Tambuling Batangas Publication May 02-08, 2018 Issue | Page 3

BALITA Mayo 02-08, 2018 Halos 2,000 aplikante lumahok sa Labor Day job fair ng PESO “Malaking tulong na nabigyan kami ng sapat na kaalaman sa paghahanda ng resume at sa interview na magagamit namin sa pagaapply sa trabaho,” sabi ni Anonuevo. MAY 1,640 ang mga naging aplikante sa Handog Trabaho ni Mayor Edimacuha job fair na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) Taal Volcano Eruption Emergency and Contingency Planning, Binalangkas Patuloy na isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagpapalakas ng kahandaan nito sa pagtugon sa disaster at mga kalamidad matapos isagawa ng Batangas Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council ang Taal Volcano Eruption Contingency Planning and Workshop noong ika -2 ng Mayo 2018. Nagkaisang binalangkas ng Batangas PDRRM Council na kibibilangan ng mga kinatawan mula sa mga iba’t- ibang local and national government agencies at mga representante mula sa 14 na Local Government Units na nakapaligid sa Lawa ng Taal. Partikular na tinutukan sa planning workshop ang mga hakbang na gagawing sa oras na maganap ang 3 major eruption scenarios ng bulkan na maaring tumama sa mga pamayanang malapit dito. Ang mga ito ay ang Bay Surge o pagbulusok na maiinit na gas at usok kasama ang volcanic debris sa paligid ng lawa; Lake Oscillation o pagtaas ng level ng tubig at pag-alon na dulot ng pagputok ng bulkan; at, ang Volcanic Ballistic Projectiles o pagbuga ng mga volcanic debris paitaas at pagbagsak ng mga ito sa mga bayang nakapaligid dito. Sa pagbuo ng Command and Control na kinapapalooban ng Incident Command System and establishment of Incident Management Team, binalangkas dito ang plano sa pagkakaroon ng mga tamang lugar upang isagawa ang operasyon sa bawat munisipyo na malayo sa mga itinalagang permanent danger zones. Nilalaman nito ang delegasyon ng mga area at incident commanders na gaganap sa operasyon ng disaster response; pag-alam sa pagtatayo ng command centers, pinakamalapit na designated evacuation sites, at mga hospital at surveying ng kabuuan ng provincial road networks; at, pagtatalaga ng mga helicopter bases, para gamitin sa airlift and evacuation operations. Ayon kay Ms. Fe Fernandez, PDRRM Officer IV, ang ganitong paghahanda ay isinasagawa ng kanilang tanggapan upang sa oras na ma-activate ang disaster plan, mabilisan ng maisasagawa ng mga kasapi ng konseho at mga responders ang kanilang tungkulin at agarang maililikas, mabibigyang lunas, at mapapaabutan ng tulong ang mga nangangailangan. Kasama na din dito ang mabilisang ugnayan at pagbibigay impormasyon sa publiko sa tulong nga emergency telecommunications systems. Patuloy namang nananawagan si Fire Chief Sr. Insp. Glenn Salazar, na isa sa mga nanguna sa pagbuo ng plano, sa bawat pamilyang Batangueño na simulan ang kahandaan sa sakuna at kalamidad sa tahanan, at ibahagi ang kaalaman sa pagiging ligtas sa ibang tao sapagkat, aniya, “Ligtas ang may Alam.” / Edwin V. Zabarte-PIO Batangas Tourism Projects ng Batangas Province, Iniulat Inilahad ni Atty. Sylvia Marasigan, Department Head ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), ang mga aktibidad at accomplishments na isinagawa ng kanilang tanggapan noong ika- 30 ng Abril 2018 sa lingguhang Flag Ceremony sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Ilan sa mga nabanggit ay ang Department of Tourism Branding Workshop for Calabarzon sa Iloilo City; ang showcase ng Batangas products, destinations and Batangueño talents sa 85th PVMA Scientific Conference and Annual Convention sa Pasay City; Underwater Photo Exhibit with Batangas Scuba Academy; Media Famtour (Lakbay Lawa); Ating Likha Alay sa Bauan (ALAB) Art Exhibit; El Pasubat Festival Float Parade at iba pa. Iniulat din niya na umakyat ng 21% ang tourist arrivals ngayong 1st quarter ng 2018 sa buong probinsya kumpara noong 2017. Kaugnay pa nito, ibinahagi rin ni Atty. Marasigan ang planong pagkakaroon ng tinatawag na Barako Hour kung saan may libreng unlimited refill ng kape simula 1 hanggang 3 ng hapon na uumpisahan sa Lipa City. Target ng proyekto ang mga millennial, kaugnay ng planong pagsasagawa ng forum upang maipaliwanag ang importansiya ng Barako coffee katuwang ang University of Batangas. Nakahanay din sa kanilang mga proyekto ang para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan kung saan ilulunsad