Tambuling Batangas Publication May 30-June 05, 2018 Issue | Page 2

BALITA Isang resolusyon ang inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas ngayong May 29 na humihiling sa national government partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglagay ng special tricycle lanes sa diversion road sa barangay Balagtas upang makapagbiyahe ang mga tricycles dito. Jobs Fair, 57 kabataang aplikante agad natanggap sa trabaho Ruel Orinday LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, (PIA) -- May 57 kabataan ang natanggap kaagad sa trabaho matapos matapos dumalo sa jobs and business fair na idinaos kamakailan ng panlalawigang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sinabi ni DOLE- Quezon provincial labor officer Edwin Hernandez ng DOLE-Quezon na ang mga kabataang aplikante na natanggap agad sa trabaho ay bahagi ng 659 na naitalang job applicants. May 39 na mga lokal na kompanya at apat na overseas companies ang naki-isa sa jobs and business fair. “Magsasagawa rin kami ng jobs fair sa bayan ng Polillo sa Mayo 23-25, 2018 upang matulungan na magka-trabaho ang mga kabataang aplikante na hindi nakarating sa jobs fair sa lungsod”, sabi ni Hernandez Samantala, patuloy ang isinasagawang kampanya ng DOLE- Quezon laban sa kontraktwalisasyon sa lalawigan ng Quezon na matagal na ring idinaraing ng mga manggagawa. Ayon pa kay Hernandez, bunga ng kanilang maigting na kampanya kontra kontrakwalisasyon, may 71 mga manggagawa sa lalawigan ang naging permanente na sa trabahong kanilang pinapasukan ngayon. Kabilang sa mga kumpanya na ginawang regular na sa ngayon ang mga dating kontraktwal nilang manggagawa ang: Quezelco I, 49 na empleyado; Johanna’s Chicken, 16; at Shakeys Lucena na anim na empleyado. Inaasahang marami pang mga manggagawa sa Quezon ang magkakaroon ng permanenteng trabaho sa mga susunod na buwan dahil sa pinaigting na kampanya kontra kontraktwalisasyon ng DOLE-Quezon. (Ruel Orinday, PIA-Quezon) Quezon government accepts nominations for QMK Ruel Orinday LUCENA CITY, Quezon, (PIA) -- The provincial government of Quezon through the provincial gender and development is accepting nominations for the Search for Outstanding Quezonians also known as Quezon Medalya ng Karangalan 2018. Seeking Quezonians who best embody the virtues and qualities of former President Manuel L. Quezon, the annual search aims to recognize distinctive citizens of the province regardless of his/ her status, religion, class or creed. This time-honored event also strives to encourage the public to emulate the footsteps of the awardees and play an active role in building a better society. There are two categories under the QMK awards program, namely: the “Gintong Medalya ng karangalan, also known as life achievement award- given to only one individual, not necessary every year, and the “Medalya ng karangalan” also known as special achievement award- given to not more than individuals. Conceptualized and institutionalized by virtue of the Provincial Board Resolution No. 612 dated August 5, 1970, the conferment of awards is held every August 19, the birth anniversary of the late President Quezon. Inviduals/groups/ organizations may submit their nominations until June 15, 2018. Nomination forms are available at the QMK secretariat at the Quezon provincial gender and development office, or can be downloaded at www.quezon. gov.ph. For further inquiries, contact (042)- 373-7175. Awarding of Quezon Medalya ng Karangalan (QMK) to outstanding citizens of Quezon shall be held in Lucena City on August 19, 2018, the 140th birth anniversary of the late president Manuel L. Quezon. (PIA-Quezon) Mayo 30- Hunyo 05, 2018 SP hinihiling sa DPWH na maglaan ng special tricycle lanes sa diversion road ISANG resolusyon ang inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas ngayong May 29 na humihiling sa national government partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglagay ng special tricycle lanes sa diversion road sa barangay Balagtas upang makapagbiyahe ang mga tricycles dito. Ito ay bilang tugon sa mga kahilingan na payagan ang mga tricycles sa diversion road kung saan naririto ang grand terminal, ilang hospital at commercial establishments at itinuturing ngayon bilang isang growth area. Ang resolusyon ay isa sa rekomendasyon ng Committee on Transportation na pinamumunuan ni Councilor Oliver Macatangay sa isinagawang committee hearing noong ika-12 ng Marso hinggil sa pagbabawal sa mga tricycle sa diversion road. Dumalo sa nasabing hearing si Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) OIC Engr. Francisco Beredo kung saan sinabi niya na nakasaad sa Batangas City Code of General Ordinance Article 6, Sec. 16 na “no tricycles shall operate/ be driven in violation of national laws” at sa Sec. 27 na “tricycles are not allowed to operate along national highways and all other streets that may be prescribed by the Tricycle Franchising Paghahanda... at maiilaan ang resources sa iba pang panga¬ngailangan ng mga paaralan. Kabilang naman sa mga itinuro ng CDRRMO ang safety tips upang makapaghanda sa lindol, baha, tsunami, bagyo at iba pang kalamamidad. Ang limang araw Mga... Diseases in Batangas and for other purposes na naglalayong makitil, mabawasan o mapigilan ang pagkalat o paglala ng mga sakit na dulot ng mga vectors o mga insekto at peste sa buong Batangas. Ang sunod ay ang Ordinance Regulating the Resale of forfeited, unregistered real properties of the province of Batangas and other purposes. Ito ay nagbibigay ng guidelines para sa mga ari-arian o lupa sa Batangas na hindi na kayang buwisan at kailangan na Regulatory Committee (TFRC).” Ayon naman sa isa pang attendee sa hearing na si City Administrator Narciso Macarandang, taong 2007 ng nagpalabas ng Memorandum Circular 2007-01 ang Department of Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa mga tricycle at pedicab na mag-operate sa mga national highways na mayroong dumaraan na four-wheel vehicles na may bigat na higit sa apat na tonelada at ang normal speed limit ay lumalampas sa 40kph. Nilinaw naman ni Derwin Panganiban mula sa Land Transportation Office na ayon sa LOI 1942 Section 10, hindi maaaring dumaan ang mga tricycle sa national highway maliban na lamang kung maglalagay ng special lanes para sa mga ito. Bukod sa resolusyon, ilan sa mga rekomendasyon ng komitiba ay ang pagdetermina ng TDRO sa klasipikasyon ng diversion road at patuloy na pagbabawal sa mga tricycle na dumaan sa diversion road hangga’t wala pang malinaw na classification ang naturang kalsada. Nangako naman and Sangguniang Panglungsod at TDRO na hindi sila titigil hangga’t hindi sila nakakakita ng posibleng alternatibong ruta para sa mga tricycle na hindi kailangang dumaan sa diversion road. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1 na Brigada Eskwela na nagsimula noong Lunes ay may temang “Para sa Handa, Ligtas at Matatag na Paaralan Tungo sa Magandang Kinabukasan.”(PIO Batangas City) mula sa pahina 1 isubasta. Ang pangatlong ordinansa ay ang An Ordinance Amending section 2 of Article 2 of Provincial Ordinance Num. 1 year 2011, institutionalizing a Holistic Disaster Risk Reduction and Crisis Management for the Province of Batangas, na naglalayong mailatag ang mga aksyon at paraan ng pag responde bago at matapos ang kalamidad o iba pang kaugnay na bagay. John Derick G. Ilagan – Batangas Capitol PIO