Tambuling Batangas Publication November 07-13, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
November 7-13, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Ni Teo S. Marasigan
Baguio, Tagaytay rehab
needed
After President Rodrigo Duterte’s bold move to transform Boracay back
to its clean old glory, Malacañang now hears a barrage of calls urging the
president to rehabilitate Baguio and Tagaytay.
The President’s supporters want him to mend the Luzon’s summer places
back to their old charm, both as classic tourist destinations.
Up to the end of the 1980s, Baguio was a charming and wonderful place to
visit. The bite of the crisp, cool mountain air and the endearing scent of pine
trees could not be ignored.
Everything about the city was quaint, as seen in its pension houses and cozy
restaurants.
Baguio during the months of December to February was pleasantly cold
while the city in summer was cool and comfortable.
Water was always a problem but it was a manageable problem. Enterprising
businessmen made supply of water enough for everyone at least most of the
time.
Old Baguio was a university town. Students from Northern Luzon trooped
to Baguio’s universities, attracted by the temperate climate which made
studying less of a burden to many.
Baguio today is an old shadow of its original self. Although the climate in the
city remains cool from December to February, it is actually warm during the
other months, especially during summer. Many establishments along Session
Road have air-conditioners today which was unthinkable in the 1980s.
Sadly, the scent of pine trees is no longer there, replaced by the exhaust
belched by diesel jeepneys operating all over the heart of the city.
Vehicular traffic has become a serious problem in Baguio. The solution of
the city government took the form of a flyover and an ordinance banning
vehicles from city streets once a week.
Condominium projects have mushroomed all over Baguio, obliterating what
used to be an unobstructed, continuous view of the mountain ranges around
the city. Whatever mountains are still visible today are now covered by
squatter colonies. Landslides continue to plague Kennon Road because of
deforestation.
Only the old Camp John Hay military reservation and the Baguio Country
Club still provide a semblance of the old Baguio climate.
Tagaytay is slowly heading towards the same dead end as Baguio is headed.
Before the turn of the new century, Tagaytay, the only city in the country
that offers both a picturesque view of Taal Volcano and a cool climate almost
comparable to Baguio, was a quiet, tranquil destination for those seeking
a respite from the hustle and bustle of Manila. It distinguishes itself from
Baguio by its relative proximity to the national capital region.
Tagaytay meant fresh air, bananas and jackfruit, fresh flowers, the picnic
grove and a lodge for those who prefer to stay longer.
Today, there are too many condominium and resort construction projects
which saturate the building density in the area. A gambling casino, a shopping
mall and the proliferation of restaurants have added to the building destiny.
The ridge which used to allow an unobstructed view of Taal Volcano from
the main road is now cluttered with commercial buildings that prevent
sightseeing from a moving vehicle.
Diesel jeepneys and tricycles which belch thick smoke and which cause
noise pollution are all over the main road. The market district of the city
already looks like Quiapo.
To expect a complete overhaul of Baguio and Tagaytay in the same way
as what happened in Boracay may be expecting the impossible because
the Boracay tourist zone is smaller than Baguio or Tagaytay. Nonetheless,
Baguio and Tagaytay are still worth saving, even gradually, by arresting the
alarming increase in the building density in the area.
If the Philippines loses Baguio and Tagaytay to urban decay and social
apathy, it loses two big chunks of its heritage. Perhaps Baguio and Tagaytay
may be nearly impossible to save, but with President Duterte’s political will
and his success in Boracay, there is still hope for both cities.
UP – Una sa Pagkokomersiyalisa (1)
BAGO nagsimula ang kakatapos na
Christmas break, lumaganap sa iba’t
ibang e-group ang ilang ulat kaugnay
ng Unibersidad ng Pilipinas o UP.
Sa partikular, tungkol ang mga ito sa
mga hakbangin nitong Disyembre ng
administrasyon ng UP – sa pamumuno
ngayon ni Pres. Emerlinda R. Roman – na
itulak sa Senado ang panukalang batas na
babago sa UP Charter, ang konstitusyon
ng pamantasan. Pero, at mas mahalaga,
tungkol din ang mga ulat sa maagap at
nagkakaisang pagkilos ng mga sektor ng
UP – estudyante, guro, kawani at iba pa
– para labanan ang mga hakbangin ng UP
Admin.
