BALITA
November 28-December 4, 2018
Alay Lakad 2018 ng Batangas
Province Ginanap sa
Provincial Sports Complex
Lakad para sa Kabataan. Halos 6 na libong Batangueño ang nakiisa sa 46th Alay Lakad ng Lalawigan ng Batangas noong ika-21 ng
Nobyembre 2018 sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City. (Inset) Kasama ni Gov. Dodo Mandanas, ang Batangas
Province Alay Lakad Foundation, Inc. Chairperson, sina (mula kaliwa) Dr. Tirso Ronquillo, Batangas State University President; dating
Special Assistant to the President, Mr. Christopher Lawrence Go, ang Keynote Speaker; Deputy Speaker at 2nd District Congressman
Raneo Abu; Vice Gov. Nas Ona; at, San Pascual Mayor Roana Conti. Bisita rin sa pagtitipon sina Sen. Nancy Binay at dating Presidential
Spokesperson Harry Roque, Jr. Vince Altar / Photos: Eric Arellano & JJ Pascua – Batangas Capitol PIO
Children’s...
pa ang mga adbokasiyang maaaring
ipaganap para sa pagpapalawig ng
ginagawang aksyon para sa kabutihan
ng mga bata.
Inilahad din ni Gng.
Montalbo sa kaniyang mensahe ang
isyu patungkol sa mga namamalimos
sa lansangan lalo pa nga at nalalapit
na ang Kapaskuhan. Aniya, hindi
masama ang tumulong ngunit
may mga tamang institusyon o
pamilya na dapat paglaanan ng mga
ibinibigay na salapi o barya. Dagdag
pa niya, ang kanilang tanggapan ay
nagpapalaganap na ng mga advocacy
materials sa mga munisipalidad at
lungsod sa lalawigan at nakiusap
sa mga panauhin na suportahan ang
proyekto na may tagline na “Tamang
tulong ang kailangan, hindi ang
pagbibigay limos sa lansangan”.
Kabilang
sa
mga
naging highlight ng selebrasyon
ang children’s contest kung saan
nagkaroon ng paligsahan sa pag-
mula sa pahina 1
awit, draw and tell contest, ganoon
din ang paggagawad ng parangal
sa natatanging Child Friendly
Barangay 2018. Itinanghal na
kampeon sina Antonia Alexxia T.
Gutierrez ng Laurel, Batangas para sa
singing contest at Jianna Cassandra
Villalobos ng Brgy. 10, Balayan
para naman sa draw and tell contest,
kapwa nagkamit ng PhP 10, 000.00
cash prize.
Nagwagi at nakuha naman
ng Barangay Bukal Padre Garcia ang
titulong Child Friendly Barangay
2018.
Tinalakay ni Ms. Rexie
Gareza ng Lipa Archdiocesan Social
Action Commission, Inc. ang paksa
tungkol sa Online Sexual Exploitation
of Children kung saan binigyang
kahalagahan ang ilang mga aktibidad
na ginagawa ng mga kabataan ngayon
sa social media kabilang ang online
dangers at risks, online conduct
o behavior habang gumagamit ng
internet, masamang epekto ng
online games, cyberbullying at
pagbabahagi ng ilang online safety
tips.
Pinangunahan naman ni
Ms. Lorenza Francisco, Federation
Manager ng Reina Foundation
of Parents Association, Inc., ang
isang Forum on Positive Discipline
na nagbibigay importansya sa
gabay ng magulang sa mga bata at
pagkakaroon ng isang positibong
ginagalawan sa bahay man o
komunidad. Binigyang diin niya na
tila nawawala na ang pagtuturo sa
mga bata ng tamang asal katulad
ng paggamit ng “po” at “opo,”
pagmamano at paggalang sa mga
matatanda.
