Tambuling Batangas Publication November 21-27, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
November 21-27, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Don’t turn a blind eye
The proposal of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
to have teachers and students from Grade 4 and above undergo
mandatory drug testing was met by fierce opposition by critics of the
Duterte administration’s war on drugs.
“ONE DOES NOT NEED TO HAVE CANCER TO ANALYZE ITS
SYMPTOMS.
Militant groups, various youth groups, the Department of Education
(DepEd) and even the Commission on Human Rights (CHR) were
one in rejecting the proposal, saying it will put minors in a very
vulnerable position in President Rodrigo Duterte’s bloody war on
drugs.
The CHR, in particular, said sufficient guidelines should be in place
and the protection of the rights of children should be ensured, noting
that it should not in any way affect the children’s access to their right
to education.
The commission also argued the government must adhere to the
Convention on the Rights of the Child, which the Philippines ratified
and other laws on the well-being of children.
But a Social Weather Stations survey recently proved otherwise, as
it revealed at least half of the respondents, or 51 percent of the total
1,500 surveyed, are in favor of making drug tests mandatory for
Grade 4 students and older pupils.
It also showed the proposal was welcomed in the Visayas where
69 percent of respondents agreed, followed by Metro Manila (53
percent) and Mindanao (52 percent) while respondents from Luzon
were least receptive to the idea with only 41 percent supportive of
the proposal.
The survey added most of those who agreed with the proposal were
also those who were satisfied with the performance of President
Rodrigo Duterte in general.
Now, what does it tell us?
The survey, in some ways, reveals the real situation of the country
in relation to the proliferation of illegal drugs in the country,
manifesting itself as a dangerous problem that extends its claws even
to the comforts of one’s own home.
It also proves that no one — not even children — are safe from the
sordid effects of illegal drugs, directly or indirectly.
Are we really turning a blind eye to the reality that, in these tumultuous
times, children are now susceptible to illegal drugs, serving as
couriers in drug deals because, aside from the false belief that the
trade will make them rich, they have no accountability according to
present laws?
Are we also going to wait for the time that these child couriers —
sooner or later — will be dipping their hands into the contraband that
they carry during these dangerous drug dealings and to wait for one
of them to be killed in the crossfire if the deal goes awry?
This should not be. We should not let this happen.
The PDEA’s proposal is akin to educating the youth on the dangers
posed by illegal drugs, be it by using them or involving themselves
in dangerous transactions that put their lives in horrible situations or,
worse, death.
The mandatory drug testing for students starting from Grade 4
should be seen as a kind of hands-on procedure in educating the
Filipino youth about the dangers of illegal drugs and not as a kind of
oppression of children’s rights. The government knows fully well to
uphold the rights of every Filipino citizen and pushing the proposal
of drug testing is an alternative way for people to be aware of the
crippling problem of illegal drugs in the country.
As a saying goes, one does not need to have cancer to analyze its
symptoms. Awareness is simply the key to prevent any untoward
incident in the future where a child will lose his or her life because
of curiosity.
Ni Teo S. Marasigan
Obama sa Kaitaasan
MARAMI nang nasulat at
nasabi tungkol sa pagkapanalo
ni Barack Obama bilang
presidente ng Estados Unidos sa
kakatapos na halalan. Tulad ng
marami, nakatawag ng pansin
ko ang grabeng saya at pag-
asa na ipinakita ng maraming
mamamayang
Amerikano,
maging ng mga progresibo,
sa pagkapanalong ito.Kasing-
saya, halimbawa, ng kanta ng
Martha and the Vandellas ang
sumalubong: “Dancing in the
Streets” – sayawan sa kalye.
Sa isang banda, positibo
ang pagkapanalo ni Obama
– bilang sintomas ng mga
pagbabagong pangkultura at
pangkamalayan sa Amerika. Una,
protesta ito sa sagad-sagaring
militarista at maka-mayamang
rehimen ni George W. Bush – na
tiningnang ipagpapatuloy ni John
McCain kung siya ang mananalo.
Ikalawa, kahit pa sinasabing 55%
ng mga puti sa US ang bumoto kay
McCain, pagluklok ito sa unang
pangulong Aprikano-Amerikano,
patunay ng pag-ibabaw – kahit
sa isang antas – sa malaganap na
rasismo ng lipunang Kano laban
sa mga Itim. At ikatlo, pagpili
ito sa pangkalahatang pangako
ng “pagbabago” at “pag-asa,”
laban sa tiningnang banta ng
pagpapatuloy at takot.
Sa kabilang banda,
kahit pa mukhang kontrabida
at
kontrapelo,
kailangang
ipambalanse ang reyalidad, na
masasabi ngayon pa lang na hindi
makabuluhang pagbabago ang
ihahatid ni Obama. Una, gaya
nga ng paalala ni Ralph Nader,
“aktibistang taguyod ng mga
konsyumer,” at ng maraming iba
pa, hindi malayo ang mismong
mga pahayag niya sa militarista at
maka-mayamang mga patakaran
ng rehimeng W Bush, at hindi
lang sa isyu ng pagpyansa sa mga
institusyong pampinansya nitong
huli. Ikalawa, hindi malalim
ang rekord niya ng pagtaguyod
sa interes ng mga Aprikano-
Amerikano. Ni hindi siya bahagi
ng Kilusang Karapatang Sibil
(Civil Rights Movement) o iba
pang gayong kilusan ng mga
kalahi niya – di tulad ni Rev. Jesse
Jackson na tumakbo rin, noon,
bilang presidente sa Democratic
Party. Ikatlo, sa madaling salita,
maaaring sa antas at pamamaraan
lang ng pagpapatupad sa parehong
mga patakaran mag-iiba ang
rehimeng Obama sa naunang mga
rehimen.
Sabi ni Eric Michael
Dyson, progresibong siyentistang
panlipunan,
ipinapakita
ng
pagkapanalo ni Obama ang
mga pagsulong at nakamit na
sa pagtataguyod ng tunay na
demokrasya sa US. Oo, pero
mas mahalaga ring sabihing
ipinapakita nito – laluna ng saya
at pag-asa ng sambayanang
Amerikano na kaakibat nito – ang
mga kailangan pang gawin para
iabante ang demokrasya sa US.
Marami pang kailangang gawin
kapag ang pagkapanalo ng isang
taong may rekord ng tulad ng kay
Obama – sa harap ng grabeng
bulok na kalagayan marahil at
lalong dumidilim na hinaharap –
ay ipinagsasayaw na sa kalsada
ng mga mamamayan.May laging
islogan ang mga progresibo sa
US: “Huwag magdalamhati.
Mag-organisa! (Don’t agonize.
Organize !).” Ngayon, mas
angkop yatang sabihin sa
kanila bilang paalala: “Huwag
magdiwang. Mag-organisa!”
May
sumikat
na
pahayag si Obama noong simula
ng kampanya niya: “Tayo ang
pagbabagong hinihintay natin
(We are the change we have
been waiting for ).”Hindi si
Obama ang unang nagsabi niyan,
kundi si June Jordan, radikal
na progresibong manunulat na
Aprikano-Amerikano. At hindi
eleksyon lang ang tinutukoy
niya, kahit pa – o lalo na nga
kung – maghahalal ito ng taong
titingalain ng marami bilang
tagapagligtas. Paalala nga ni
Adolph Reed, Jr., progresibong
komentaristang
Aprikano-
Amerikano, isa sa pinakamadaling
porma ng paglahok sa pulitika
ang pagboto. Tiyak na hindi lang
ito ang tinutukoy ni Jordan, kundi
ang sama-samang pagkilos para
baguhin ang buong bulok na
balangkas ng lipunan, hindi lang
ang pangulo.
Mahalagang simula ang
tanong ni Manning Marable,
progresibong
siyentistang
panlipunan, bagamat hindi ako
sang-ayong “kaliwa-ng-sentro”
si Obama: “Ang tunay na hamon
ngayon ay hindi ang kung ano ang
gagawin ni Obama, kundi ano ang
gagawin ng mga progresibo?”
Tanong niya: “Paano tayo
makakapagsulong
ng
isang
adyendang… makakapaghapag
ng mga isyu ng pagkakapantay-
pantay ng mga uri… ng mga
kasarian sa lipunang ito?” Hindi
kung paano “itutulak sa Kaliwa”
si Obama ang usapin, kundi:
Anong panawagan, halimbawa,
ang makakapagbigay ng ginhawa
sa mga mamamayang Amerikano
at dapat ipaglaban? May mga
pag-asang binuksan si Obama
na maaaring maging batayan ng
mga progresibo at mamamayan
para igiit laban sa reyalidad ng
katangian niya bilang pulitiko.
Sa
ngayon,
isang
magandang pangako si Obama
para sa mga mamamayang
Amerikano.
Mahalagang
magpaalala tayo – at hindi lang
tayong mga progresibo ang
tinutukoy ko, kundi tayong
mga Pilipino – na hangga’t
walang tunay na pagbabagong
panlipunang
isinulong
ng
mismong sambayanan, mapait na
pagkabigo ang idudulot ng mga
lider-gobyernong ating aasahan.
10 Nobyembre 2008