Tambuling Batangas Publication May 23-29, 2018 Issue
PAANO NGA BA NAG SIMULA ANG KINASANAYANG SANTA CRUZAN? ... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
PBA All Stars visit Batangas
City p. 2
IT’S A SEASON TO BE
BUSY:
NG
AT
PAGHAHANDA
MGA
MAGULANG
MAG-AARAL
PBA All-Star, nag outreach
activities sa ilang ospital at
barangay p . 3
SA
DARATING NA PASUKAN
p. 5
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 22
Mayo 23-29, 2018
P6.00
Isang kabuhayan mula sa bunot
itinataguyod ng OCVAS
ISANG bagong livelihood
project
ang
isinusulong
ngayon ng Office of the City
Veterinary and Agricultural
Services (OCVAS) - ito ay ang
coco coir twining and weaving
na ang produkto ay coconet
mula sa bunot at ginagamit
bilang proteksyon sa soil
erosion.
Isang
seminar
tungkol dito ang isinagawa
ng OCVAS noong May 15-18
kung saan lumahok ang may
30 residente buhat sa pitong
barangay na pinagkalooban
ng makinaryang panggiling
ng Department of Agriculture.
Ang mga barangay na ito
ay ang Talumpok Kanluran,
Banaba South, Pinamucan
Ibaba, Maruclap, Talahib
Payapa, Talahib Pandayan, at
Sto. Nino kung saan maraming
tanim na puno ng niyog na
pinagkukunan ng bunot na
siyang ginagamit sa paghabi.
Naging
resource
speaker/trainor ng seminar
si Ben Garlito mula sa Villar
Foundation.
Ayon kay Garlito,
ang coco coir weaving ay
magandang pagkakitaan dahil
bukod sa maraming mga bunot
sa bundok na hindi na bibilhin
pa, ay may sigurado ring
Sundan sa pahina 2..
Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) - ito ay ang coco coir twining and weaving na ang produkto ay
coconet mula sa bunot at ginagamit bilang proteksyon sa soil erosion
Isa pang mall sa lungsod
SK sumailalim ng mandatory training
binuksan
BATANGAS CITY Pinangunahan
ni Congressman Marvey Marino
ang ribbon cutting at blessing ng
ika-27 branch ng Xentro Mall
sa Diversion Road sa barangay
Alangilan noong ika-24 ng Mayo.
Ayon
kay
Ryan
Caroro,
Head of Operation ng Xentro
Malls, nagsimula ito bilang
isang community mall. Ito ay
pagmamay ari ni Alexander Cruz
na isang businessman mula sa
Marikina.
“Complete shopping experience”
aniya ang maibibigay nila sa
mga Batangueno upang hindi na
lumuwas pa ng Maynila ang mga
ito. “Perfect opportunity to veer
away sa poblacion, decongest
traffic at malapit sa grand terminal
kung kayat napili naming itong
Diversion,” , dagdag pa ni Caroro.
Ang Xentro Mall ay may 83
tenants at ilan sa mga ito ay
mga bangko, appliance store,
hardware, kainan at malalaking
food chain tulad ng Jollibee,
Shakeys at Starbucks.
Kaalinsabay ng pagbubukas ng
mall ay ang pagbubukas din
ng Save More Supermarket na
nagbibigay ng special discounts
sa kanilang mga customers.
Nagkaroon din ng pagkakataon
Sundan sa pahina 2..
SUMAILALIM
sa
mandatory training ang may
822 Sangguniang Kabataan
(SK) chairmen at councilors
sa Batangas City noong May
23 at 25 sa Lord Immanuel
Institute, Lobo Batangas
bilang
paghahanda
sa
pagganap nila ng kanilang
mga tungkulin.
Ayon
kay
Department of Interior and
Local Government (DILG)
Regional Director Manuel
Gotis, napakahalaga na
makadalo ng training na ito
ang mga elected SK officials
alinsunod sa Republic Act
no. 10742 o Sangguniang
Kabataan Reform Act of
2015 . “Nakasaad sa batas
na hindi makakapag assume
ng kanilang posisyon ang
mga elected SK na hindi
umattend ng training na ito,”
pag didiin ni Gotis. Sinabi
rin ni Gotis na sa training
na ito, matututunan ng mga
participants ang lawak ng
kanilang responsibilidad.
“ito ay eye opener sa kanila,
at ang lahat ng kanilang
matutunan dito ay magiging
guidance nila sa kanilang
panunungkulan,” dagdag pa
ni Gotis.
Tinalakay sa training
ang
Decentralization
and Local Governance,
Sangguniang
kabataan
History and Salient Features,
Meetings and Resolutions,
Planning and Budgeting,
at Code of Conduct and
Ethical Standard.
Pagkatapos
nito
ay may mga nakatakda pa
ring enhancement training
para sa mga SK upang higit
na maiangat ang kanilang
kaalaman at kakayahan
bilang mga lider ng
kabataan.
Ayon kay Gotis,
inaasahan niya na ang mga
nahalal na SK officials
Sundan sa pahina 3..
Day care teachers nagsanay sa first aid
33 child development workers ang sumailalim sa training at workshop na isinagawa ng CDRRMO tungkol sa Standard First Aid and
Basic Life Support, Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) at Automated External Defibrillator (AED)
BATANGAS
CITY-
Hindi
lamang pagtuturo sa mga day care
children ang responsibilidad ng
mga child development workers
o day care teachers kundi ang
maseguro din ang kaligtasan at
kalusugan ng mga batang nasa
kanilang pangangalaga.
Dahil dito, may 33
child development workers
ang sumailalim sa training at
workshop na isinagawa ng
CDRRMO tungkol sa Standard
First Aid and Basic Life Support,
Cardio Pulmonary Resuscitation
(CPR) at Automated External
Defibrillator (AED) noong May
24 sa nasabing tanggapan.
Itinuro sa kanila ang
bandaging, proper transfer
of victim, proper handling at
dagdag kaalaman sa unang dapat
gawin sa mga kaso ng heart
attack, cardiac arrest, airway
and breathing emergencies,
asthma attack, hyperventilation,
bleeding and shock, open
wound, burns, poisoning, head
and spine injuries, bones, joints
and muscle injuries, stroke,
seizures at bandaging technique,
pagkabulon, pinsala sa mata,
pagkahimatay, heat stroke, at
biglaang sakit.
Ayon
sa
isang
participant, hindi lamang ang
kanilang mga eskwela ang
makikinabang
sa
ganitong
pagsasanay kundi ang kanilang
pamilya at komunidad.
Sinabi
naman
ng
CDRRMO na layunin nilang
mapalawak ang kaalaman ng
publiko sa standard first aid
upang makapagsalba ng buhay.
(PIO Batangas City)