ang Ala Eh!, ang Tourism Travel Guide Book ng Batangas Province at Official Music Video ng Lalawigan ng Batangas. Samantala, nagpakitang gilas naman at nagbigay ng pampasiglang bilang ang mga batang nagsipagtapos mula sa OB Montessori Pagsasarili Pre-School na karamihan ay mga anak ng mga kawani ng Kapitolyo. Sa mensahe naman ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan, ipinabatid niya na isang magandang paraan ang turismo upang mas lalong umangat ang ekonomiya ng isang lugar at ng mga taong naninirahan dito. Lalo na ngayon na karamihan sa mga tao ay gumagastos sa magagandang tourist spots. Dagdag pa nito, ang Batangas ay mas nakikilala na bilang isa sa magagandang tourist destinations kung kaya’t napakasuwerte ng mga Batangueño dahil nabiyayaan ng napakaraming likas na yaman ang lalawigan. – Cecilei De Castro and Almira Eje / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO MAY 1,640 ang mga naging aplikante sa Handog Trabaho ni Mayor Edimacuha job fair na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) para sa 17,682 job openings ng walong overseas companies at 37 local corporations na lumahok dito ngayong May 3, sa Batangas City Coliseum. Ang job fair na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng pamahalaang lungsod ng Labor Day para sa mga Batanguenong manggagawa. Ayon sa mga lumahok na kompanya, mas madali para sa kanila na makapaghanap ng mga kwalipikadong indibidwal sa tulong ng job fair na isinasagawa ng Batangas City. Ilan sa mga malalaking kompanyang lumahok ay ang JG Summit Petrochemical Corporation, Mc Donald’s, Toyota Batangas, CDO, Teletech, Home Center, ACE, Epson, SM Supermarket, Pacific Star, Orange International at iba pa. Nauna rito, nagkaroon ng employment coaching ang PESO para sa mga graduating students ng Colegio ng Lungsod ng Batangas noong May 2. Isa sa mga ito ay si Precious Anonuevo, 19, at magtatapos sa kursong Business Administration. “Malaking tulong na nabigyan kami ng sapat na kaalaman sa paghahanda ng resume at sa interview na magagamit namin sa pagaapply sa trabaho,” sabi ni Anonuevo. Ang mga OFWs naman na sina Romulo Jarque,56, at Joselito dela Cruz,53, ay nagnanais nang tumigil sa bansa upang dito maghanapbuhay. Nakita nila sa facebook ang naturang job fair kung kayat malaki ang pasasalamat nila na hindi na nila kailangan pang pumunta sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Ang bagong licensed mechanical engineer na si Carlo Joseph Noriega, 22, ay nais munang makapagtrabaho dito bago makipagsapalaran sa abroad. Ayon kay PESO Manager Noel Silang, hangad nila na mahigitan ang target na 15% ng mga aplikante na hired-on-the- spot. Nagsusumite aniya ang mga kompanya ng listahan ng mga na hired-on- the spot, ilan ang qualified at hindi nagqualified kung kayat namomonitor nila ang status ng mga natulungan at nakinabang sa naturang job fair. Plano din aniya nila na gawing one- stop- shop ang job fair sa Hunyo kung saan iimbitahan nila ang SSS, Philhealth at PAGIBIG upang hindi na mahirapan pa ang mga aplikante sa pagkuha ng mga naturang requirements para sa employment. Sa tulong naman ng Department of Labor and Employment (DOLE), masisiguro na legal o lehitimo ang mga kompanya partikular yaong mga international companies upang maiwasan ang illegal recruitment. (PIO Batangas City) Pamamahagi ng Tulong Pinansyal sa mga Iskolar ng Mandanas Administration, Isinagawa Namahagi ang P a m a h a l a a n g Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at ng Provincial School Board, ng Educational Assistance sa mga bagong iskolars mula sa iba’t ibang paaralan sa Lalawigan ng Batangas para sa kasalukuyang semestre noong ika-2 ng Mayo 2018 na ginanap sa Bulwagang Batangan, Capitol Site, Batangas City. Nasa 278 na estudyante ang nabigyan ng tulong pinansyal sa batch na ito, na nakatanggap ng ayuda sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Vice Governor Nas Ona. Isa rito si Rey Ann P. Estacio, isang BS Petroleum Engineering na mag-aaral mula sa Batangas State University. Aniya, malaking tulong ito para sa kanyang pag-aaral lalo pa at graduating student siya. Ang mga gastos nila sa iba’t ibang requirements sa paaralan ay naiibsan. Gayun din, kabawasan na ito sa intindihin ng kanilang mga magulang sapagkat nailalaan din nila ang kanilang natatanggap sa allowance nila araw- araw. – Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO