Tambuling Batangas Publication May 08-14, 2019 Issue | Page 4

OPINYON May 8-14, 2019 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Boilers and spoilers SO it finally happened. Untrammeled by loyalties, two siblings running for the top post in Makati duked it out with sharp words that wounded, disproving that blood is thicker than water. In Manila, the former knight had drawn his sword against his former kings, more outspoken now about his sentiments. The relatively quiet elections — in the sense that everyone just went on with their campaigns, whether independently or under the party system — had begun to boil under the heat of summer. A slow simmer is actually what it was all along. In the latest televised debate of senatoriables, it was obvious that things could easily turn volatile without conscious and possibly immense restraint. Riled-up audiences can light the fuses of certain personalities and vice versa. Some topics can strike a chord of discord so fast, a lesser experienced moderator would immediately lose control of the situation. On the national front, the most sensitive triggers for senator wannabes remain to be the biggest issues of the day: West Philippine Sea (aka a question of sovereignty), Drug War (aka human rights issues) and what could well be called a messy pail full of dirty laundry (water and electricity shortages, food scarcity and disaster preparedness — also known as human survival). The last one has notably made the local campaigns much more interesting, too. People who are feeling the effects of the latest issues on their daily lives look to their local government leaders for immediate answers. Therefore, they are much more critical and less forgiving now than ever. Just ask any Juan (who has never felt more Third World than in these days of water shortages) who he will vote for, and he may likely frown than make his usual joke. Meanwhile, candidates who still believe the old ways of doing things will still get them to the top of the polls have another think coming. Judging from surveys, the usual suspects (aka the old guards) have not been doing so well, compared with the uber popular newbies with short nicknames like “Bato” and “Bong” Go. In a Pulse Asia survey conducted a month before the elections, five female candidates made it to the Top 14, with Senators Cynthia Villar and Grace Poe still leading in spite of (or maybe because of) not being affiliated with any party. Also in the game are Pia Cayetano, Nancy Binay and Imee Marcos. Other top contenders are the controversial celebrities Lito Lapid, Bong Revilla and Jinggoy Estrada whose fan bases certainly are not disappointing them (in spite of them having been involved in graft issues). Young guns Sonny Angara, Koko Pimentel, JV Ejercito and Bam Aquino are also up there (because of and in spite of the ground that had been laid ahead for them by their ancestry, which had given them a wide open door into politics and opportunities to carve their own paths as elected officials themselves). If surveys are to be believed, then it almost seems like the administration slate should be rejoicing by now because the most recent survey suggests that a number of them have a sure seat in the Senate. Proving that hope springs eternal, however, some still believe it could be the Otso Diretso’s game after all. The opposition slate thinks a “come from behind, surprise victory” could be pulled off. As one older senator has said, the only survey that matters is the one on election day. Still, these preelection results somehow reveal trends that are worth watching out for. And if one does not want his expectations foiled, then watch the Game of Thrones instead. Ni Teo S. Marasigan Facebook Status, Edisyong Eleksyon MINSAN, nasabi ni Jim Hightower, nagpapakilalang “Kaliwa-populistang aktibista,” na sa kulturang pampulitika ng US, hindi mo masasabing malaganap ang isang ideya hangga’t hindi ito laman ng mga bumper sticker ng mga kotse. Sa kaso ng naaabot ng Internet sa Pilipinas, Facebook status na siguro ang masasabing katulad. Kaya heto ang ilang panukalang Facebook status kaugnay ng paparating na eleksyon. Sana ma-like. Nu’ng sumigaw ng “Villar!” si Baby James at nagpahayag ng pagkatuwa si Villar, sinabihan siya ng mga maka-Noynoy: Huwag pagsamantalahan si Baby James. Nu’ng nag-presscon ang nanay ni Villar tungkol sa mga atake sa anak niya, sinabihan si Villar ng mga maka- Noynoy: Di na nahiya, ginamit pa ang nanay na malapit nang mamatay. Eh sino bang gumagamit kay Baby James at kay Cory Aquino to the max sa kampanya? Kaka-text lang ng isang kaibigan mula Antique. May kumakalat daw na CD doon na may nakasulat sa labas na “NP-PKP, Bagong Alyansa” at may logo ng Nacionalista Party at Communist Party of the Philippines. Sa isang bayan daw doon, may nagkakalat ng “balita” na uupo sa gobyerno si Jose Maria Sison kapag nanalo si Villar. Hindi raw pala militar ang nagkakalat ng ganitong black propaganda, kundi ang mga taga-Liberal Party. Tunay nga: naliligo ngayon sa dagat ng paninira ng LP si Villar at ang Kaliwa. Paki-verify: Sabi ng isang kaibigan, nu’ng mahina pa raw ang panawagang “Noynoy