Tambuling Batangas Publication May 30-June 05, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Mayo 30- Hunyo 05, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Blaming the TRAIN DO Filipinos take elections seriously—no, make that too seriously—that they are willing to kill and maim just so they can get their candidates to win? Consider, for instance, the forthcoming barangay and Sangguniang Kabatataan (SK) elections where, according to the latest count of the Philippine National Police (PNP), 21 people have been killed in 16 suspected poll-related violent incidents. From April 14 to 29, nine people were killed in 12 incidents which are believed to have been triggered by intense political rivalry in different parts of the country. From April 30 to May 6, a total of 12 more people were killed in suspected election-related incidents. The PNP has therefore ordered all territorial units to heighten security measures in their respective areas of responsibility to prevent election-related violent incidents. The Department of the Interior and Local Government, for its part, has ordered the PNP to intensify the conduct of regular checkpoints and other security measures in all election hotspots. The PNP is monitoring 5,744 barangays nationwide where intense rivalry among candidates, a history of election-related violence, and private armed groups are present. This is a correct move to prevent any escalation of poll- related violence. Free, orderly, honest, peaceful and credible elections are a hallmark of a truly democratic system. On the other hand, attempts to influence the outcome of elections through intimidation, violence and vote-buying can only mean one thing: our people have yet to reach a level of political maturity that would allow them to make informed choices. Ni Teo S. Marasigan Tumataas na Matrikula (1) SIMULA pa lang ng Mayo ngayong taon ay pinag- uusapan na ang pagtataas ng matrikula sa darating na Hunyo ng napakaraming paaralan sa Metro Manila at sa buong bansa. Bunsod ito, sa isang banda, ng hirap ng buhay: bukod sa palagiang batayan, sinasabi ng huling survey ng Social Weather Stations (SWS) na tumitindi ang gutom sa bansa. Bunsod din ito ng sitwasyong napakaraming paaralan ngayon, na mas marami kumpara sa ilang nakaraang taon, ang nagpapanukala ng pagtataas ng kani-kanilang matrikula. Marahil, dahilan din ang pagmamatyag ng rehimen at madla. Estudyante at kabataan kasi ang tatamaan ng pagtaas ng matrikula – silang marami sa Edsa 2 na nagpatalsik kay Estrada. Sa tindi ng kapraningan ng rehimeng Arroyo, tiyak na nagmamatyag ito. Ipinapaliwanag ng mga paaralan ang pagtataas ng matrikula – minsan sa paraang tila nagsusumamo at humihingi ng pang-unawa – sa batayan ng pagtaas ng mga gastusin sa mga pasilidad ng paaralan at ng pagtataas diumano ng sweldo ng mga guro’t kawani. Kakatwa ang mga batayang ito: Sa mga pribadong paaralan dahil nakikitang hindi sa pasilidad at pasahod napupunta ang nalilikom sa pagtaas, kundi sa tubo ng mga kapitalista-edukador. Sa mga pampublikong paaralan dahil tungkulin ng estado na ibigay ang sinasabing pangangailangan para sa pagmamantine at pagpapaunlad ng pasilidad. Higit pa rito, gayunman, kinakaligtaan sa ganitong pagdadahilan na higit pa sa mga negosyo o institusyon, mas matinding tinatamaan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagliit ng halaga ng sahod ang mga pamilyang Pilipino. Sa pagdadahilan ng mga paaralan, para bagang sila lang ang umiinda sa krisis pang-ekonomiya ng bansa. Mas matindi, gayunman, ang kagipitang dinaranas ngayon ng bawat pamilya: kawalan ng trabaho at malawakang tanggalan sa trabaho; mababang sahod; mataas na buwis; mahal na bilihin, pamasahe, tubig at kuryente; mahal na gamit sa paaralan; at iba pa. Napapabalita na ang mga epekto ng patuloy na pagtaas ng matrikula sa mga paaralan. Isa na rito ang paglipat ng mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan patungong pampubliko. Paglunok ito ng mga magulang at anak sa kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan – na tinitingnan ng marami, lalo na ng gobyerno at mga employer sa pagtanggap ng mga aplikante – na mas mababa sa kalidad ng pribado. Ang kilabot na dala ng balitang ito, lalo na sa mga nasa panggitnang uri, ay patotoo sa mga nakakahilakbot na kwento at kaso ng pagsadsad ng mga pampublikong paaralan. Mas matinding epekto pa rito, gayunman, ang pagtigil sa pag-aaral ng mga estudyante. Gobyerno mismo ang naglabas noon ng datos na sa 100 pumapasok sa elementarya, 10 lang ang nakakapagtapos sa kolehiyo – nababawasan sa bawat baytang. Lahat ng pamilya, sa pangarap na yumaman o guminhawa, ay tumatanaw sa pag-aaral bilang paraan. Ito rin ang payo ng gobyerno, negosyo at mga paaralan. Sa pagkitil sa mga pangarap ng mga maralita, ipinapakita ng edukasyon kung paanong bahagi rin ito ng lipunan kung saan yumayaman ang mayaman at lalong naghihirap ang mga maralita. May epekto rin ang mataas na matrikula sa mga nananatiling nag-aaral sa paaralan. Pwersado silang ituring ang edukasyon na puhunan, na kailangang bawiin at pagtubuan pagkatapos mag- aral. Kailangang unahin ang sariling interes bago ang bayan. Tampok na halimbawa nito ang sektor pangkalusugan. Dahil sa komersyalisadong edukasyong pangkalusugan, ang mga doktor ay napakataas sumingil kung maiiwan sa bansa. O kaya naman ay nagpupulasan patungong ibang bansa para kumita. Iilang doktor ang nananatili sa bansa, na napakataas pang sumingil sa panggagamot sa kapwa- Pilipino. Kaya naman, halimbawa, ang tuberkulosis – na napawi na sa ibang bansa ilang daang taon na ang nakalilipas – ay pangunahing sakit pa ring pumapatay sa mga Pilipino. 14 Mayo 2006