Tambuling Batangas Publication November 07-13, 2018 Issue | Page 3

BALITA November 7-13, 2018 Meat vendors nag seminar sa meat safety (PIO Batangas City) Rerouting... dadalaw sa libingan sa November 1 na bawasan ang pagdadala ng sasakyan upang maiwasan ang sobrang pagsisikip ng trapiko. mula sa pahina 1 Ipinagbabawal din ang pagdadala ng anumang uri ng inumin na nakalalasing at mga bladed weapons o anumang bagay na makakasakit o makakamatay ng kapwa upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa loob ng sementeryo. (PIO Batangas City) Clean Rider campaign laban sa riding in tandem na sangkot sa krimen BATANGAS CITY- Sa mga riding in tandem na malimit sangkot sa mga pagpatay, nakawan, at iba pang krimen, mayroong kampanya ang Philippine National Police upang mapigilan ang kanilang ilegal na gawain- ang Clean Rider campaign kung saan ang isang may ari ng motorcycle ay kailangang magparehistro sa pulis. Ayon sa Batangas City Police, layunin ng kampanyang ito na maging ligtas ang publiko sa kalsada, mapabilis ang pagsisiyasat sa mga checkpoints, at mapadali ang pagtukoy sa mga naka motor na sangkot sa krimen at traffic violations. Sinabi ni P/SI Julius Almeda, chief operation ng Batangas PNP, na hinihikayat nila ang mga nakamotor sa lungsod na magparehistro sa estasyon ng pulis para na rin sa kanilang seguridad. May 59 na motorcycle owners sa lungsod ang nakapagpagrehistro na sa police station at nakabitan na ng stickers. Ang mga kailangang isumite upang mapabiling sa Clean Riders ay ang Official Receipt (OR) ng motor, Certificate of Registration (CR), driver’s license, deed of sale kung hindi sa kanila nakapangalan ang motorsiklo at dalawang valid identification. Ayon naman kay SPO1 Denies Gelizon ng Batangas City SWAT, sisiyasatin nilang mabuti kung tunay ang mga papeles o kaya ay walang paglabag sa batas at hindi nakaalarma sa vehicle Information Management System ng Highway Patrol Group. Ang motor ay sisiyasatin din kung sangkot sa mga paglabag sa batas. Matapos dumaan sa masusing pagsisiyasat ng mga dokumento at motor, itatalaga ng pulis ang owner bilang clean rider sa system ng Campaign Plan Clean Rider. Tatlong stickers ang ibibigay sa bawat motor na pasado sa pagbeberika na may iisang serial number lamang. Ang mga ito ay ididikit sa motorsiklo, helmet na my ICC mark, at sa likod ng driver’s license ng may-ari. (PIO Batangas City) PRRD to visit ‘Rosita’ victims in Mt. Province MANILA-- President Rodrigo Duterte is scheduled to visit the victims of Typhoon Rosita in Northern Luzon, particularly landslide-hit areas in Mountain Province, his former top aide said Wednesday. Former Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go said Duterte’s trip was scheduled on November 1. “Susubukan naming pasukin subalit based on assessment at advance team na pumunta doon ay hindi talaga accessible ‘yung roads (We will try to enter, but based on the assessment and the advance team who went there, the roads were impassable),” he said in an interview during his visit to fire victims in Quiapo, Manila. “Not passable at talagang gumuho ‘yung daan patungo doon at even the landing site po ay mahihirapan dumaan ‘yung ating Pangulo (It’s impassable and the road towards the area already collapsed, it’s also difficult on the landing site),” he added. For the meantime, President Duterte, he said, will conduct an aerial inspection before heading to Cauayan, Isabela to commence a meeting among stakeholders. Go said the President will convene his Cabinet secretaries and local officials, including the National Disaster Risk Reduction Management Council, to assess the situation in the region. A total of 111,639 persons were affected by the typhoon, which hit the Philippines this week. Of the figure, 50,846 are being served inside evacuation centers. As Rosita battered the region, deadly landslides were triggered. Dozens were reported missing due to the disaster. Go, for his part, said it is high time to plan the building of permanent evacuation centers as the typhoon, which pummelled the region followed “Ompong,” a similarly strong storm in September. “Dalawang beses na po itong nangyari so panahon na po na magkaroon na tayo ng safe na evacuation center at kumpleto ang pasilidad(This has happened twice, so it’s time for us to have safe evacuation centers with complete facilities),” he said. “Ang ibig kong sabihin, may CR at higaan, maging komportable naman sila habang naghihintay na makabalik sila sa kanilang mga tirahan(What I mean is, it has CR and bed, so people would be comfortable while waiting to go home),” he noted. Go just recently resigned as Duterte’s special assistant but he said he “tags along” with the president on certain occasions. “I am resigned from my government post but I am not BATANGAS CITY –Mahalaga na ligtas at malinis ang karneng nabibili natin sa palengke at supermarket upang maiwasan ang pagkakasakit kung kayat may mga responsibilidad