Tambuling Batangas Publication May 23-29, 2018 Issue | Page 3

BALITA Mayo 23-29, 2018 Magnolia Hotshots, Alaska Aces, San Miguel Beermen, Ginebra San Miguel, Rain or Shine Elasto Painters, Global Port, Phoenix Fuel Masters, Meralco Bolts, Blackwater Elite, NLEX Road Warriors at Columbian Dyip. SK... ay matino, mahusay at maaasahan. Aniya, dapat ay mahusay ang mga ito na mamahala ng pondo ng SK at alam tugunan ang pangangailangan ng mga mula sa pahina 1 kabataan. Ang naturang training ay itinaguyod ng DILG, National Youth Commission , Local Government Academy, katuwang ang local government unit, Local Resource Institutes (academic institutions), liga ng mga barangay at Development Academy of the Philippines.( marie v. lualhat PIO Batangas City) Fireworks safety seminar idinaos BATANGAS CITY- Naging host ang Batangas City Police ng taunang fireworks safety seminar na isinagawa ng Philippines Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Incorporated (PPMDI) upang maiwasan ang sunog at aksidente na maaring maging sanhi ng maling produksyon, pagbebenta at paggamit ng produktong ito. May 200 manufacturers, dealers, at mga police personel mula sa Region 4-A at 4-B ang lumahok sa nasabing seminar. Ang seminar ay alinsunod sa Exectuive Order No. 28 Providing for the Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices. Ayon kay Engr. Celso Cruz, chairman emeritus ng PPMDAI, matagal na nilang ginagawa ang seminar na ito upang ipaalam sa publiko ang mga bagong rules at regulations hinggil sa manufacture, sale at paggamit ng fireworks. Ayon kay Spo1 Osmundo A. Calalo Operation/CPSM/ Firearms Desk PNCO Batangas City PNP, ang Batangas City aniya ang isa sa mga malimit gumamit ng fireworks sa mga malalaking pagdiriwang kung kayat mahalagang malaman dito ang mga safety measures pagdating sa fireworks. Layunin din nilang tulungan ang pamahalaan na makapagpakalat ng impormasyon, guidelines o circulars na ipapalabas nito at mapataas ang technical na kaalaman ng mga miyembro ng samahan sa pamamagitan ng training at seminar kagaya nito. Ipinaliwanag din niya na mahalaga ang distansiya ng mga tindahan sa mga bodega upang maiwasan ang pagkakadamay ng ibang pasilidad kung sakaling may pumutok na produkto. Nagbibigay din sila ng assistance sa mga miyembro nito sa processing ng requirements para sa issuance ng permit at lisensiya bilang manufacturer o bilang dealer ng pyrotechnic products. (PIO Batangas City) Mga magsasaka sa Lungsod ng Tanuan, gastos at kita at marami magsasanay sa FBSP pang iba. Mamerta P. De Castro LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas, (PIA) -- Sasailalim sa libreng pagsasanay ukol sa pagpaparami ng produksiyon at kikitain sa kanilang sakahan ang mga magsasaka sa lungsod na ito bunga ng nilagdaang memorandum of understanding (MOU) kamakailan para sa pagpapatupad ng Farm Business School Program (FBSP). Lumagda sa MOU ang mga tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture Regional Field Unit (DA- RFU) IV-A, Philippine Coconut Authority (PCA), Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at pamahalaang lungsod ng Tanauan. Kabilang sa programa ang pagbibigay ng libre at tamang kaalaman sa mga magsasaka tungkol sa mga paraan ng pagpaparami ng produksyon at kita sa kanilang mga sakahan at mapagkalooban ng mga kaukulang ayudang pinansyal. Sa loob ng 25 araw na pagsasanay ng mga magsasaka, tatalakayin ang mga paksa tulad ng kasalukuyang takbo ng merkado, mga impormasyon upang mapalago ang negosyo tulad ng costing, packaging, labor, pamamahala ng U n a n g makikinabang sa FBSP ang may 30 magsasaka na miyembro ng Dayapan Multi-Purpose Cooperative (DMPC). S a m a n t a l a , kabilang sa mga lumagda sa MOU sina: Tanauan City Mayor Antonio C. Halili; OIC-Chief Agrarian Reform Program Officer Maria Surallah Rabino; DA Region IV APCO Fidel L. Libao; Gilbert Castro Nuevo ng PCIC; PCA Sr. Agriculturist Edilberto Escobar at Agriculturist II Warren De Guzman; Aurelio Mendoza ng Presidential Agricultural Reform Committee, at Tanauan City Agriculturist Renato Cunanan. (with reports from Tanauan CIO) PBA All-Star, nag outreach activities sa ilang ospital at barangay NAGKAROON ng pagkakataon ang mga taga Batangas City na makahalubilo ang mga PBA players sa kanilang mga naging outreach at meet- and -greet activities ng dumating sila sa lungsod para sa second leg ng 2018 PBA All-Star series sa May 25 sa Batangas City Sports Center. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sikat na manlalaro ng Magnolia Hotshots, Alaska Aces, San Miguel Beermen, Ginebra San Miguel, Rain or Shine Elasto Painters, Global Port, Phoenix Fuel Masters, Meralco Bolts, Blackwater Elite, NLEX Road Warriors at Columbian Dyip. Ayon kay PBA Commissioner Willy Marcial na isa ring Batangueno, ang kanilang pagdating sa lungsod ay isa na ring pasasalamat sa kanyang mga kababayan sa walang sawang suporta ng mga ito sa PBA. Una rito ay nagmotorcade ang PBA All Stars sa loob ng poblacion kasama si Congressman Marvey Marino. Bumisita din sila sa Station A ng medical ward ng Batangas Medical Center at sa EBD ward ng Jesus of Nazareth Hospital at namahagi ng goodies sa mga pasyente dito bilang bahagi ng kanilang programang “Alagang PBA”. Natuwa ang mga residente ng Plantex, Barangay 4, barangay Cuta, Sitio Acacia ng barangay Calicanto at barangay Sampaga sa pagdalaw ng mga sikat na PBA players sa kanilang lugar. Namigay din sila ng bola sa mga kabataan at namahagi ang Rain or Shine ng mga pintura para sa basketball court ng mga nasabing barangay. Hindi din magkamayaw ang mga basketball fans sa SM City Batangas na nagkaraoon ng pagkakataon na makapagpapicture sa kanilang mga idolo sa isinagawang Meet and Greet ng grupo. Magtutunggali ang mga manlalaro ng Luzon All Stars at Smart PBA All Stars sa simula ng laro sa ganap na ika pito ng gabi. Bago ito, gaganapin sa 4:30 ng hapon ang mga side-events kagaya ng Obstacle Challenge, Three Point Shootout at slamdunk competition. Ang dating MVP na si Asi Taulava ang mangunguna sa mga big players sa Obstacle Challenge. (PIO Batangas City) Mayor Dimacuha muling nakiisa sa pagsuporta sa Brigada Eskwela M U L I N G ipinakita ni Mayor Beverley Dimacuha ang kanyang pagsuporta sa Brigada Eskwela na nagsimula sa buong bansa ngayong araw na ito hindi lamang sa pagdalo dito kundi sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pintura at cleaning materials sa ilang pampublikong eskwelahan sa lungsod. Dumalo siya sa opening program ng Brigada Eskwela sa Sta. Clara Elementary School na isinagawa pagkatapos ng kick-off parade kaninang umaga at nagbigay ng 16 na galon ng pintura dito. Ayon kay Mayor Dimacuha, taun-taon ay nakikiisa sila ni Congressman Marvey Mariño sa proyektong ito ng Department of Education (DepED) kung saan tumutulong sila sa paglilinis at pag-aayos ng mga paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase. “Noon pong mga nakaraang taon ay sa Batangas National High School kami, pero gusto ko ay iba naman, at pagkakataon na rin ito para mabisita ko po ang mga ekwelahan at makita ang mga pangangailangan ng mga ito,” dagdag ni Mayor Dimacuha. Pinuri rin ni Mayor Dimacuha ang koopersayon ng mga magulang, barangay, pribadong sektor at ilan pang volunteers sa proyektong ito kung saan nakikita ang bayanihan o pagtutulungan upang malinis at maihanda ang mga paaralan at maging ligtas at maayos ito para sa mga estudyante. Sa kanyang mensahe ay hinikaya’t niya ang mga magulang at guro na bukod sa pagtuturo sa mga bata ng kanilang mga aralin ay hubugin din ang mga ito na magkaroon ng dislplina at pagmamahal sa lungsod ng Batangas. “Madami po tayong mga ipinagagawa ngayon kagaya ng mga kalye natin, nakakakuha tayo ng pondo nula sa national government sa pamamagitan ni Cong . Marvey. Sinisikap po natin na mapaganda ang lungsod at mapaalwan ang buhay dito, subalit nakakalungkot po na marami sa ating mga kabataan ay walang disiplina, sinisira ang mga gamit at puno ng mga graffiti ang mga pader,” ayon kay Mayor. (PIO Batangas City)