Tambuling Batangas Publication May 01-07, 2019 Issue | Page 3
BALITA
May 1-7, 2019
COA – Prov’l. Satellite
Office Groundbreaking
Ceremony, Isinagawa
Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
Paglalaan...
Victoria Culiat at Provincial
Treasurer Fortunata Lat, at mga
Chiefs of Police ng iba’t-ibang
bayan sa probinsya, kasama ang
ilang mga representatives mula sa
Maritime Police at Philippine Drug
Enforcement Agency.
Ang nasabing proposed
plan, na may titulong “BPPO: Oplan
Sacleo on Illegal Drugs-2019-01”,
ay ibinahagi ni P/COL Quilates
upang higit maunawaan ang mga
kinakailangang aksyon na dapat
isagawa sa lalong madaling panahon
sa layuning maging cleared ang
lalawigan sa ipinagbabawal na mga
gamot.
Batay sa huling datos
ng BPPO sa lalawigan, 28 o nasa
2.6% ang kabuuang drug unaffected
barangays; 631 o nasa 58.53%
naman ang total number of drug
affected barangays; samantalang
mula sa pahina 1
may kabuuang 419 o 38.87% ang
cleared na mga barangay sa usapin
sa droga.
Inilatag
ni
P/COL
Quilates ang mga operasyong tiyak
na makatutulong sa kampanya ng
pamahalaan laban sa droga, kabilang
ang pagsasagawa ng aggressive
anti-illegal drug operations, re-
accounting of drug groups and
members including drug watch
list, at paglulunsad ng focused and
intelligence-driven operations.
Ayon kay Quilates mas
paiigtingin din ang isasagawang
buy bust operations ng 34 na police
stations, kung saan sakop din ng mga
operasyon ang maritime at coastal
barangays. Kasama sa plano ang
pagkakaroon ng sustained strategy
upang magtuloy-tuloy ang mga
nasimulang aksyon ng BPPO.
Samantala,
sa
naging mensahe ni Provincial
Administrator
Dimaunahan,
hindi lang ang kaso sa droga ang
tututukan nila, kung hindi pati na
rin ang problema sa baril na ayon sa
administrador ay nagiging paraan
sa pagprotekta sa mga gumagamit
ng iligal na droga.
“This
has
to
be
implemented,” dagdag na pahayag
ni Admin Dimaunahan. Nagbigay
din ito ng kaniyang pasasalamat
sa mabilis na askyon ng BPPO at
makakaasa aniya ang ahensya at
ilang mga katuwang na tanggapan sa
kampanya sa droga, na makumpleto
lamang ang mga kaukulang
batayan, ay maipapalabas agad ang
pondo para sa implementasyon ng
Oplan Sacleo on Illegal Drugs ng
BPPO.
✎ Mark Jonathan M. Macaraig
/ Photo: Macc Venn Ocampo –
Batangas Capitol PIO
NAKIISA si Batangas Gov.
DoDo Mandanas sa isinagawang
Groundbreaking Ceremony para
sa magiging bagong tanggapan
ng Commission on Audit (COA)
Region IV-A – Provincial
Satellite Auditing Office (PSAO)
noong ika-23 ng Abril 2019
sa Provincial Sports Complex,
Bolbok, Batangas City.
Ayon
kay
Gov.
Mandanas,
isang
malaking
karangalan para sa Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas ang
maging katuwang ng COA sa
pagpapatayo ng satellite office
nito sa Lalawigan ng Batangas.
Malapit aniya siya sa COA
sapagkat ang propesyon niya
ay Certified Public Accountant
(CPA) at ang una niyang naging
trabaho ay ang pagiging Auditor.
Binigyang-diin pa ni
Gov. Mandanas na kaagapay
ng COA ang Lalawigan ng
Batangas para sa kung anumang
kakailanganin nila upang maging
maayos at maganda ang magiging
pagseserbisyo nito sa publiko.
Sa mensahe ni COA
Chairperson Michael Aguinaldo,
ang bagong gusali na itatayo
sa Batangas ay ikalawang
Provincial Satellite sa Region
IV-A. Lubos ang pasasalamat ng
COA Chairperson sa tulong at
suporta ng Batangas Provincial
Government at Sangguniang
Panlalawigan, sa pangunguna ni
Gov. Mandanas. Dagdag pa niya,
si Gov. Mandanas ang “the best
Chairman, the Commission on
Audit ever had.”
Kabilang sa mga naging
bisita sa okasyon sina Mrs. Elena
Luarca, Supervising Auditor;
Mrs. Maria Oliva Ortega, Asst.
Regional Director IV-A; at, Engr.
