Tambuling Batangas Publication November 14-20, 2018 Issue | Page 3
BALITA
November 14-20, 2018
Gov. Mandanas Inter-LGU
Sports Competition 2018,
Inumpisahan na
Sama-samang Batangueño thru Sports. Kasama ni Gov. Dodo Mandanas ang delegasyon ng Munisipalidad ng Taysan, sa pangunguna
ni Mayor Grande Gutierrez (3rd nakatayo mula kanan), sa grand opening ng 2018 Gov. Dodo Mandanas Inter-LGU Sports Competition
noong ika-24 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
4,500...
pinamumunuan ni Ms. Celia Atienza,
ang kasalukuyang pangulo ng League
of Cooperative Development Officers
of the Philippines.
Para sa taong 2018, ang
Batangas Capitol, sa pamamagitan
ng PCLEDO, ay nakapagpondo ng
167 na mga cooperative projects
na nagkakahalaga ng P10 Milyon;
nakapaglabas ng loan assistance sa 28
mga kooperatiba na umabot sa halos
P13 Milyon; at nakapagbigay ng
ayudang umabot sa halos P4 Milyon
mula sa pahina 1
sa mga kooperatibang nagkaroon ng
annual assemblies.
Bilang tulong at suporta
sa mga kooperatibang Batangueño,
nakalaan ang P15 Milyon para sa
regular fund assistance; P100 Milyon
para sa Credit Surety Fund mula
sa Bangko Sentral ng Pilipinas;
P50 Milyon para sa Enterprise
Development for Cooperatives mula
sa Philippine Rural Development
Program; at P4 Milyon para sa 2019
General Assistance.
Dumalo rin sa taunang
selebrasyon ng mga kooperatiba sina
AGAP Partylist Congressman Rico
Geron, Cooperative Development
Authority Administrators Benjie
Oliva at Abad Santos, Philippine
Cooperative Center Chairperson
Garibaldo Leonardo, 6th District
Senior Board Member Wheng
Sombrano Africa, Atty. Gina Reyes
– Mandanas, dating Spokesperson
Atty. Harry Roque at Senator Nancy
Binay. Vince Altar – Batangas
Capitol PIO
KOOP QUIZ 10TH Blast sa
Batangas Province, Idinaos
Kasama ng mga winners ng Koop Quiz 10th Blast sina PCLEDO Dept. Head Celia Atienza (nakatayo 2nd mula kaliwa), 6th District
Senior Board Member Rowena Sombrano-Africa (nakatayo 3rd mula kaliwa) at PCLEDO staff pagkatapos ng contest. Photo: Junjun
De Chavez – Batangas Capitol PIO
KAUGNAY sa 2018 COOPMonth
Celebration
na
may
temang
“Partners for Building Resilient
and
Empowered
Communities
Towards a Better and Stronger
Philippines,” isinagawa ang KOOP
Quiz 10th Blast, sa pangunguna ng
Provincial Cooperative Livelihood
and
Enterprise
Development
Office (PCLEDO), sa Provincial
Cooperative Development Center,
Capitol Compound, Batangas City
noong ika-25 ng Oktubre 2018.
Nagkamit ng pinakamataas
na marka at tinanghal na kampiyon si
Junix C. Moster mula sa Munisipalidad
ng Padre Garcia na nakalikom ng
154 points. Si Moster ay nagkamit
ng halagang Php 10,000.00, nag-
uwi ng Pangkabuhayan Showcase
mula kay 6th District Senior Board
Member Rowena Sombrano-Africa
at magiging representative ng
Lalawigan ng Batangas sa gaganapin
Coop Quiz Regional Level.
Nanalong 1st Runner-up si
Tanauan City bet Path Marianne D.
Aala na nakakuha ng 144 points at
nag-uwi ng Php 7, 000.00. Si Benette
P. Cruz naman ng Cuenca, sa likod ng
score na 142 points, ang nakakuha ng
2nd Runner-up award at ng premyong
Php 5, 000.00.
Ang
paligsahan
na
isinagawa
ng
PCLEDO,
sa
pamumuno ni Ms. Celia Atienza,
ay sinalihan ng mga estudyante na
kumakatawan sa 34 na mga lungsod
at munisipalidad sa Lalawigan ng
Batangas. Lahat ng mga kalahok ay
nakatanggap ng Php 4, 000.00.
Nagbigay ng mensahe
sina Gov. Dodo Mandanas at Senior
BM Africa sa mga mag-aaral na
nakilahok at mga cooperative
stakeholders na dumalo sa pagtitipon.
Nagpasalamat sila sa pagdaraos ng
isinagawang aktibidad na kapaki-
pakinabang sa bawat komunidad
dala ng kagalingang dulot ng mga
kooperatiba.
Gumanap na mga judge o
panelist sa nasabing aktibidad sina
Mr. Orlando Casanova, Education
Program Supervisor ng Department
of Education – Batangas; Mr.
Emmanuel A. Munda, miyembro ng
Board of Directors ng Cooperative
Union of Batangas; at Ms. Nelia
D. Onte, Senior Cooperative
Development
Specialist
ng
Cooperative Development Authority
Calamba Extension Office. – Shelly
Umali, Batangas Capitol PIO
P O R M A L na inilunsad ang
bakbakan sa palakasan ng mga
lungsod at munisipalidad ng
Lalawigan ng Batangas sa 2018
Gov. Dodo Mandanas Inter-LGU
Sports Competition noong ika-24
ng Oktubre 2018 sa Provincial
Auditorium, Capitol Compound,
Batangas City.
18 local government
units ang lumahok sa Provincial
Government of Batangas sports
competitions sa taong ito, sa
pangunguna ng tanggapan ng
Provincial Assistance for Com-
munity Development o PACD
na pinamumunuan ni Dr. Amante
Moog.
Sa pamamagitan ng mga
larong basketball at volleyball,
layon ng palaro na mapagkila-kila-
la at mapalakas ang samahan ng
mga kawani ng gobyerno sa iba’t
ibang munisipalidad at lungsod
sa lalawigan sa larangan ng pal-
akasan at pantay na kompetisyon.
Kabilang sa mga nakila-
hok ang mga munisipalidad ng
Balayan, Calaca, Lemery, Lian,
Nasugbu, San Pascual, Agoncillo,
Cuenca, Mataas na Kahoy, Sto.
Tomas, Talisay, Rosario, San Jose,
San Juan, Taysan at mga Lungsod
ng Tanauan, Lipa at Batangas.
Sa kanyang pagbati,
mainit na tinanggap sa Kapitolyo
ni Gov. Mandanas ang lahat ng
mga lingkod bayang atletang
Batangueño; kasabay ng pag-
bibigay ng update sa mga ito sa
pagsulong ng usapin sa Internal
Revenue Allotment, kung saan
makakatanggap ang bawat pa-
mahalaang lokal ng karagdagang
budget, na mas magpapalakas pa
sa local autonomy ng mga LGUs.
✎ Marinela Jade Maneja at Louise
Mangilin, Batangas Capitol PIO
Batangueño Senior Citizens’
Week 2018, ipinagdiwang ng
Pamahalaang Panlalawigan
MAHIGIT 700 senior citizens
mula sa iba’t ibang munisipalidad
at lungsod sa lalawigan ng
Batangas ang dumalo sa
pagdiriwang ng taunang Senior
Citizen’s Week noong ika-30
ng Oktubre 2018 sa Provincial
Auditorium, Capitol Compound,
Batangas City.
Sa gabay ng temang
“Kilalanin
at
Parangalan:
Tagasulong ng Karapatan ng
Nakatatanda Tungo sa Lipunang
Mapagkalinga” , layunin ng
selebrasyong bigyang pugay ang
mga nakatatanda sa lalawigan.
Sa pangunguna ng
Provincial Social Welfare and
Development Office (PSWDO)
na pinamumunuan ni Ms. Jocelyn
Montalbo, opisyal na sinimulan
ang programa kung saan nagbigay
ng kanilang mensahe sina 1st
District Board Member Junjun
Rosales, 5th District Board
Member Claudette Ambida,
2nd District Board Member
Arlina Magboo, 3rd District Board Member Divina Balba
at 5th District Board Member
Arthur Blanco; na sinundan
ng pagbibigay ng update ukol
sa Senior Citizens Program na
tinalakay ni Ms. Florita Lachica,
PSWDO Assistant Department
Head.
Nagsilbi
namang
panauhing pandangal si Gov.
Dodo Mandanas na lubos na
ikinatuwa ang pagsisikap na
ginagawa
ng
pamahalaang
panlalawigan upang maitaas
ang
kamalayan
sa
mga
pangangailangan
ng
senior
citizens, hindi lamang sa
Batangas kundi pati na rin sa
buong bansa.
Kaugnay
dito,
nagkaroon ng mga paligsahan
sa larangan ng pag-awit at folk
dance na nilahukan ng ilang
dumalong senior citizens na
nagpakitang hindi hadlang ang
katandaan sa pagpapamalas ng
angking talento. ✎ Marinela Jade
Maneja, Batangas Capitol PIO
Calabarzon... mula sa pahina 1
Inc., isang Philippine-based
consulting firm na kilala
sa mga larangan ng rural
development, environment and
natural resource management,
governance, and institutional
development, kabilang sina
Dr. Arlene Inocencio at Dr.
Caesar Cororaton.
Ang mga inilabas
na datos, na nakatuon sa
agrikultura,
industriya
at
services,
ay
inaasahang
makakatulong
sa
komprehensibong pagpaplano
ng mga local government units
upang mas mapalakas ang mga
larangan kung saan maganda
na ang mga programa, at
mapabuti ang mga programa
sa mga sector na mataas
ang potensyal subalit hindi
napagtutuunan ng pansin.
Ilan sa mga naipakita
ay
ang
2015
economic
performance
ng
Batangas
Province kung saan 62%
ay mula sa industry sector,
32% sa services sector at 6%
lamang sa agrikultura. Sa
industry sector, manufacturing
ang nangunguna sa lalawigan
kung saan pinakamataas ang
pagawa ng electronics.
Upang
mapagtibay
ang
nasabing
pag-aaral,
hinihiling din ng NEDA na
magpasa ng resolusyon ang
Sangguniang
Panlalawigan
upang, sa pamamagitan ng
PPDO, ay maipagpatuloy ang
pagsasaliksik para makakuha
ng mga bago at tumpak na mga
datos mula sa mga lungsod at
munisipalidad. Vince Altar –
Batangas Capitol PIO