Tambuling Batangas Publication November 28-December 04, 2018 Issue | страница 2

BALITA Bida ang Kooperatiba sa Batangas. Isang malaking karangalan ang nakamit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng PCLEDO sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Celia L. Atienza, matapos masungkit nito ang isang special recognition kung saan kinilala ito bilang Local Autonomy Champion sa katatapos na Star Awards Regional na idinaos sa Sta. Rosa, Laguna noong ika-10 ng Nobyembre 2018. ✎ Mark Jonathan Macaraig at Bryan Louise Mangilin/Photo: PCLEDO Mga Batangueño Wagi sa Football sa China SA pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga atletang Batangueño na nagwagi sa ginanap na United Football Club League na idinaos sa Qingdao, China noong ika-12 ng Nobyembre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Napanalunan ng mga Batangueñong manlalaro ang 1st runner up o silver medal sa nasabing patimpalak, na sinalihan ng 40 kalahok mula sa iba’t ibang bansa. Apat na mga batang Batangueño ang naging kabilang sa nasabing koponan. Ang mga ito ay sina Ken Sanchez, Mark Christian Ricario, Graham Evans Rodriguez at Ken Mark Ferrer, na kasama ang coach na si Ronald Patulin, ay pawang mga tubong Nasugbu. Ginawaran sila ng sertipiko ng pagkilala bilang pagpapahalaga sa ipinamalas na husay sa larangan ng football. ✐ Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO Dairy Cattle Production sa Batangas, Tinalakay sa 7th World Bank Mission sa South Luzon Cluster KILALA ang Lalawigan ng Batangas sa pagkakaroon ng pinakamataas na kontribusyon sa produksyon ng gatas sa buong CALABARZON, ngunit sa kabila nito, may mga suliranin pa ring kinakaharap ang mga dairy farmers gaya ng pagtugon sa kanilang mga pangangailangan at demand sa magandang lahi ng dairy cattle. Kaugnay nito, nagkaroon ng isang Site Visit at Consultation/Dialogue kaugnay ng 7th World Bank Implementation Support Mission sa South Luzon Cluster, na pinangunahan ng kinikilalang pioneer sa larangan ng milk production sa probinsya, ang BADACO o Batangas Dairy Cooperative, na may layuning maihayag ang kanilang misyon at adhikain. Ito ay ginanap noong ika-26 ng Nobyembre 2018 sa Brgy. Inosluban, Lipa City, Batangas. Ang nasabing pagtitipon ay personal na dinaluhan ni Governor Dodo Mandanas kasama sina Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Officer, Gng. Celia L. Atienza; Provincial Veterinarian, Dr. Romelito R. Marasigan; Provincial Agriculturist, Engr. Pablito A. Balantac; at mga kawani na naging representante ng ilang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Nagsilbing resource person sina Mr. Doug Forno, Institutions Specialist ng World Bank at Mr. Joey Ternate, BADACO BOD Member. Naging unang paksa sa pagpupulong ang layunin ng BADACO na mapataas pa ang milk production sa lalawigan ng 20% kada taon sa pamamagitan ng breeder-based dairy cattle production. Isa rin sa pinagtutuunan ng pansin ang pagbibigay ng oportunidad sa rural farm families o mga small scale dairy farmers, kasama ang rural women, upang makiisa sa produksyon ng fresh milk, raw milk at processed milk bilang mga pangunahing produkto. Bahagi rin ng kanilang layunin na mapataas pa ang kanilang net income sa mga susunod na taon at magkaroon ng isang sustainable market. Sa usapin naman ng expansion o upgrading, nagdaos ang BADACO ng isang dayalogo o pag-uusap sa mga kinatawan ng World Bank at ilang mga pribadong kompanya na makatutulong sa pagbibigay ng ayuda patungkol sa key infrastructure and facilities, teknolohiya at impormasyon tungo sa pagkakaroon ng mas mataas na produksyon, kita at kakayahang makipagsabayan sa dairy cattle industry sa bansa. Samantala, sa huling bahagi ay nagkaroon ng isang farm visit kasama ang lahat ng mga partisipante ng ginanap na pagtitipon. ✎Mark Jonathan Macaraig – Batangas Capitol PIO November 28-December 4, 2018 Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Kinilala Bilang Local Autonomy Champion SA katatapos lamang na selebrasyon ng Cooperative Month 2018 na ginabayan ng temang “One Region, One Strong Cooperative Movement”, nabigyan ng natatanging pagkilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas bilang Local