindi na kailangan pang pumunta ang mga tao sa poblacion para sa kanilang mga pangangailangan. Mahalagang ma develop and southern portion ng lungsod upang mahila rin ang development ng Isla Verde. “Ang magiging development direction ng Batangas City ay up north and inward and down south,” sabi ni Camemo. Ang port and harbour front ay kailangang mag improve o magkaroon ng expansion at extension facilities upang maging isang smart and multimodal port. Ang heavy industrial zone ay dapat magkaroon ng strong buffer zone at kasunod nito ang multiuse development. Ipinakita ni Camemo ang mga inspirational images kung saan pwedeng i enhance ang mga major features ng lungsod. An g future growth ng Batangas City aniya ay sesentro sa port expansion, pagtatayo ng university town, mixuse development at community based tourism upang maging isa itong functional port city sa hinaharap. Nagkaroon ng isang open forum kung saan ipinaabot ng mga nagtanong ang pagbibigay ng emphasis sa environmental protection, safety and security at economic development sa ginagawang diversion road area. Inanyayahan ng mga resource speakers ang publilko na magbigay ng kanilang suhestiyon upang mapag-aralan at ma consider sa pagbabalangkas ng final version ng mga nasabing dokumento. Sinabi naman ni Secretary to the Mayor Victor Reginald Dimacuha na siya ay natutuwa sa magiging polycentric development ng lungsod at umaasang lahat ay magtutulungan upang makamtan ang layuning ito sa pangalan ng kaunlaran. Inaasahan na sa Marso ng 2019 ay maaprubahan na ang mga dokumento ng Sangguniang Panlugnsod, (Angela Banuelos/ PIO Batangas City) MAY 15 na may ari ng ilang mga loteng dadaanan ng ginagawang STAR Tollway-Pinamucan Ibaba By-Pass Road project sa Batangas City ang nabayaran na ng pamahalaang lungsod ngayong October 2. Ang mga lot owners na ito ay mula sa mga barangay ng Dumantay, San Pedro at Dalig. Ayon sa isang lot owner na si Reynaldo Ramos, hindi siya nagdalawang-isip na ipagbenta ang kanyang lupang dadaanan ng by-pass road sapagkat bukod sa marami ang makikinabang sa proyekto, siguradong tataas ang value ng mga lupa sa mga karatig lugar nito. “Nakatanggap po kami ng sulat mula sa city government at ipinatawag po kami ni Atty Teddy Deguito para sa isang pagpupulong. Ipinaliwanag po nya sa amin kung ano ang proyekto at kung hanggang saan ito aabutin. Wala pong resistance sa aking parte at maging sa mga kasama ko. Kasi alam po naman namin na marami ang makikinabang dito,” sabi ni Ramos. Ilan aniya sa kaniyang kasama ay maraming properties ang ibinenta at “mas gusto namin ito, dahil bukod sa makakatulong na kami sa progreso ng lungsod, kikita pa kami.” Ayon naman kay City Legal Officer Deguito, maliwanag na “win- win situation” ito sa pagitan ng lungsod at ng mga lot owners. “Parehas na makikinabang ang magkabilang panig dahil magiging daan ito sa patuloy na pag-unlad ng city at pagpasok ng mga investors, samantalang bukod sa kikita ang mga may-ari ng lupa, dodoble ang halaga ng kanilang properties oras na maging progresibo na ang mga lugar na dadaanan ng by-pass road,” dagdag pa niya. Ang city government ang sumagot sa pagbili ng right of way upang mapabilis ang proyekto samantalang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bahala sa construction ng karsada. Sa kasalukuyan, ginagawa na ang tulay na magdudugtong sa Tingga at mga barangay ng San Pedro, Dalig, Dumantay, Sampaga, Dumuclay, Sirang Lupa, at Libjo. Ang tulay ay may haba na 179 metro samantalang ang buong Phase 1 ay may habang 10.3 kilometers. Ang Phase 2 ng proyekto ay mula sa Sirang Lupa, San Isidro, M a h a b a n g D a h i l i g , Ta b a n g a o Ambulong, Tabangao Dao, Pinamucan Proper hanggang Pinamucan Ibaba at may haba naman 8.4 kilometro. (PIO Batangas City) By Jerome Carlo R. Paunan Macasiray PAF, for his conduct of aerial operations during the liberation of Marawi. Cdr. Gilbert Villareal Jr and SCPO Mario Vasquez both from the Philippine Navy (PN) received the Distinguished Navy Cross for distinguished achievement as part of the Naval Task Unit Marawi under JTF-Trident during the liberation of Marawi in 2017. The Chief of Staff Commendation Medals and Ribbons were given to Maj Jeremy Damonsong PA, SSg Ariel Gregorio PA, and Sgt July Lipaopao PA for eminently meritorious and valuable achievement as GHQ Planning Augmentation Team during the Marawi siege in 2017, and acted as Liaison to GHQ to address immediate concerns of the AFP leadership. Gawad sa Kaunlaran were awarded to Col Noel Vestur PA and LTC Resurrecion Mariano PA for their CMO activities that aimed to recognize soldiers’ sacrifices. The same award were given to Mr Michael Manaois, Ms Susan Bascon, Mr Mark John Ulep, and Ms Myka Loraine Nacionales, civilian employees who significantly contributed in the improvement of the quality of life of beneficiaries of Killed-in-Action personnel as well as the welfare of the wounded soldiers during the Marawi crisis. “As we start another week, may we continually be motivated to work not for ourselves, but always for the benefit of our nation. May the awardees, inspire and motivate us to start the month of Oct. with exhilarated drive to be productive on our work,” Galvez said. (PIA-NCR) AFP Chief of Staff to soldiers: Be neutral QUEZON CITY -- The Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (AFP) General Carlito Galvez Jr on Monday reminded soldiers not to take sides in partisan politics. “Let us not be disturbed by the political noise and to take sides. We need to uphold our oath and obey the Chain of Command from the President, SND (Secretary of National Defense), down to our office chiefs and Section/Squad Leaders. Let us remain solid and true to our oath, mandate and always undivided,” Galvez said during this morning’s flag ceremony held at the General Headquarters (GHQ) Canopy Area. The official also took the time to award 14 soldiers and four civilian personnel of the AFP in recognition of their selfless service and commitment to the country. “These public servants are stewards of our institution – a crucial aspect that keeps us on our steadfast pursuit of becoming a world-class AFP. For it is through outstanding work that manifests our dedications to better serve our nation,” he said. Awarded with the Gold Cross Medal for their gallantry in action during the war against terrorist groups in Marawi City last year were 1Lt Eddie Badol from the Philippine Army (PA), 1Lt Jed Joseph Dandasan PA, Sgt Julius Garsuta PA, Sgt Wayne Fillalan PA, Pfc Marcelo Hora Jr PA, and A1C James Gayotin from the Philippine Air Force (PAF). The Distinguished Aviation Cross was awarded to 1Lt Julius