Tambuling Batangas Publication November 21-27, 2018 Issue | Page 3
BALITA
November 21-27, 2018
Workshop upang maiwasan
ang teen pregnancy isinagawa
ng City Popcom
U4U Teen Trail Experience na isinagawa ng Popcom Division ng City Health Office sa pakikipagtulungan ng Commission on Popula-
tion Region lV-A
Training...
o GPS.
May apat na batches ang
workshop na ito na isinagawa noong
Nov. 6-8 at Nov. 12-14 at isasagawa
mula sa pahina 1
pa sa Nov. 19-21 at Nov. 26-28.
Ang mga barangay ng
Solid East ay binubuo ng Bilogo,
Catandala, Dalig, Dumantay, Gulod
Itaas, Gulo Labac, Maapaz, Mahacot
East at West, Paharang East at West,
Pallocan East at West, Sampaga,
San Jose Sico, San Pedro, Talumpok
East at Tulo. (PIO Batangas City)
BATANGAS CITY- Humigit kumu-
lang sa 100 senior hgh school students
ang sumailalim sa “U4U Teen Trail
Experience na isinagawa ng Popcom
Division ng City Health Office sa
pakikipagtulungan ng Commission
on Population Region lV-A noong
November 15 upang maturuan ang
mga ito kung papaano maiiwasan ang
teen pregnancy.
Isa ang Batangas City sa
may mataas na bilang ng teen preg-
nancy kung saan ang pinakabatang
kaso ay 10 taong gulang ayon sa
Popcom.
Tinalakay sa Teen Trail
experience ang Teen Wait, kung
saan nagkaroon ng lecture tungkol
sa Risk of Teenage Pregnancy; Teen
Color tungkol sa Gender Sensitivity;
Teen Code - kung saan tinalakay ang
Human Trafficking and the Right
of Adolescents, Human Trafficking
Cyber Crime at Teen Chat kung saan
binigyan ng pansin ang Changes dur-
ing Adolescence. Ito ay bahagi rin
ng kampanya ng Popcom sa tamang
pagpaplano ng pamilya na may te-
mang “Informed Choice and Family
Planning Toward Empowered Filipino
Families”.
Ayon kay Andy Pergis,
planning officer II ng Commission
on Population Region 4, ito ay isang
pamamaraan ng interactive at non
formal teaching sa mga kabataan na
mismo sila ang facilitator. “Nanini-
wala po ako na mas higit na pinani-
niwalaan nila yun kapwa nila ka edad
kesa dun sa mga pormal na pagtuturo.
Ang kanilang matutunan dito ay parte
na rin ng adbokasiya ng gobyerno
upang makawaiwas sa lumalalang
teenage pregnancy”.
“Mahalagang malaman
natin ang pananaw ng mga kabataan
sa family planning, para makita natin
kung ano ang pagkakaintindi nila
dito base sa kanilang edad, nang sa
gayon maituro pa natin sa kanila
kung ano ang tama para sa kanila,”
dagdag pa ni Pergis. Ayon naman kay
Murita Cunanan ng Popcom Division,
maraming interventions sila upang ma
address ang teenage pregnancy tulad
ng “breaking the barriers” kung saan
ini encourage o ini invite nila ang
mga parents kasama ang mga anak at
tinatalakay ang parent/child relation-
ship, child’s school performance at
boyfriend/girlfriend relationship.(PIO
Batangas City)
Mga estudyante lumahok sa patimpalak Meat processing at pagbebenta
ng frozen meat sa palengke
tungkol sa kalikasan ng City ENRO
ipinagbabawal na
2018 Himig Kalikasan, Makakalikasang Sayaw at Sinekasan ay orihinal na komposisyon at produksyon at base sa temang “Kabataang
Batangueño, Reponsable, Aktibo, Disiplinado! Para sa Kalikasan!
BATANGAS City-Sa pamamagitan
ng awit, sayaw at short film, ipinakita
ng mga estudyante ang kahulugan
ng pangangalaga sa kalikasan sa
isinagawang patimpalak ng City
Environment and Natural Resources
Office kaugnay ng pagdiriwang ng
National Environmental Awareness
Month 2018 at ng taunang Pista ng
Kalikasan.
Ang
mga
group
performances sa 2018 Himig
Kalikasan,
Makakalikasang
Sayaw at Sinekasan ay orihinal na
komposisyon at produksyon at base
sa temang “Kabataang Batangueño,
Reponsable, Aktibo, Disiplinado!
Para sa Kalikasan!
Sa
Himig
Kalikasan,
nanalo ng first place ang Lyceum of
the Philippines University-Batangas
High School Department na nag-uwi
ng cash prize na P15,000, trophy
at medals, second ang Talumpok
Nationalo High School at third ang
Sto. Niño National High School.
Ang mga hindi nanalo ay tumanggap
ng consolation prize na 3,000 at
certificate.
Sa Makakalikasang Sayaw
na nilahukan ng mga elementary
students, nanalo ng first place
ang Julian A. Pastor Memorial
Elementary School (JAPMES) na
tumanggap ng 20,000, trophy, medals
at certificate, second place ang
Simlong Elementary School at third
place ang University of Batangas.
Ang mga hindi nagwagi ay tumnggap
din ng consolation prize na 5,000 at
certificate.
Nanalong best film sa
Sinekasan ang “Piraso” ng Lyceum
of the Philippines na humakot ng
maraming awards at tumanggap ng
P15,000, trophy at certificate.. Ang
iba pang awards na natanggap nila
ay Si Henry Burgos naman na isang
kilalang film maker ang naging judge
para sa Sinekasan na magbibigay ng
workshop tungkol sa film making
para sa mga kalahok ng sinekasan.