Autonomy Champion sa katatapos na Regional Star Awards na idinaos sa Sta. Rosa, Laguna noong ika-10 ng Nobyembre 2018. Ang nasabing pagbibigay parangal ay nakamit sa pamamagitan ng tanggapan ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) na pinamumunuan ni Gng. Celia L. Atienza. Ayon kay Gng. Atienza, isa sa dahilan kaya natanggap ng lalawigan ang special recognition ay dahil sa ito ang kauna-unahang naglunsad ng cooperative office sa ilalim ng termino ni Governor Dodo Mandanas noong ito ay unang manungkulan bilang Punong- lalawigan noong taong 1995. Dagdag pa rito, ang probinsya rin ay may malakas na adhikain sa lokal na pamamahala sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa linya ng kooperatiba na may layuning makapagtaguyod ng pag-unlad, pagsasama-sama ng mga kasanayan at halaga sa kabuhayan ng mga komunidad at pagpapatupad ng mga lokal na programa at proyekto tungo sa tuloy-tuloy na pag-asenso. Samantala, dahil sa ginagawang pagsisikap upang mas mapalawig pa ang cooperative movement, hindi lamang sa loob ng lalawigan, kundi pati na rin sa iba’t- ibang bahagi ng bansa, ang PCLEDO ay napabilang sa listahan ng League of Champions. Ang PCLEDO rin ang kauna-unahang panlalawigang tanggapan na naitaas sa rango ng Hall of Fame sa Cooperative Development Authority (CDA) Gawad Parangal bilang Best Performing Provincial LGU – Cooperative Office dahil sa pag-uuwi sa naturang titulo ng tatlong magkakasunod na taon, mula 2016 hanggang 2019. ✎ Bryan Louise Mangilin at Mark Jonathan Macaraig – Batangas Capitol PIO Demand Reduction sa Droga, Isa sa Solusyong Nakikita ng Provincial Anti-Drug Abuse Council maipaunawa sa mga barangay BILANG isa sa mga estratehiya, tinututukan sa ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Anti-Drug Abuse Council o PADAC na pinamumunuan ni Governor Hermilando I. Mandanas, tagapangulo ng PADAC, ang tinatawag na “demand reduction” o pagbawas sa pangangailangan sa droga. Ayon sa pag-aaral ng mga awtoridad, ang pinakamabisang paraan para sugpuin ang pagkalat o pagdami ng gumagamit ng bawal na gamot ay ang mabawasan ang demand sa droga na may kinalaman sa pagsusupply nito hangang sa tuluyang mawala ang mga manufacturers, distributors, suppliers kasama na ang mga pushers. Ang nasabing konseho, sa pangunguna ni Dr. Amante A. Moog, ay nagsagawa ng mga programa, proyekto at aktibidad kabalikat ang tatlong dibisyon ng pagpapatupad na mayroon ito gaya ng Barangay/ Community Affairs Development (B/CAD) Division, Youth and Sports Development (YSD) Division at Public Employment Services Office (PESO) upang officials, volunteer workers, In at Out-of-School Youths ang kahalagahan na malaman ang problema at epekto nito sa pamayanan at tuluyang ipabatid sa kanila ang masamang dulot ng bawal na gamot at kung paano ito maiiwasan. Hinihikayat ng gobernador na makiisa ang lahat ng Batangueño o sinumang hindi taga-lalawigan na magkalakas ng loob na sabihin sa mga kinauukulan gaya ng lokal na opisyal ng barangay, namumuno sa munisipyo o sa city hall ang mga kahina- hinalang personalidad na may kakaibang kinikilos kundi man ay bago sa lugar na baka mga taong siyang gumagawa, nagsusupply, gumagamit o pusher ng bawal na gamot upang mabilisang maaksiyunan/masugpo lahat para sa katiwasayan ng ating kapaligiran. Ang pakikiisa ng lahat ang tunay na solusyon sa problemang ito upang makamit natin ang minimithing malayang lalawigan sa epekto ng ipinagbabawal na gamot sa taong 2025, pagbibigay-diin pa ni Governor Mandanas. ✎Jhun Magnaye/Dado Macalintal – Batangas Capitol PIO MoU... mula sa pahina 1 convergence ay naglalayong mas pagbutihin ang pagsisikap sa pagpapaunlad ng mga industriya sa lalawigan sa tulong ng national government agencies, government financing institutions, agriculture and fishery council at akademya. Dagdag pa dito, inaasahang mas mapapalawak pa ang mga oportunidad para sa agro-enterprise at agribusiness development para sa industriya ng kape, saging, mangga at pinya. S a m a n t a l a , napagkasunduang sa darating na ika-10 ng Disyembre 2018 isasagawa ang pagpirma sa Memorandum of Understanding na gaganapin sa Batangas Provincial Capitol. ✐ Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO