Tambuling Batangas Publication November 14-20, 2018 Issue | страница 2

BALITA Sulong Magsasaka at Mangingisdang Batangueño sa Landas Tungo sa Pag-asenso. Naging matagumpay ang pagdiriwang ng 2018 Farmers Day na hatid ng tanggapan ng Office of the Provincial Agriculturist na ginanap sa OPA Demo Farm, Diversion Road, Bolbok, Batangas City noong ika-25 ng Oktubre 2018. Makikita rin sa larawan (ibabang bahagi) na personal na namili si Batangas Governor Dodo Mandanas ng ilang produktong tampok sa nasabing programa. ✐ Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO Batangas Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office Nagbigay ng Ulat November 14-20, 2018 2018 Farmers’ Day sa Batangas, Ipinagdiwang UPANG pahalagahan at bigyang pugay ang mga naging ambag ng mga magsasaka at mangingisda sa Lalawigan ng Batangas, naglaan ang tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Provincial Agriculturist Engr. Pablito A. Balantac ng isang araw na selebrasyon na ginanap sa OPA Demo Farm, Diversion Road, Bolbok, Batangas City noong ika-25 ng Oktubre 2018. Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga pangunahing bisita na kinabibilangan nina Governor Dodo Mandanas, Sangguniang Panlalawigan Committee on Agriculture Chairperson at 4th District Board Member Jesus de Veyra, Provincial Veterinarian Dr. Romelito R. Marasigan, Department of Agriculture Region IV-A Assistant Regional Technical Director Milo D. Delos Reyes at Agricultural Program Coordinating Officer Fidel Libao. Sa temang “Sulong Magsasaka at Mangingisdang Batangueño sa Landas Tungo Sa Pag-asenso”, nagsimula ang programa sa isang farm tour o viewing of exhibits kung saan tampok ang iba’t- ibang gulay at pananim. Hatid din ng Farmers’ Day ang maipakita ang ilang pinagmamalaking produkto ng mga Batangueño sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga booths, kabilang ang Batangas Organic and Natural Farming Cooperative o BONFAC, Farm Ready Seedling Corporation, Batangas Cacao Growers Association, Genson Trading at marami pang iba. Naging sentro ng programa ang ang nakamit na pagkilala ng Lalawigan ng Batangas, sa tulong ng tanggapan ni Engr. Balantac, bilang Most Improved Province of CALABARZON in the 2017- 2018 Regional Gawad Saka Search for Outstanding Farmers and Fishers. Iginawad ang nasabing recognition noong ika- 12 ng Oktubre 2018 sa Quezon City. Binigyang daan din ng OPA ang pagbibigay-pugay sa mga Regional Gawad Saka Awardees at Regional Organic Agriculture Achievers, 4 dito ay naging finalists sa nasabing pagbibigay ng pagkilala ng Dept. of Agriculture. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Governor Mandanas ang kahalagahan at malaking bahaging ginagampanan ng bawat isang naglilingkod sa sektor ng agrikultura sa ating lipunan. Ayon sa gobernador, madami pa ang dapat gawin o ibalangkas na mga programa para sa patuloy na pag-unlad at maitaas pa ang antas ng agrikultura sa lalawigan. Samantala, kasama rin sa mga nakiisa sa 2018 Farmers’ Day ang mga Agriculture Officers and staff ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa probinsya. Nagkaroon din ng games, raffle at videoke challenge sa naturang programa para sa lahat ng mga guests at participants. Inabangan at ikinatuwa naman ng lahat ang “Pinaka-“ entries kung saan nakita ang mga pinakamahahaba at pinakamalalaking mga gulay at prutas. ✐ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Water Tank sa Calaca saan may kakulangan Pinasinayaan kung pa upang makatulong sa mga Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) sa Lungsod ng Batangas, LIMCOMA Multipurpose Cooperative sa Lungsod ng Lipa, Ibaan Market Vendors and Community Multipurpose Cooperative ng bayan ng Ibaan, at Tuy and Community Multipurpose Cooperative ISA sa mga pangunahing tungkulin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagpapalago ng ekonomiya sa lalawigan. Kaugnay nito, iniulat ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Officer, Gng. Celia L. Atienza ang mahahalagang accomplishments ng kanilang tanggapan noong ika- 15 ng Oktubre 2018 bilang bahagi ng selebrasyon ng buwan ng Kooperatiba. Inilahad