Tambuling Batangas Publication May 23-29, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
Mayo 23-29, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Slippery slope
WHEN the inflation rate hit 4.5% this month, which is
beyond the government’s target of 4 percent, calls were
aired for the suspension of the implementation of the
TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) law.
Proponents of the move cite the sharp increases of prices
of basic commodities spurred by soaring oil prices. That
was before the Brent crude benchmark hit a milestone
$80 per barrel towards the end of the week, the highest
since November 2014.
But there was also caution against action as TRAIN
revenues are crucial in funding important programs
such as free college education, better pay for uniformed
personnel, and the government’s “Build, Build, Build”
program.
Besides, authorities noted that TRAIN law
provided for safeguards, including the suspension of
incremental increase of excise taxes on fuel products
should the average price of Dubai crude oil for three
(3) months prior to the scheduled increase of the month
breach $80 per barrel.
The Dubai crude benchmark, which is slightly
lower compared to Brent, also hit a high of $74.67 per
barrel towards the weekend.
With nearly 17 months of production cuts by major
oil producing countries belonging to OPEC (Organization
of Petroleum Exporting Countries) and Russia–accounting
for nearly 40 percent of the world’s oil supply—there is
no sign the supply situation would improve.
Add to that the drop in Iran’s oil exports following
US President Donald Trump’s decision to exit from the
nuclear deal with the country, and the plunge in the
production of Venezuela due to its political and economic
crisis, and the picture becomes a real cause for concern.
Analysts even predict oil prices could hit $100 per
barrel.
Faced with such dire prospects, the Department of
Finance should fast-track the issuance of implementing
rules for social protection programs under TRAIN that
would alleviate the impact of rising oil prices, particularly
for the poor, such as the “Pantawid Pasada” discount for
jeepney operators and drivers.
It should also work with dispatch on the rules for
the suspension of excise taxes on fuel when Dubai crude
hits $80 per barrel ceiling.
The DOF has admitted that while the country
remained among the fastest-growing economies in the
region with a GDP growth of 6.8 percent in the first
quarter of the year, the expansion could have been greater
had not the inflation risen beyond the 4 percent target.
Our economic managers and lawmakers should
immediately sit together to craft a contingency plan to
strike a balance between the need to alleviate the plight of
people burdened by rising oil prices and preserving much
of the benefits expected from TRAIN.
Any delay could derail TRAIN carrying the gains
of our economy on a track made slippery by rising oil
prices.
Ni Teo S. Marasigan
Luis in the Sky with Dean Bocobo
PART 1
(1) SA pagtuligsa ni G.
Dean Jorge Bocobo sa mga
pahayag ni Prop. Luis V.
Teodoro hinggil sa pagba-
blog, tumatampok ang ilang
kakatwang salungatan –
hindi lamang sa pagitan ng
isang mas kampi sa mga
blogger at isang mas kampi
sa mga mamamahayag. Sa
isyung ito, nagtutunggali
ang maka-Kaliwang matatag
na nagtataguyod sa mga
panuntunan at pamantayan ng
pamamahayag at ang maka-
Kanang naghuhumiyaw sa
pagrerebelde sa mga ito – ang
malinis-tingnang
taga-UP
at ang maruming tingnang
taga-… saan nga ba?
Magpokus muna tayo sa
punto ng mga komento
ni Prop. Teodoro. Dapat
bang manaig ang mga
panuntunan at pamantayan
ng pamamahayag sa pagba-
blog? Para sa akin, kung
maglalahad ka ng datos, dapat
tiyakin mong tama ang datos
mo. Kung tutuligsa ka, dapat
prinsipyado at hindi personal
– at lalong hindi mapanirang
puri. Pero kailangan bang
laging kuhanin ang kabilang
panig – gaya ng sabi, hindi
ni Prop. Teodoro, kundi
ni Prop. Chay Hofileña?
Hindi naman. Iyun nga ang
kalakasan ng pagba-blog:
ang personal at may-kiling na
pagtingin sa mga isyu. Mas
pagpapahayag (expression)
ito kaysa pamamahayag
(journalism).
Sa isang sanaysay ni Prop.
