Tambuling Batangas Publication May 02-08, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Mayo 02-08, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Right to live RELATIONS between the Philippines and Kuwait seem to be on the verge of a meltdown following a series of incidents that took both countries by surprise. Following the death of Filipina maid Joanna Demafelis – whose body was found inside a freezer after her employers murdered her – President Rodrigo Duterte issued an order to ban Filipino workers from deployment to Kuwait. Both countries had been working to resolve the differences caused by the maid’s death, but relations once again plunged after videos of Philippine embassy staff helping Filipino workers flee from allegedly abusive employers surfaced. The move, according to the Kuwaiti government, was a clear violation of its sovereignty, and despite the apology of the Department of Foreign Affairs, Kuwait opted to expel Ambassador Renato Villa and to recall their own envoy from Manila. Of course, critics wasted no time in lashing out at the government for the ongoing rift with Kuwait. But what these critics are missing is that there are certain exceptions in these kinds of incidents, especially when there is already a life-threatening situation when our embassies receive calls from OFWs facing imminent danger. Human rights are universal. The government’s action – however unappealing to critics – was correct and appropriate because it is mandated to protect the lives of Filipinos here and abroad. If the government did not help those Filipino workers to flee from their abusive employers and died, what explanation will those critics offer then? Would they lash out again at the government for inaction? It seems that this is yet another case of “damn if you do, damn if you don’t.” But if it means saving the lives of Filipinos who face imminent danger, then we don’t mind. As long as the Philippine government assures the public that it will do whatever it takes to save OFWs whose lives are in danger, it should be clear to everyone that the protection of life trumps everything else, and is of utmost importance to the current administration. Ni Teo S. Marasigan Kabang-Bayan, Pambayad-Utang MARAMI MAN ANG magagandang pangako ng mga nagdaan at kasalukuyang gobyerno ng bansa, marami ring paraan para malaman kung tapat ito sa mga pangako. Isa na rito ang pag-aaral sa paglalaan nito sa kabang-yaman ng bansa o pambansang budget bawat taon. Dito natin makikita ang priyoridad o pagpapahalaga ng gobyerno: sa bayan at dayuhan, nakakarami at iilan, serbisyong panlipunan at pambayad-utang. Lumabas na ang panukalang pambansang budget ng gobyernong Arroyo para sa 2006. Taun- taon, ganitong panahon nagsisimula ang pagbubuo ng budget: Maglalabas ng mungkahi ang Department of Budget and Management, tatalakayin sa Kongreso at pagkatapos ay sa Senado, pagkakasunduin ang panukala ng dalawang huling nabanggit, at pagkatapos ay pipirmahan ng pangulo ng bansa. Sa gabinete ng pangulo magsisimula ang mungkahi at sa pirma ng pangulo mapipinal ang pambansang budget. Kaya pananagutan ni Arroyo ang panukalang pambansang budget sa 2006. Muli, pinakamalaking bahagi nito ang ipambabayad sa utang panlabas ng gobyerno. Sa P1.144 trilyon na budget, P313 B ang pambayad sa interes ng utang at P361 B sa prinsipal. Halos 28% ng budget ang nakalaan sa interes. Bukod pa rito ang pambayad sa prinsipal, na tinatawag na off-budget item – ibig sabihin, hindi isinasama sa pagkwenta ng buong budget. Samakatwid, P2 B bawat araw ang pambayad-utang. Samantala, P293 B lamang ang nakalaan sa mga serbisyong panlipunan katulad ng kalusugan, pabahay, at edukasyon – na pinaglaanan ng P119 B lang. Mapupunta ang kalakhan ng budget sa edukasyon sa sahod ng mga guro, hindi sa pagpaparami ng mga bagong guro at paaralan. Ang pinagsamang budget ng militar at pulisya ay aabot ng kulang-kulang P100 B – hindi pa kasama ang pondo para sa paniktik o intelligence funds na nakatanim sa mga opisina ng gobyerno, pinakamalaki sa Malacañang mismo. Sa mga nagdaang taon, karaniwan ang ganitong paglalaan ng kabang-bayan. Nilalabag ng gobyerno ang mismong Konstitusyon na nagsasabing dapat pinakamalaking bahagi ng budget ang ilaan sa edukasyon. Palaging pinakamalaki ang para sa pambayad-utang, pangalawa ang militar at pangatlo lamang ang edukasyon. Napakaliit ng budget para sa kalusugan at pabahay, na sa ilang taon ay kinakaltasan pa. Malinaw sa ganitong pagtutuos na may pondo ang gobyerno, pero hindi para sa bayan ito inilalaan. Tiyak na mas masahol ang partikular na itsura ng budget sa termino ni Arroyo. Hindi lamang literal na utang ang binabayaran ng gobyerno, kundi utang na loob – na may katumbas na literal na bayad – sa mga pwersang pulitikal na tumulong na manatili ito sa pwesto. Sa mga dayuhang bangko at gobyerno, na hindi tuluyang bumitaw kay Arroyo. Sa mga matataas na opisyal ng militar, na hindi bumaligtad katulad noong Edsa 1 at Edsa 2. Sa mga pulitiko, na kumampi sa kanya sa pagbasura sa kasong impeachment. Kitang-kita ang problema sa sistema ng gobyerno sa bansa: Namamayani ang interes ng mga dayuhang bangko at gobyerno, mga pulitiko – lalo na iyung kakampi ng pangulo – at matataas na tao sa militar. Hindi kailanman inuuna ang interes ng taumbayan para sa libre o abot-kayang edukasyon, serbisyong pangkalusugan at pabahay. May kapal pa ng mukha ang gobyerno na dagdagan ang buwis ng karaniwang tao. Oo nga pala, saan kaya galing ang pondo para buhayin sa ibang bansa si Virgilio “Garci” Garcillano? 15 Setyembre 2005