Samantala, sa pagtatapos
ng selebrasyon ay nagkaroon ng
sabayang pagbigkas ng Panatang
Makabata na naglalayong maitanim
ang kahalagahan ng karapatan ng
mga kabataan sa kamalayan ng mga
Pilipino. ✎Mark Jonathan Macaraig
– Batangas Capitol PIO
Panlalawigang Aklatan, Iniulat ang mga Serbisyo
SA isinagawang lingguhang
pagpupugay sa bandila ng
Pilipinas noong ika-19 ng
Nobyembre 2018, iniulat ni
Batangas Provincial Librarian
Rosita V. Masangkay sa
pamamagitan ng isang audio-
visual presentation ang mga
proyekto at accomplishments
ng nasabing tanggapan para sa
taong 2018.
Ang Batangas Provincial
Library, isang tanggapan sa ilalim
ng Sangguniang Panlalawigan,
ay may adhikaing makapagbigay
ng
libreng
serbisyo
na
tumutugon
sa
pagbabago
ng mga pangangailangan ng
komunidad sa pamamagitan ng
pagtataguyod ng malawak na
hanay ng kaalaman, karanasan,
impormasyon at mga ideya sa
lahat ng mamamayan.
Bahagi ng mga natapos
at patuloy na inilulunsad na
programa ng Panlalawigang
Aklatan
ang
reading
development
and
lifelong
learning kung saan naglulunsad
ng mga aktibidad tulad ng
storytelling, impormasyon sa
pagbasa ng literatura, workshops
sa tulong ng pakikipag-ugnayan
sa mga institusyong pang-
edukasyon upang palakasin ang
mga kasanayan sa pag-aaral at
pananaliksik ng mga estudyante.
Ilan pa sa kanilang
accomplishments
ay
ang
MATAGUMPAY na idinaos ang
ika-46 na edisyon ng Alay Lakad ng
Lalawigan ng Batangas, na dinaluhan
ng tinatayang halos 6 na libong indi-
bidwal, noong ika-21 ng Nobyembre
2018 sa Batangas Provincial Sports
Complex, Bolbok, Batangas City.
Nakalikom ng halos PhP
1.5 Milyon na nakalaan sa mga socio-
economic projects para sa mga out-of-
school youth ang Batangas Province
Alay Lakad Foundation, Inc., kung
saan tumatayong Chairperson si Gov.
Dodo Mandanas at Pangulo si Dr.
Tirso Ronquillo, ang Batangas State
University President.
Para maiwasang makapag-
palala pa ng trapiko sa Lungsod ng
Batangas, ang mga nakiisa sa Alay
Lakad 2018, kabilang ang mga kawani
ng Department of Education – Batan-
gas Province, Batangas Provincial
Government, mga unibersidad sa
Batangas, mga local government
units at mga pribadong kompanya at
indibidwal, ay hindi na naglakad sa
kalye, bagkus ay nagtipon at umikot
sa Sports Oval at Grandstand ng
Provincial Sports Complex. Ang libo-
libong mga tao mula sa pampubliko at
pribadong sector, matapos ang zumba
dance exercise, ay naglakad sa palibot
ng oval at nagtungo sa basketball
gymnasium kung saan naman ginanap
ang programa.
Kagaya ng mga nakaraang
taon, ang mga opisyal at guro ng
DepEd – Batangas Province, sa pan-
gunguna ni Division Superintendent
Dr. Manuela Tolentino, ang bumuo sa
Biggest Delegation na nasa mahigit
isang libo ang lumahok; nag-ambag
ng Biggest Contribution, na umabot
sa higit PhP 400,000; at, pinanggal-
ingan ng Miss Alay Alakad, na si Bb.
Vanessa Hernandez.
Para sa Walk for a Cause sa
taong ito na may temang “Kabataan
suporta ng bayan,” naging keynote
speaker ng Alay Lakad si dating Spe-
cial Assistant to the President, Mr.
Christopher Lawrence Go. Naging
panauhin rin si dating Presidential
Spokesperson Harry Roque, Jr. at
Senator Nancy Binay.
Aktibo ring nakisama sa
mga kaganapan sina Vice Gov. Nas
Ona, Deputy Speaker at 2nd Dis-
trict Congressman Raneo Abu; Atty.