nito ang mga ulat sa estado ng 319 kooperatiba sa Lalawigan ng Batangas na ang Total Members’ Equity ng mga kooperatibang ito ay umaabot sa P2.2 Bilyon at Total Assets na P6.5 Bilyon. Nabanggit sa kanyang presentasyon ang ilang uri ng mga kooperatiba sa lalawigan, kabilang ang 212 na Multi- Purpose, 40 na Credit, 14 na Consumer, 15 na Agri-based, 10 na Marketing; at 28 na kabilang sa Labor & Water Service, Transport at Producers. Sa kabuuan, 13 ang kasama sa large cooperatives na nasa higit na P100 Milyon ang Members Equity; 59 ang Medium; 106 Small; at 141 ang Micro. Ilan sa mga large cooperatives na nabanggit ay ang Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) sa Lungsod ng Batangas, LIMCOMA Multipurpose Cooperative sa Lungsod ng Lipa, Ibaan Market Vendors and Community Multipurpose Cooperative ng bayan ng Ibaan, at Tuy and Community Multipurpose Cooperative sa Munisipalidad ng Tuy. Kabilang sa mga tulong at programang naipatupad ng PCLEDO ang financial assistance para sa mga kooperatiba kung saan sila ay nakapagkaloob ng P10,000 sa 380 kooperatiba. Nakatulong din ang tanggapan ng PCLEDO, simula July 2016 hanggang September 2018, sa pamamagitan ng “Funded Cooperative Projects” na nagkakahalaga ng P10,600,000 para sa 167 Cooperatives kung saan ito ay ginamit sa pagsasaayos ng buildings/offices at facilities at pagbili ng mga office supplies, equipments at inputs na ginagamit sa operasyon ng mga kooperatiba. 28 Cooperatives naman ang sumasailalim sa “Cooperative Loan Assistance” na may kabuuang halagang P12,950,000 at ginamit para sa dairy industry, micro-finance, livestock, water refilling at iba pang negosyong pangkabuhayan. Ang tanggapan ay nakapagbibigay tulong rin sa individual beneficiaries sa pamamagitan ng “Individual Livelihood Assistance” kung saan 1,735 na mga indibidwal ang nabigyan ng P8,402,500 na ginagamit sa pagnenegosyo. Sa “Cattle Fattening Livelihood Project,” 25 Animal Farmers ang napagkalooban ng may kabuuang halagang P1,170,000. Nagsagawa rin sila ng 94 trainings & educational campaigns sa mga kooperatiba at mga grupo ng indibidwal na nagnanais maging kooperatiba kung saan ginugol ang P2,221,200. Jhay-jhay Pascua, ✎ Shelly Umali at Louise Mangiin, Batangas Capitol PIO Dinaluhan nina Governor Dodo Mandanas, kasama sina 1st District Board Member Junjun Rosales at Provincial Engineer Gilbert Gatdula, ang blessing at seremonyal na pagbubukas ng bagong gawang Water Tank sa Poblacion 1, Calaca, Batangas noong ika-21 Oktubre 2018. Ito ay isa sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office, na naglalayong makapagbigay ng maayos at malinis na supply ng tubig sa mga lugar sa lalawigan naninirahan dito. Ang nasabing proyekto ay unang inihain ni Ex-Barangay Captain Gloria Malabanan sa pamahalaang panlalawigan at malugod namang tinanggap ni current Barangay Captain Ronald Salvacion. Nakumpleto ang pagtatayo at paglalagay ng tanke ng tubig sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan kasama ang Buklod Bantayan Water Services at mga mamamayan ng nasabing lugar. ✎ Louise Mangilin, Batangas Capitol PIO Pagdiriwang... mula sa pahina 1 nila ang kanilang makakaya upang sila ay mapagsilbihan. Sinundan ito ni Vice Mayor Ronald Cruzat na ayon sa bise-alkalde ay dadagdagan pa ang pondo sa susunod na taon upang magamit sa mas marami pang proyekto na ilalatag ng samahan. Naging bahagi rin ng programa ang pagbibigay kasiyahan sa mga PWDs, at nag handog nga si Mayor Casapao ng isang awitin kasunod ang mga ilang miyembro ng samahan kabilang dito sina Ms. Mari Adao ng Barangay Sto. Domingo at Ms. Jesilyn Deliso ng Barangay Alagao. Bago matapos ang pagdiriwang ay nagkaroon ng isang pa-raffle na handog naman ni 2nd District Board Member Wilson Leandro T. Rivera. Lubos naman ang naging pasasalamat ni Mr. Adante, at FPDPBI Vice President na si Wilson Barte sa lahat ng mga dumalo at nagbigay ng suporta lalo na kina Deputy Speaker at Batangas 2nd District Representative Raneo Abu, Municipal Administrator Ryan Dolor at sa lahat ng mga bumubuo ng Pamahalaang Bayan ng Bauan. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO