Tambuling Batangas Publication November 14-20, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
November 14-20, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Double whammy for
‘Yolanda’ survivors
FIVE years have passed since the strongest typhoon in history smashed into Eastern
Visayas and yet to this day, the victims of the tragedy are still hounded not only by the
images of the deluge and the ruins of its aftermath, but also by the greater disaster of
inequity and injustice foisted upon them.
As another anniversary of the devastation wrought by super typhoon “Yolanda” came
to pass yesterday, survivors could only recall with vividness how they came close to
starvation, as food supplies were washed away by the flood, forcing them to literally
wail for help as choppers hovered overhead. Reports emanating from the disaster areas
said it took several days before relief goods and medical personnel began arriving in
the desolated places.
When government officials arrived much later, they kept hopes up for the promised
assistance, while those who were still able wandered around in search of missing family
members. When the deluge cleared somewhat, around 7,000 people were believed to
have perished, mostly from Leyte and Samar, while damage to infrastructure and other
sectors was estimated to have reached more than P89 billion.
While bearing the pain of their loss, what probably inflicted greater hurt on the
survivors was how the relief and rehabilitation efforts were conducted by those in
authority.
Figures gathered over a year after the calamity were reportedly used to campaign for
aid from donors worldwide. Sad to say, however, hundreds of millions of pesos in
funds intended for the relief and rehabilitation of disaster victims allegedly did not
reach the intended beneficiaries.
No less than Sen. Panfilo Lacson, appointed by then President Noynoy Aquino to be the
overall manager and coordinator of the rehabilitation and recovery efforts, lamented
the lack of government budgetary support in helping the distressed communities get
back on their feet even as billions of pesos in donations poured in from around the
world.
He recalled funding bottlenecks that hampered his work, especially in Leyte and
Samar, which were the hardest hit provinces. A year later, he tendered his resignation,
complaining how the budget department, then headed by Secretary Florencio Abad,
“released funds in piecemeal and trickles.”
An investigation, we believe, is therefore in order on how the multibillion-peso funds
allotted for rehabilitation and reconstruction were spent during the term of former
President Aquino, whose tepid response in the aftermath of the super typhoon can
aptly be called criminal negligence and a slap on the faces of thousands of “Yolanda’s”
victims.
The Duterte presidency should consider this seriously and hold those responsible
answerable to the people. It should also ensure the culpability of Aquino and his
minions who cold-bloodedly pillaged public funds intended for the victims.
Irregularities were likewise reported during the implementation of the Yolanda
Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP) initiated by the previous
administration, such as rotting relief packs in Department of Social Welfare and
Development (DSWD) warehouses, absence or delayed distribution of Emergency
Shelter Assistance (ESA) and overpriced bunkhouses.
Despite the massive fund flow of P90 billion released by the Aquino administration in
2015, the DSWD, during the time of Judy Taguiwalo, still sought additional fund to be
given to 200,000 ESA beneficiaries as there was scarcely anything left in the combined
government and private donations.
If we may recall, during the presidential campaign in 2016, then candidate Rodrigo
Duterte had asked Liberal Party standard bearer Mar Roxas, who was Aquino’s
Interior secretary during the tragedy, to explain how the billions of pesos given by
foreign donors were spent.
Sad to say, the Aquino administration’s silence on the matter proved deafening.
According to the records of the Foreign Aid Transparency Hub, the Philippines received
a total of $386.2 million in foreign aid, 86 percent of which, or $330.8 million, were
received by non-government organizations and multilateral agencies.
Out of the total amount, about $26.9 million in cash and $28.5 million in non-cash
donations were received by the national government.
When the nation remembered the third anniversary of the tragedy in 2016, close to
6,000 families in Tacloban had yet to be given permanent housing. Turf wars among
the local governments were seen as the cause of delay in the completion of the housing
project.
Of the more than 14,000 families needing housing units, only about 8,000 units
had been constructed and over 5,000 awarded and turned over to beneficiaries. Half
of the 8,000 were constructed, completed and turned over only during the Duterte
administration.
This only shows the Aquino administration turned over half of completed units more
than two years after “Yolanda,” while the Duterte administration did it in only two
months.
To this, we could only say, it’s because he’s an Aquino and the man at the helm now
is a Duterte.
Sounds familiar?
Ni Teo S. Marasigan
Asukal sa Gatas na Pambata
ANU-ANO ang ibinebenta at
ipinapabili sa atin ng patalastas
ng gatas na Nido 3+ng Nestle na
pinagbibidahan nina Kris Aquino
at ng anak niyang si Baby James
Yap?
Sa kagyat na antas,
kalusugan. Nagbibigay ito ng
babala tungkol sa antas ng
asukal sa mga kinakain/iniinom
ng mga bata. Paliwanag ni
Kris, karamihan sa mga bata
ay mahilig sa matatamis (“may
sweet tooth”). Aniya, dapat ay
maging malay (“conscious”) ang
mga kapwa-nanay niya sa antas
ng asukal dahil ang mga bata,
“kapag nasanay sa sobrang tamis,
ang hirap baguhin.” Sa mga gatas,
sabi niya, dapat suriin ang dami
ng carbohydrates sa label dahil
kapag mas kaunti ito sa isang
gatas, mas kaunti ang asukal.
Pero tulad sa iba pang
patalastas, hindi lang kalusugan
ang ipinapabili ng patalastas na ito.