for President” matapos mamatay ni Cory Aquino, napanood daw niya sa TV na nag- presscon sina Mar Roxas at Butch Abad (campaign managerngayon ni Noynoy). Ang sabi: Wala pang karanasan si Noynoy sa pamumuno, at dumadaan siya sa “psychiatric help” dahil sa nangyari sa kanya noong kinudeta ng mga rebeldeng sundalo ang nanay niya. “Abnoy” raw ang tawag ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita kay Noynoy. Hindi ko alam kung totoo, pero malinaw na ngayon, na ABNOY siya: American Boy si NOYnoy. Tanong: Paano mamumuno ang walang nagawa bilang kongresista at senador, hindi tumampok sa paglaban kay Gloria, at tumatakbo ngayon sa kasikatan ng “Mama at Papa” niya? Sagot: Sasandig sa mga tagapayong neoliberal at sosyal-demokrata. Hindi man siya awtistik sa pakahulugan sa sikolohiya, awtistik naman siya sa pamamahala. Ilang araw na lang, mahahalal na si Cong. Gloria Macapagal-Arroyo. Huwag nating kalimutan: may Randy David na kaya sana siyang labanan, nangakong lalaban sa kanya, pero naduwag noong dulo at umatras dahil daw sa “pamilya” niya. Hindi ba’t iyan ang pakahulugan ng “kasamaan (evil)” ni Alain Badiou? “Ang kasamaan ay ang yugtong wala akong lakas na maging tapat sa Kabutihang nag-uudyok sa akin.” Baka ayaw lang ni Randy David na mawalan ng kolum sa Philippine Daily Inquirer kaya hindi siya tumakbo kontra kay Gloria. Paano pa siya mangangaral ngayon tungkol sa kanyang klase ng aktibismo? May kolum nga siya, wala naman na’ng kredibilidad. Sabi dati ni Jessica Zafra, “Paano’ng nangyaring hindi pa ako nainterbyu para sa mga tinatawag na sarbey pang-opinyon? Na wala pang kaibigan ko ang nainterbyu para sa sarbey? Na wala pang kaibigan ng mga kaibigan ko ang nainterbyu para sa sarbey? Gusto ko tuloy silang tanungin: Gusto ninyo ng opinyon? Marami akong opinyon!” May kakilala akong nagtrabaho dati sa dyaryong pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy, malapit na kaibigan ni Gloria at nag-endorso nitong huli kay Gibo. Noong gusto raw ng kakilala kong magsulat tungkol sa ekstrahudisyal na pagpaslang, sinabihan daw siya ng editor na huwag na lang. Hindi raw kasi gusto ng mahal na Pastor ang isyung ito. “Pribadong usapin” daw ang isyu sa Hacienda Luisita, sabi ni Manuel Buencamino. May mga tao diyan, sobrang iniisip na ang magiging pagbabalik-gobyerno nila kapag nanalo si Noynoy kaya hindi na makapag-isip nang tuwid. O pribadong usapin ba ang pagtatrabaho dati sa gobyerno ni Cory at pagpapanggap na “independyente” ngayon? Ang kolumnistang si Manuel L. Quezon III, ipinagtatanggol ang kawalan ng reporma sa lupa sa Hacienda Luisita. Karapat- dapat magtrabaho sa gobyernong Aquino! Makakabalik na kaya siya sa Malakanyang, siyang dating speech writer ni Gloria? Aktibista 1: Ang tatag ng nag-iisang uod na hindi pa pumipirma sa pagkuha ni Lord kay Juan Ponce Enrile. Aktibista 2: Wala ba tayong pag-oorganisa sa mga uod? Villar ka man o Aquino, sinuman ang manalong pangulo, kailangan may nagbabantay, naglalantad, at bumabanat sa gobyerno. Iboto: Liza Maza at Satur Ocampo sa Senado! Revilla, Lapid, Enrile, Marcos – pasok lahat sa sarbey para sa halalang pang-senador. Magiging trend kaya ito sa mga susunod na halalan? Na kapag matindi ang tutok sa mainit na kumpetisyon sa presidente at bise- presidente, pipiliin na lang ng mga tao ang mga pangalang pamilyar o inaakala nilang kilala nila? Kahit dapat na’ng ibasura? Sa tingin ko, ang sinasabi ni Jose Maria Sison sa panayam sa Bulatlat.com ay suicide, pagpapakamatay na para kay Gloria na sikapin pang manatili sa poder sa pamamagitan ng failure of elections o ibang paraan – pero hindi ibig sabihin na hindi siya magpipilit. Mag-ingat sa napakaraming party-list ni Gloria! Huwag silang iboto! Para makasiguro, pumili sa subok na’ng mga partylist ng masa at para sa masa: Act Teachers, Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, Katribu. Pero huwag silang lahat ang iboto. Isa lang! Sabi ng kolumnistang si John Nery, kapag isinulat daw ang kasaysayan ng eleksyong 2010, dalawang kapwa-kolumnista niya ang lalabas: si Conrado de Quiros, syempre pa, para sa pagpanawagang tumakbo si Noynoy na pangulo, at si Solita Monsod para sa “independyente” raw na paglalantad sa pekeng kwento ng karalitaan ni Villar. Talaga? Independyente? Lantad na maka- Gloria na halatang maka-Noynoy! Tsaka kasabay lang ng kolum niya ang kay William Esposo ng Philippine Star, na malinaw na kontra-Gloria. Ito namang si Bong Revilla, wala man lang pagpapanggap na may dala ng isyu ng masa, puro “Otso-otso” na lang ang propaganda. Sapat na ang isyu ni Katrina Halili? Ano ang ugnayan ng mga berdugong militar tulad ng senatoriable na si Jovito Palparan at ng nagpapanggap na aktibista pero maka-Kanang senatoriable na si Risa Hontiveros? Kumbaga, sina Palparan ang mga sundalong Hapon, si Hontiveros ang Makapili. Noong eleksyong 2004, hindi masyadong maganda ang labas sa mga sarbey ng rebeldeng sundalong si Sen. Antonio Trillanes IV, pero nanalo siya. Tulungan nating mag-ala Trillanes ang mga rebeldeng mambabatas na ipinakulong din ni Gloria dahil sa matatag at mahusay na pagtutol sa kanya! Iboto sa Senado: Liza Maza at Satur Ocampo! 05 Mayo 2010