Tambuling Batangas Publication May 23-29, 2018 Issue | Page 2

BALITA Magnolia Hotshots, Alaska Aces, San Miguel Beermen, Ginebra San Miguel, Rain or Shine Elasto Painters, Global Port, Phoenix Fuel Masters, Meralco Bolts, Blackwater Elite, NLEX Road Warriors at Columbian Dyip Kampanya laban sa AIDS isinagawa ng CHO upang labanan ang dumadaming kaso nito Muling nagsagawa ng candlelight memorial ang Batangas City Health Office noong ika-25 ng Mayo sa Batangas National Highschool (BANAHIS) bilang bahagi ng awareness campaign nito laban sa Aquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Ang nasabing gawain ay sa ilalim ng kanilang programang STI-HIV Aids Prevention Program. Ang “Reflecting on our Past, Preparing for our Future – International AIDS Candlelight Memorial “ ay naglalayong handugan ng panalangin yaong mga namatay dahil sa sakit na AIDS. Ayon kay City Health Officer Dr Rosanna Barrion, sa pamamagitan ng naturang okasyon na ginugunita tuwing ikatlong linggo ng Mayo ng bawat taon, makakapag promote o makakapagbahagi sila ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga Sexually Transmitted Infections (STI) at Human Immuno-deficiency Virus o HIV. Malaking hamon aniya ito sa kanila a na kung hindi man tuluyang masugpo ay mapababa ang bilang ng ganitong kaso sa lungsod. Ayon kay Barrion, may 179 na HIV cases sa Batangas City mula 1984. Humigit kumulang sa 200 ang nagdevelop sa AIDS habang may walong bagong kaso ang naipatala sa lungsod noong 2017. May 44 na ang namatay sa lalawigan dahil dito. Isa ... ang ilang lucky shoppers dito na magpapicture sa actor na si Carlo Aquino. Una rito ay isang banal na misa ang isinagawa sa pangunguna nina Fr Totit Mandanas, Fr Dondon Beredo at Fr Bon Ang Batangas City aniya ay nangunguna sa listahan ng may mataas na kaso ng AIDS sa lalawigan ng Batangas subalit hindi aniya ito nagngahulugan na ang mga ito ay pawang mga Batangueno. Ang CHO aniya ay may services na bukas sa lahat ng nagnanais makinabang dito at ito ay nakatala sa website ng Department of Health bilang isa sa mga facilities na pwedeng puntahan ng may ganitong uri ng karamdaman. Binibigyan din aniya sila ng DOH ng testing kits na maari nilang magamit sa mga pasyente. Kinakailangan munang sumailalim sa pre at post counselling bago magsagawa ng testing. Nakakaalarma aniya na mga kabataang edad 15 taong gulang pa lamang ay nagkakaroon na nito at karamihan sa naitalang kaso ay mula sa male having sex with male. Magsasagawa ang CHO ng intensified awareness drive , health education campaign at advocacy sa tulong ng kanilang mga school partners gaya ng LPU Batangas, BSU at BANAHIS. Nagkaroon din ng panel discussion na tinaguriang “Bekitaktakan”sa pangunguna ni Mrs Vicky Atienza ng CHO at nilahukan ng mga advocate mula sa The Library Foundation at mga myembro ng samahan ng mga lesbian, gay, bisexual at transgender o LGBT community tulad ng BARAKO. Nagbigay naman ng technical assistance ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation sa pagsasagawa ng naturang okasyon. Idinagdag pa ni Barrion, inaasahan nila na ang nasabing gawain ay magbubukas ng kaisipan ng mga mamamayan tungkol sa AIDS upang ito ay maiwasan. Hiningi nila ang kooperasyon ng mga tao na makipag ugnayan sa kanilang tanggapan upang matugunan kaagad sakaling magkaroon ng ganitong kaso. Tinagubilinan din niya ang lahat na maging bukas sa mga persons living with HIV, maging maingat sa pakikipag-ugnayan lalo na sa mga high- risk groups at huwag din tuligsain ang mga taong mayroon nito. Nagbigay ng mesasage of commitment si Mayor Beverley Dimacuha sa pamamagitan ng kinatawan nito na si Abby Abendan ng LEIPO, kinatawan ng Provincial DOH Office, Batangas Medical Center Wellness Home, Provincial Health Office, Batangas State University, Barako, TLF, SILBI at PSPC/PSFI Inc. Tampok din sa candlelight memorials ang testimonya ng isang person living with HIV, 33 taong gulang na bisexual mula sa Maynila na nagbahagi ng kanyang naging buhay at karanasan sa pagkakaroon nito sa loob ng limang taon. