Tambuling Batangas Publication November 21-27, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Get to know the new National Artists... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
2018 Farmers’ Day sa
Batangas, Ipinagdiwang p. 2
World Teachers’ Day
2018, ipinagdiwang sa
Dasmarinas City p. 5
Gov. Mandanas Inter-LGU
Sports Competition 2018,
Inumpisahan na p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 48
November 21-27, 2018
P6.00
Calumpang 3rd bridge tatapusin
ang construction sa Disyembre
BATANGAS
CITY-Target
na
matapos ang construction ng P338-
million Calumpang 3rd Bridge sa
katapusan ng Disyembre ayon sa
contractor nito na Freyfil Corporation
kayat 24 oras ang trabaho dito ngayon
ng may 100 construction workers
kasama na ang subcontractor.
Ang
proyekto
ay
binisita nila Mayor Beverley Rose
Dimacuha at Congressman Marvey
Marino noong November 9 upang
makita kung ano na ang status ng
construction.
Ayon kay Engr. Ronald
Litan, project manager ng Freyfil
Corporation, ang project ay 83%
completed na. “We already completed
half span of the bridge, we installed
the box girders halfway already, its
approach needs one layer more sa
backfill area so we will soon start the
concrete pavement and we’ll be able
to attain the December completion
date. Konting tiis na lang.”
Magkakaroon
lang
aniya ng delay kapag sumama ang
panahon kung saan sineseguro nila
ang kaligtasan ng kanilang mga
manggagawa at ang mataas na
kalidad ng trabaho.
Ang four-lane bridge na
ito ay 140 meters ang haba at 15
meters and lapad at nagkukunekta
sa Sitio Ferry, Barangay Kumintang
Ibaba, Calumpang River at Barangay
Gulod Labac. Ang approaches nito ay
ay 100 meters mula sa two sides ng
tulay.
Ginagawa
ang
mga
kalsada na kukunekta sa dalawang
approaches, 353.40 meters sa Sitio
Ferry, Kumintang Ibaba side at
348.47 meters sa Gulod Labac .
Ang construction ng 3rd
Calumpang Bridge ay ipinatutupad
ng Office of the City Engineer sa
pamamagitan ng Build and Design
Scheme under contract ng Freyfil
Corporation.(PIO Batangas City)
P8 milyong school
building sa barangay Dao CLB at partner lumagda sa MOA
para sa career growth ng mga guro
pinasinayaan
Office of the City Engineer sa pamamagitan ng Build and Design Scheme under contract ng Freyfil Corporation.(PIO Batangas City)
BATANGAS
CITY-
Pinasinayaan ang P8million- 2
storey school building sa Dao
Elementary School para sa may
389 Grades 5 at 6 students,
November 22, isang proyekto na
ipinagawa ng Dep Ed (national
level) sa pakikipag-ugnayan ni
Congressman Marvey Marino.
Ang
blessing
at
ribbon
cutting
ceremony
ay
pinangunahan
nina
Congressman Marino, Vice
Mayor Jun Berberabe, Konsehal
Nestor “Boy” Dimacuha, mga
barangay at school officials.
Ang nasabing proyekto na may
apat na malalaking classrooms
ay magagamit na sa susunod na
pasukan.
Ang isang comfort
room dito ay para sa mga
estudyanteng may kapansanan.
Ayon
kay
Cong.
Marino, “ako po ay nakikipag
usap doon sa mga cabinet
secretaries partikular sa DepEd
Sundan sa pahina 2..
PUMASOK ang Colegio ng
Lungsod ng Batangas (CLB) sa
isang memorandum of agreement
(MOA) sa Arczone Professional
Development Inc. kung saan
magsasagawa ng mga seminars
at trainings ang huli sa CLB para
sa professional advancement
ng mga guro, na kailangan sa
renewal ng kanilang lisensya
alinsunod sa Republic Act 10912
o
“Continuing
Professional
Development (CPD) Act of 2016.
Ang MOA ay nilagdaan
sa pagitan nina Mayor Beverley
Rose Dimacuha, chairman ng
Board of Trustees (BOT) ng
CLB, College Administrator/
BOT Vice-Chairman Dr Lorna
Gappi at si Arczone Professional
Development Inc. President Dr
Arceli Amarles at VP Dr Gina
Lontoc. Ang MOA ay tatagal sa
loob ng isang taon.
Isang
resolusyon
ang ipinasa ng Sangguniang
Panlungsod na sumasangayon sa
pagpasok ni Mayor Dimacuha sa
kasunduang ito.
Hindi lamang mga guro
ng CLB kundi ibang mga guro
ng public at private schools sa
Batangas City ang pwedeng maka
avail ng mga seminars at trainings
na ito ng hindi na nila kailangan
pang pumunta sa ibang lugar.
“Pag nagseminar ka sa
ibang lugar, siyempre interesado
ka sa makikita mo sa lugar kaya
hindi ka masyadong makapag
focus sa seminar. Kung dito sa
atin, mas makaka focus tayo sa
seminar. Menos gastos pa at mas
maalwan,” sabi ni Dr. Gappi.
Sundan sa pahina 2..
Training sa Basic Geographic
Information System para sa
disaster preparedness isinagawa
30 barangay officials, Sangguniang Kabataan officials at ilang residente ng Solid East at apat na barangay sa poblacion ang sumailalim
sa pagsasanay sa Basic Geographic Information System (BGIS) ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)
HALOS 30 barangay officials,
Sangguniang Kabataan officials
at ilang residente ng Solid East at
apat na barangay sa poblacion ang
sumailalim sa pagsasanay sa Basic
Geographic Information System
(BGIS) ng City Disaster Risk
Reduction and Management Office
(CDRRMO) upang sa pamamagitan
nito ay madaling matukoy ang mga
lugar sa hazard map ng Lungsod .
Ang BGIS ay isang system
na dinisenyo upang ma capture,
store, manipulate, analyse, manage
at ma present ang lahat ng uri ng
geographical data.
Ayon sa mga trainers
na sina Prances Generoso at John
Philip Serrano ng Research and
Planning section ng CDRRMO, ang
kahalagahan ng BGIS ay “upang
matukoy ang mga evacuation routes,
pick up points, landmark at disaster
plans sa pamamagitan ng paglolocate
nito sa computer.”
Sinabi naman ni Jerick
Czar Atienza ng CDRRMO na dapat
ay computer literate ang sasailalaim
sa workshop na ito dahil gumagamit
ng thematic mapping gamit ang
quantum geographic information
system o QGIS at pagkuha ng datos
gamit ang global positioning system
Sundan sa pahina 3..