Tambuling Batangas Publication May 01-07, 2019 Issue | Page 4

OPINYON May 1-7, 2019 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Shocked, shook, shaken Events of the past few days had the nation either shocked, shook or shaken. We’re not even referring to the effects of the magnitude 6.1 temblor alone that rocked Filipinos Monday. Actually, this shocked, shook, shaken syndrome started days before when self-proclaimed whistleblower, Bikoy, who claims to be a former member of a drug syndicate operating in Southern Luzon and the Visayas, came out in a series of videos where he appeared as a hooded figure and showed copies of the documents linking the First Family to the illegal drug trade. A lot of people were naturally shocked as it shook the very core of the Duterte administration’s war on drugs. People, for a while, have started doubting the authenticity of the centerpiece program of the government, naturally shaken in their belief. It was short-lived, however. All it took was for former Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go to lift his shirt and, voila! Bikoy and his puppet masters have been unmasked. There was no dragon figure tattoo on Go’s back as the alleged whistleblower on the President’s family claimed as a sign of the former aide’s involvement in the triad. All one could see in Go’s otherwise clean back are traces of ventosa marks, an ancient form of cupping therapy used by the Egyptians and Chinese that acts as a deep-tissue massage. After dazzling us with ledgers and accounts of supposed paper trails, Bikoy found to his dismay that it’s not easy eating one’s words. He has also made a similar claim against the President’s son and former Davao City vice mayor Paolo “Pulong” Duterte during the first segment of his so-called exposé. Unlike Go, however, the young Duterte has refused to bare his back and would not say whether or not he really had a tattoo. As one analyst said, Bikoy’s chance of exposing the Duterte family’s supposed big-time drug links fizzled out with the amateurish blunder of bluffing about Go having a triad tattoo. He, too, was probably shocked that the former presidential aide had called his bluff. And with just one flick of a finger, Go had not only demolished the black propaganda that is Bikoy. He also had pulled out all the stops to his senatorial bid. Nobody is shocked at this anyway, as he is among the frontrunners now in the race to the Senate. With Bikoy behind, it was the turn of the administration to pull off a shocker of its own when it confirmed a matrix of media organizations said to be behind the plot to oust President Duterte. Although shaken that media groups have been tagged as plotters in that exposé by a national daily, Malacañang responded by saying that it is ready to prosecute those who would commit “overt acts to bring down the government.” President Duterte himself, probably shook by incessant criticisms of his war on drugs, has threatened earlier to establish a revolutionary government of his own should he be pushed to the wall. What is shocking, however, is the revelation that conspirators in the so-called oust-Duterte plot has a so-called playbook to plant fake news, manipulate public emotion, touch base with the Leftist organizations and enlist the support of the police and the military before going for the kill. With Easter Sunday greeting us with that series of blasts in Sri Lanka that killed more than 300 innocent civilians, it seemed there was nothing more that could shake us out of our lethargy. We were wrong. For right the following day, while the world was