Joel Limpengco ng Department
of Public Works and Highways –
Batangas 1st District Engineering
Office. JunJun De Chavez/ Photo:
Eric Arellano – Batangas Capitol
PIO
E-Trikes ilulunsad sa
Batangas City upang
mabawasan ang polusyon
Drafting of IRR ng Transport and Road
Usage Code sa Batangas Province, isinagawa
MAHIGIT sa 60 stakeholders ang
dumalo sa isinigawang Drafting of
Implementing Rules and Regulation
ng Provincial Ordinance No. 008
o mas kilala bilang Batangas
Transportation Usage Code noong
ika-30 ng Abril 2019 na ginanap sa
Provincial Planning and Development
Office (PPDO) Conference Room,
Capitol Compound, Batangas City.
Ang
nasabing
pagbabanghay
at
pagbibigay
mungkahi ng mga alintuntunin
at regulasyon, na pinangunahan
ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng Batangas sa pamamagitan ng
Provincial
Traffic
Management
Office na nasa ilalim ng Provincial
Public Order and Safety Department,
ay naglalayong mabigyan ng linaw
ang pangkalahatang sitwasyon ng
trapiko sa lalawigan.
Naging
pangunahing
tagapagsalita si 5th District Board
Member Arthur Blanco, may akda
ng naturang ordinansa, na nagpaalala
na ang batas na ito ay lubos na
makatutulong sa usapin sa trapiko na
magreresulta sa maayos na takbo ng
ekonomiya.
Nakiisa rin sina P/Lt. Col.
Aniceto S. Malapitan, Provincial
Traffic Management Officer; Mr.
Benjamin B. Bausas, PPDO Head;
Mr. Darwin Panganiban, Senior
Transportation Regulation Officer –
Land Transportation Office Region
IV-A; mga Traffic Management
Officers ng iba’t-ibang bayan at
lungsod; mga representatives ng
ilang departamento ng pamahalaang
panlalawigan; at, mga ahensya na
may kaugnayan sa pamamahala ng
trapiko.
Naging sentro ng talakayan
ang pagbabalangkas sa bawat section
ng ordinansa kung saan nagkaroon
ng pagkakataon ang bawat kalahok
na makapagbahagi ng kanilang mga
proposal para sa pagpapatatag ng
batas.
Ipinaliwanag naman ni P/
Lt. Col. Malapitan na bagama’t ang
ordinance ay naipasa na, bukas naman
umano ito sa anumang amyenda para
sa epektibong pagpapatupad nito.
Ang
Batangas
Transportation Usage Code ay
matatandaang naisabatas noong
ika-4 ng Marso 2019 at sasaklaw
sa provincial at national roads sa
Lalawigan ng Batangas.
✎ Mark Jonathan M. Macaraig and
Shelly M. Umali – Batangas Capitol
PIO
BATANGAS CITY-Pag-aaralan ng
pamahalaang lungsod ang posibilidad
ng paglulunsad ng electric tricycle
sa lungsod sa layuning magkaroon
ng energy efficient at environment-
friendly na mga sasakyan.
Ito ay matapos lumagda sa
isang Memorandum of Understanding
(MOU) para sa paglulunsad ng
E-Vehicle Initiative ang pamahalaang
lungsod sa pamamagitan ni Mayor
Beverley Rose Dimacuha at ang First
Gen Power Corporation na kinatawan
ni Vice President Ramon Araneta
noong April 29.
Ayon kay City Planning
and
Development
Coordinator
Januario Godoy, ang naturang
proyekto na inisyatibo ng First Gen
Renewables Inc, sister company ng
First Gas Power Corporation, ay
inaasahang magiging “simula ng
electric tricycle industry na posibleng
maging programa ng pamahalaang
lungsod.”
Ito aniya ay bilang suporta
sa renewable energy program at local
climate action plan upang mabawasan
ang air pollution at carbon emission
ng mga sasakyan.
“Mas
maliit
ang
maintenance cost ng e-trike at mas
mahaba ang life span kumpara sa
mga conventional na tricycle. Mas
marami ding pasahero ang pwedeng
isakay dito,” dagdag pa ni Engr.
Godoy.
Sinabi
pa
niya
na
mayroon ding ganitong programa
ang Department of Energy (DOE)
kung kayat posibleng pag-aralan din
kung pwedeng pag isahin ang DOE
program at ang local initiative.
Ipinabatid ni Mr. Araneta
na magbibigay ng limang e-trikes
ang First Gen bilang pilot vehicles ng
proyekto.
Magsisimula
ang
proyektong ito sa creation ng
Technical Working Group (TWG)
na siyang magsasagawa ng pag-
aaral sa feasibility at profitability ng
E-Trike. Pag-aaralan din kung saang
ruta, linya at kooperatiba o Tricycle
Operators
Drivers
Association
papasok ang mga sasakyang ito, kung
paano ang maintenance, saan ang
magiging charging station at iba pa.
Ang TWG ay bubuuin
ng Mayor bilang chairman, City
Environment and Natural Resources
Office, Transportation Development
and Regulatory Office (TDRO), City
Planning and Development Office
(CPDO) at iba pang konsernadong
ahensya, First Gas at Meralco para sa
charging station.
Inaasahan na sa buwan ng
Hunyo ay masisimulan na ang pag-
aaral habang ang MOU ay tatagal ng
tatlong taon.