Tambuling Batangas Publication October 10-16, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Seaweeds farmers sa Looc... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Samahan ng mga kababaihan nagsanay sa paglapat ng first aid p. 2 Kandama Revives the Power of Weaving p. 5 Ilang lot owners sa dadaanan ng ginagawang diversion road nabayaran na p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 42 October 10-16, 2018 P6.00 10,132 trabaho inalok sa PESO job fair MAY 1,056 aplikante ang sumubok na magkatrabaho sa Handog Trabaho ni Mayor Beverley Rose Dimacuha job fair ng Public Employment Service Office (PESO) kung saan may inalok na 10,132 job openings noong September 29 sa Batangas City Coliseum. Ito ay nilahukan ng 32 local companies at anim na international companies. Ilan sa mga malalaking kompanyang lumahok ay ang The SM Store, Meralco, JG Summit Petrochemical Corporation, Rustan Supercenters, Mc Donald’s, Toyota Batangas, Honda Cars Batangas, Homeworld Shopping Center at marami pang iba. Ayon sa tala ng PESO Batangas City, may 58 aplikante ang na hired-on-the-spot. Nagsusumite sa PESO ang mga kompanya ng listahan ng mga na hired-on-the spot, ilan ang qualified at hindi nag qualified kung kayat namomonitor ng opisina ang status ng mga natulungan at nakinabang sa naturang job fair. Sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE), masisiguro na legal o lehitimo ang mga kompanyang lumalahok sa job fair na ito upang maiwasan ang illegal recruitment. (PESO Batangas City) Bagong anti rabies ordinance ipinasa SA mga may ari ng aso, siguraduhing ito ay rehistrado, nabakunahan sa rabies at hindi gumagala sa kalye o labas ng inyong bakuran upang hindi maparusahan alinsunod sa bagong ordinansa na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod sa regular session nito noong October 2 upang mapaigting ang kampanya na maging rabies-free ang lunsod. Ito ay ang “An Ordinance Adopting Republic Act No. 9482 o Anti-Rabies Act of 2007 and Providing Guidelines for Its Effective Implementation in the City of Batangas.” Pinawalang bisa ng ordinansang ito ang lumang anti rabies ordinance noong 1997 sapagkat hindi na ito akma sa kasalukuyang panahon. Ito ay akda ni Konsehal Sergie Rex Atienza. Ayon sa ordinansa, bubuo ng Batangas City Rabies Control Committee (BCRCC) kung saan sila ang magpaplano, magpapatupad at magmo-monitor ng lahat ng programa at proyekto hinggil sa rabies control. Sila rin ang dapat na makipag-coordinate sa National Rabies Prevention and Control Committee (NRPCC) at iba pang NGOs hinggil sa mga bagay na may kinalaman sa kampanya laban sa rabies. Magbubuo rin ng Barangay Prevention and Control Committee (BRCC) sa bawat barangay upang siyang manguna at mangasiwa sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto alinsunod sa ordinansa sa Sundan sa pahina 1.. National Youth Commission (NYC) at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) City employees sumailaim sa capacity building sa solid waste info campaign SUMAILALIM sa Training Workshop on Capacity Building for Community Mobilization ang mga KA-BRAD (Katuwang ng Barangay: Responsible, Aktibo, Disiplinado) na binubuo ng mahigit sa 50 empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod ng Batangas noong October 1-2 sa Hotel Pontefino. Layunin ng training na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga KA BRAD ukol sa RA 9003 o Solid Waste Management Act of 2000, batas ukol toxic and hospital wastes management, at iba pang batas at alintuntunin para sa pangangalaga ng kapaligiran. Ang mga paksang ito ang tatalakayin ng mga KA-BRAD sa kanilang isasagawang information campaign sa mga barangay. Nagkaroon din ng lecture para sa effective communication at leadership skills para maging epektibo ang mga KA BRAD sa pagpapaliwanag o pakikipag-usap sa m ga opisyal at residente ng barangay ukol sa batas at mahikayat ang kooperasyon ng mga ito. Naging bahagi rin ng training ang pagpaplano at pagtalakay dito ng bawat grupo, kung saan nagbigay ng kanilang komento, suhestyon at pagsang- ayon ang mga miyembro ng Solid Waste Management Board (SWMB) Ang mga KA BRAD ay hiinati sa limang grupo kung saan ang mga ito ay may assigned cluster ng barangay. Sila ang magsasagawa ng information education campaign, monitoring, tutulong at tututok sa assigned cluster nila upang matiyak na naiipatupad dito ang RA 9003 partikular ang waste segregation at pagbabawal sa paggamit ng plastic. Nakasama ng mga participants ang mga miyembro ng SWMB na sina General Services Officer Joyce Cantre, City Environment and Natural Resources Officer (CENRO), Oliver Gonzales, City Health Officer, Dr. Rose Barrion, City Social Welfare Officer Mila Española, City Veterinarian, Dr. Macario Hornilla at City Market Administrator Ella Atienza. Ito ay pinamahalaan ng City ENRO katulong ang Public Information Office. (PIO Batangas City) Future development ng Batangas City tinalakay sa public consultation Committee of the Whole sa pangunguna ng joint Committe on Laws, Rules and Regulations at Committee on Engineering and Public Works ANG pagkakaroon ng secondary growth centers mula sa northwestern part ng Batangas City pababa sa sourthern part upang maikalat and paglago o kaunlaran mula sa poblacion na siyang primary growth center ang magiging direction ng development ng lung sod sa sususnod na 10 taon o higit pa. Ang magiging development framework strategy ng Batangas City sa hinaharap ang isa sa mga tinalakay sa unang public consultation ng pamahalaang lungsod hinggil sa ginawang review at pag update ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP), Integrated Zoning Ordinance, Comprehensive Development Plan (CDP)at ng Local Development Investment Program (LDIP) ng Batangas City noong September 27 sa Batangas City Convention Center. Nagsagawa ng presentation dito ang Palafox Associates na siyang nagsagawa ng review/update ng mga nasabing dokumento sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod at iba pang stakeholders. Ang Palafox Associates ay pinamumunuan ng internationally Sundan sa pahina 2..