celebrating Earth Day, the ground shook on a scale of 6.1 on the scales, literally jolting us out of our wits as if to say, enough of those tattoos and sinister plots. Here comes the shocker of all shockers. Time to behave. Ni Teo S. Marasigan Livin’ la Villar-Gloria Part 2 Sa kabilang panig, dahil humina sa survey, kinailangan ni Villar ng mga maaalyadong lokal na pulitiko. At gaya ng ipinakita ng nangyari kay dating Sek. Lito Atienza, handang-handa rin ang pumapangatlong si Erap na kuhanin ang mga maka-Gloria sa kanyang tiket. Sa ganitong batayan marahil, nagbukas si Villar sa pagpasok ng mga maka- Gloria. O, marahil, inakit niya ang mga maka-Gloria sa tiket niya. Ito rin siguro ang dahilan – bukod sa sinasabi umano niyang bilang negosyante ay hindi siya “kumprontasyunal” tulad marahil ni Donald Trump – kung bakit hindi talaga tampok si Villar sa pagbanat kay Gloria. Tugma naman ito sa interes ng mga maka-Gloria sa lokal na gobyerno na isalba ang naghihingalong buhay-pulitika nila, at si Villar ang nagbubukas sa kanila. Muli: hindi ito maganda, at patunay ng namamayaning bulok na pulitika, pero may katwiran sa tanaw ng tradisyunal na pulitika sa bansa – at hindi pa rin nangangahulugang siya ang sikretong kandidato ni Gloria. Maaaring ikatalo ni Villar ang mga hakbanging ito, pero hindi ibig sabihing maka-Gloria siya. Sa tingin ko, naging impluwensyal at kumapit sa opinyong publiko ang propagandang “Villarroyo” dahil nagawa ng kampo ni Noynoy na maksimisahin ang kalakasan ng kandidato nila: ang pagiging katiwa- tiwala niya – dahil, higit sa ano pa man, anak siya nina Cory at Ninoy, at hindi dahil naging katiwa-tiwala siya sa harap ng publiko. Sa kabilang banda, sikat na pulitiko at negosyante si Villar, at ang ganyang mga tao ay may bagahe ng hindi lubos na pagtitiwala ng publiko. Bukod pa diyan, makaisang- panig na nagpokus ang kampo ni Villar sa mga “positibong propaganda” nila, hindi pa nga masyado sa pagbanat kay Noynoy sa porma ng Hacienda Luisita, halimbawa. Hindi nito maagap at seryosong nasagot ang tsismis na “Villarroyo” na matagal nang lumalaganap, hanggang nitong nagkaroon na ng epekto sa mga survey. Kahinaan talaga ang bagay na ito – ang hindi pagkilalang mahalaga ang isyu ng rehimen ngayong halalan, matapos ang siyam na taong paghahari nito. Sa kabilang banda, kailangan ng mga hibang at buhong na propagandista ni Noynoy, at ng buong kampo niya, na todong banatan si Villar sa iba’t ibang paraan. Bagamat nangunguna pa rin sa survey si Noynoy, hindi rin siya tumataas. Iyan na nga, sabi ng mga manunuring pampulitika, ang problema kapag nag-peak agad ang kandidato sa pagkapangulo sa mga survey. Bukod pa diyan, hindi rin kaya ng kampo ni Noynoy na magpalawig sa mga “plano at programa” niya para sa bayan dahil madaling malalantad na ito ay walang iba kundi ang maka-mayaman at kontra-maralitang neoliberal na mga patakarang ipinatupad ng kanyang ina at ng lahat ng sumunod na pangulo, kasama na si Gloria. Dahil hindi na makakaangat sa survey si Noynoy, at hindi na rin niya magawang magbago ng propaganda bukod sa “Mama at Papa,” kailangan niyang banatan si Villar. Walang problemang gumanansya si Erap dahil mas madali namang mailalantad at mapapabaho ito sa publiko. Sa totoo lang, sa takbo ng pulitika sa bansa, hindi kataka- takang naghahanap ng pakikipag- usap ang kampo ni Gloria sa kampo ng mga nangungunang kandidato sa pagkapresidente. Hindi kataka-takang makipag-usap ito kay Villar, pero maging kay Noynoy rin. Pare-pareho naman silang mga naghaharing uri, na sanay sa maruruming kasunduan sa pulitika – at kung hindi naniniwala ang mga