Tambuling Batangas Publication May 15-21, 2019 Issue | Page 2

BALITA May 15-21, 2019 Panawagan ng NCDA chief: Tiyaking makakaboto nang maayos ang mga PWD By PIA4A Nanawagan si Director Carmen Reyes-Zubiaga (L), tagapangulo ng National Council on Disability Affairs, na siguruhing makakaboto nang maayos ang mga persons with disability (PWD) sa Mayo 13. (PIA4A) 20 bagong mentees bahagi ng 3rd Batch ng Kapatid Mentor ME Program By Mamerta De Castro MALVAR, Batangas, (PIA)- Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI)- Batangas ang ikatlong batch ng Kapatid Mentor Micro Enterprise (KMME) Program sa Occassions Garden, Lima Park Hotel sa bayang ito kamakailan. May 20 bagong mentees ang ipinakilala kung saan sasailalim sila sa iba’t-ibang modules na layong mapaunlad, mapalago at mas maiangat ang kanilang mga produkto upang mas maging competitive hindi lamang sa lokal na merkado kundi maging sa ibang bansa pagdating ng panahon. Ayon kay DTI IVA Regional Director Marilou Toledo, patuloy ang kanilang mandato sa pagbibigay ng proteksyon sa lahat ng mga konsumidores at maging sa mga negosyante lalo na sa mga micro- small and medium enterprises. “Ito po ang ikatlong batch ng KMME sa lalawigan ng Batangas at sa taong ito din ay inaasahan natin na maiilunsad ang ikaapat na batch, mas maraming sumasailalim sa programang ito,mas marami ang potensyal na negosyanteng magtagumpay at makilala hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa ibang lugar at ibang bansa,” ani Toledo. Aniya, taong 2016 ng simulan ito sa NCR at Laguna at sa kasalukuyan ay marami ng mga entrepreneurs ang nakinabang dito. Samantala, nagbahagi ng Go Negosyo at Kapatid Mentor Me Briefer si Henry Tenedero, President ng Philippine Marketing Association. Kaugnay pa nito, nagbahagi sina Almira Silva, may-ari ng Mira’s Turmeric Products at Angelica Monsale, may-ari ng Koibito’s Artisinal Gelato,mga graduates ng KMME Program sa naunang dalawang batch ng kanilang mga karanasan kung paano nila sinimulan ang kanilang negosyo, mga naranasan nilang balakid at mga natutunan nila sa pagsailalim sa programa na ginawa nilang inspirasyon upang maitawid at mas maipakilala ang kanilang mga produkto sa merkado. Ayon kay Silva, bukod sa pagsailalim sa KMME, nakikibahagi din sila sa mga iba’t-ibang trade fairs sa tulong na rin ng mga kapwa mentees at ng DTI Batangas kaya’t mas madali nilang maipakilala ang kanilang mga produkto. May mga kakilala,kamag-anak at kaibigan din sila na tumulong upang ipakilala ang produkto sa ibang lugar sa bansa. Binigyang-diin pa nito na sa mga nagsisimulang magnegosyo,napaka-importante ng sipag at pasensya sa lahat ng bagay, dahil sa umpisa talagang mahirap ito lalo na at hindi pa kilala ang produkto o serbisyo ngunit kapag hinaluan ng tiyaga at determinasyon ay darating ang panahon na mabubuo ang lahat ng pangarap na pagtatagumpay sa negosyo. Ang mga mentees ay sasailalim sa 10 modules na kailangan nilang tapusin upang makatapos sila at makabuo ng Business Improvement Plans na siyang ipepresenta sa grupo ng panelists. Ang mga mentees ay kinakailangang mai-aplay ang mga natutunan nila sa pagsailalim sa KMME program upang mas mapaunlad at maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo sa publiko. (BHABY P. DE CASTRO, PIA Batangas) QUEZON CITY, (PIA)- Nanawagan si Director Carmen Reyes-Zubiaga, tagapangulo ng National Council on Disability Affairs, na siguruhing makakaboto nang maayos ang mga persons with disability (PWDs) sa Mayo 13. Ayon kay Zubiaga, nasa mahigit na 300,000 ang mga registered voters na PWDs sa buong bansa na nagnanais na makaboto kahit sila’y may kapansanan. “Nananawagan din ako sa mga miyembro ng electoral board na huwag piliting umakyat sa mga polling precinct ang botanteng may kapansanan. Ang board ang dapat na bumaba at mag-abot ng balota sa mga may kapansanan at antaying mapunan ang balota,” pakiusap ni Zubiaga na isa ring PWD. Ayon sa opisyal, sa kagustuhan nyang makaboto noong nakaraang 2016 elections, napilitan syang pumayag na buhatin paakyat sa kanyang presinto sa kabila ng kanyang pagtangging magpabuhat. “Humanap tayo ng paraan upang maging mas madali ang pagboto ng ating voters with 162... Umabot naman sa 63 ang bilang ng mga employer na nakiisa sa job and business fair na idinaos kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-117 taong araw ng paggawa sa lalawigan ng Quezon. Samantala, ang panlalawigang tanggapan ng DOLE ay patuloy din ang kampanya konta kontraktwalisasyon o ENDO. “Noong nakaraang taon (2018), may 800 manggagawa sa lalawigan ng Quezon ang natulungan natin para ma-regular Calabarzon... 