Tambuling Batangas Publication May 08-14, 2019 Issue | Page 3

BALITA May 8-14, 2019 Mandanas School Building, pinasinayaan sa San Roque, Bauan Jun –Jun De Chavez – Batangas Capitol PIO Eric Arellano — Batangas Capitol PIO Simula... Dimacuha at Secretary to the City Mayor Atty Reginald Dimacuha gayundin si dating mayor at OSCA President Vilma Dimacuha bandang 10:00 ng umaga. Ayon sa mensahe ni Mayor Dimacuha, natutuwa siya na very peaceful at orderly tuwing eleksyon sa Batangas City. Hinikayat niya ang mga mula sa pahina 1 mamamayan na iexercise ang kanilang right to vote at nagpaabot ng pasasalamat sa muling pagkakahalal bilang Punonglungsod. “Bagamat pressured, mas pag-iigihan ko pa ang paglilingkod,” sabi niya. Sina Mayor Dimacuha, Vice Mayor Dr Jun Berberabe at Congressman Marvey Marino ng 5th District ay walang naging kalaban sa kanilang posisyon ngayong eleksyon. Bumoto din sa BANAHIS ang ilang myemrbo ng Tanduay Athletics Team na noong Season 1 pa lang ng Anta Rajah Cup ng MPBL ay nagpatala na bilang mga registered voters ng Barangay 18. PINANGUNAHAN ni Governor DoDo Mandanas ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng bagong gawang Hermilando I. Mandanas (H.I.M) school building sa Mababang Paaralan ng San Roque, (MPSR) sa Munisipalidad ng Bauan noong ika- 7 ng Mayo 2019. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gov. Dodo Mandanas ang pagpapahalaga ng kanyang administrasyon sa larangan ng edukasyon. Aniya, ang gusali, na may 6 na silid-aralan, ay `isa ring pagpapatunay na walang katotohanan ang napapabalitang wala siyang nagagawa sa Bauan, na kanyang bayang sinilangan, bilang gobernador ng lalawigan. Isinagawa rin ang Brigada Eskwela Kick Off Activity, na pinangunahan din ni Gov. Mandanas, kasama ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan. Kabilang sa mga naging saksi sa pagtitipon sina 2nd District BM Arlene Magboo; Provincial School Board Head, Engr. Evelyn Estegoy; MPSR School Principal, Mrs. Rianita Pasig-pasigan; Batangas Province Assistant Schools Division Superintendent, Dr. Cathy Maranan; Parents – Teachers Association (PTA) President Rowena Villanueva; at, mga Batangas Provincial Government scholars mula sa Bauan. ✎ Jun –Jun De Chavez – Batangas Capitol PIO Eric Arellano — Batangas Capitol PIO Mga kabataan, may summer jobs sa city government Job fair bilang paggunita sa Labor Day idinaos MY 591 aplikante ang sumubok na matanggap sa trabaho sa job fair ng Public Employment and Service Office (PESO) noong May 4 sa Batangas City Sports Coliseum kung saan may 28 na local at 12 international companies ang lumahok. Ito ay bilang paggunita sa Labor Day noong May 1. Ito ang ikatlong job fair ng PESO ngayong taon kung saan 65 aplikante ang hired on the spot. Ang mga local jobs na iniaalok ay ang secretary, production operators at office staff habang mga skilled workers naman ang sa overseas. Naririto rin ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang makapag bigay ng impormasyon at mag alok ng special trainings para sa mga nagnanais matuto ng trabahong aangkop para sakanila. Nagbigay din ito ng libreng masahe, manicure at pedicure sa mga nais makinabang sa mga serbisyong ito. Ayon kay Maeann San Juan na taga Brgy. Balagtas, first time nyang makapag apply sa job fair ng lungsod at kung siya ay matatanggap sa trabaho dito sa Batangas City, malaking alwan ito sa kanya dahilan sa Sto. Tomas pa siya nagtatrabaho. Taon-taon ,anim na beses nagdadaos ng Job fair ang PESO kung saan una itong gina ganap tuwing Enero, Marso para sa mga Senior High School students at Mayo . Araw araw ding mayroong Local Recruitment Activity (LRA) at Special Recruitment Activity (SRA) sa PESO. (Jeanette L. Reyes/OJT PIO) Job fair ng Public Employment and Service Office (PESO) noong May 4 sa Batangas City Sports Coliseum kung saan may 28 na local at 12 international companies ang lumahok. Ito ay bilang paggunita sa Labor Day noong May 1 Summer art workshop ng City Library kinagigiliwan ng mga bata ANG summer vacation ay hindi lamang pahinga sa mga school work , pwede rin itong maging pagkakataon upang matuto ang mga bata ng mga skills partikular sa arts kaya naman ang pangangailangang ito ang tinutugunan ng City Library sa pamamagitan ng Summer Art Workshop na libre nitong isinasagawa taon taon. May 37 mga bata edad pito hanggang 9 taong gulang ang sumailalim ng naturang workshop sa loob ng isang buwan mula April 8. Sila ay tinuruan ng staff ng City Library sa iba’t ibang uri ng sining tulad ng drawing/coloring, painting, paper folding (origami), storytelling, singing at dancing. Nahuhubog at naipapakita ng mga bata ang kanilang talento sa sining sa pamamagitan ng mga activities na ito. Naghahanda na ang mga bata sa culminating activity ng workshop sa May 10 sa Amphitheatre ng Plaza Mabini. (PIO Batangas City) Special Program for Employment of Students (SPES) NAGSIMULA na ngayong araw na ito, May 6, ang may 100 kabataang Special Program for Employment of Students (SPES) grantees sa 20 araw na summer jobs sa iba’t ibang departamento ng pamahalang lungsod ng Batangas. Layunin nito na mabigyan ng pagkakataong makapaghanapbuhay ang mga mag-aaral at out of school youth ngayong bakasyon lalo na yaong hirap makapag-aral dahilan sa kakulangang pinansyal. Ayon kay Public Employment Service Office Manager (PESO) Noel Silang na siyang namamahala sa nasabing programa, isa ang Batangas City na kinikilala ng Department of Labor and Employment sapagkat marami ditong estudyanteng nabibigyan ng trabaho tuwing summer vacation. “Hindi lang ito nagsisilbing work experience sa mga estudyante kundi nakakatulong din ng malaki sa kanilang mga gastusin sa pagbubukas ng klase,” sabi niya. May 75 bagong grantees habang 25 slots naman para sa mga dating SPES grantees. Bukod sa masusing panayam ng DOLE, sumailalim ang mga grantees sa SPES Qualifying Exam na pinapangasiwaan ng PESO. Nagkaroon sila ng orientation noong May 3. Ang second batch ng 100 kabataang grantees ay sa Hunyo naman magsisimula. Sila ay tatanggap ng sweldo ng salary grade one employee kung saan 40% ng kanilang sweldo ay manggagaling sa DOLE at 60% naman ay sa pamahalaang lungsod. (PIO Batangas City)