maka-Noynoy na ganito ang kandidato nila, balikan nila ang kasaysayan ng isyu ng Hacienda Luisita. Pero ano ang dapat tanganan ng Kaliwa, sa harap ng pakikipagkasundo ni Villar sa Kaliwa at sa publiko na paparusahan si Gloria kapag bumaba na sa pwesto? Ang mga sinasabi ni Villar, o ang mga pang-iintriga na malinaw na nagmumula sa kampo ni Noynoy at natural na pabor sa interes nito? Hindi naman talaga katiwa-tiwala ang mga pulitiko, pero mas wastong tanganan ang sinasabi nila – na napaglilingkod sa paglaban sa pinakamakitid na kaaway ng sambayanan, at magagamit din sa paglalantad at pag-upak sa kanila paglaon kapag bumuway at nagtaksil sila sa ipinapangako nila. Mahusay, syempre pa, ang opinyon ni Prop. Jose Maria Sison. Sa halip nga naman na magpokus sa mababaw na propaganda ng dalawa — na nakaligo na sa dagat ng basura ang isa at hindi naman magnanakaw ang isa — at sa usapin ng sino ang tunay at hindi tunay na maka-Gloria, mas mainam na magpokus sa plataporma nina Noynoy at Villar. Narito nga naman ang tunay na pakinabang ng sambayanan sa halalang ito. Malinaw rin ang hatol ni Prop. Sison: si Villar ang may mas mahusay na plataporma para sa bansa, dahil naglalaman ito ng mga pagsalubong sa makabayan at makamasang plataporma ng Kaliwa. Ang kampo ni Noynoy, sa kabilang banda, ay malinaw na nagsusulong ng neoliberal na mga programa’t patakarang ipinatupad ni Gloria. Ipapatupad nito ang mga programa’t patakarang neoliberal, tutal narito na ang mga masugid na tagapayo ni Gloria, habang abala naman ang Akbayan at mga sosyal-demokrata sa pagbibigay rito ng “makatao” umanong itsura. Hindi kataka-takang nagpahayag na ang mga salot na ekonomistang neoliberal ng suporta kay Noynoy. Ang sentral na islogan ng kampanya ni Noynoy, ang “Kung walang corrupt, walang mahirap,” ay hindi lang hindi totoo. Sa kabanatang “Corruption and Poverty: Barking up the Wrong Tree?” ng libro nilang The Anti-Development State [2004], pagkahaba-habang tinuligsa nina Walden Bello, unang nominado ng Akbayan, at Herbert Docena ang mitong katiwalian ang ugat ng kahirapan ng bansa. Sapat na nga namang tingnan ang mauunlad na bansang pawang may katiwalian pa rin sa gobyerno para pabulaanan ito. Pero may dagdag na punto ang dalawa: ang korupsyon sa pamahalaan ay matagal nang ginagamit ng imperyalismo, mga naghaharing uri at neo-kolonyal na Estado para pilit na bigyang-katwiran ang mga patakarang neoliberal sa ekonomiya. Sa diskursong ito, dahil tiwali ang gobyerno, hindi ito maaasahang makisangkot pa sa ekonomiya, kaya dapat na bumitaw na ito rito, at magpatupad na lang ng todong liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon sa ekonomiya. Mas mainam kung sa usapin ng programa’t patakaran uminog ang kampanya — bagamat ilang araw na lang ay eleksyon na. Ayos si Bello sa usaping ito, at hindi siguro niya masikmurang manahimik sa harap ng nakakasukang propaganda ng pangulong sinusuportahan niya, kaya naglabas siya ng sanaysay na “Why Fighting Corruption is not Enough.” Tunay naman kasing nakakabahala kung lalaganap nang hindi nahahamon ang mapanlinlang na propaganda ng kampo ni Noynoy. At tutal, nasa programa’t patakaran na tayo, naalala ko ang isa sa unang patalastas sa telebisyon ni Noynoy. Dito, sabi niya, “Lalabanan natin ang sino mang manggugulo sa ating kapayapaan at katahimikan.” Sa pagsisikap niyang maging boses ng mga “panggitnang uri” sa bansa, gusto niyang ipahiwatig na magiging pursigido siya sa paglaban sa mga “terorista” na malamang ay kasama ang Kaliwa. Magandang may magtanong sa kanya nang direkta: ipapapatay mo rin ba kami katulad ni Gloria? 18 Abril 2010