Tambuling Batangas Publication May 15-21, 2019 Issue | Page 3
BALITA
May 15-21, 2019
Unang pagawaan ng steel
beams sa bansa, itatayo sa
bayan ng Lemery
By Mamerta De Castro
Isinagawa ang groundbreaking ng Steel Asia Lemery sa Brgy. Mataas na Bayan sa Lemery, Batangas noong ika-23 ng Abril 2019.
Pinangunahan ito nina Batangas Governor Hermilando Mandanas at Steel Asia Chairperson and Chief Executive Officer Benjamin
Yao kasama ang iba pang stakeholders. (Photo courtesy of PIO Province/ Caption by Bhaby P. De Castro, PIA Batangas)
upang magkaroon ng maayos
Buong...
Session Hall ng Sangguniang
Panglungsod.
Ngayong araw ding ito
ang ang proclamation ni reelected
Congressman Marvey Marino
ng 5th District of Batangas sa
Session Hall ng Sangguniang
Panlalawigan . Siya ay wala ding
katunggali at nagkamit ng 132,
286 na boto.
Kaalinsabay nito ay
ang proklamasyon ng reelected
Board members na sina Claudette
Ambida at Arthur Blanco.
Ayon
kay
Dolatre,
mula sa pahina 1
nagkaroon ng delay sa bilangan sa
Batangas City dahil sa defective
na secure digital (SD) cards sa
apat na barangay kung kayat
nagpareconfigure pa sila. Ito ay
nangyari sa barangay Dumantay,
Haligue
Silangan,
Talahib
Payapa, Pinamucan Proper at
Gulod Itaas. Wala pa rin silang
maibigay na turnout ng voters o
kabuuang bilang ng mga bumoto
habang sinusulat ang balitang ito.
Nagpaabot
ng
pasasalamat si Dolatre sa lahat
ng mga ahensya na tumulong
at mapayapang eleksyon sa
lungsod at pinaalalahanan ang
mga kumandidato na magsumite
ng kanilang Statement of
Contributions and Expenditures
(SOCE) hanggang ika-12 ng
Hunyo.
Ayon kay Batangas
City PNP Chief Sancho Celedio,
naging maayos at tahimik ang
naging eleksyon sa lungsod
dahilan sa maagang deployment
ng kanilang mga tauhan sa
polling centers at “some of our
leaders ran unopposed.”
(PIO Batangas City)
Mga kababaihang may kapansanan,
binigyang pagpapahalaga sa Batangas
By Mamerta De Castro
LUNGSOD NG BATANGAS,
(PIA)- May 340 kababaihang
may kapansanan ang nakibahagi
sa pagdiriwang ng Women With
Disabilities Day na ginanap
sa
Provincial
Auditurium
Capitol Compound sa lungsod
kamakailan.
Sa temang “Sabay-
Sabay, Pantay Pantay sa Pag-
unlad ang mga Kababaihang may
Kapansanan,” isang programa
ang isinagawa bilang pagbibigay
halaga sa mga kababaihang may
kapansanan mula sa iba’t-ibang
lungsod at munisipalidad sa
lalawigan.
Nagsilbing panauhing
pandangal sa programa sina
Governor Hermilando Mandanas;
Batangas Provincial Federation
of Women with Disabilities
President,
Hildegonda
Del
Mundo; PDAO Head, Mr. Edwin
Abelardo N. De Villa; at, mga
estudyante mula sa Workability
Skills
Training
Center
Foundation, Inc.
Aktibong kalahok din
sa pagtitipon sina Provincial
Cooperative
Livelihood,
Enterprise Development Office
(PCLEDO)Department
Head
Celia Atienza at PSWDO Chief
Joy Montalbo.
Ayon kay Governor
Mandanas, ito ay natatanging
araw para sa mga kababaihang
May 340 kababaihang PWD ang nakibahagi sa pagdiriwang ng Women with Disability
Day na ginanap sa Provincial Auditurium, Batangas City noong Abril 22,2019. (Photo
courtesy of Macc Ocampo-PIO Batangas Province/ Caption by: Bhaby P. De Castro-
PIA Batangas)
may kapansanan dahil sa kabila
ng kanilang kundisyon marami
pa rin sa kanila ang nagpupursigi
upang maging kapaki-pakinabang
sa lipunan at nagnanais na
makapagbahagi ng anumang
talento o kaalaman na mayroon
sila upang magsilbing inspirasyon
sa iba pang tao.
Nagbigay naman ng
ilang tips o tamang pamamaraan
sa paghahawak ng salapi si Ms.
Aileen Constantino-Peñas, ang
Deputy Executive Director ng
Atikha Inc.
“Para po sa ating mga
kababaihan, mas mainam na
unahin natin ang pag-iipon para sa
kinabukasan at sa mga darating na
pangangailangan bago pagbigyan
ang luho ng ating katawan para
pagdating ng oras ng kagipitan
ay hindi tayo mahihirapan. Bago
natin bilihin ang isang bagay ay
dapat isipin muna natin kung
kailangan nga natin ito o hindi,”
paaalala ni Penas.
Samantala,
nagbigay
ang provincial health Office ng
mga payo ukol sa kalusugan at
mga turong pangkabuhayan
mula sa PCLEDO. Nagbahagi
din ang Technical Education and
Skills Development Authority ng
maaaring pagkakitaan ng mga
kababaihang may kapansanan
bukod pa sa pagbibigay ng libreng
manicure,pedicure, haircut at
massage sa mga lumahok sa
pagdiriwang. (BHABY P. DE
CASTRO-PIA BATANGAS)
LEMERY, Batangas, (PIA)-
Isinagawa ang groundbreaking
ceremony ng Steel Asia Lemery
Works sa Brgy. Mataas na
Bayan sa bayang ito noong ika-
23 ng Abril.
Inaasahang aabot sa
8,500 trabaho ang malilikha
nito kung kaya’t hindi lamang
ang mga Batangueno ang
inaasahang makikinabang dito
kundi maging ang mga residente
ng mga kalapit lalawigan ng
Batangas.
Ayon
kay
Steel
Asia Chairperson and Chief
Executive Officer Benjamin
O. Yao, ang proyektong ito ay
makapagbibigay ng direktang
trabaho sa may 1,500 katao
at karagdagang 7,000 trabaho
mula sa bubuksang pabrika.
Sinabi ni Governor
Hermilando
Mandanas
na
ang Steel Asia ay magiging
isang bantayog sa lalawigan
sa larangan ng produksyon ng
bakal ng bansa at maghahatid
ito ng maraming pagkakataon
sa mga Batangueno upang
magkaroon ng matatag na
hanapbuhay.
“Ito ang kauna-unahang
pagawaan ng steel beams sa
bansa at mapalad tayo dahil dito
ito itatayo sa ating lalawigan.
Maraming benepisyo ang dala
nito tulad ng karagdagang
trabaho para sa ating mga kapwa
Batangueno
gayundin
ang
karagdagang kita sa lalawigan.
Bunsod
nito,patuloy
ang
pakikipag-ugnayan natin sa mga
posibleng investors sa lalawigan
dahil sa pagdami at paglago ng
mga negosyo dito kasamang
lalago ang ating probinsya at
magbibigay ng pagbabago sa
buhay ng mga kababayan natin,”
ani Mandanas.
Ang Steel Asia ay may
mga plantang matatagpuan
sa Bulacan, Cebu, Misamis
Oriental, Davao City at ang
itatayong planta sa Batangas.
Sa kasalukuyan nasa first phase
ng kanilang six-year expansion
plan ang nasabing kumpanya.
Inaasahang
malaki
ang bilang ng pangangailangan
ng mga steel beams na
matutugunan ng plantang ito
lalo na at tinatayang aabot sa
4.5 milyong tonelada ng rebars;
600,000 tonelada ng wire-rod,
at 700,000 tonelada ng section
ang local demand nito sa taong
2021.
Tinatayang matatapos
ang naturang planta sa taong
2020. (BHABY P. DE CASTRO,
PIA Batangas)
Imus City inaugurates
new, bigger jail facility
new and bigger facility of the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)
By Ruel Francisco
Imus City, Cavite, (PIA) –
The city government here led
the recent inauguration of the
new and bigger facility of the
Bureau of Jail Management and
Penology (BJMP) to address
the problem of overcrowding in
jail cells and somehow prevent
the spread of diseases among
inmates.
“The
national
government
funded
the
construction of the five-storey
jail building that costs P32-
million and could accommodate
between 800 to 900 inmates
and more,” explained Imus
City Engineer Christian Sarno.
The new building
stands on a 1,920-square meter
lot at the Civic Center area,
also called Land Transportation
Office (LTO) compound in
Barangay Palico IV.
The old jail facility that
was used for years was only a
100 square meter city jail that
could only house up to sixty
detainees.
The city government
of Imus continuously provides
good public service to its
constituents with programs and
projects that benefit the welfare
of the people. (Ruel Francisco,
PIA-Cavite)