Tambuling Batangas Publication May 15-21, 2019 Issue | Page 4
OPINYON
May 15-21, 2019
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Ni Teo S. Marasigan
What the opposition wants
IN this penultimate editorial on the eve of the elections where the opposition
is staking their best bets to achieve a return to power enough to overturn the
mandate of the electorate set in 2016 and perhaps gradually reinstall elitist
comforts and the hubris-laced governance they had become accustomed to
under Benigno Aquino III, allow us a campaign valedictory.
Discerned from the hate speech recklessly regurgitated, slavered and
subsequently spat out against the greater public, we know exactly who and what
the opposition hates. By redirecting their fire from the original campaign issues
of high prices, unemployment and poverty to directly attacking the President
and his family, the opposition effectively draws the line between themselves
and 80 percent of the public who’ve constantly awarded the President both
satisfaction and approval ratings.
These statistics situate the opposition among the very small minority
and among the elitist apex in an upright social pyramid representing our
Filipino socio-economic classes.
Through their choice of candidates, however, lets travel to the other
end. Allow us to go into the specific details of what the opposition wants as
they peddle eight who they believe represent not just their objectives but more
important, the best that they have to offer.
The latest survey ranks 30 senatorial candidates. Of the eight
drafted by the opposition, only seven are included in the set of 30. We will
divine the opposition using only the seven that the public has included. This
is a mathematical misfortune for the opposition where they need eight voted
into the existing Senate mix to prevent what the opposition fears might be a
supermajority.
By raising the specter of a feared supermajority, the opposition
assumes the Senate writes legislation and votes along bloc partisanship lines.
They should have done their homework. A majority of those endorsed by the
administration have voted independently.
This is not likely for the seven in the opposition where the public is
asked to vote the bloc blindly.
Paolo Benigno Aquino IV is the opposition front-runner. His
candidacy shows what the opposition wants. He is as much a symbol of
political dynasties as he is of personality politics.
He likewise represents mediocrity.
Lying halfway among the 30 and outside the Magic 12, Manuel
Roxas represents the opposition’s elitism and arrogance. The lack of empathy
and self-absorbed indulgences he exudes underlie the trail of ineptitude,
incompetence even corruption scandals linked to his record. Where his politics
lies, his candidacy tells us the opposition not only allows for ineptitude and
gross corruption but it also values fakery, falsehoods and publicity stunts.
Samira Gutoc-Tomawis is an unknown. Going by the information
released through her campaign, she is one-dimensional. Her major merits
are related to a single incident. Her candidacy shows us the opposition’s
desperation and how they have a propensity to inflate political personages the
way they inflated a dubiously qualified Leonor Robredo from mere nothingness
to severe extraneousness.
Jose Manuel Diokno who is basically an academician is the
opposition’s only upside.
Unfortunately his candidacy has blinded him. He would do better
to be more equitable. When he says he will run after grafters, he should see
several both past and present party stalwarts standing beside him.
Lawyering for both Gloria Arroyo and Robredo — the latter on
charges of electoral fraud and cheating — characterizes Romulo Macalintal
and shows us that the opposition would readily shift between the plain vanilla
unprincipled to the dubiously principled depending on who pays higher. It’s
akin the oldest profession in the world and the sex industry has a name for
those workers who ply their trade based on monetary criteria.
The opposition shows its total lack of respect for the rule of law and
our sacred Constitution through the candidacy of Gary Alejano. His candidacy
likewise reveals to us that the opposition virtually endorses extra-legal means
such as sedition, insurrection, mutiny and armed coups as means to force their
will.
Lorenzo Tañada’s candidacy reinforces what Aquino’s Senate run
tells us about the opposition — their preference for dynasties, their politics of
personalities and their propensity for mediocrity.
These represent unacceptable desires of the opposition. In the next
days we will see just how unacceptable these are.
Walang Ilusyon sa Eleksyon
BAGO ito: isang araw pagkatapos ng
eleksyon, parang tapos na rin ang bilangan
– hindi katulad dati na umaabot nang ilang
linggo at buwan. Presidente na si Noynoy
Aquino at bise-presidente na si Jojo Binay,
kung hindi umaapela si Mar Roxas sa
Malakanyang.
Kondukta ng eleksyong automated
Para sa tulad kong sinikal sa
takbo ng eleksyon sa ilalim ng sistemang
panlipunan sa bansa, parang hindi kapani-
paniwala ang ipinapakitang kredibilidad ng
halalan. Oo, hanggang ngayon, kalat-kalat
at hindi malalaki ang mga ebidensya para
kwestyunin ito – kaya pwedeng sabihing
wala akong patunay para tuligsain ito.
Pero nasaan naman ang mga patunay na
magpapatibay sa kredibilidad ng eleksyon?
Masyadong sarado ang sistemang automated
sa pagsipat at pagberipika ng ibang grupo
bukod sa Comelec. At hindi ito usapin ng
pagbanat sa mga nanalo, kundi historikal na
duda sa proseso.
Noong umaga lang ng eleksyon,
usap-usapan ang hindi pagboto ng maraming
botante – dahil sa pagbubungkos ng mga
presinto at sa samu’t saring problema ng
mga makinang PCOS na parehong nagdulot
ng paghaba ng pila sa botohan. Naniniwala
akong nagpunyagi ang mga tao para
makaboto – hinabaan ang pasensya, ininda
ang init, tyinaga ang pila – para maranasan
ang unang eleksyong automated ng bansa at
para magprotesta rin sa rehimeng Arroyo.
Pero hindi ako makumbinsi ng 75% turnout
na sinasabi at ipinagbubunyi ng Comelec.
Hindi kaya lumobo ito sa ibang dahilan?
Mula sa dating kaliwa’t
kanan ang reklamo sa eleksyon, tahimik
ngayon ang mga dapat nagbantay ng
botohan at bilangan. Ang PPCRV nga,
naging tagabilang na lang ng resultang
inilalabas din ng makina ng Comelec. Sa
isang banda, iyun naman ang layon ng
eleksyong automated, ang alisin ang mga
bulnerabilidad sa pandaraya ng proseso.
Pero ang nangyari, hindi na rin maberipika
kung tama pa ang nagaganap – natatakpan
ng plastik ng kable, dumadaloy sa alambre
at ere. Ang nakakatanaw lang sa buo at
pwedeng magsabi na ayos ang lahat ay ang
Comelec. Lubos ba ang tiwala natin dito?
Sa mata ng publiko siguro, may
kredibilidad ang inilalabas ngayong resulta
dahil tugma sa tinakbo ng mga sarbey
bago ang botohan. Bago ang 10 Mayo,
marami ang nangambang “Garci na de-
kompyuter” ang magaganap. Pero noong
lumabas ang mga resultang tugma sa sarbey,
wala nang pumalag. Ganoon na lang ba
iyun? Tiwa-tiwala na lang – sa Comelec,
Smartmatic-TIM at sa rehimeng Arroyo?
O dapat napapatunayan ang kredibilidad ng
eleksyon sa kongkretong pagmamatyag?
Ano ito, kaisahang ipinapatanggap bilang
demokratiko sa pamamaraang kaduda-duda
o awtoritaryan?
Pagkatalo ni Manny Villar
Tumanggap na ng pagkatalo si
Sen. Manny Villar kay Noynoy. Tugma ito
sa sinabi niya noong bumoto siya noong 10
Mayo, na tatanggapin niya ang resulta basta’t
may kredibilidad ito. May mga nakapansin
ding nabawasan ang mga patalastas niya
sa telebisyon ilang araw bago ang botohan
– at pinalitan naman ng katakut-takot na
patalastas ni Noynoy. Siguro, naramdaman
na niyang patalo na ang kampanya niya
kaya hindi na siya lumaban pa. Pero posible
ring totoo ang usap-usapan tungkol sa
kanya: na hindi siya kumprontasyunal, dala
ng pagkahubog sa pagiging negosyante.
Ano man ang dahilan nitong
huli, ang pag-iwas ng kampanya niya sa
mga bakbakang pulitikal ang tampok na
kahinaan nito, at malaking salik, kung
hindi man siyang pinakamalaking salik,
sa pagkatalo niya. C-5 at Taga, Villarroyo,
iba’t ibang isyu ng katiwalian at kalokohan
– hindi maagap at matalas ang sagot niya
sa mga ito. Eh sa kulturang pampulitika
natin, “Mukhang guilty” ang kahulugan ng
pananahimik na ganito. Habang agresibo
ang kampo ni Noynoy, at nitong huli maging
ang kampo ni Erap Estrada, sa pag-atake sa
kanya, hindi rin siya agresibo sa pag-atake
sa mga ito.
Pagkapanalo ni Noynoy Aquino
Pwedeng kilalanin na nanalo si
Noynoy dulot ng malakas na sentimyentong
kontra-Arroyo ng mga mamamayan.
Matagumpay niyang naipakilala ang sarili
bilang kaiba kay Gloria, at kontra pa nga rito
– kahit sa larangan lang ng korupsyon, dahil
nga hindi naman ito totoo pagdating sa mga
patakarang pang-ekonomiya. Mahalaga
sa pagkapanalo niya ang positibong
propaganda (Mama at Papa, walang bahid)
at negatibong propaganda (pag-atake
sa mga kalaban) niya – na buong giliw
namang ibinudyong sa mga mamamayan ng
midyang halatang kamping-kampi sa kanya.
Masaya ang imperyalismong
US sa pagkapanalo niya. Napalitan si Gloria
na mabaho na sa mga mamamayan, at ng
isang pulitikong mabango naman – gayung
katulad din ni Gloria na taguyod ng mga
neoliberal na patakaran. Tapos, dahil sa
pagiging popular ni Noynoy, na ipinakita
ng mga sarbey at kinumpirma ng resulta ng
halalan – kahit pa kaduda-duda ang aktwal
na kondukta nito – wala gaanong angal
at protesta sa resulta ng eleksyon, wala
gaanong gulo. Tumulong din ang midyang
imperyalista at burgis-komprador na
ipanalo siya. Sa kabuuan, napapatatag ang
sistemang neokolonyal.