Gina Reyes Mandanas, Samahang
Batangueña President; San Pascual
Mayor Roana Conti, League of Mu-
nicipalities of the Philippines – Batan-
gas Province President; Bauan Mayor
Bodjie Casapao; Mabini Mayor Bitrics
Luistro; Atty. Betty Medialdea at
PSSupt. Edwin Quilates, Philippine
National Police Batangas Provincial
Director. Vince Altar – Batangas
Capitol PIO
Independent Living and Peer
Counselling, Paksa sa PWD Training
BILANG bahagi ng patuloy na
pagtugon sa mga pangangailangan
ng mga Persons with Disabilities sa
Lalawigan ng Batangas, isinagawa
ang isang Independent Living and
Peer Counseling with Access Audit
Training na may layuning mas
malinang pa ang mga kasanayan at
kaalaman ng bawat isang taong may
kapansanan.
Ang apat na araw na
counseling at training ay naidaos
sa pamamagitan ng Persons with
Disabilities Affairs Office (PDAO)
sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Edwin
Abelardo De Villa, na ginanap
noong ika-13 hanggang ika-16
ng Nobyembre 2018 sa Batangas
Country Club.
Naging
tampok
na aktibidad ang pagtalakay
sa independent living at ang
kahalagahan nito sa mga PWDs. Dito
ay naipaliwanag sa mga partisipante
ang konsepto at prinsipyo ng paksa
at kung paano ang isang taong may kapansanan ay magkakaroon ng
pantay na antas ng pamumuhay at
karapatan na tinatamasa ng taong
walang kapansanan.
Naging bahagi rin ng
talakayan ang Peer Counseling kung
saan pinag-usapan ang mahalagang
ginagampanan ng isang Peer
Counselor na nakakatulong sa mental
at emosyonal na kagalingan ng mga
PWDs.
Samantala, sa naging
huling araw ng pagsasanay ay
binigyang pansin ang usapin tungkol
sa accessibility ng PWDs. Dito ay
nagkaroon ng access audit o pag-
aaral ng tamang sukat at aktwal na
pagsusuri ng mga lugar o bahagi
ng gusali na nangangailangan ng
accessibility na naglalayong ma-
determina ang mga maaaring maging
solusyon sa mga problema upang ang
isang pasilidad ay mapakinabangan
ng bawat isang tao na may
kapansanan. ✎Mark Jonathan M.
Macaraig – Batangas Capitol PIO
pakikiisa sa nagdaang Brigada
Eskwela, pagsasagawa ng 5K
Para Maging Ok sa Aklatan
Project, isang literacy Program
at Reading Material Donation
para sa mga inmates ng Batangas
Provincial
Jail.
Pagsabay
sa makabagong panahon ng
pagbabahagi ng kaalaman sa
tulong ng Provincial Archives
and Digitization Iniative at
Information Technology and
Academic Research Support.
Simula naman sa buwan
ng Enero hanggang Oktubre ng
taong ito ay nakapag tala ang
Batangas Provincial Library ng
kabuuang 10,171 na bilang na
mga nagtungo sa aklatan.
Samantala,
bilang
pakikiisa sa 28th Library
Information Services Month ngayong Nobyembre na may
temang “Ang Kulturang may
Malasakit, sa Silid-Aklatan
ay Makakamit”, nagdaos ang
Panlalawigang Aklatan ng isang
seminar para sa mga Public
Librarians ng probinsya na
tumalakay sa paksang Innovative
Approach
in
Children’s
Librarianship and Records/
Archives Management.
Bisyon ng Provincial
Library ang maging pangunahing
aklatan
sa
rehiyon
sa
pamamagitan ng pagbibigay
impormasyon at inspirasyon sa
mga komunidad sa lalawigan
upang ang mga ito ay maging
higit na matatag, mas may sapat
na kaalaman, mas konektado
at mas matagumpay sa buhay.
✎Mark Jonathan Macaraig –
Batangas Capitol PIO