Balik-tanaw: Mula Mayo
2003 hanggang Pebrero 2004, pinaigting
ng UP Admin sa pamumuno ni dating
Pres. Francisco Nemenzo, Jr. ang
kampanya nito para ipasa ng Senado
ang isang panukalang batas na babago
sa UP Charter, na simula 1908 pa
umiiral. Hindi naipasa, gayunman, ang
panukalang batas – na inisponsor ni Sen.
Francis “Kiko” Pangilinan – dahil sa
tuluy-tuloy na paglaban ng makabayang
mga organisasyon ng iba’t ibang sektor
ng UP, pakikinig at pagtindig ng ilang
matulunging senador tampok si Sen.
Aquilino “Nene” Pimentel, at iringan ng
Kongreso at Senado dahil sa badyet.
Bagamat
nabinbin
ang
panukalang batas ni Sen. Pangilinan,
patuloy na naging listo at mapagbantay
ang makabayang mga organisasyon sa
mga hakbangin ng UP Admin kaugnay
ng UP Charter. Patuloy nilang dinaluhan
ang mga pagdinig (hearing) sa mga
panukalang batas na bersiyon lamang
ng kay Sen. Pangilinan. Nagsampa pa
nga sila sa Kongreso ng panukala nilang
UP Charter. Sa pag-upo ni Pres. Roman
– na kilalang mas tagapagsulong ng
pagkokomersiyalisa ng mga ari-arian
ng UP, na siyang laman ng panukalang
batas – lalong hinigpitan ng nasabing mga
organisasyon ang pagmamatyag.
Abante sa Disyembre 2007:
Ayon kay Prop. Judy M. Taguiwalo ng
UP Widem o UP Wide Democratization
Movement – malapad na alyansang tutol
sa panukalang batas ni Sen. Pangilinan –
napag-alaman niya at ng mga kasamahan
niyang isa ang nasabing panukalang batas
sa siyam na gustong ipasa ng Senado bago
angChristmas break na nagsimula noong
Disyembre 21. Dahil sa balita, tumungo sa
Senado si Prop. Taguiwalo at mga kasama
niya sa UP Widem noong Disyembre
17. Kapansin-pansing ilang ulit nang
binabasbasan ng Malakanyang ang
panukalang batas para kagyat na maipasa.
Disyembre 17, 2007: Sa Senado, nakasaksi
sina Prop. Taguiwalo ng tinawag niyang
“matinding
manipulasyon.”
Hindi
ipinamahagi ang adyenda ng sesyon para
sa araw na iyon. Aniya, “kadalasa’y alas-
10 ng umaga… may mga kopya na…
ang mga senador. Alas-tres y medya
kami dumating… wala pa ring adyenda.”
Noong pumasok sila sa plenary hall,
doon lang nila nalamang “nakasalang…
ang UP Charter.” Kailangan, aniya, ng
committee report bago talakayin ang isang
panukalang batas ng plenaryo, pero – “lo
and behold!” – iniikot ni Sen. Pangilinan
ang committee report sa mismong
plenaryo.
Sa
talumpati
ni
Sen.
Pangilinan, sinabi niya, sa mga salita ni
Prop. Taguiwalo, na “may kasunduan
na ang mga senador na kung ano… ang
ipinasa noong 13thCongress, iyun na rin
ang ipapasa sa 14th Congress,” kasama
ang panukalang batas sa UP Charter.
Dumaan na raw sa committee hearing
at technical working group meeting “na
dinaluhan ng iba’t ibang stakeholders ng
bill” ang panukala. Sumang-ayon naman
sina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen.
Loren Legarda. Humadlang si Sen. Jamby
Madrigal, dahil hindi pa niya nababasa –
dahil hindi nga siya binibigyan – ng mga
dokumentong kailangan.
Sa pagtatanung-tanong nina
Prop. Taguiwalo at ng mga kasamahan
niya, napag-alaman nilang “wala ni isa
man lang sa [kanilang] inihapag [na
panukala] ang ipinasok sa final committee
report.” Ibig sabihin, purong panukalang
batas ni Sen. Pangilinan ang nakahapag.
Pero dahil sa agresibong paggigiit ng mga
lider ng UP Widem, at dahil ginabi na
ang sesyon, nagbukas si Sen. Pangilinan
na magpulong na lamang ang staff niya at
staff ni Sen. Madrigal, kasama ang mga
lider ng UP Widem, “para matingnan kung
ano ang maaaring ipasok sa committee
report” na mula sa panig ng alyansa.
Disyembre
18,
2007:
Ayon naman kay G. Marco Dominic
delos Reyes, staff ni Sen. Madrigal,
dating Student Regent ng UP at dating
tagapangulo ng University Student
Council ng UP Diliman, naging abala ang
mga staff nina Sen. Pangilinan at Sen.
