Tambuling Batangas Publication May 30-June 05, 2018 Issue
SOLONG ANAK AT MAY KAPATID: ANONG PAMUMUHAY ANG MERON SILA? ... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
SP hinihiling sa DPWH na
maglaan ng special tricycle
lanes sa diversion road p. 2
Food Is Life, But Food
Is Lifer Here In Calamba
p. 5
Civil engineering student
nahalal na SK Federation
president p . 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 23
Mayo 30- Hunyo 05, 2018
P6.00
Paghahanda sa kalamidad itinuro sa
Brigada Eskwela sa isang public high school
BATANGAS CITY-Hindi
lamang nagtulong tulong
ang mga guro, magulang
at mga eskwela sa idinaos
na Brigada Eskwela sa
Balete
National
High
School kundi natuto rin
sila sa isinagawang disaster
management
seminar
ng City Disaster Risk
Reduction and Management
Office (CDRRMO) bilang
paghahanda ng kanilang
paaralan sa darating na
pasukan ngayong Hunyo.
Dala
ang
mga
pinturang donasyon para sa
paaralan, tumulong ang mga
magulang na magpinta ng
mga classrooms. Binarnisan
ang mga upuan at ginawa
ang mga sirang silya.
Pinalitan din ang mga sirang
blackboard. Inayos ang mga
sirang bubong. Todo linis
din ng paaralan. Para sa
ilang magulang, ginagawa
nila ito bilang pasasalamat
sa libreng edukasyon ng
kanilang mga anak.
Lubos naman ang
pasasalamat
ng
DepEd
sa lahat ng nakiisa at nag
volunteer
na
tumulong
sa
Brigada
Eskwela.
Sa gawaing ito anila
makakatipid ang gobyerno
Sundan sa pahina 2..
Mga Bagong Ordinansang
Panlalawigan, Iniulat
KASABAY
ng
Flag
Ceremony noong ika-21 ng
Mayo 2018, nag-ulat ang
sangay ng Lehislatura ng
Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas o ang Sangguniang
Panlalawigan ng kanilang
mga
accomplishments
ngayong unang kalahati ng
taon. Ito ay sa pangunguna ng
Secretary to th Sangguniang
Panlalawigan Benjamin D.
Nepales.
Ayon kay Nepales,
nagkaroon ng 294 resolutions
na
naaprubahan
ang
Sangguniang Panlalawigan,
kabilang dito ang mga
pangkaraniwang resolusyon
ng lalawigan, at resolusyon
mula sa mga component cities
at munisipalidad ng Batangas.
Kasama
rin
sa
bilang na ito ang ilang na
impotanteng Ordinansang o
Panlalawigang mga batas na
ipinasa at binigyang bisa ng
Sangguniang Panlalawigan
nitong taon lamang, dagdag
ni Nepales.
Una na rito ay ang
Ordinance for the Prevention,
Control,
Reduction
and
Mitigation of Vector Borne
Sundan sa pahina 2..
seminar ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) bilang paghahanda ng kanilang paaralan sa darating
na pasukan ngayong Hunyo.
Turismo sa Batangas, Patuloy na
Nililinang ng PTCAO
TUMAAS ng 21% ang bilang
ng mga turistang bumisita sa
Lalawigan ng Batangas ngayon
January hanggang Abril 2018,
kumpara sa parehong panahon
noong isang taon. Kaugnay nito,
numero uno ang Batangas sa
CALABARZON Region para sa
mga day tour o ang maghapong
pagbisita ng mga turista ngayong
unang kalahati ng taon.
Ilan ito sa mga ibinalita
ng Batangas Provincial Tourism
and Cultural Affairs Office
(PTCAO) tungkol sa katatayuan
at mga kaganapan patungkol sa
Turismo sa lalawigan, sa panayam
kay PTCAO Department Head,
Atty. Sylvia Marasigan; at Senior
Tourism Operations Officer
Stephanie Landicho noong ika-17
ng Mayo 2018.
Sang-ayon sa mandato
ni Gov. Dodo Mandanas,
bukod sa local promotion ng
Batangas, abala rin ang PTCAO
sa pakikipag-ugnayan sa mga
counterpart na ahensya sa China
at Korea.
Nagkaroon
sila
kamakailan
ng
pakikipag-
ugnayan sa Shaanxi Province sa
China, na ikinakasang maging
Sister Province ng Lalawigan ng
Batangas, at kung saan ikinakasa
ang pagkakaroon ng tourism
and
educational
exchange.
Itinuturing ang Shaanxi na isa
sa mga pinagmulan ng Chinese
civilization, kaya hangad din ng
Batangas Capitol na malinang
ang pakikipagpalitan dito tungkol
sa history, culture and arts.
Bukod
pa
dito,
nagkaroon din ng kasunduan ang
ating lalawigan sa Chuncheon
City, Gangwon Province South
Sundan sa pahina 3..
Batangas Provincial Police nag
outreach program sa barangay
\ 200 residente ng barangay Wawa ang nakinabang sa isinagawang “Agapay Kabayan Program” ng Batangas Provincial Police Office
(BPPO)
BATANGAS CITY- Mahigit
na 200 residente ng barangay
Wawa
ang
nakinabang
sa
isinagawang
“Agapay
Kabayan
Program”
ng
Batangas Provincial Police
Office (BPPO) kung saan ibat’t
ibang serbisyo ang kanilang
ipinagkaloob.
Nagsagawa sila ng
medical at dental mission
kasama na ang pamimigay
ng libreng gamot, feeding
sa mga bata at circumcision.
Nagkaloob din sila ng legal
assistance.
Sinabi ni PS/Supt.
Edwin Quilates, BPPO director,
na ang proyektong ito ay
naisagawa sa pakikipagtulungan
ng barangay Wawa at mga
ahensiyang sumusuporta sa
BPPO sa pagkalinga sa mga
taga Batangas.
“Nag conduct ako
ng ganitong dental-medical
mission at feeding program
upang
makapagbigay
ng
direktang serbisyo sa mga
mamayan, nagkataon lang na
aking kaarawan ngayon kaya
isinabay ko na ang pagkakataon
ito kesa mag handa ako ng
magarbong handaan ay ito
na lang kasi nais ko i share
ang ating blessing sa mga less
fortunate,” sabi ni Quilates.
(PIO Batangas City)