na dapat tupadin ang mga meat han- dlers at vendors. Ayon sa hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) na si Dr Macario Hornilla, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga meat vendors kung kayat mahalaga din na mabigyan sila ng sapat na kaalaman hinggil sa food security and safety. Bilang bahagi ng pagdiri- wang ng Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week ng OCVAS, itina- laga ang araw na ito bilang Meath- andlers Day kung saan nagbigay ang Livestock Division ng seminar sa Meat Vendors Awareness on Meat Safety. Nagsilbing resource speaker si Dr Ma Fatima Amparo, meat control officer I ng Provincial Veterinary Of- fice kung saan ibinahagi niya ang mga paraan kung paano mapapanatiling sariwa at ligtas ang karne. Tinuruan dito ang mga meat vendors, stall/shop owners at slaughterhouse workers sa tamang slaughtering practices at tamang paghawak ng karne. Ayon kay Dr. Amparo, ma- halaga na mayroong health certificate at sumusunod sa Meat Inspection Code ang mga magtitinda ng karne. Tinalakay ni Teresa Mag- no, consumer protection officer ng National Meat Inspection Service (NMIS), Regional Technical Op- erations Center sa Lipa City ang Implementing Rules and Regulations ng Administrative Order No. 5 o ang Hygienic Handling of Newly Slaugh- tered Meat . Itinuro niya dito ang mga paraan sa tamang pagkakatay, pagha- hawak at pagbebenta ng karne upang masiguro na ito ay ligtas hanggang sa makarating sa hapag kainan ng mga consumers. Nagsalita rin siya tungkol sa AO No. 6 o Hygienic Handling of Frozen, Thawed and Chilled Meat. Payo nio Magno na mas magaling na mamili ng karne sa umaga upang malinaw na makita ang uri ng karne. “Gamitin ang inyong senses of seeing, smelling at feeling. Tingnan kung mapula ang karne, hindi lumu- lubog ang karne pag pinindot at hindi malansa o mabaho ang amoy,” sabi niya. Mahalaga din aniyang may meat inspection certificate o tatak ng pagkasuri ng karne at bumili sa mga mapapagkatiwalaan o maayos at mali- nis na magtitinda. “Hindi yung palipat lipat ng pwesto, hindi nakapabango, walang makeup at alahas,” dagdag pa ni Magno. Dapat din aniyang pana- tilihing nasa freezer ang mga frozen meat na ibinibenta sapagkat kung ito ay inilabas ng freezer at tumaas ang temperature ay magiging prone ito sa bacteria. Ayon kay Dr. Hornilla, ipinatutupad nila ang pagsusuot ng uniform, apron at hair net sa mga meat vendors bilang hygienic practices. (PIO Batangas City) 150 scholar’s nagtapos sa vocational courses BATANGAS CITY- May 150 scholars ni Cong. Marvey Marino ang nagtapos ng ibat ibang vocational/ technical courses sa pakikipag- uganayan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ginanap ang graduation ceremony sa Function Hall ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS), November 9. Kabilang sa mga kursong tinapos ng mga scholars ay ang welding, bread making, flower arrangement, pipe fitting, sewer, cosmetology at cookery. Ayon kay Cong. Marino, magkatuwang sila ni Mayor Beverley Dimacuha sa pagtulong sa mga karapatdapat na indibidwal na magkaroon ng scholarship sa mga kursong maghahanda sa kanila upang magkaroon ng hanapbuhay sa mga industriya o kompanya sa lungsod. Nakikipag-ugnayan siya sa TESDA at mga service providers na magbibigay ng skills training sa mga scholars. “Lahat ng kurso na inihanda namin sa inyong papasukan ay magbibigay ng tamang training na inyong pakikinabangan para makahanap ng magandang trabaho at makamit ninyo ang inyong pangarap,” sabi ni Marino. Ang mga scholar’s ay binibigyan din ng allowance sa kanilang pag-aaral. Sinabi naman ni Dorie Gutierez ng TESDA na puspusan ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga local government units at mga institusyon ng pag sasanay upang maihanda ang mga estudyante sa mga prayoridad na trabaho at sa mga industriyang tulad ng turismo, business process outsourcing, health at construction. Aniya, gawain nilang tingnan ang pangangailangan ng mga kabataan upang maging produktibo at magkaroon ng hanap buhay. Kabilang sa mga service providers na naging katuwang ng TESDA ay ang Cristo Rei Institute for Career Development Inc, Concept Institute for Career Enhancement Center Inc., Marian Learning Center and Science High School, Rubix Manpower Training Center, Scientia Vox Mantrade Training Center at Western Batangas and Assessment Center. (PIO Batangas City) resigned from helping our fellow men, ang ating mga kapatid na Pilipino (our fellow Filipinos),” he said. “Katulad (kahapon) mayroon po nasunugan sa Cagayan De Oro nagkataon naman po na sumama ako sa Pangulo nag-distribute sila ng titulo, sumaglit muna ako doon sa mga nasunugan doon sa Cagayan De Oro may mga 35 families po doon na nasa evacuation center (Like yesterday, a fire hit Cagayan de Oro and I went with the President where he distributed land titles. I went to fire victims in Cagayan de Oro, around 35 families were in evacuation centers),” he added. (PNA)