Tambuling Batangas Publication May 23-29, 2018 Issue | Page 5

OPINYON Mayo 23-29, 2018 IT’S A SEASON TO BE BUSY: PAGHAHANDA NG MGA MAGULANG AT MAG-AARAL SA at karunungan pa rin ang DARATING NA PASUKAN pinakaimportanteng dapat Ni: Sarah San Pedro BAGO pumasok ang Hunyo, pagkakatapos ng mahabang pagpapahinga at chill nitong bakasyon pati pagbababad ngayong summer sa tubig at sa bahay, magbabalik na naman tayo sa serye kung saan punong puno na naman ang isip natin ng mga bagay kung paano at ano naman ang gagawin natin sa darating na Hunyo. ‘’It’s a season to be busy’’, dahil sasapit na naman ang pasukan; isa sa araw na pinakainaabangan at pinaghahandaan ng ating mga nanay at tatay bukod sa araw ng kapaskuhan. Isa rin ito sa pinakagigiliwan antayin ng mga bata dahil ito ang panahon kung saan sila nagkakaron ng mga bagong mga kagamitang pang-eskwela na labis nilang ikinatutuwa sapagkat ipinagmamalaki nila ito sa iba pa nilang mga kaklas, ugallng bata nga naman. Ngunit di lahat ay napagkakalooban ng bago at magagarang gamit, ilan sa atin ay nagtyatyaga na lamang sa luma ngunit mapapakinabangan pa nilang gamit. Pero para sa sakin, hindi basehan ang bago at magagarang gamit sa pag-aaral. Hindi rin ito nakakaalintana sa performance na ipinapakita ng bata. Oo, tunay nga namang nakadaragdag ng pagkasabik ito sa pag-aaral, ngunit hindi ito ang dahilan sa ating pag-aaral. Kahit ano pa mang klase ang iyong sinususulatan, kaalaman mapulot natin sa pag-aaral. Bilang isa rin sa mga mag-aaral na naghahanda sa darating na pasukan, nilalayon ko na maiwasto mna ang aking tamang oras sa pagtulog. Dapat maging sapat ito upang masigurado na magiging maayos at malusog ang aking katawan at isip upang maiwasan ang maaaring hindi magandang sa darating na pasukan lalo na at magiging 4th year college na ako, kailangan kong pag-igihan pa ang aking pag-aaral. Isa rin ang maagang pagtulog sa sekreto ko sa maganda kong balat, kunwari. Bukod sa magandang kalusugan, dapat ihanda na rin natin ang ating mga sarili dahil isang taon na naman tayong sasabak sa mga walang katapusang paperwork PAANO NGA BA NAG SIMULA ANG KINASANAYANG SANTA CRUZAN? Viva Vigan Binatbatan Festival of the Arts 2012, Vigan City, Ilocos Sur, Philippines https://www.flickr.com/photos/ eazy360/7004642770 Ni: Mark Francis Olivarez ANG buwan ng Mayo ay buwan ng kapistahan ng mga santo. Nakuha ang tradisyon ng pista sa mga espanyol. Ngunit ano nga ba ang pista? Ang pista ay isang araw kung saan pinagdidiwang ang pagsilang o kamatayan ng isang santo. Sa kapistahan iba’t ibang kaganapan ang ating nakikita. Katulad ng mga tindero’t tindera na nagbebenta ng mga makukulay na sisiw, mga palaro katulad ng color games kung saan tataya ka kahit magkano sa isa o dalawang kulay, mga magagandang bandiritas sa daan at ang kapistahan ay nag sisilbi din mini reunion sa mga malalayong pamilya na naimbitahan dahil pista. Ayon sa ilan, ang pagdiriwang ng pista ay isang masamang tradisyon na namana natin sa mga espanyol. Dahil tinuruan nila tayo gumastos ng sobra sa tuwing sasapit ang pista. Ang kapistahan din ay simbolo ng ating kulturang Pilipino, dahil tuwing pista pinapakita ang pagiging malikhain ng mga Pinoy pagdating sa musika, larawan, sayawan, pagkain at sining. Sa pista din nagaganap ang tinatawag na Santa Cruzan, ito ang itinuturing na pang relihiyon na pagdiriwang ng mga katolikong Pilipino. Ang na talaga namang hindi lang ulo mo ang masisira kung hindi pati ang iyong beauty. Tunay nga namang danas na danas nating mga huwaran at masisipag na estudyants hindi ba? Dahil sa paghahandang nalalapit, nagiging busy na rin miski ang mga pamilihan. Daragsa na naman ang mga mamimili sa iba’t –ibang pamilihan mapasatabi man ito o mapamall. Pero malamang hindi na naman magkakandamayaw ang mga tao na magpupuntahan sa Divisoria at makikipagbakbakan sa init, sa dami ng tao