Tambuling Batangas Publication May 08-14, 2019 Issue | Page 2
BALITA
Department of Health (DOH) ang kauna-unahang Tuberculosis-Free Island Initiative sa Municipal Covered Court ng Barangay 15 sa Island Municipality
ng Tingloy, Batangas
Boy scouts tumutulong sa trapiko
PINATUNAYAN
ng
mga
Boy Scouts of the Philippines-
Batangas City Council na lagi
silang handang tumulong sa
komunidad
kahit
ngayong
bakasyon
sa
eskwela
sa
pamamagitan
ng
pagiging
katuwang ng Transportation
Development and Regulatory
Office (TDRO) sa pagsasaayos
ng trapiko sa P. Burgos St. na isa
sa mga pangunahing lansangan
sa lungsod. Ayon kay Council
Scout Executive Guilbert Alea,
ang gawaing ito ay ideya nina
BSP Batangas City Council
Chairman Mayor Beverley Rose
Dimacuha at Congressman at
Council Consultant Marvey
Mariño.
Sa ibang bansa aniya
ay ginagawa ito ng mga batang
scouts tuwing summer kung
kayat sa unang pagkakataon ay
isinagawa nila ito sa Batangas
City. May 45 junior at senior
high schools mula sa pampubliko
at pribadong paaralan sa lungsod
ang nagahahalinhinan sa pagduty
tuwing Lunes, Myerkules at
Byernes, mula 6:30 hanggang
9:30 ng umaga. Nagsimula
ito noong May 3 at tatagal
hanggang May 20. “Layunin ng
gawaing ito na sa murang edad
ng mga kabataan ay maimulat
sila sa kahalagahan ng batas
trapiko. Nagsisilbing training
ground din ang scouting upang
mahubog ng tama ang isang bata
at maging isang responsable at
disiplinadong mamamayan at
lider ng bansa,”sabi ni Alea.
Ayon kay Eagle Scout
Dan David Mendoza, 19 taong
gulang, mula sa barangay Cuta
Looban at tumatayong Corp
Commander ng Emeregency
Service Corp ng Batangas
City, limang taon na aniya
siyang scout at napakarami
na niyang natutunang skills
Boy Scouts of the Philippines-Batangas City Council
tulad ng pagbibigay ng first aid
treatment na nagagamit niya sa
kanilang bahay at sa komunidad.
Natutuwa sila na muling naibalik
ang ganitong klaseng activity
sapagkat mas nakikita ng mga tao
ang involvement ng mga scouts,
at napaka unique ng activity na
ito aniya.
Sinabi
naman
ni
Eagle Scout Jereme Tiamsim,
sobrang saya na nabigyan sila ng
pagkakataon na makapag-assist
sa kalsada na isang paraan ng
paglilingkod sa bayan.
Sumailalim din sa
pagsasanay higgil sa fire fighting
techniques ang mga naturang
scouts noong April 25-30 sa
Bureau of Fire Protection.
Panawagan ni Alea sa mga
magulang na pasalihin ang
kanilang mga anak sa scouting
sapagkat maraming kabutihang
maidudulot ito sa isang bata tulad
ng pagkakaroon ng disiplina at
sense of leadership. Samantala,
bilang sports coordinator ng
lungsod, ipinabatid din ni Alea
na noong nakaraang linggo ay
binuksan nila ang First Council
Chairman’s
Cup
–Summer
Basketball
and
Volleyball
League sa Alangilan Basketball
court.
Hangad
nito
na
mabigyan ng pagkakaabalahan
ngayong summer ang mga
kabataan at mabawasan ang
oras sa paggamit ng mga
gadget. Binibigyang pansin nila
ang mga high school students
sapagkat ito aniya ang edad
kung saan maraming kabataan
ang naliligaw ng landas. (PIO
Batangas City)
May 8-14, 2019
TB-Free Island Initiative ng DOH
CALABARZON, inumpisahan
sa Tingloy, Batangas
Pormal
na
inilunsad
ng
Department of Health (DOH)
ang kauna-unahang Tuberculosis-
Free Island Initiative sa Municipal
Covered Court ng Barangay 15 sa
Island Municipality ng Tingloy,
Batangas noong ika-2 ng Mayo
2019.
“We have chosen to
start the project at Tingloy
because it is one of the areas in
CALABARZON, where cases
of tuberculosis are high and
continue to increase,” pahayag
ni Department of Health (DOH)
CALABARZON Director, Dr.
Eduardo C. Janairo sa kaniyang
mensahe.
Binansagan
bilang
“TANGLAW” o “TB Agapan,
Ngayon Lunasan at Wakasan”,
ang proyektong ito ay may
layuning hanapin, gamutin,
pigilan at sugpuin ang kaso
ng tuberculosis sa mga island
municipalities ng rehiyon sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
sapat at mabilisang paghahatid ng
mga serbisyong pangkalusugan
upang makamit ang zero-
catastrophic cost.
