Tambuling Batangas Publication May 15-21, 2019 Issue

Facebook inadvertently creates jihad videos p.5. LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Panawagan ng NCDA chief: Tiyaking makakaboto nang maayos ang mga PWD p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) MMDA urges film producers to submit “quality, innovative” entries for 45th MMFF p. 5 Unang pagawaan ng steel beams sa bansa, itatayo sa bayan ng Lemery p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 20 May 15-21, 2019 P6.00 Calabarzon posts 7.3% economic growth for 2018 By Mamerta De Castro MALVAR, Batangas, (PIA)- The economy of Calabarzon has accelerated from 6.7% in 2017 to 7.3% in 2018 based on the report conducted recently by Philippine Statistics Authority IVA at the Occassions Garden in Lima Park Hotel here. According to PSA IVA Regional Director Charito Armonia, the acceleration was considered as the fastest in six years and was brought about by the growth of Industry and Services as well as the turn-around performance of Agriculture, Hunting, Forestry and Fishing (AHFF). Out of the 7.3% growth, Industry remained the biggest contributor at 4.9% followed by Services with 2.4% and AHFF contributed the least with 0.03%. Among the three major economic industries, Industry sector has the largest share at 62.3% of the region’s economy followed by the Services sector with 32.9% and AHFF had the least share of 4.8%. Compared to the report in 2017, Industry grew at a faster pace of 7.9% from 7.8% which was mainly driven by the upswing of the Manufacturing sub-industry to 8.0% from the previous 7.4%. Construction also contributed to the growth although it was recorded in 2017 to have a 15.6% growth slower than the 9.5% this year. Electricity, Gas and Water Supply posted a faster growth of 3.9% in 2018 from 3.4% in 2017. Mining and Quarrying accelerated to 3.5% in 2018 far from the 1.0% result in Sundan sa pahina 2.. 162 job seekers, hired on the spot sa job and business fair By Ruel Orinday LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, (PIA)- Umabot sa 162 na mga job applicants ang natanggap agad sa trabaho matapos mag-apply ng trabaho sa isinagawang job and business fair ng Department of Labor and Employment (DOLE)- Quezon at ng Pacific Mall kamakailan dito sa lungsod. Sinabi ni Provincial Labor Officer Edwin Hernandez ng DOLE-Quezon na ang mga natanggap na aplikante na 162 ay bahagi ng 761 na mga job applicants na naitala ng DOLE- Quezon sa idinaos na job fair noong nakalipas na Mayo 1. Ayon pa sa labor officer, mas maraming aplikante ngayon ang nagpatala kumpara noong nakaraang taong job fair na may halos 700 aplikante ang naitala. “Sa ngayon ang iba’- ibang kompanya o employer sa lalawigan ng Quezon ay nangangailangan ng may 6,500 na manggagawa upang mapunan ang mga bakanteng trabaho kung kaya’t napapanahon ang pagdaraos ng job fair,” sabi pa ni Hernandez. Sundan sa pahina 2.. Calabarzon’s economy accelerated from 6.7% in 2017 to 7.3% in 2018. Industry remained the biggest contributor at 4.9% followed by Services with 2.4% and Agriculture, Hunting, Fishing and Forestry contributed the least with 0.03%. (BHABY P. DE CASTRO, PIA Batangas) Groundbreaking ng Steel Asia, idinaos sa Candelaria, Quezon By Ruel Orinday CANDELARIA, Quezon, (PIA)-- Idinaos ang groundbreaking ng isa sa itinuturing na pinakamalaking steel manufacturing company sa bansa na Steel Asia sa Barangay Malabanban Sur sa bayang ito noong Abril 29. Ayon sa Quezon Public Information Office, ang SteelAsia ay isa sa mga flagship steel company sa buong bansa na naghahatid ng higit 2 milyong tonelada ng rebar kada taon. Tumatayo bilang Chairman at CEO ng nasabing kumpanya si Benjamin Yao na tubong-Lucbanin. Sa pamamagitan ni Yao, ipinaabot ng kanilang kumpanya ang pasasalamat sa kooperasyon ng pamahalaang panlalawigan at munisipyo ng Candelaria para sa pagpapatibay ng nasabing proyekto. “The Province of Quezon, the Municipality of Candelaria and the barangay of Malabanban-Sur will be home to the most precise, most efficient and most environmentally friendly wire-rod manufacturing facility in the world. This is something we should be proud of,” ayon kay Yao. Aniya, ang proyektong ito ang magbibigay-daan sa mas maraming oportunidad para sa mga mamayan ng Candelaria at ng buong lalawigan. “It will create many business opporutnities to support operation. It will create small and medium enterprises. We expect many of these new businesses will be formed by Candelaria’s entrepreneurs – whom one day maybe global exporters,” dagdag pa ni Yao. Aabot sa 32 hektarya ang sukat ng lupang pagtatayuan ng nasabing planta na inaasahang makapagbibigay ng higit 1,500 na trabaho para sa mga mamamayan ng Candelaria at karatig-bayan sa segunda distrito. Matatandaan na kamakailan ay idineklara ng National Economic Development Authority Sundan sa pahina 2.. Buong Team EBD panalo reelected Mayor Beverley Dimacuha at Vice Mayor June Berberabe na parehong tumakbo ng walang kalaban. Sa 223, 228 registered voters sa lungsod, NAKUHA ng Team EBD ang boto ng mga taga Batangas City sa ginanap na midterm elections noong May 13. Noong gabi ng eleksyon, iprinoklama sina reelected Mayor Beverley Dimacuha at Vice Mayor June Berberabe na parehong tumakbo ng walang kalaban. Sa 223, 228 registered voters sa lungsod, nakakuha ng 136,055 votes si Dimacuha habang nakakuha naman si Berberabe ng 134,529 votes. Iprinoklama ngayong May 17 ang mga city councilors- elect sa Sangguniang Panlungsod Session Hall. Sila ay sina Atty. Alyssa Cruz na number one councilor, Aileen Grace Montalbo, Nestor Dimacuha, Karlos Emmanjuel Buted, Gerardo de la Roca, Oliver Macatangay, Nelson Chavez, Julian Villena at mga bagong konsehal na sina Julian Pedro Pastor, Isidra Atienza, Maria Aleth Lazarte at Lorenzo Jr. Gamboa. Ang proclamation ay ginampanan nina Batangas City Acting Comelec Officer Atty. Gretchen Dolatre kasama sina City Prosecutor Bien Patulay at si Dr. Victoria Fababier, chief, Schools Governance and Operations Division, Schools Division of Batangas City bilang Board of Canvassers sa Sundan sa pahina 3..