Teodoro sa libro niyang The
Summer of Our Discontent
[1990], tinuligsa niya ang
kilalang mga manunulat na
mahigpit na nagpapatangan
sa mga panuntunan at
pamantayan ng “malikhaing
pagsulat” sa mga unibersidad.
Sabi niya, para na rin nilang
sinabing sila – silang mga
manunulat na “propesyunal,”
kung hindi man kanonisado
– na lang talaga ang karapat-
dapat magsulat ng mga tula,
nobela, maikling kuwento,
sanaysay. Ibig sabihin, hindi
ubra ang mga magsasaka at
manggagawa na sinisikap
pagsulatin ng progresibong
kilusan.
Sa paggigiit ni Prop.
Hofileña na laging kuhanin
ang kabilang panig sa
pagba-blog, para na rin
niyang
sinabing
ang
mga
mamamahayag
sa
midyangmainstream
lang
talaga ang karapat-dapat
mag-blog.
Mabubuwisit
talaga ang mga blogger.
Bukod sa hindi tinitingnan
ng mga blogger – kasama
na ako – na tungkuling
kuhanin ang kabilang panig
para maging “obhetibo” o
“patas,” may dating pang
mapangmaliit at mapanghawi
(exclusionary) ang ganitong
komento. Mabuti sana kung
nasasabi na sa mainstream
ang mga gustong sabihin
ng
mgablogger.
Ako,
halimbawa, hindi ko na
ibina-blog ang nakikita kong
naisulat na samainstream.
(2) Ang problema sa mga
sinabi ni Prop. Teodoro,
gusto
niyang
gawing
huwaran ng mga blogger
ang mga mamamahayag – at
sa gayo’y ang LAHAT ng
mamamahayag. Kakatwang
sinabi ito ni Prop. Teodoro,
na
nasa
pinakamainam
na posisyong sabihin ang
punto ni G. Bocobo laban
sa kanya: Na “batbat ng
korupsiyon, di-etikal, di-
propesyunal, mapanlinlang
at itinutulak ng komersiyo”
ang midyang mainstream.
Parang nangangaral si G.
Bocobo sa kapwa-obispo sa
puntong ito. Pero marami
talagang bulok na kamatis
sa midyang mainstream –
kaya hindi ubrang sabihing
magiging huwaran silang
lahat kung magba-blog.
Hindi ko rin maintindihan ang
sinabi ni Prop. Teodoro na
“Minsan, nagiging mapanira
ito. Ginugulo nito ang
demokratikong
diyalogo.”
Wala namang diyalogong
tunay na demokratiko sa
bansa natin. Demokratiko
ito para sa imperyalismong
US at naghaharing mga uri
– na ipinapataw nila bilang
diktadura sa sambayanan,
sa tulong na rin ng mayorya
sa midyang mainstream.
Dahil
napapahintulutan
ng teknolohiya ng pagba-
blog ang ilang tunay na
maka-masang komentaryo,
nagugulo talaga ang di-
demokratikong monologo ng
mga naghahari – na mainam
din naman, bagamat limitado.
Maganda ring palamanan pa
ni Prop. Teodoro ang sinabi
niyang “iresponsable” ang
karamihan sa laman ng mga
blog, bagamat may ilan na
rin akong kilalang ginamit
ang blog para iresponsableng
umatake sa mga taong
puwede
naman
nilang
kumprontahin – para hindi na
lumabas pa sa blogosphere at
mabasa ng iba – pero hindi
makumpronta.
Maraming mali sa pagba-
blog ni Brian Gorrell at
kasuka-suka sa paga-upload
ngvideo ng operasyon sa
Vicente Sotto Memorial
Center – pero hindi kasama
sa mga maling ito ang
pagsira sa “demokratikong
diyalogo.” Hindi iyun ang
tamang asunto laban sa
kanila. Hindi sa gusto ko ang
mga pangyayaring nailahad
sa Internet sa dalawang
kasong ito pero, sa tingin
ko, mas nakabuti pa nga sa
paglaban para sa demokrasya
ang maingay na pagtugon sa
mga ito ng iba’t ibang sektor,
kasama na ang mga blogger.
May mga binuksan silang
mga usapin na mahalaga
rin namang tumining sa
kamalayan ng publiko.
10 Mayo 2008
Itutuloy