Naging
sentro
sa
aktibidad
ang
simbolikong
pagsisindi ng Torch of Unity,
kung saan naging kaisa si DOH
Assistant
Secretary,
Maria
Francia M. Laxamana at ilang
mga lokal na opisyales.
Ayon kay Janairo, bukod
sa Bayan ng Tingloy, isasama
rin nila ang Bayan ng Mabini,
Batangas dahil ito ang entry point
ng mga tao at isa rin itong factor
na maaaring panggalingan ng TB
transmission. Batay sa datos ng
DOH, mayroong 69 TB positive
patients sa isla ng Tingloy at
Pagsasanay...
pagsasanay. Inumpisahan ang
proyektong ito sa Barangay
Bataan, San Juan noong ika-5 ng
Marso 2019, sa gabay ng temang
“Handog na Kaalaman, Hanap
Buhay na Pangmatagalan”.
Ang
proyekto,
sa
ika-limang beses, ay patuloy
Gov...
ng
organizational/institutional
development training, technical
support equipage city and
municipal anti drug abuse council,
collaboration and coordination
with
various
government
agencies, at capability building
developments.
S a m a n t a l a ,
magkakaroon din ng training
Pagbuo...
ordinansa,
kinakailangang
magsagawa ng Search for Best
Barangay in Rabies Control. Ito
ay uumpisahan sa Setyembre
sa paggunita ng World Rabies
day habang ang awarding ay
gaganapin sa Marso sa paggunita
naman ng National Rabies Day.
Sa
isang
maikling
programa, nagbigay ng opening
remarks sa pangunguna ng vice
chairman nito na si Dr. Macario
Hornilla sa Office of the City
Veterinary ang Agricultural
Services(OCVAS).
Tinalakay
naman ni Dr Flor Abe kung
karagdagang 21 positive cases
na naitala noong Enero hanggang
ika-30 ng Abril ng taong ito.
Ikinatuwa
ni
Dr.
Rosalie Masangkay, Provincial
Health Officer I ng Provincial
Health Office (PHO), ang
programa sapagkat ito ay isang
malaking katuparan sa kaniyang
adbokasiya na mas mapabuti pa
ang kalagayang pangkalusugan
ng mga kababayan, hindi lamang
sa naturang lugar, kung hindi pati
na rin sa buong lalawigan. Naging
katuwang din sa inisyatibo ang
ilang mga doktor na bumubuo
ng PHO Tuberculosis team, na
kinabibilangan nina Dr. Josephine
Gutierrez at Dr. Gerald Alday.
Samantala, nagkaroon
naman ng tatlong araw na
medical at surgical mission sa
isla, na hatid ng PHO, kung
saan nagsagawa ng random
blood sugar (RBS) testing, body
mass index (BMI) at blood
pressure (BP) measurement,
urinalysis, hemoglobin testing,
newborn
screening
blood
testing, circumcision, medical
consultation, pregnancy check-
up, at smoking cessation seminar.
May dental services ding handog,
sa pangunguna ni Dr. Dionisio
Burog.
Bahagi rin ng programa
ang pamamahagi ng multivamins
sa mga kabataan, essential and
maintenance medicines para
sa mga katatandaan, dental
and pregnancy kits, at assistive
devices, tulad ng wheelchairs
at crutches para naman sa
mga Persons with Disabilities
(PWDs). ✎ Mark Jonathan M.
Macaraig – Batangas Capitol PIO
/ Photo: Dr. Rosalie Masangkay
mula sa pahina 1
na inilulunsad sa iba’t-ibang
bayan at lungsod sa lalawigan
sapagkat, bukod sa in-demand
ang manicure at pedicure, ito ay
maaari ring gawing part-time job
sa libreng oras ng mga sasailalim
sa training. ✎ Mark Jonathan M.
Macaraig – Batangas Capitol PIO
mula sa pahina 1
program ang Provincial Social
Welfare and Development Office
(PSWDO) na pinamagatang “Life
Skills and Leadership Training/
Disaster Preparedness for Drug
Surrenderees” na nakatakdang
gawin sa huling linggo ng Hunyo
2019. Bryan Mangilin – Batangas
Capitol PIO
mula sa pahina 8
ano ang rabis at kung paano
maiiwasan ito habang nagbigay
ng impormasyon hinggil sa dog
population at vaccination si Dr
Chito Sawali. Sa kasalukuyan,
may 17,000 aso sa lungsod.
Binigyang diin ni Bagui
na maging responsable ang mga
dog owner. Dapat siguraduhin
aniya na nakatali o nakakulong
ang aso sa isang pen upang huwag
itong makagala at makakagat ng
tao.
Mahalaga
aniyang
mabakunahan aniya ng anti rabies
vaccination ang mga alagang aso.