Madrigal sa pagbubuo ng mga panukalang
mapagkakasunduan ng UP Widem at ng
UP Admin. Pinayuhan ni Sen. Manny
Villar, presidente ng Senado, sina Sen.
Pangilinan at Sen. Madrigal na isama sa
talakayan sina Pres. Roman at ang grupo
nito. Dahil dito, nagkusa si Sen. Madrigal
na lapitan ang grupo nina Pres. Roman na
nasa gallery.
Sumama si G. Delos Reyes
kay Sen. Madrigal. Hindi maganda ang
nangyari. Ayon kay G. Delos Reyes, “Nag-
asam kami ng mapagkaibigang talakayan,
pero ang napala namin ay abusong pasalita
at mga insulto sa aking pagkatao.” Sabi
pa niya, “Babati pa lamang ako kay Pres.
Roman nang bigla niya akong dinuro,
malakas at paulit-ulit niyang sinabing
ako raw ay gumagawa ng ‘pagkakamali
(disservice) sa Unibersidad’.” Sabi niya,
“Kahit karaniwang estudyante, hindi
karapat-dapat sa ganoong pambabastos…
Hindi katanggap-tanggap ang arogansiya
[ni Pres. Roman] sa kahit anong
pamantayan.”
Sa pahayag ng UP Widem
hinggil sa nangyari, idinagdag nitong
sinabi ni Pres. Roman na “kinakatawan
lamang ni Delos Reyes ang minoryang
opinyon” sa UP. Ayon pa rito, “Dahil
sa ganitong asta ni Pres. Roman sa
miyembro ng kanyangstaff ay pinuna
ni Sen. Madrigal ang napansin niyang
‘arogansiya’ nina Pres. Roman at iba pang
opisyales ng UP… Kinuwestiyon niya ang
pag-ako nina Pres. Roman at ng kanyang
mga opisyal ng eksklusibong karapatang
katawanin ang sentimiyento” ng UP. Sa
bahaging ito, “malakas na pinalakpakan”
si Sen. Madrigal ng maraming kasapi ng
UP Widem na nasa Senado.
Ang masama pa, agad na
tinangka ng mga propagandista ng UP
Admin na baligtarin ang kuwento. Sa
liham niya kung saan humihingi siya ng
paumanhin, inilahad ni G. Delos Reyes
ang ganitong text message: “Nagkaroon
ng mainit na pakikipagtalo sina PERR
at VP Leonen kay Jamby Madrigal na
nagdala ng grupo ng mga miyembro ng
unyon at mga estudyante kay Pres. Roman
at naggiit na makipagdebate siya sa
kanila tungkol sa UP Charter. Pagkatapos,
pumunta siya sa mikropono at ininsulto
si PERR at mga opisyal ng unibersidad
bilang arogante at tutol sa transparency…
Pakipasa.”
Disyembre 19, 2007: Ayon
kay Prop. Taguiwalo, naipasa sa Senado
ang panukalang batas na ang kalakhan ay
kay Sen. Pangilinan, bukod sa ilang susog
ni Sen. Madrigal: (1) Isang termino lang
ang presidente ng UP, (2) Ihahalal ang
Faculty Regent ng lahat ng nagtuturo nang
full-time, may tenure o wala (3) Inilagay
ang
“demokratikong
pamamahala”
sa mga layunin, (4) Pagpabor sa
mgavaledictorian at salutatorian ng
pampublikong mga hayskul, (5) Pagbuo
ngoversight committee para bantayan
ang komersiyalisasyon ng UP, at (6)
Pagkakaroon ng implementing rules and
regulations.
Sa kanyang ulat, inilantad ni
Prop. Taguiwalo ang kawalang-aksiyon
ng mga natawag na “oposisyunista” na
sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Alan
Peter Cayetano. Pinapurihan niya si
Sen. Madrigal dahil “tumaya” ito para
ipaglaban ang mga panukala ng UP
Widem. Pero, aniya, “ang mahalagang
mahalagang salik sa pagpapatuloy ng
laban ay ang hindi natin pagpapabaya” –
at inilitanya niya ang pagsisikap ng iba’t
ibang sektor ng UP na dumalo sa Senado
sa mahalagang mga araw na iyon. Tinurol
niyang susunod na puntirya ng pagkilos
ang bicameral conference committee
meeting sa Enero 2008.
29 Disyembre 2007