Tambuling Batangas Publication November 07-13, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Tacloban... five years after ‘Yolanda’... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Natatanging
agricultural
workers pinarangalan p. 2
Plastic Pollution: Still a
big thing? p. 5
Meat vendors nag seminar sa
meat safety p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 46
November 7-13, 2018
P6.00
Bakuna para sa mga sanggol
ANO ano ang mga bakuna na
dapat ibigay sa mga sanggol
upang
mabigyan
sila
ng
proteksyon sa mga delikado at
nakakahawang sakit?
Isa sa mga programa ng
City Health Office (CHO) ay ang
National Immunization Program
kung saan ito ay nagkakaloob
ng mga bakuna kagaya ng BCG
laban sa tuberculosis, oral polio
vaccine, measles containing
vaccine 1 at measles containing
vaccine 2 na hindi lamang
proteksyon sa measles kundi sa
mumps at rubella. Nagbibigay
din ng Hepa B vaccine na dapat
ibakuna sa sanggol sa loob ng 24
oras pagkapanganak nito.
Mayroon
din
ang
CHO ng Pentavalent vaccine
na kombinasyon ng limang
magkakaibang bakuna sa isang
vial at nagsisilbing proteksyon
laban sa diphtheria, pertussis
(whooping cought), tetanus,
hepatitis B at Haemophilus
influenza type B (Hib), isang
bacteria na nagdudulot ng severe
pneumonia, miningitis, at iba
pang invasive diseases lalo na sa
mga batang may edad na mababa
sa limang taon.
Pinapayuhan na bigyan
ng bakuna ang sanggol kapag
umabot na siya ng walong linggo
mula sa pagkapanganak. Pwede
silang pabakunahan sa mga health
centers sa barangay.
Samantala, iniulat ng
CHO na may 3, 874 na sanggol
ang fully immunized habang
38, 325 ang nabigyan ng mga
nasabing bakuna mula Enero
hanggang September 2018 . ( PIO
Batangas City)
Nutrition communicators pinag-
aralan ang best practices sa Benguet
BAGUIO CITY – Bumisita
ang Comunicators Network for
Nutrition (CNN) ng Calabarzon
at ang PROMO Nutricom ng
MIMAROPA sa Tuba Benguet sa
pangunguna ng National Nutrition
Coucil Region 1V-A kung saan
pinagaralan nila ang mga best
practices doon sa pagpapalaganap
ng nutrisyon at iba pang health
programs sa ilalim ng Technical
Exchange Program noong Nov.
5-7.
Kabilang sa delegasyon
ang Batangas City na kinatawan
ni Alvin Remo ng Public
Information Office.
Isa sa mga programang
nakita rito ay ang Nutri Pasada
kung saan pinupuntahan ang mga
malalayong lugar ng Cordillera
Region upang mabigyan sila ng
edukasyon tungkol sa nutrisyon
at iba pang health services. Ito’y
inumpisahan noong 2013 kung
saan prayoridad ang mga lugar
na may malaking bahagdan ng
malnutrisyon.
Pinuntahan ng grupo
ang mga bulubundukin ng Tuba,
Benguet upang masaksihan
ang pamamaraan nila ng
pagtatanim sa napakataas na
lugar na kanilang tinitirahan.
Maliit ang mga espasyo ng lupa
na pwedeng taniman sapagkat
dikit dikit ang bahay. Sa kabila
ng problema sa espasyo, bawat
Sundan sa pahina 2..
City Health Office (CHO) para sa National Immunization Program
Batangas City lumahok sa 2018
4th national earthquake drill
BATANGAS CITY- Nakiisa ang mga
kawani ng pamahalaang lunsod at ang
dalawang public elementary schools
sa Batangas City sa ginanap na 4th
quarter Nationwide Simultaneous
Earthquake Drill bandang 7:30 ng
umaga.
Ito
ay
pinangunahan
ng City Disaster Risk Reduction
and Management Office, Bureau
of Fire Protection, City Social
Welfare and Development Office,
Philippine Red Cross Batangas
Chapter, Public Information Office,
at Barangay Disaster Risk Reduction
Management.
Sa
Pallocan
East
Elementary
School,
mahigit
200 estudyante ang lumahok sa
earthquake drill. Pagtunog ng alarm
bell, mabilis silang nakalabas ng
kanilang mga classrooms habang
naka duck, cover and hold papuntang
designated evacuation area.
Ayon kay Ms. Mylene
Pollera, principal ng nasabing
paaralan, magandang masanay ang
mga bata sa earthquake drill sapagkat
pwede nilang ibahagi at ituro ang
kanilang natutunan sa kanilang mga
pamilya.
Isa aniya sa kanilang
tututukan ay ang palakasin ang
kanilang pre-identified working areas
katulad ng incident command post,
medical treatment area, staging area
at emergency response committee.
Nagkaroon
din
ng
earthquake drill sa Calicanto
Elementary School kung saan nakita
ng mga evaluators na malayo ang
evacuation area at nasa labas ng
paaralan dahilan sa kakulangan ng
space dito.(PIO Batangas City)
REROUTING
IPINAGBIBIGAY alam po sa
lahat na magpapatupad ng re-
routing sa ilang pangunahing
daan
ang
Transportation
Development Regulatory Office
(TDRO) sa November 1 kaugnay
ng paggunita ng Undas. Ang
mga sasakyan patungong Bolbok
cemetery at Mt Zion ay lalabas
sa exit ng Mt Zion patungong
Calicanto Crossing. Ipatutupad
ang one-way traffic scheme
simula national highway papasok
ng mga nasabing sementeryo.
Ang mga sasakyan na
papasok sa Eternal Gardens sa
national highway ay gagamit ng
exit gate na malapit sa cockpit
arena bilang daanan palabas.
Sarado ang kanto ng BIR Road
para sa lahat ng uri ng sasakyan
simula kanto ng national highway
(ARCE) hanggang kanto ng P.
Herrera St. Ipatutupad ang two-
way traffic scheme simula kanto
ng Red Cross hanggang Lyceum.
Ang
lahat
ng
pampasaherong dyip ay kakanan
sa Noble corner P. Canlapan
Street.
Sarado ang kanto ng
Mabini corner P. Canlapan para
sa lahat ng uri ng sasakyan.
Ang Supreme Bus na
patungo at galing Grand Terminal
ay sa Star Toll Ibaan dadaan.
Nanawagan po ang TDRO sa mga
Sundan sa pahina 3..