Mula sa senior high school at college
ang mga kalahok sa Sinekasan.
Nanalong Best Poster 3rd
prize ang film na “Desisyon” ng
Conde Labac Senior High School
na mag uuwi ng 1,000 at trophy.
Best Poster 2nd prize: “Ragahasa”
ng Gulod Senior High School na
may 2,000 at trophy. Best Poster
Champion:” Simoy ng Hangin” ng
Pinamucan National High School na
may 3,000 at trophy, Nakuha din nila
ang Special Award na Audience Prize
na may 5,000 at trophy. Ang Best
Actress ay mula sa “RAGAHASA”
ng Gulod Senior High School na
si Khem Rose N. Amar at ang Best
Actor naman ay mula sa “Bundok” ng
Talumpok National High School na si
Keith Ammuel De Torres. Humakot
naman ng award ang Lyceum of the
Philippines University-Batangas sa
kanilang entry na “Piraso” na nag uwi
ng mga sumusunod na awards: Best
screen play: Julia Castillote; Best
editing: Ryan Miguel Capili; Best
cinematography: Godwin Panaligan;
Best production design: Alexis
Bagot; Best Director: Erlynne Abbie
Mendoza & Elvis Jay Dote sila ng
1,000, trophy at certificate. Nakuha
din ng LPU ang Special award na
Best ensemble acting at tumanggap
din sila ng 5,000 at trophy sila rin ang
nagwagi sa Best Film na nag uwi ng
15,000, trophy at certificate.
Ang judge na si Henry
Burgos na isang kilalang film maker
ay magbibigat ng workshop sa
fillm making sa mga lumahok sa
Sinekasan. (PIO Batangas City)
IPINAGBABAWAL na sa mga
magtitinda ng karne sa Julian Pastor
Memorial Market at Batangas City
First Public Market (BCFPM) ang
meat processing sa palengke ng
kanilang mga paninda kagaya ng
longganisa, tapa, tocino at iba pa
at sa halip ay gawin ito sa kanilang
mga tahanan o iba pang maayos na
pasilidad upang masiguro na ang mga
produktong ito ay malinis at ligtas
kainin.
Ayon kay City Market
Administrator
Ella
Atienza,
nagpatawag sila ng dayalogo sa mga
meat handlers ukol sa existing rules
and regulations sa meat handling
sa pampublikong pamilihan noong
November 19 sa Teachers Conference
Center (TCC). Ito ay dinaluhan ng
may 150 meat handlers mula sa
dalawang palengke. Nakatulong nila
sa pagpupulong na ito ang Office of
the City Veterinary and Agricultural
Services (OCVAS).
“Napansin
namin
na
marami sa mga magtitinda ay dito
mismo sa palengke pinoproseso ang
kanilang mga tirang karne na dapat
ay sa kanilang tahanan ginagawa,
upang maisigurong malinis at safe
ito at mapanatili rin ang kaayusan ng
palengke,” sabi ni Atienza.
Ayon pa rin kay Atienza,
kailangang sariwa o bago at hindi
frozen ang ipagbibiling karne
sa palengke upang maseguro na
mahusay ang kalidad ng karneng
mabibili dito. Kaugnay nito, hindi
na rin papayagan na makapasok sa
mga palengke ang frozen meat na
karaniwan ay galing sa ibang bansa
at may mga preservatives na delikado
sa kalusugan ng mga tao. “Gusto
nating maisiguro na lahat ng karneng
mabibili sa ating publikong pamilihan
ay de kalidad at laging sariwa,
dumaan sa pagsusuri ng National
Meat Inspection (NMI) at mula sa
kanilang sa mga accredited slaughter
house,” pagdidiin ni Atienza.
Simula January 2 aniya ng
susunod na taon ay ipagbabawal na
rin ang freezer kung saan inilalagay
ang tirang karne sa palengke upang
matiyak na walang karne ang
maiiwan overnight sa mga palengke
at maisigurong bago at sariwa
ang ibebenta sa susunod na araw.
Bukod dito nais rin ng pamunuan ng
publikong pamilihan na mapanatiling
malinis at maayos ang pasilidad dito.
Nagpahayag
naman
ng kooperasyon at pakikiisa ang
mga meat vendors sa mga bagong
regulasyong ito sa palengke. (PIO
Batangas City)
City Health Office employees
nagsanay sa water rescue
BATANGAS CITY-Hindi lamang
medical at heath services ang concern
ng City Health Office (CHO) kundi
ang pagsagip ng buhay sa tubig sa
panahon ng kalamidad at emergency
Kaugnay nito, sumailalim ang 30
personnel ng CHO sa tatlong araw
na seminar at training sa Basic
Water Safety Survival ng Philippine
Coast Guard Batangas (PCG) sa
pakikipagtulungan ng City Disaster
Risk Reduction Management Office
CDRRMO). Ang seminar ay ginanap
noong November 13 sa olympic-size
swimming pool ng Batangas City
Sports Coliseum.
Kabilang sa mga itinuro
ang iba’t ibang paraan ng paglangoy
kagaya ng freestyle, breast stroke,
side stroke at survival back stroke.
Itinuro rin ang mga paraan kung
paano makatatagal sa ilalim ng tubig
at mabisang technique para sa mas
matagal at malalayong paglangoy.
Tinuruan din ang mga trainees kung
ano ang mga dapat gawin sakaling
tumaob ang sinasakyang rubber boat.
Ayon kay Po1 Roy
Villanueva ng Special Operation
Unit ng Philippine Coast Guard
Southern Tagalog, mahalaga ang
patuloy na kaalaman at pagsasanay
sa pagsagip ng buhay. (PIO Batangas
City)