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1 Cumagon. Kaagad itong sinundan ng pagbabasbas ng mga stalls kaalinsabay ang lion and dragon dance. Nagkaroon ng mall show noong hapon ang magaling na singer actress na si Vina Morales. Ipinaabot ni Caroro ang taos pusong pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga batangueno sa pagbubukas ng Xentro Mall. (PIO Batangas City) Mayo 23-29, 2018 PBA All Stars visit Batangas City BUMISITA sa Batangas City ang PBA ALL Stars para sa isang exhibition game na gaganapin sa May 25 sa Batangas City Sports Center. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sikat na manlalaro ng Magnolia Hotshots, Alaska Aces, San Miguel Beermen, Ginebra San Miguel, Rain or Shine Elasto Painters, Global Port, Phoenix Fuel Masters, Meralco Bolts, Blackwater Elite, NLEX Road Warriors at Columbian Dyip. Magtutunggali ang mga manlalaro ng Luzon All Stars at Smart PBA All Stars sa ganap na ika pito ng gabi. Sa 4:30 naman ng hapon, isasagawa ang slam dunk contest, three-point shoot out, skills challenge at shooting stars. Ayon kay PBA Commissioner Willy Marcial na isa ring Batangueno, layunin ng kanilang pagbisita na mabigyan ng kasiyahan ang kanyang mga kababayang Batangueno bilang pasasalamat sa walang sawang suporta ng mga ito sa PBA. Una rito ay nagmotorcade ang PBA All Isang... merkado ang produkto. Aniya, ang coconet ay ginagamit ng DPWH at pribadong contractor na panlatag sa mga sloping surfaces bilang proteksyon sa pagguho ng lupa sa kanilang mga ginagawang proyekto. Ginagamit din ito sa mga landscaping, hanging plant stars sa loob ng poblacion kasama si Congressman Marvey Marino. Bumisita din sila sa Station A ng medical ward ng Batangas Medical Center at sa EBD ward ng Jesus of Nazareth Hospital at namahagi ng goodies sa mga pasyente dito bilang bahagi ng kanilang programang “Alagang PBA”. Lubos ang katuwaan ng mga residente ng Plantex, Barangay 4, barangay Cuta, Sitio Acacia ng barangay Calicanto at barangay Sampaga sa pagdalaw ng mga sikat na PBA players sa kanilang lugar. Namigay din sila ng bola sa mga kabataan at namahagi ang Rain or Shine ng mga pintura para sa basketball court ng mga nasabing barangay. Hindi din magkamayaw ang mga basketball fanatics sa SM City Batangas na nagkaraoon ng pagkakataon na makapagpapicture sa kanilang mga idolo sa isianagawang Meet and Greet ng grupo. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1 box, door mat at sa iba pang beautification projects. Nakahanda ang OCVAS na suportahan ang mga magpapatuloy sa proyektong ito, kung saan ipagagamit ng libre ang kanilang twining at weaving machines. (PIO Batangas City) San Jose Sico inmates nagtapos sa ALS BATANGAS CITY- May 18 inmates ng San Jose Sico Jail ang nagtapos sa Alternative Learning System (ALS) graduation ceremony na idinaos dito ngayong May 25. Ang kabuuang bilang ng mga nagtapos ay 29 na lalaki at 11 babae para sa K-12 taon 2016 kung saan ang ibang inmates ay nakalaya na kung kayat hindi na nakadalo sa graduation ceremony ang mga ito. Isa sa mga nagtapos ay si May Dote, 24, dalaga, ng barangay San Isidro. Mahigit na dalawang taon na siyang nakakulong sa kasong droga. Malaking tulong aniya sa kanya ang pag pasok sa ALS. “Hindi na po ako nakapag patuloy ng pag-aaral ng high school dahil sa aking pagkakulong kung kayat nung nagkaroon po ng programa ang BJMP para sa mga di nakapag aral ay agad po ako nag enrol at eto nga po natapos ko ang junior high school,” sabi ni Dote. Sinabi naman ni Mario Castillo Jr, nahirang na Natatanging ALS Learner, na “malaking pag babago ang dulot nito sa aking buhay. “Nasa loob o nasa labas man, walang makakahadlang sa pagkamit ng ating tagumpay at ito ang magiging sandata natin sa tunay na laban upang mapalago ang ating sarili at ito ang ating gagamitin tungo sa pagbabago ng ating buhay,” sabi ni Castillo. Ayon kay ALS Education Program Supervisor Nestor Alon, patuloy nilang hinihikayat ang mga inmates na natigil sa pag-aaral na mag enrol at ipag patuloy ang kanilang pag-aaral ng sa ganun ay makamit nila ang kanilang pangarap na makapag tapos. Sinabi naman ni Warden J/Supt. Lorenzo Reyes na naisakatuparan ang ALS sa loob ng kulungan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng city government, Department of Education, Batangas City Division, at ng Bureau of Jail Management and Penology. Ito ang aniya ang unang Moving Up Ceremony para sa Junior High School na may temang “Mag-aaral K-12 Handa sa Hamon ng Buhay”sa ilalim ng kaniyang panunungkulan. (PIO Batangas City)