Kinakargahan kasi ng kapitalismo
ng iba’t ibang pakahulugan – sa
larangan ng uri at kasarian, at sa
iba pa – ang kalusugan. Hindi
man laging “malay” o lantad sa
isang patalastas, mahigpit na
itinatali o isinasanib ng sistemang
panlipunang ito ang kalusugan
sa iba’t ibang pakahulugan at
disposisyon – na nagmumula at
nagpapatatag din sa mga umiiral
na relasyon ng dominasyon sa
larangan ng uri at kasarian, at iba
pa.
Kaya nagbebenta rin
ang patalastas ng responsableng
pagmamagulang – na, sa mga
karaniwang tao, ay mas mabigat
para sa mga ina. Sa hatak
ng kahirapan na magtrabaho
o
maghanap-buhay
sila,
pambalanse si Kris Aquino ng
Nido: kailangan pa ring maging
metikoloso sila sa kalusugan
ng mga anak at pangkalahatang
pangangalaga sa mga ito. Kung
si Kris ngang nagtatrabaho,
nakakapagbayad ng yaya at,
maidaragdag, hiwalay sa asawa,
kinakaya. Dapat ganoon din,
katulad niya, kahit ang mga
karaniwang ina.
Prangka ang patalastas:
lumabas ang yaya ni Baby
James na siyang mas malamang
na naglalaan ng mas maraming
panahon sa bata. Pero masyadong
mabait pa rin ang pagkaprangka
nito: saglit lang lumabas ang yaya.
Makikita rito ang pagbebenta
ng patalastas ng isang klase ng
pagkababae – iyung kinakayang
magbayad ng mas mahirap na
kapwa-babae para mag-alaga
sa sariling anak. Siya pa rin ang
bida, dahil pinapalabas na siya pa
rin ang nagdedesisyon sa kung
ano ang makakabuti sa anak.
Nagbebenta rin ito ng buhay ng
nakakataas na uri: magandang
bahay, oras para sa pagsasama at
paglalaro na hindi binabagabag
ng pag-aalala ng susunod na
kakainin. Hindi lang kailangang
maging
maasikasong
ina;
sa katauhan ni Kris Aquino,
tungkulin
itong
glamorosa.
Sa isang banda, ang asukal ay
karugtong ng mga katangian ng
maralita – lalo na sa pagyakap ng
mga naghaharing uri sa “malusog
na pamumuhay”: sirang ngipin,
diabetes, at, para sa ilang diyetang
pangkalusugan, lahat na lang ng
sakit.
(
Nabanggit na rin lang
ang ngipin, matagal ko nang
gustong pansinin: marami sa
matataas na opisyal ng rehimeng
Arroyo, na pursigido at brutal na
nagsulong ng “modernisasyon”
at “pag-unlad” na dikta ng mga
mayayaman-makapangyarihan-
naghahari sa mundo, ay halos
sabay-sabay na nagsuot ng
invisible braces: mula kina Dinky
Soliman at Emilia Boncodin
hanggang kina Mike Defensor
at Ricardo Saludo hanggang kay
Gloria mismo. Bagsak-presyo sa
dentista lang ba? O may moda?)
At pwedeng sagisag ang asukal
ng mga pinapalabas na bisyo
ng maralita – mas ng maralita
sa lungsod kaysa sa kanayunan.
Para silang mga bata: mahilig
sa matatamis mula sa Banana-Q
hanggang mga kakanin, mula
sa mga softdrinkhanggang sa
Jollibee. Hindi maganda sa
kalusugan ang asukal, pero lagi
nilang kinokonsumo. Tinatalo ng
irasyunal ang rasyunal, ng sarap
ng katawan ang pagbabawal ng
utak: lulong sa alak o ibang bisyo,
anak nang anak, nagpapahatak sa
mga kulto at bulok na pulitiko, at
iba pa.
(Sa kanyang librong
A Primer for Daily Life [1991],
binaybay ng feminista at
Marxistang si Susan Willis
ang lugar sa kasaysayan ng
malawakang produksyon ng
asukal. Aniya, mahalaga ang
produksyon ng asukal sa mga
sinakop ng mga bansang Europeo
para sa akumulasyong nagluwal
sa kapitalismo. Kaalinsabay,
naging mahalaga ang pagpasok
ng asukal sa kinakain ng mga
manggagawang Europeo para
paigtingin ang kanilang enerhiya
para sa mas matinding paggawa
sa ilalim ng bagong-silang na
kapitalismo.)
Sa patalastas na ito, ang
haciendera ng tubuhan at may-
ari ng azucarera ay nagbibigay-
babala sa mga kapwa-ina na
iadya sa asukal, sa ngayon para
habang buhay, ang kanilang
mga anak. Ang namumuhay sa
pagbebenta ng ibang adiksyon
– tulad ng tsismis, game shows,
telenovela at iba pang produkto
– sa mga ina ay nang-aakit sa
kanilang ilayo ang kanilang
mga anak sa adiksyon sa asukal.
Ang yumaman sa sistemang
nagdudulot ng kahirapan sa
nakakarami ay nang-aakit ng
pagyaman.
May tawag si Terry
Eagleton, Marxistang intelektwal,
sa operasyong ideolohikal na ito:
Para sa mga naghaharing uri, “It’s
better to appear a hypocrite than
to pull the rug under one’s feet.”
Para sa kanila, mas mainam nang
magmukhang ipokrito kaysa
atakehin o isantabi ang mga
paniniwala at ideyal na gusto
nilang paniwalaan at kamtin ng
mga pinaghaharian – habang
ginagawang imposible sa huli
ang aktwal na pagkamit sa mga
ito. Hindi pwedeng maging lubos
na prangka o tanggalin ang tamis
sa pagsasamantala.
18 Nobyembre 2010