2017. Services sector expanded from 6.0 percent in 2017 to 7.1% in 2018 due to the faster growth of its sub-industries. From 8.9% in 2017 a big leap of 15.5% in 2018 was recorded on Public Administration and Defense, Compulsory Social Security. Other sub-industries which posted acceleration were Other Services with 11.0%; Financial Intermediation with 8.8%; Trade by 5.8% and Transportation, Storage and communication by 4.5%. Ground... May 20 mentees ang nakibahagi sa paglulunsad ng ikatlong batch ng Kapatid Mentor Micro Enterprises(ME) Program ng DTI Batangas. Nakibahagi sa paglulunsad sina DTI IVA Calabarzon Regional Director Marilou Toledo, DTI Batangas Provincial Director Desiderio Jurado III at PCE Mentor Henry Tenedero.(photo and caption by:Baby P. De Castro-PIA Batangas) na ang Lalawigan ng Quezon ang fastest growing economy sa buong CALABARZON region. Ayon kay Gob.David Suarez, napapanahon lamang ito dahil sa sunod-sunod na pagkakaroon ng iba’t-ibang investment and development sa probinsya tulad ng TR4 extension, mga processing plants, industrial parks at iba pa. “Bahagi ng kanyang master development plan para sa Lalawigan ng Quezon ay ang pagiging commercial industrial area of development ng 2nd District samantalang nakatutok naman ang iba pang distrito para sa pagpapatibay ng agri-industry sa probinsya,” sabi pa ng gobernador. disability,” aniya. Ayon pa kay Zubiaga, ang Las Piñas at Muntinlupa ang ilan sa mga lokal na pamahalaan na nagsagawa ng orientation sa pagpapalaganap ng accessible elections. “We expect for the worst but we count on our barangay captains that reasonable accommodation be accorded to our PWDs (Inaasahan namin ang hindi kaaya-aya para sa PWDs pero kami’y umaasa sa mga kapitan ng baranggay na bigyan ng sapat na suporta ang ating PWDs),” dagdag ng opisyal. Pinuri naman ng NCDA chief ang tulong ng mga non- government organizations na nagtutulak ng full participation ng mga PWDs sa eleksyon. Ayon pa sa opisyal, nabuo ang grupo ng mga PWD volunteers na magmo-monitor sa mga presinto sa araw ng eleksyon sa National Capital Region. Ang mga obserbasyon na makakalap ng mga volunteers ang magiging basehan ng rekomendasyon ng NCDA sa susunod na eleksyon. (PIA) mula sa pahina 1 habang ngayong taong ito (2019) ay target nating matulungan ang may 1,000 manggagawa upang mapermanente sa trabahong kanilang pinapasukan,” sabi pa ni Hernandez. Kaugnay nito, ang panlalawigang tanggapan ng DOLE ay nagpapasalamat sa pamunuan ng Pacific Mall gayundin sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan at 63 na mga employer na nakiisa sa pagdaraos ng job and business fair. (Ruel Orinday, PIA- Quezon) mula sa pahina 1 On the other hand, a slower growth from Real Estate, Renting and Business Activities was recorded from 6.0% in 2017 to 6.9% in 2018. AHFF increased from 0.6% in 2017 to 0.7% in 2018 which is attributed to the growth of Agriculture and Forestry from 0.8% in 2017 to 2.7% in 2018. On the other hand, Fishing declined by negative 6.4% in 2018 from negative 5.4% in 2017. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas) mula sa pahina 1 Sa nasabing okasyon, nagpaabot ng suporta sina Gob. David C. Suarez at Cong. Danilo E. Suarez para sa ikabubuti ng nasabing proyekto. Siniguro rin nila ang pagpapanatili sa proteksyon ng kalikasan base sa environment protection laws na ipinatutupad ng Department of Environment and Natural Resources. Anila, hatid nila ang kanilang isandaang porsyentong tulong upang mas mapabilis pa ang implementasyon at pagsasakatuparan ng isang panibagong malaking proyekto para sa kaunlaran ng lalawigan. (Ruel Orinday, PIA- Quezon/ May ulat mula sa Quezon PIO)