Tambuling Batangas Publication November 21-27, 2018 Issue | Page 2

BALITA binuksan ng Department of Education Batangas City ang tatlong araw na 2018 – Inter Division Sports Competition Drug-affected barangay sa Batangas City patuloy na bumababa Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) sa Lungsod ng Batangas, LIMCOMA Multipurpose Cooperative sa Lungsod ng Lipa, Ibaan Market Vendors and Community Multipurpose Cooperative ng bayan ng Ibaan, at Tuy and Community Multipurpose Cooperative INIULAT ni Batangas City PNP Chief PSupt Sancho Celedio sa pagpupulong ng City Advisory Council (CAC) noong November 7 na sa 105 barangay ng Batangas City, may 61- drug-affected barangay na lamang ayon sa record ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA . Ayon sa kanya, Ito ay magandang accomplishment ng kanilang istasyon dahil nabawasan ng 37 ang 98- drug affected barangay noong nakaraang taon. “This station aims to lower the drug-affected barangay from 61 to at least 30.” Malaki rin aniyang accomplishment ng kapulisan ang pagkakahuli sa no. 1 Most Wanted Person na si Mark Anthony Bugayong na may kasong murder at malversation of public property at Billy Joe Ibon na no.9 Most Wanted sa kasong carnapping. Tumaas rin ang crime clearance efficiency ng City PNP station kung saan ito ay 92.61% mula Enero hanggang Oktubre 2018 kumpara sa 87.01% noong kaparehong mga buwan ng 2017. Ito ay ang mga kasong (hindi kasama ang vehicular accidents) na nai-file sa korte. Tinukoy naman ni Councilor Mando Lazarte, chairman ng CAC, ang ipinatutupad na Anti- Social Behavior Ordinance kung saan ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa kalye, paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, paggala ng nakahubad, at iba pa. Hiniling niya na i-deputize ang mga barangay tanod upang makatulong ng kapulisan sa panghuhuli ng lumalabag sa nasabing ordinansa.(PIO Batangas City) Kampanya sa waste segregation at pagbabawal sa plastic isinasagawa sa mga barangay NAGSIMULA ng magsagawa ng baseline monitoring at information education sa tamang pangangasiwa ng basura ang 11 Solid Baybay cluster coordinators sa may 19 coastal barangay noong November 7 bilang bahagi ng pagpapatupad ng City ENRO ng R. A. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ang myembro ng cluster coordinators ay composite team mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod. Unang ginawa ng grupo ang status checking o tinitingnan ang kasalukuyang sistema ng pagatatapon ng basura ng barangay. Tinitingnan din kung mayroong aktibong Barangay Solid Waste Management Council ang barangay at kung mayroon itong solid waste management plan. Naobserbahan ng grupo na mas maraming mga barangay ang nagpa practice ng waste segregation at sumusunod sa plastic ban. Ang iba naman ay nagtatapon ng basura sa hukay ng samasama o kaya naman ay nagsusunog ng basura. Itinuro ng mga coordinators sa mga taga barangay na mag bukod ng basura sa kanilang bahay at magtayo ng sariling MRF sa bakuran kahit sa pamamagitan ng paglalagay ng mga drum o sako kung saan pwedeng ilagay ang mga nabubulok, mga recyclable at residual wastes. Ang mga ito ay kokolektahin at dadalhin sa MRF ng sitio habang ang sa sitio naman ay dadalhin sa barangay upang kolektahin ng hauler ng city. Ang pagiging aktibo ng council ay susukatin sa pamamagitan ng mga nabebentang recyclables. Binigyang diin din dito ang multa sa mga lalabag sa batas. Matatapos ang baseline monitoring sa November 29 at magsisimula ang second wave ng pagbisita sa barangay sa January 2019. (PIO Batangas City November 21-27, 2018 Batangas City, host ng Inter Division Sports Competition BATANGAS CITY- Pormal na binuksan ng Department of Education Batangas City ang tatlong araw na 2018 – Inter Division Sports Competition na nilahukan ng mga high school students buhat sa ibat- ibang paaralan sa probinsiya ng Batangas sa Batangas City Coliseum kahapon, November 20. Sinimulan ang programa sa Entrance of Colors ng mga athletes, coaches, school officials at iba pang participants papasok sa loob sa Batangas City Coliseum. Kabilang sa mga schools na lumahok sa kompitisyon ay buhat sa Lipa City, Tanauan City, Batangas Provincial Division at Batangas City. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na maituturing na fulfilment ng isang magulang na makitang naaabot ng kanilang mga anak ang kanilang pangarap. Sinabi ni Dimacuha na “tunay nga pong mahalaga ang edukasyon kaya lalo po naming pinalawak ang aking asawa at katuwang ko na si Congressman Marvey Marino ang mga programang pang edukasyon sa lungsod”. “Isa pang nakakapag palawak ng kaalaman at karanasan ng ating mag-aaral ay ang pagsali sa mga palakasan katulad nito. Naniniwala ako sa paninindigan ng DEP-ED sa patuloy na paghikayat sa ating mga kabataan na maging aktibo sa sports. At sa ganitong paligsahan makakatuklas tayo ng mga mahuhusay na manlalaro na mga potential medalists sa ibat- ibang larangan ng palakasan. Ito pong gawaing ito ay pwede po natin tawaging “grass roots efforts” sa pagtuklas ng mga potential na atleta” dagdag pa ni Dimacuha Pinasalamatan naman ni Dr. Carlito Racapor, assistant director ng DEP-Ed Region 4-A Calabarzon, ang lungsod sa pagiging host city ng nasabing competition. Aniya, layunin ng gawaing ito na mag karaoon ng camaraderie ang bawat kasali upang sa ganon magkaroon ng friendly competition upang lalo pang madevelop ang talento sa larangan ng sports. Sinabi pa niya na dito pipili ng mga atleta ipang lalaban sa region at national sports competition. Nagkaroon din ng Lighting of the Friendship Torch, Oath of Amateurism na pinangunhan ni Lillian Margaret Ebora, NCAA South- gold medalist sa Table Tennis Girls sa Batangas City habang pinangunahan naman ng MAPEH EPS division superintendent, Division PESS Coordinator at Assistant School Division Superintendent ang Hoisting of the Division Flag at Official Oath na ginampanana ni Nicolas Asi Education Program Supervisor I MAPEH. (PIO Batangas City) Pagdiriwang... mula sa pahina 1 upang humingi ng pondo na ibinibigay naman natin sa mga paaralan na ngangailangan ng karagdagang pasilidad.” Sinabi ni Rowena Mercado, OIC school principal, na laking pasasalamat nila sa pagkakaroon ng dagdag gusali sa kanilang paaralan. “Timing ang pagkakaroon namin ng bagong gusali dahil ang lumang building namin ay i di demolish CLB... Pagkakataon din aniya ito na mapalago ang turismo sa lungsod sa pagpunta rito ng mga participants buhat sa ibang lugar. Binigyang diin ni Mayor Dimacuha sa kanyang mensahe na ang nasabing kasunduan ay isang strategic collaboration sa pagitan ng government at private sector. “Malaki ang maitutulong ng partnership na ito upang maitaas ang antas ng professional competence, matuturuan ng mga bagong teaching techniques at method ang mga guro at ma po promote ang learning, personal development and academic performance.” Ayon kay Dr Gappi, napili nila ang Arczone na maging partner sapagkat ito ay CPD provider at accredited ng Civil Service Commission (CSC) at ng Professional Regulation Commission (PRC). Ang CLB ang magsisilbing venue ng mga pagsasanay at mag-iimbita ng mga participants sa mga isasagawang seminars. na. Pinuri naman ni Pangulong Victorio Cabatay ang pamahalaang lungsod dahil sa suporta at tulong na ibinigay sa kanilang barangay. Tanging hiling niya na alagaan at ingatan ang bagong gusali ng sa gayon ay mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1 Ilan sa mga pagsasanay na ipinagkakaloob ng Arczone ay ang English language proficiency, career guidance, personality development, corporate training programs, exam preparation programs, offshore education & training services, youth camp, team building at iba pa. Ipinaabot ni Dr Gappi ang kanyang taos pusong pasasalamat kay Mayor Dimacuha sa aniya ay katuparan ng naturang “momentous event” gayundin sa patuloy na suporta sa kanila ng pamahalaang lungsod. Saksi sa MOA signing at Partnership launching sina VP for Academics Affair Dr Feliciana Adarlo, VP for Research, Extenion, Planning & Development Dr Doringer Cabrera. Dumalo din sina Councilors Armando Lazarte, Nitoy Pastor at Julian Villena na pinagkalooban ng plaque of appreciation dahil sa suportang ipinagkakaloob nila sa nasabing institusyon. (PIO Batangas City)