Tambuling Batangas Publication November 07-13, 2018 Issue | Page 2
BALITA
Congressman Marvey Marino
National Correctional Consciousness
Week ipinagdiriwang
San Jose Sico Jail sa pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week
BATANGAS CITY- Mga bIlanggo
man sila na nagkasala sa lipunan,
mayroon din silang karapatang
pantao na dapat irespeto at mga
pangangailangan na dapat tugunan.
Sa pagdiriwang ng National
Correctional Consciousness Week
ngayong October 23-27, iba’t ibang
activities ang inihanda ng Bureau
of Jail Management and Penology
(BJMP) sa San Jose Sico Jail para
sa mga inmates na tinatawag nilang
persons deprived of liberty.
Sinabi ng city jail warden
na si Chief Inspector Neil Felipe
Ramos na isang pagkakataon ito
upang maibsan ang nararanasang
hirap ng mga preso sa kulungan at
mapagukulan ng pansin ang kanilang
mga pangangailangan.
Isa sa mga activities
ang basketball games para sa mga
lalake at volleyball naman para sa
mga kababaihan. Mayroon din sa
livelihood kung saan tinuruan ang
mga babaeng inmates ng cosmetology
at paggawa ng tapa.
Nagimbita rin ng mga
grupo at service providers na ka
partners ng BJMP sa pagdiriwang
kagaya ng Integrated Bar of the
Philippines na nagbibigay ng legal
consultation. May mga volunteers
at religious groups naman na nagle
lecture tungkol sa values formation
habang ang Parole Probation naman
ang nagpapaliwanag kung papaano
maging eligible sa parole ang isang
inmate.
Mayroon ding medical at
dental clilnic.
Isang kasayahan naman ang
Search for Mr. & Ms NACOCOW
2018 Kung saan may 12 pares ang
magpapakita ng kanilang galing at
talento sa pag sayaw at pag-awit.
Ang mga nanalo ay sina
Gayrick Abante at Jaycel Batler para
sa Mr. & Ms. NACOCOW 2018 at
People’s Choice Award, 1st runner-
up at best in production number
sina Januses Castillo at Ava Nussair,
2nd runner-up sina Ireneo Asihan at
Jamaica Panopio, 3rd runner-up sina
Rommel Caguia at Janet Macatangay.
Para sa special award
nakuha ni Castillo at Nussair ang
best formal attire, best in talent sina
Darwin Amado at Veronica Villaruz,
photogenic sina Wilfred Jacinto at
Melody Pateners, best in Q&A sina
Asihan at Batler, congeniality sina
Marvin Villamor at Ma. Criselda
Beredo, darling of the crowd sina
Darwin Amado at Marinella Caguia
at best in sports wear sina Jerick
Amante at Jamaica Panopio.
Maluwag na ngayong ang
kulungan matapos makalaya ang
marami sa dating 700 o higit pang
inmates na karamihan ay nakulong
dahil sa drug cases. Sa kasalukuyan
ay 60 ang babae at 536 ang lalake.
Ang tema ng pagdiriwang
ay “Pagbabago sa Kanlungan ng
Piitan ay Tunay na Makakamtan sa
Makabagong
Pamamaraan”.(PIO
Batangas City)
November 7-13, 2018
Natatanging agricultural
workers pinarangalan
GINAWARAN ng parangal ng
Office of the City Veterinary and
Agricultural Services(OCVAS) ang
mga natatanging magsasaka at iba
pa sa huling araw ng pagdiriwang ng
Farmers, Cooperators and Fisherfolks
Week ngayong November 8 bilang
pagkilala sa mahalagang kontribusyon
ng mga ito sa pagpapalago ng sektor
ng agrikultura.
Bago ito, ipinahayag ni
Congressman Marvey Marino at
Mayor Beverley Rose Dimacuha
na patuloy nilang isusulong ang
pagpapaunlad ng agrikultura kahit
na patuloy ang industriyalisasyon ng
lungsod.
Itinuturing niyang nalaking
hamon sa mga nanunungkulan ang
pagliit ng bilang ng mga magsasaka
kung kayat hinihikayat nila ang
mga kabataang maging interesado
sa agrikultura sa pamamagitan ng
pagkuha ng kurso tungkol dito.
Pinagkalooban ng OCVAS ang
Mayor at Congressman ng plaque
of appreciation sa suportang
ipinagkakaloob ng mga ito sa
kanilang mga gawain.
Bumisita rin dito si dating
Presidential Spokesperson Harry
Roque kung saan ipinaalam niya ang
mga panukalang batas niya na naipasa
ng kongreso kagaya ng pagbibigay
ng libreng irigasyon sa mga farms na
hanggang walong ektarya ang laki.
Nagsilbing
keynote
speaker si Department of Agriculture
Regional Executive Director Dir.