Ang tanong: mapapatunayan
ba ni Noynoy ang mga ipinangako niya?
Tutugisin ba niya si Gloria dahil sa marami’t
malulubhang kasalanan nito sa bayan?
Higit pa riyan: babaguhin ba niya ang
mga patakaran ni Gloria na nagdulot ng
kahirapan, gutom at sakit sa nakakaraming
mahihirap? Kung batay sa walang kalatuy-
latoy na rekord niya sa pulitika, sa papel
niya sa Hacienda Luisita, at sa plataporma
niya, nakakapagduda. Pwedeng hindi siya
mangurakot, pero mapapatunayang hindi
sapat iyun, na ang kailangan ay pagbabago
sa patakaran, sa sistema, at hindi lang sa
namumuno sa bansa.
Pagkatalo nina Satur Ocampo at
Liza Maza
Pustahan tayo: sasagarin ng
mga kontra-Kaliwa ang pagkatalo sa
halalang pang-senador nina Satur Ocampo
at Liza Maza para sabihing patunay ito
ng pagbasura ng mga mamamayan sa
Kaliwa – at may iba ring magsasabing
dahil ito sa pakikipag-alyansa kay Villar.
Para maupakan ang Kaliwa, kinakaligtaan
nila ang bulok at elitistang katangian ng
pulitika’t eleksyon sa bansa at ang malakas
na atakeng hinarap at laging hinaharap ng
mga kandidato ng Kaliwa – mga pag-atake
sa propaganda, red-baiting, militarisasyon
ng mga erya ng mga tagasuporta, kawalan
ng pondo, at iba pa.
Sa kabila ng lahat ng kahirapang
ito, hindi rin biro ang nakuhang tatlong
milyong boto ng dalawa. Nagamit ang
kandidatura nila bilang pagkakataon para
umabot ang Kaliwa sa mas marami, at
makapagmulat at makapag-organisa para
sa matagalang pakikibaka para sa tunay na
pagbabago. Nagbigay sila ng halimbawa ng
kampanya para sa Senado na prinsipyado
at tunay na makabayan – at inilantad ang
mga reaksyunaryo sa proseso. Naghahawan
ng landas at magbibigay ng maraming
aral ang pagtakbo nilang ito para sa mga
susunod pang paglahok ng Kaliwa sa
reaksyunaryong eleksyon sa bansa.
Ipagyayabang din ng mga
kontra-Kaliwa ang ika-13 pwesto ni Risa
Hontiveros ng Akbayan, grupong tinawag
ni dating Hen. Hermogenes Esperon na
“mabubuting maka-Kaliwa.” Pero bukod
sa mataas na pwesto, ano ang nakamit nila?
Puhunan ba ito para sa anumang proyekto
para sa pagbabagong panlipunan? May
ganoon pa bang proyekto ang Akbayan?
Sa kabila ng pagpabor sa kanya ng Liberal
Party, ng pondo niya para sa mga patalastas
sa telebisyon, ng pagpuhunan sa “ganda”
niya (sabay-sabing “feminista” siya), at
kahit repormista lang siya, hindi pa rin siya
nanalo.
Ang hinaharap sa rehimeng
Noynoy
Lalakas ang pagpanawagan at
paghamon sa rehimeng Noynoy na tuparin
ang mga pangako nito sa sambayanan. Titindi
ang krisis pang-ekonomiyang hinaharap ng
bansa, kaya lalakas din ang pagpanawagan
ditong baguhin ang mga patakaran ni
Gloria. Walang ipinakita si Noynoy na
kakayahang gawin ang mga bagay na ito.
Sa ganitong kalagayan, malalantad ang
rehimeng Noynoy bilang walang ipinag-iba
sa naunang mga rehimeng papet, pahirap
at kontra-mamamayan. Sasamantalahin ng
Kaliwa, na walang ilusyon kay Noynoy,
ang pagkakataon para lalong magpalawak at
magpalakas.
Ngayon pa lang, gusto nang
siraan ng mga kontra-Kaliwang maka-
Noynoy ang Kaliwa kung lalaban ito sa
rehimeng Noynoy. Kesyo magiging kahanay
ng Kaliwa si Gloria sa oposisyon. Marami
namang hindi kanais-nais na karakter noong
rehimeng Arroyo na kontra-Gloria, pero
hindi nakaapekto sa Kaliwa dahil may
mga isyung batayan ang pagkontra nito.
Napakainam ng kalagayan para sa Kaliwa:
ang mga sosyal-demokrata at mga grupong
tulad ng Akbayan ay nilamon na ni Noynoy;
hamon sa pambansa-demokratikong Kaliwa
na pamunuan ang masa at ilinaw ang tunay
na alternatiba.
11 Mayo 2010