Tambuling Batangas Publication November 14-20, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Get to know the new National Artists... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
2018 Farmers’ Day sa
Batangas, Ipinagdiwang p. 2
World Teachers’ Day
2018, ipinagdiwang sa
Dasmarinas City p. 5
Gov. Mandanas Inter-LGU
Sports Competition 2018,
Inumpisahan na p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 47
November 14-20, 2018
P6.00
Batangueño Best Male Speaker sa Thailand
debate, Kinilala ng Batangas Capitol
BINIGYANG pagkilala ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng Batangas si John Raphael
D. Abu ng Lyceum of the
Philippines
University
Batangas na tinanghal na
Best Male Speaker sa 1st
Student English Debating
Competition ng Association
of Universities of Asia and the
Pacific (AUAP) na ginanap
sa Bangkok, Thailand noong
October 15-20, 2018.
Pinangunahan ni Gov.
Dodo Mandanas, kasama sina
Provincial Administrator Levi
Dimaunahan at 6th District
Board Member Lydio Lopez,
ang paggagawad ng Sertipiko
ng Pagkilala kay Abu, na
isang AB Communications
student. Kasamang niya sa
entablado na tumanggap ng
sertipiko ang kaniyang mga
magulang na sina 2nd District
Congressman
at
Deputy
Speaker Raneo Abu at Mrs.
Maria Paz Abu.
Kabilang si Abu sa
LPU Batangas Debate team na
dumayos sa bansang Thailand,
kasama sina Bianca Jenella
Guillo,
Jorell
Cristopher
Johnson at ang coach na si Dr.
Arnie Villena. – JJBPascua,
Batangas Capitol PIO
Pagdiriwang ng 40th NDPR Week
sa Bayan ng Bauan, Tagumpay
NAGING
matagumpay
ang
isinagawang selebrasyon ng 40th
National Disability Prevention and
Rehabilitation (NDPR) Week sa
bayan ng Bauan noong ika-6 ng
Oktubre 2018 na ginanap sa Bauan
Municipal Hall Lobby.
Ang
nasabing
pagdiriwang ay taunang idinadaos
sa tulong ng Municipal Social
Welfare and Development Office
ng naturang bayan sa ilalim
ng pamumuno ni Ms. Cynthia
Togle, kasama ang mga kawaning
naglilingkod sa tanggapan, at
katuwang ang Federation of Persons
with Disabilities of the Province
of Batangas Inc. (FPDPBI), sa
pangunguna ng pangulo nitong si
Mr. Nelson R. Adante.
Sa temang “Kakayahan
at Kasanayan Para sa Kabuhayan
Tungo sa Kaunlaran”, naging sentro
ng 40th NDPR Week Celebration
ang pamamahagi ng grocery items
sa may humigit kumulang na 100
miyembro ng samahan ng Persons
with Disabilities (PWDs) ng Bauan.
Ang
pondong
ginamit
upang
makapagbigay
ng mga handog ay galing sa
Pamahalaang Bayan ng Bauan na
nagkakahalagang Php350,000.00
kung saan ito ang ipinaglaban ni
Chairman ng Committee of Persons
with Disabilities at Konsehal
William Abrahan sa Sangguniang
Bayan na nakalaan din para sa iba
pang mga gastusin at proyekto.
Sa isang mensahe mula kay
Mayor Bojie Casapao, hindi aniya
sila magsasawang tumulong sa mga
taong may kapansanan at kung ano
man ang mga pangangailangan ng
mga PWDs ng Bauan, ay gagawin
Sundan sa pahina 2..
John Raphael D. Abu ng Lyceum of the Philippines University Batangas na tinanghal na Best Male Speaker sa 1st Student English Debating Competition
ng Association of Universities of Asia and the Pacific (AUAP)
CALABARZON Provincial Economic Accounts,
Ipinakita ng NEDA sa Dissemination Forum sa Kapitolyo
ISINAGAWA ang Provincial
Dissemination Forum para
sa Lalawigan ng Batangas
kaugnay ng CALABARZON
Provincial Economic Accounts
(PEA),
sa
pagtutulungan
ng
National
Economic
Development
Authority
(NEDA) Region IV-A at
Provincial
Planning
and
Development Office, sa PPDO
Conference Room noong ika-7
ng Nobyembre 2018.
Dinaluhan
ang
presentasyon
ng
iba’t
ibang
departamento
ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng Batangas, kabilang sina
PPDO
Department
Head
Benjie Bausas, Provincial
Agriculturist Engr. Pablito
Balantac
at
Provincial
Cooperative Livelihood and
Enterprise
Development
Officer Celia Atienza, kasama
ang mga kinatawan mula sa
Sangguniang
Panlalawigan,
sa pangunguna ni 5th District
Board Member Bart Blanco.
Kinomisyon
ng
NEDA Region IV-A ang isang
pagsasaliksik patungkol sa
Provincial Economic Accounts
ng mga lalawigan ng Cavite,
Laguna, Batangas, Rizal at
Quezon upang matantya ang
pang-ekonomiyang pagganap
ng bawat isa.
Ang
presentasyon,
CALABARZON
Provincial
Growth
and
Economic
Structures 2011-2016: Focus
on Batangas, ay ibinahagi
ng mga kawani ng NEDA
IV-A, sa pangunguna ni
Michael Lavadia, at ng
mga
resource
persons
mula sa Orient Integrated
Development
Consultants,
Sundan sa pahina 3..
4,500 Batangueño Coop
Members, Nakiisa sa Coop
Month Celebration 2018
1 Strong Cooperative Movement sa Rich Batangas. Kaharap ang libo-libong mga Batangueño cooperative members, binigyang
pagkilala ni Gov. Dodo Mandanas ang pagdalo ni Senator Nancy Binay sa culminating activity ng Cooperative Month Celebration
2018 sa Batangas Province na ginanap sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City noong ika-27 ng Oktubre 2018
sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng Balisong Batangas, isa sa mga kilalang Batangueño cultural icons. Kasama sa larawan sina
(mula kaliwa) Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Officer Celia Atienza at AGAP Party-list Congressman
Rico Geron. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
NASA 4,500 mga miyembro mula
sa higit dalawang-daang mga
kooperatiba buhat sa iba’t ibang
bayan sa Lalawigan ng Batangas ang
nakiisa at nakisaya sa culminating
activity para sa Cooperative Month
Celebration 2018, sa pangunguna ng
Provincial Cooperative Livelihood
and Enterprise Development Office,
na ginanap sa Batangas Provincial
Sports Complex, Bolbok, Batangas
City.
Naging tampok na gawain
sa pagtitipong pinangunahan ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng
Batangas ang paglulunsad ng
“Batangas: 1 Strong Cooperative
Movement” para sa patuloy na
pagsulong ng mga kooperatiba
bilang katuwang ng mga miyembro
nito sa pagbuo ng matatag na mga
komunidad.
Pinuri at ipinagmalaki ni
Gov. Dodo Mandanas ang patuloy
na paglakas at paglaki ng mga
kooperatiba sa lalawigan. Binigyang-
diin din niya ang suporta at pakikiisa
ng
pamahalaang
panlalawigan
para sa tuloy-tuloy na pagsulong
ng mga kooperatiba, lalo na ang
mga nagsisimula pa lamang, sa
pamamagitan ng PCLEDO, na
Sundan sa pahina 3..