Tambuling Batangas Publication October 10-16, 2018 Issue | Page 2

BALITA Marlen Marasigan na nanalong national champion sa Batang Pinoy 2018 Mountain Bike Challenge sa Baguio City Mayor Dimacuha inalala ang ama sa inagurasyon ng bagong gusali ng CLB EMOSYONAL na inalala ni Mayor Beverley Rose Dimacuha si dating Mayor Eddie Dimacuha sa inagurasyon ng bagong gusali ng Colegio ng Lungsod ng Batangas na itinatag ng kanyang ama bilang katuparan ng kanyang pangarap ng mabigyan ng libreng tertiary education ang mga mahihirap subalit karapatdapat ng mga indibidwal. Ang inagurasyong ito ng bagong gusali ng CLB sa dati nitong lugar sa Barangay 20 ay kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Rose Dimacuha ngayong araw na ito, October 3. Ipinagdiriwang din ng CLB ang ika-12 foundation anniversary nito. Pinangunahan nina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha ang ribbon cutting ceremony kasama ang mga city officials, CLB officials, city government department heads, mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED), at officials ng Association of Local Universities and Colleges. Ayon kay Mayor Dimacuha, labis ang kanyang kasiyahan sa araw na ito. “Today I feel like I won the more than 800 million pesos in the Philippine lottery hindi dahil kaarawan namin kundi dahil nakikita ko ang katuparan ng isang pangarap. Mahigit 12 taon ang nakalilipas ng pinangarap ni Mayor Eddie Dimacuha na magkaroon ng sariling kolehiyo ang lungsod ng Batangas,” pagdidiin ni mayor. Ang CLB aniya ay katuwang ng mga magulang para maisigurong hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Sa layuning maiangat pa ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral dito, itinayo ang bagong gusali na may kumpletong pasilidad. “Sadyang mahalaga sa isang anak na maituloy ang pangarap ng kanyang mga magulang para sa mga kabataan, para sa bayan at para sa Lungsod nating Mahal!,” dagdag pa ni Mayor. Nagpasalamat din si Mayor Dimacuha sa mga nakatulong ni Mayor Eddie sa pagtatag ng CLB at sa kasaluyang pamunuan na siyang nagpapatuloy ng magandang edukasyon. Ipinaabot din nina Cong. Mariño at CLB President Dr. Lorna Gappi ang pagbati sa okasyong ito at ang pasasalamat kay Mayor Eddie sa pagkakaroon ng city government-run CLB. Ang CLB na binuksan noong June 2006 ay mayroon ng 2,756 graduates na halos lahat ay may maayos ng trabaho.Ang unang batch ay nagtapos noong 2008. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng foundation anniversary ng CLB, nagdaos ng Mr. and Miss CLB kung saan nanalo sina Jhorica Calicdan ng Executive Class at Jan Paulo Marasigan ng Bachelor of Science in Business Administration (BSBA). (PIO Batangas City) Division Sports Competition 2018 sa Batangas City Coliseum Mga Huwarang Pantawid Pamilya sa MM, pinarangalan ng DSWD-NCR mga sumusunod: pagmamahalan By Lucia F. Broño LUNGSOD SAN JUAN - - Pitong Huwarang Pantawid Pamilya sa Metro Manila ang pinarangalan ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) noong nakaraang Huwebes (Setyembre 27) sa Lungsod San Juan. Ang pitong pamilya ay kabilang sa mga nanalong Huwarang Pantawid Pamilya na napili ng Regional Inter-Agency Committee for Filipino Family simula noong 2010 hanggang 2017. Kabilang dito ang mga pamilya nina: Rolando Manuel ng Lungsod Pasay (2010); 2011- Herminio Cuevas ng San Roque, Lungsod Navotas (2011); Manuelito Villanueva ng Tanza, Lungsod ng Navotas (2012); 2013 - Jessie Odiame ng Lungsod Pasig (2013); para sa taong Rodolfo Julianas ng Lungsod Valenzuela (2015); Romanillo Espartero ng Lungsod Caloocan (2016) at Olimpio Luzano ng Lungsod Parañaque (2017). Naging batayan ng pagpili sa pagpili ng Huwarang Pamilya ang ng pamilya; partisipasyon sa mga gawaing komunidad, pagsunod sa mga kondisyon na kaakibat ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program at mga gawaing pangkalikasan. Sa mensahe ni DSWD Undersecretary Francisco “Isko Moreno” Domagoso, mariin niyang sinabi, na wala sa pamahalaan ang kakayanang mapayaman ang bawat pamilya, subalit kaya naman nitong gabayan ang mga ito. “Nasa inyo kung paano kayo tutulay tungo sa kaunlaran,” October 10-16, 2018 Samahan ng mga kababaihan nagsanay sa paglapat ng first aid BATANGAS CITY- Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay sa first aid ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang unang batch ng mga presidente ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) sa mga barangay, October 1-2, sa layuning mapalawak ang kaalaman ng mga taga lungsod sa pagsasalba ng buhay lalo na sa panahon ng emergency o kalamidad. Ang mga participants ay sinanay sa