Arnel de Mesa na kinatawan ni
Antonio Sara, head ng Livestock
Operations ng Dept. of Agriculture
Region IV- A Calabarzon. Ipinaabot
niya ang taos- pusong pasasalamat sa
mga magsasaka na syang nagbabanat
ng buto upang magkaroon ng
pagkain sa hapag kainan ang bawat
mamamayang Filipino.
Binigyang diin niya na
ang agrikultura ang punot dulo ng
kaunlaran ng bansa kung kayat
hinikayat niya na patuloy na linangin
ang naturang sektor. Mekanisasyon
aniya ang solusyon upang magkaroon
ng kaginhawahan at malaking kita.
“ Kapag maunlad ang sakahan at
pangisdaan, maunlad din ang bayan,”
ayon sa mensahe ni De Mesa.
Sinabi din ni Sara na
“saksi ako sa pagiging visionary ni
dating Mayor Eduardo Dimacuha,
nakita niya ang sustainability ng
pagkakaroon ng maisan kung kayat
naging matagumpay ang proyektong
ito sa lungsod ng Batangas”.
Ayon naman sa mensahe
ni Provincial Agriculturist Pablito
Balantac, ang naturang okasyon
ay isang napakagandang venue
upang kilalanin ang mahalagang
kontribusyon sa lipunan ng mga
magsasaka na itinuturing na mga
buhay na bayani na siya aniyang
solusyon sa problema sa pagkain na
kailangan ng lumalaking populasyon.
Ang mga pinagkalooban ng
City Gawad Saka Award 2018 ay sina
Armando Bagsit – Most Oustanding
Farmer for Corn, Victor Malibirian -
Nutrition...
bahay ay may mga taniman ng
mga gulay sa mga malalaking
drums na hinati. Aktibo rin ang
mga barangay nutrition scholars
(BNS) sa kanilang lugar at
Most Outstanding Farmer for High
value Crops at si Sixto Ronquillo
– Most Outstanding Farmer for
Livestock Raiser. Lahat sila ay
tumanggap ng trophy at cash prize na
P 3000.
Tinanghal
na
Most
Outstanding
Small
Farmers
Organization ang Sorosoro Multi-
purpose and Allied Services
Cooperative, Most Outstanding
Barangay Agriculture and Fisheries
Council (BAFCI) si Emmanuel
Salada and family, Most Outstanding
Farm Family ang pamilya ni Javier
Casas na tumanggap ng trophy at P
4,000.
Kinilala din ang Most
Outstanding Farm Family sa
Regional Gawad Saka na sina Monte
Manalo and family.
Nagwagi bilang Mais King
si Rodrigo Noriega kung saan siya
ay nakapagani ng 125 metric tons ng
mais ngayong 2018. Nanalo namang
Talong King si Gregorio Cabatay na
nakapagbenta ng halagang P 700,000
ng talong ngayong taon. Kapwa sila
tumanggap ng trophy at P 1,500.00.
Most Outstanding Meat
Stall sa First Market ay sina Marites
Ortega sa pork meat section at
Amelita Padilla sa dressed chicken
section. Most Outstanding Meat
Handler naman sa pork meat section
si Pejay De Chavez at sa dressed
chicken section si Mildred Abdon.
Sa Julian Pastor Memorial
Market (JPMM), Most Outstanding
Meat Stall sa pork meat section si Luz
Dimacuha at si Leticia Villanueva sa
dressed chicken section.
Most Outstanding Meat
Handler sa pork meat section si
Anacorita Dinglasan at si Elena
Montalbo
naman
sa
dressed
chicken section. Most Outstanding
Meatshop ang Monterey sa Gulod
Labac ni Analita Umahon habang
Most Outstanding Meat Handler
ang Monterey sa Kumintang Ilaya
ni Leo Canete. Tumanggap din ng
parangal si Marvin Pisan bilang
Most Outstanding Meat Handler sa
slaughterhouse.
Sa okasyon ding ito
iginawad ang CDA Gawad Parangal
for
Outstanding
Cooperative.
Nagkamit ng unang pwesto sa
National Level- Small category
ang San Jose Sico Multi-purpose
Cooperative; 2nd place National
Level- Medium category ang
Malalim MPC at 3rd place naman ang
SIBBAP MPC. 1st place Outstanding
Cooperative Manager – Provincial
Level si Ruby Olaso ng Tulo MPC
at Outstanding Barangay Food
Terminal ang Rural Improvement
Club Cooperative.
Nakiisa rin sa okasyon
sina AGAP Partylist Representative
Cong. Rico Geron, Boardmembers
Claudette Alday at Bart Blanco,
mga myembro ng Sangguniang
Panglungsod at ng One Batangas at
Provincial Veterinarian Romelito
Marasigan.(PIO Batangas City)
mula sa pahina 1
regular na minomonitor ang mga
residente upang maseguro na ang
mga ito ay nakikinabang sa mga
proyektong pangkalusugan. (PIO
Batangas City)