at sa tawaran ng presyo ng pamilihin. Bukod nga naman sa mapapamura ka na sa bilihin ay mapapamura ka din pag nalingat ka at may nawala sayo. Kasabay sa paghahanda at pagiiipon ng mga magulang sa pagbili ng mga gagamitin sa pasukan, inihahanda na rin ng gobyerno ang mga paaralan. Brigada Eskwela, paghahanda sa sasapit na balik-eskwela bibigyan na naman ng aksyon ng mga boluntaryo ng mga mag-aaral at mga magulang mula sa kani-kanilang paaralan kung saan isasaayos ang pasilidad at mga kagamitan at bibigyan ng bagong kulay at ganda ang naturang mga silid, miski ang likas na kapaligiran nito. Magtutulong-tulong ang mga boluntaryong ito at magaambag ng sari-sariling kagamitan na panglinis at pangayos upang maiwasto o mapaganda ang mga sira- sira at mga buradong pintura at mga kagamitan ng eskwelahan. Maliit na bagay kung tutuusin ang mga paghahandang ito ngunit para sa ating mga magulang ay isa na ito malaking bagay dahil naniniwala silang edukasyon ang pinahakamahalagang kayamanan na maipapamana sa kanilang mga anak. Dugo at pawis ang kanilang ipinupuhunan sa pagkayod sa pagtatrabahao upang tulungan tayo at mabigyan ng magandang kinabukasan dahil naniniwala din sila na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang isang kabataan kung mabibigyan ito ng magandang edukasyon. iba’t ibang parokya at Pilipino ay nagdidiriwang ng Santa Cruzan sa huling araw ng Mayo. Ang prosisyon na ito ay sagrado na pinupuno ng maraming tao na naglalakad habang nagdadasal. Imbes na mga istatwa ang pinaparada dito, kinalalahukan ito ng mga totoong tao. Sa prusiyon na ito makakakita ka ng mga magagandang babae na kalahok. Makikita natin dito ang iba’t ibang karakter ng Santa Cruzan, katulad nila Reyna Elena at ang kanyang konsorte na si Constantino, Reyna Banderada, Reyna Esperanza, Reyna Abogada, Reyna Justicia at marami pang iba pa. Ngunit saan nga ba nag simula ang Santa Cruzan? Ang Santa Cruzan ay ang pagpaparangal sa paghahanap na tunay na krus na pinagpakuan ni Kristo. Ayon sa kwento ng anak ni Reyna Elena na si Constantino nanaginip ito sa langit sa pamamagitan ng ulap na may hugis na krus. Pagkatapos ng panaginip ni Constantino ay nag bago ang tingin at naging mabait si Constantino sa mga Kristyano at maging ang kanyang ina na si Reyna Elena ay nagpabinyang sa Katoliko. Mag mula noong nag pabinyag si Reyna Elena sa Katoliko, pinahanap nya ang krus na pinagpakuan ni Kristo. Nang mahanap nya ito ay inalagaan nya ito ng maigi at hindi pinapaagaw sa mga moro. Siguro, ito rin ang dahilan ng pagkakaroon ng Santa Cruzan sa Pilipinas. Mapapansin naman sa dulo ng prusisyon ang paghawak ni Reyna Elena sa krus kasama ang kanyang konsorte na si Constantino. Sa prusisyon ng Santa Cruzan ‘di dapat ginagawang magkasing edad si Constantino at Reyna Elena dahil sila ay mag ina. Ating napapansin ngayon na ang pagdiriwang ng Santa Cruzan ay ang nakakalahok na lamang ay ang mga magaganda at gwapong kabataan. Ang mga kalahok ngayon ay nagpapagandahan na lamang sa mga gagamitin nila sa prusisyon, kumbaga nawawala na talaga ang kahalagahan ng Santa Cruzan dahil nagiging fashion show na lamang ito. Nag paalala na rin si Manila Archibishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang Santa Cruzan ay isang sakramentong prusisyon na wag gawing isang beauty pageant o fashion show. Nanawagan ito na panatilihin ang tradisyunal na Santa Cruzan at hindi uugnayan ng ano pang mga bagay na hindi naman angkop sa pagdiriwang. Dahil nga dito nagpapaala din ang ilan na simbahan na ang Santa Cruzan ay alay kay Maria. Ang Santa Cruzan ay isa ding paalala sa mga babaeng tumulong sa pagpapalago ng pananampalataya at hindi kailangan ng magarbo upang maipagdiwang ito, ang kailangan lang ay lagi nating intindihin ang tunay na mensahe. At sana’y panatilhin natin ang tunay na pagdiriwang ng banal na prusisyon at wag natin baguhin ito.