Principles of Emergency Care, Standard First Aid and Basic Life Support Orientation, Respiratory Arrest and Rescue Breathing, Foreign Body Airway Obstruction, Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) at Automated External Defibrillator (AED). Sinabi ni Rod De La Roca, pinuno ng CDRRMO, na “higit pa sa pinakamagaling na doktor at hospital ang Bagong... maitutulong ng isang trained sa first aid at BLS sa agarang intervention o pagsaklolo sa isang taong nanganganib ang buhay. Nagsilbing resource speaker’s sina SFO1 Carlo Castro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Shiela Glenda Manalo ng City Health Office (CHO). Itinuro sa participants kung paano mag assess ng biktima, bandaging, proper transfer of victim, proper handling at kaalaman sa unang dapat gawin sa mga kaso kagaya ng pagkabigla, pagdurugo at pagkasugat, pagkasunog, pagkabulon, pinsala sa mata, pagkahimatay, heat stroke, injuries at biglaang sakit. Ayon sa mga lumahok, malaking tulong ang seminar na ito sa kanila dahil bukod sa nadadagdagan ang kanilang kaalaman ay makakapagturo pa sila sa tahanan, barangay o komunidad. ( PIO Batangas City) mula sa pahina 1 kanilang lugar. Kailangang magkaroon ng dog pound ang barangay upang pagdalhan ng mga asong ligaw sahalip na dalhin pa ito sa city pound sa OCVAS. Binibigyan ng tatlong araw ang may-ari ng aso na tubusin ang kanilang alaga sa barangay dog pound. Kung hindi ito makukuha sa loob ng tatlong araw, ang mga aso ay ililipat na sa city pound sa OCVAS. Compulsory ang registration ng lahat ng aso sa barangay. Ang BRCC ang kokolekta ng registration fee na P20.00. Ang rehistradong aso ay bibigyan ng Dog Registration Tag na ilalagay sa dog collar at dapat gamitin ng aso habang nasa mga pampublikong lugar upang madaling ma identify na ito ay rehistrado ng BCRR. Ang registration ay pwedeng gawin sa OCVAS o sa scheduled mass registration at rabies activities sa barangay. Magkakaroon din ng scheduled free mass anti rabies vaccination sa bawat barangay para sa mga rehistradong aso kung saan prayoridad ang mga high-risk areas. Magsasagawa ng information education campaign ang pamahalaang lungsod tungkol sa pagbabawal sa pagkonsulta sa mga quack doctors o tinatawag na “manunupsop” sapagkat sa halip na makagamot ay maging mapanganib pa ito sa mga nakagat ng aso. Ito ay isang medical malpractice na ilegal at may kaukulang kaparusahan. Ipinagbabawal din ng ordinansa ang pagpatay at pagbebenta ng karne ng aso sapagkat maaaring ikalat nito ang rabies at iba pang sakit lalo na kung ang hayop ay asong gala o hindi alam kung saan galing. Ang mga lalabag ay papatawan ng multang P5,000 opagkabilanggo ng isang taon o pareho depende sa discretion ng korte. Responsibilidad ng dog owner na ipagamot ang sinumang makakagat ng kanyang aso at siya ring gagastos sa pagpapagamot nito. Dapat siguraduhin niya na nakatali o nakakulong ang aso sa isang pen upang huwag itong makagala at makakagat ng tao. Kailangan ding obserbahan ang nakakagat na aso sa loob ng14 araw. Ang hindi tatalima sa pagpaparehistro at pagbabakuna ng kanilang aso ay may written warning sa first offense , multang P1,500 o community service na dalawang buwan o pagkabilanggo ng isang buwan o pareho depende sa discretion ng korte sa second offense. Sa third offense, ang multa ay P2,000 o community service na tatlong buwan at pagkabilanggo ng dalawang buwan o pareho depende sa discretion ng korte. (PIO Batangas City) wika ni Domagoso “Putulin ninyo ang kadena ng kahirapan. Magsumikap kayo at itaguyod ang inyong mga anak,” dagdag pa ni Domagoso. Ang muling pagbibigay parangal sa mga Huwarang Pantawid Pamilya ay bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Pamilyang Filipino na may temang “Tungo sa Maginhawa, Matatag at Panatag na Pamilya.” Isa rin itong paraan upang ipagbigay halimbawa sa publiko ang kahalagahan ng pamilya at ang pagpapatibay ng relasyon ng bawat isa. Kasama rin ang layunin na pamarisan ng bawat benipisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino ang mga itinanghal na Huwarang Pamilya. Nananawagan ang DSWD sa publiko na pausbungin ang pagmamahalan sa bawat isa, dagdagan ang tiyaga at pagsisikap upang marating ang inaasam na ginhawa. Ang selebrasyon ng National Filipino Family Week ay batay sa Proklamasyon No 60. na nilagddan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong taong 1992. Nilalayon ng pamahalaan na ang selebrasyon ay magpatibay ng sangktidad ng buhay pamilya, palakasin ang pagbibigay proteksyon at pagpapatibay ng pamilya na siyang pangunahing institusyon na kinikilala ng Estado bilang pundasyon ng bansa. (PIA-NCR)