Tambuling Batangas Publication May 08-14, 2019 Issue
Pateros in ‘balut sa puti’ revival p.5.
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
TB-Free Island Initiative
ng DOH CALABARZON,
inumpisahan
sa
Tingloy,
Batangas p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
PH-made HET is DOST’s
proof that some dreams
do come true p. 5
Mandanas School Building,
pinasinayaan sa San Roque,
Bauan p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 19 May 8-14, 2019
P6.00
Gov. DoDo: “Gagamitin ang kapangyarihan
para masugpo ang droga, krimen sa lalawigan”
KINILALA
ni
Batangas
Governor DoDo I. Mandanas
ang kamakailang deklarasyon
ni Pangulong Rodrigo Duterte
na ang Lalawigan ng Batangas
ay kabilang sa mga lugar sa
bansa na naka-Red Flag dahil sa
ipinagbabawal na gamot.
Ang
pahayag
ng
gobernador ay naganap sa
Lingguhang
Pagpupugay
sa Watawat ng Pilipinas ng
mga kawani ng pamahalaang
panlalawigan noong Mayo 6,
2019 sa Provincial Auditorium,
Capitol Compound, Batangas
City.
Binigyang-diin ni Gov.
Mandanas na “gagamitin niya
ang kapangyarihan at kakayahan
upang sugpuin at labanan ang
pagkalat ng iligal na droga at
loose firearms sa lalawigan.”
Nabanggit din niya na, ayon
sa ulat ng Philippine National
Police (PNP) Batangas Province,
dalawa o tatlo ang napapatay sa
lalawigan araw-araw, kaya naman
mas paiigtingin ng pamahalaang
panlalawigan ang paglaban sa
droga, sang-ayon sa batas.
Magkakaroon
ang
Batangas PNP ng intensive
mobile check points sa lalawigan,
katulong ang Provincial Public
Order and Safety Services
Department (PPOSD), na may
nakalaang P 6M kada-taon para
sa Anti-Drugs Program.
Kabilang
sa
Drug
Abuse Prevention Program ng
pamahalaan, sa pamamagitan ng
Batangas Provincial Anti-Drug
Abuse Council Plan of Action for
C.Y. 2018-2021, ang pagbibigay
Sundan sa pahina 2..
Pagsasanay sa Manicure, Pedicure,
Hand at Foot Spa ng Kapitolyo,
patuloy na isinasagawa
ANG Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas, sa pamumuno ni
Governor DoDo Mandanas, ay
naglalayon na patuloy na maitaas
ang antas ng kakayahan at pag-
unlad ng kabuhayan ng sektor
ng kababaihan. Patunay dito ang
isinasagawang limang araw na
pagsasanay para sa Manicure
and Pedicure with Hand and Foot
Spa, sa pangunguna ng Provincial
Social Welfare and Development
Office (PSWDO).
Ang
nasabing
pagbabahagi ng mga kaalaman
sa mga Batangueña ay nilahukan
ng mahigit sa 20 na kababaihan
mula sa Lungsod ng Batangas,
nagsimula noong ika-7 ng Mayo
2019 sa Lingap Pangarap ng mga
Paslit Center, Inc., Batangas City.
Ang programang ito ay
naisakatuparan sa pamamagitan
ng
pakikipag-ugnayan
ng
PSWDO sa Catholic Women’s
League (CWL), isang non-
government organization na
naitatag noong 1919.
Muling pinangunahan
ni Ms. Marites De Chavez
ng PSWDO ang naturang
Sundan sa pahina 2..
Batangas Capitol PIO
Simula ng midterm elections sa
Batangas City maayos at tahimik
Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO
SA unang apat na oras ng botohan
ay naging maayos at tahimik ang
midterm elections sa Batangas
City maliban sa mga dati ng
reklamo na hindi makita ang
pangalan sa voters’ list.
Mayroon
namang
mga itinalagang tumutulong sa
mga botante sa paghahanap ng
kanilang mga presinto partikular
ang mga senior citizens, persons
with disability at mga buntis.
May nakatalaga ding
security assistance desk ng
Batangas City PNP at ang
desk ng City Health Office na
nagbibigay ng first aid sa mga
mangangailangan.
Ipinapaalaala
naman
sa mga botante na bawal ang
gumamit ng cellphone at makipag
usap sa mga watchers habang
bumoboto. Ang mga botante ang
naghuhulog ng kanilang balota
sa vote counting machine at
maglalagay ng resibo sa voter’s
receipt
receptacle
matapos
masiguro na ang kanilang mga
ibinoto ang nakalagay sa resibo.
Samantala, bumoto sina
Mayor Beverley Dimacuha at
Congressman Marvey Marino sa
Batangas National High School
(BANAHIS) kasama sina ABC
President Dondon Dimacuha,
ang kabiyak nitong si Atty Alyssa
Sundan sa pahina 3..